Capítulo Veinte punto uno (20.1)

1580 Words
Nakarating na rin kami sa market, kung saan na mayroong nagbebenta ng preskong mga isda, mga tuyo, mga bagoong, mga karne, o 'yung tinatawag nilang wet market. "Ang lansa naman dito, Stella," reklamo ni Natalia at napa-irap na lang ako sabay hatak ko sa kan'ya papunta sa kabilang side ng market, 'yung dry market kung saan itinitinda 'yung mga gulay, prutas, at bigas. Dinala ko siya sa suki kong tindahan kung saan ako bumibili ng bigas na mais. "Hi po!" Bati ko sa tindira. "Oh, Hija, ubos na ba ang bigas mo? Kakabili mo pa noong nakaraang araw, ah," takang saad nung tindira sa akin. "Ay hindi po ako, itong kaibigan ko, bibili raw siya ng bigas na mais," tugon ko naman at napatingin ang tindira sa kasama ko. "Asan 'yung bigas na mais na tinutukoy mo?" Takang tanong ni Natalia sa akin. "Iyan 'yung bigas na mais," tugon ko sabay turo sa lagayan ng bigas na mais. Ang bigas na mais ay purong puti at subrang pino na parang buhangin sa baybayin. "Yan ang bigas na mais? Akala ko 'yung literal na mais talaga," hindi makapaniwalang saad niya. "Mais nga 'yan na giniling ng pinong-pino," tugon ko at napatango-tango siya sabay hawak sa bigas. "Ang pino niya, parang buhangin!" Natutuwang saad ng kaibigan ko at napatawa na lang ako. "Isang sako nga po nito, ate," nakangiting saad ni Natalia sa tindira sabay turo niya sa bigas na hinahawakan niya. Agad naman napanganga at nanlaki ang mga mata ng tindira dahil sa sinabi ng kasama ko. "Seryoso?" Hindi makapaniwalang saad ng tindira. "Oo po, magkano ba ang isang sako?" "2,300 pesos po, Ma'am," tugon ng tindira. "Oh em gee! So mas mura pa ang mais kaysa sa palay? Sige, ate, dalawang sako na lang agad para makatipid ako," nakangiting saad ni Natalia sa tindira. "Sige po, Ma'am, magpapatulong po ako," paalam ng tindira at saka ay iniwan kami rito ng kaibigan ko. "So, araw-arawin mo 'yung mais? Iba ka talaga, Natalia! Daig mo pa ako," natatawang saad ko. Tinulungan kami nung lalaki na kasama ng tindira at pinasok niya ang dalawang sako ng bigas sa backseat ng kotse ni Natalia. "Ito po bayad, ate," nakangiting saad ni Natalia sabay lahad sa limang libong pera. "Bibigyan ko na lang po kayo ng discount na 600 pesos, Ma'am, kasi tinambakan mo kami agad ng dalawang sakong bigas," natutuwang tugon ng tindira kaya kinuha ni Natalia ang isang libo at ang apat na libo na lang ang ibinigay niya. "See? Sabi ko, 'di ba? Bibigyan ka talaga ng discount," proud na saad ko. |༺☬༻| Kinabukasan. Nagtungo ako sa elevator kasi bababa ako papuntang Marketing Department para manghingi ng data tungkol sa pilot testing ng product na i-launch namin ngayong sabado. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko na parang nahihibang at pilit na kumakawala sa dibdib ko nang makita ko ang lalaking nakatayo roon sa loob at nakasandal sa pader, naka-cross arm, at masama ang tingin sa akin. Agad akong tumalikod bago pa mahagip ng mga mata ko ang nakakahipnotismong mga mata niya para hindi ituloy ang balak kong pumasok sa elevator dahil nandoon sa loob si Sir Wild. Hahakbang na sana ako nang biglang may humawak sa kwelyo ko sa likuran. "Where are you going, Ms. Levesque?" Parang kulog na boses ni Sir Wild ang narinig ko na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan at nagpanginig ng husto sa mga tuhod ko. "B-Babalik po sa opisina," kinakabahang tugon ko nang bigla akong hilahin ng lalaki papasok kaya muntikan akong matumba pero sinalo naman niya ang likod ko gamit ang matigas at matipuno niyang dibdib at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko nang makapasok na ako ng tuluyan. "Saang floor ka, Ms. Levesque?" Malamig na tanong ni Sir at parang kulog ang boses niya sa tainga ko. Para akong mababaliw nang maamoy ko na naman ang panlalaking pabango niya na tumutusok sa dalawang butas ng aking ilong. "63rd floor po, S-Sir, pupunta akong Marketing Department," kinakabahang saad ko at napakagat sa magkabilang gilid ng ilalim ng pisngi ko at pinindot ni Sir ang ika-63rd floor ng building at saka ay sumarado na ang pinto ng elevator. Napalunok ako ng ilang beses nang maramdaman ko ang malapad niyang palad na mahinang pinipisil ang magkabilang balikat ko. "Iniiwasan mo ba ako, Blondie?" Pabulong na saad ni Sir sa tainga ko at parang tumindig ang balahibo ko sa balat at nanghihina ang tuhod ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya na humahalik sa tainga ko. "You're ignoring me since yesterday, at na-disappoint ang buong pagkatao ko dahil ngayon lang ako nakaranas na iniiwasan ako," patuloy niya pa at nahigit na naman ang paghinga ko sa malalim niyang boses at nagpupumiglas ako mula sa hawak niya sa akin. "P-P'wedeng bitawan niyo muna ako sandali, Sir? Malapit na po tayo sa floor na pupuntahan ko," pagsusuyo ko at mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa balikat ko sabay kalas nito mula sa kamay niya. Agad bumukas ang pinto ng elevator at dali-dali akong lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na rin akong makalabas sa elevator. "Nakaka-inis talaga 'yung lalaking 'yun, nakarami na 'yun sa akin!" Naiinis na saad ko sa hangin at nakasimangot ang mukha ko habang nagmartsa papunta sa Marketing Department. Pasalamat siya at hindi ko siya kaya, kasi kung kaya ko pa siya, matagal ko na siyang ni-wrestling. |༺☬༻| Kinabukasan. Umaga pa lang ay nag-ayos na kami sa gaganaping event mamayang alas-7 ng gabi. Babad na babad kami sa work ngayong araw kasi ginawa kaming substitute ng ibang empleyado na nag-aayos sa venue para sa event mamayang gabi, dahil mga sekretarya kami ng mga matataas na opisyal sa kompanya ay kailangan naming mag-follow up sa mga ibang investors at mga dadalo sa event mamaya. Kailangan din naming bilisan ang trabaho namin dahil dapat mag-out na kami bandang alas 6 ng gabi para makapag-handa kami sa sarili namin mamaya. Lakad dito, lakad doon, tawag dito, tawag doon, 'yan lang ang buhay ko ngayong araw at halos hindi kami tinitigilan ng tawag at paglalakad, minsan nga ay sabay-sabay na naming ginagawa ang mga bagay-bagay. Bago mag alas 6 ay natapos na rin kami sa trabaho namin. Humikab ako ng kay laki-laki at nag-inat sa katawan. Pagkatapos ay nag-ayos na kami sa mga gamit namin at lumabas na ng opisina. Mabilis din kaming umuwi ni Natalia, at susunduin niya ako sa apartment mamaya. Ako na lang din ang mag-ayos sa sarili ko dahil ayaw ko rin na abalahin ang kaibigan ko. Kasalukuyan ako ngayong nagtatali sa buhok ko at tinali ko ito ng high ponytail. Hindi ko na masyadong nilagyan ng make-up ang mukha ko dahil hindi na rin naman daw kailangan sabi nila, well, totoo rin naman, ayaw ko kasi na ako ang magiging spotlight mamaya sa event kagaya sa nangyari noong nakaraang buwan. Sapat na sa akin ang simple. Tiningnan ko ang kabuuan ko sa body size na salamin at detalyado kong pinagmasdan ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Ang suot ko naman ay kulay red na trumpet dress at hapit na hapit ito sa katawan ko kaya klarong-klaro ang mala-hour glass na katawan ko. Pinaresan ko rin ito ng close-pointed na 4 inches na heels na kulay pula. Pinaresan ko rin ito ng minimalistic na kulay silver na kwentas at may pendant itong letter S. Maliban sa kwentas ay nagsuot din ako ng kulay silver na hikaw na may pendant na bituin. Bigla na lang may kumatok sa pinto ng apartment ko kaya natuon agad ang atensyon ko roon mula sa salamin sa harap ko. Baka si Natalia na 'yun! "Madam? Tapos kana?" Boses ni Natalia ang narinig ko mula sa labas ng unit. "Oo! Papunta na!" Tugon ko sa kan'ya at mabilis na isinukbit sa balikat ko ang maliit na shoulder bag ko sabay pasok sa phone ko at saka ay binuksan ang pinto ng apartment nang makarating na ako sa pintuan. Pinagmasdan agad ako ni Natalia mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng itim na V-neck dress na kitang-kita ang mapuputing balat niya at niluluwa nito ang maputi niyang dibdib at cleavage at pinaresan niya ito ng silver na kwentas at may rosas na pendant nito. Pinaresan niya rin ng nude color na high-heels ang suot niyang damit. Naka-angat sa ibabaw ng ulo niya ang naka-bun na kulay brown niyang buhok at mayroon pa itong dekorasyon na nakayakap sa nakapulupot niyang buhok. May nagkukumpulang hibla naman ng buhok niya na nakabagsak sa magkabilang gilid ng mukha niya kasama ang suot niyang mahabang hikaw na ka-terno din ng pendant ng kwentas niya at kumikinang ito kapag nahahagip ng ilaw. "Wow! Just wow! You are gorgeous!" Puri niya agad sa akin nang tingnan na niya ako sa mata. "Crush na crush na talaga kita, Stella! Ang ganda mo!" "Kadiri ka! Baliw! Hindi ako papatol sa babae, 'no! Never on my dead body," sabat ko agad at inirapan ko siya. "Hindi kasi 'yan 'yung tinutukoy ko, bruha ka, crush kita kasi gusto kong maging kasing ganda mo, ang OA naman ng babaeng 'to, tara na nga, malapit na mag-7," depensa naman niya at hinatak na ako. Nakarating na kami sa venue. Hindi pa naman nagsisimula ang event. Ang theme ng event na 'to ay grandeur luxurious, 'yung modernized na theme, basta parang gano'n, ang hirap kasi i-describe. Basta ang masasabi ko lang ay subrang gara, subrang luho, at subrang elegante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD