"Iyan ang tanong na subrang hirap sagutin," saad naman ni Lorean kaya napabuntong-hininga na lang si Thaddeus.
"Actually, it doesn't matter kung sino ang mafia boss ng 'Ndrangheta, kakasabi nga lang ni Krypton kanina na nakulong ang boss nila, the important is kasama natin ang 'Ndrangheta," saad naman ni Ace kaya tumango naman ang lahat sa sinabi niya.
"You know, sometimes, it is surprising, may bago tayong kalaban at may bago naman tayong kakampi," saad naman ni Emmanuel at napatango naman si Kingstone.
"Yeah, the Nebuchadnezzar, our enemy, and the 'Ndrangheta, our ally," sang-ayon naman ni Kingstone.
|༺☬༻|
Stella's POV
Kung wala mang masamang mangyayari ngayong gabi lalo na't April 10 ngayon, maniniwala akong si Wild at Hurricane ay iisa, pero kung mayroon mang masamang mangyayari ngayong alas siyete ng gabi dahil may pinatay na naman si Hurricane, ipaglalaban ko talaga si Wild na hindi siya si Hurricane dahil ang totoong Hurricane ay nasa labas pa at patuloy pang pumapatay ng tao.
"Kung si Sir Wild si Hurricane, then tahimik ang gabi ngayon kasi nakakulong siya, pero kung may mamamatay, then hindi talaga si Sir Wild si Hurricane," saad naman ni Natalia kaya napalingon ako sa kan'ya.
"Pareho tayo ng iniisip, Nat!" Natutuwang saad ko. "Then, kung may mamamatay man ngayon, ipaglalaban ko si Wild!"
Tapos na rin naman kami ni Natalia sa trabaho namin at nag-aabang na lang kami kung kailan mag-alas siyete para alamin kung may tutunog ba. Limang minuto na lang bago mag 7 at titig na titig talaga kami sa wall clock dito sa opisina para mag-abang.
"Kinakabahan ako, Nat," saad ko sa kaibigan ko at napahawak ako sa kamay niya.
"Nanlalamig kana nga, eh," tugon naman niya habang hinihimas ang likod ng palad ko gamit ang isa niya pang kamay.
"Kinakabahan ako na baka wala tayong maririnig na kanta," saad ko at napapisil na lang ng mahina sa kamay niya.
"Dati, natatakot tayo kung maririnig na natin ang Danse Macabre, tapos ngayon, dinadalangin natin na sana ay maririnig na natin," natatawang saad naman ni Natalia.
"Eh, kaysa naman na papaniwalaan natin na iisa talaga si Wild at Hurricane, ayaw ko naman ng ganoon," depensa ko naman habang titig na titig ang mga mata sa orasan.
Ilang sandali ang nakalipas.
"5... 4... 3... 2... 1..." Sabay na saad namin ni Natalia at napapikit ako at dinamdam ang tahimik na paligid. Dumaan ang ilang segundo at wala pa akong naririnig na kanta at sigawan ng mga tao.
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at tumingin agad sa orasan. Kalahating minuto na ang lumipas at walang kanta. Nilingon ko si Natalia na ngayon ay nakatingin din sa orasan. Unti-unti kong nararamdaman ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa nagbabadyang pag-iyak ko.
"N-Nat..." Naiiyak na tawag ko sa kaibigan ko kaya agad niya akong nilingon. Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinahagod ang likod ko ng marahan.
"Nat... Si Wild..." Hikbi ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon at patuloy lang na hinahagod ng kaibigan ko ang aking likod, ilang sandali ay napatigil siya sa paghagod sa likuran ko.
"Stella... Naririnig mo ba ang naririnig ko ngayon?" Bulong niya sa akin kaya nagkalasan kami sa yakapan namin ng kaibigan ko at napalibot ang tingin ko sa paligid dahil may naririnig akong mahinang tunog na parang galing sa malayo at unti-unti itong lumalakas at lumalapit sa amin.
"Ang Danse Macabre," saad ni Natalia at parang nabuhayan ang loob ko nang marinig ko na ang kanta, ang Danse Macabre!
"I-Ibig sabihin... Si Wild at Hurricane ay magkaibang tao!" Sabay na saad namin ni Natalia sa isa't-isa.
Narinig na namin ang mumunting sigawan ng mga tao mula sa kabilang floor, wala sa floor na ito ang p*****n. Agad-agad kaming lumabas ni Natalia sa opisina at sumunod kami sa mga taong nandito sa floor namin kung saan sila patungo.
"Akala ko ba magiging tahimik na?" Tanong ng isang empleyadong babae sa kaibigan niya.
"Akala ko nga, eh, 'di ba nahuli na si Sir Wild, pero—"
"Magkaibang tao si Hurricane at Sir Wild," sabat ko sa usapan ng dalawang babae. "Kung si Hurricane at si Sir Wild ay iisa, e 'di sana magiging tahimik na ang lahat, pero bakit nagkakagulo pa rin ngayon?"
"Stella, tama na 'yan, h'wag ka nang makipag-away," pigil ni Natalia sa akin sabay hawak sa balikat ko para ilayo ako sa dalawang babae.
"Eh, kasi itong dalawang 'to, nang-aakusa ng tao kahit hindi naman totoo," depensa ko at galit na tiningnan ang dalawang babae na ngayon ay masama rin ang tingin sa akin.
"Tara na, Stella, ano ba?!" Naiinis na saad ni Natalia at hinawakan ang palapulsuhan ko at saka ay hinatak na ako palayo sa dalawa.
Nakarating na kami sa kasunod na floor sa baba kung saan nandoon nagkakagulo ang mga tao. Paglabas namin sa elevator ay bumungad agad sa harapan namin ang mga nagkukumpulang mga tao sa hallway. Isiniksik namin ang sarili namin sa mga tao hanggang sa makarating na kami sa harapan nila at bumungad sa harapan namin ang nakahubo't hubad na lalaki at tadtad ng bala ang buong mukha.
"Sino 'yan?" Kunot-noong tanong ko dahil hindi ko mamukhaan ang lalaki dahil sa subrang daming balang nakabaon sa pagmumukha niya.
Pinagmasdan ko ang katawan ng lalaki at mayroong nakabaong rosas sa dibdib niya at mayroong nakadikit na maliit na papel sa mga petals ng bulaklak. Kinuha ko ang bulaklak na may naka-ukit na 7,715 at saka ay kinuha ang nakadikit na papel dito at tiningnan ang nakasulat na mga numero.
"22? Ano namang mayroon sa numerong ito?" Kunot-noong tanong ko sabay pakita ko kay Natalia.
"Teka, i-type ko muna," saad ni Natalia at saka ay kinuha ang phone niya at nagtipa rito.
"So ang mga nakolektang mga numero ay 18, 26, 14, 8, 7, at ngayon ay 22," basa niya sa mga numerong nasa notes ng phone niya.
"So, may anim na tayong nakolekta, pero ang tanong, saan ba talaga natin gagamitin ang mga numerong ito?" Tanong ko at hindi sumagot si Natalia dahil alam kong hindi niya rin talaga alam ano ang isasagot niya.
Napansin ko ang pagdistansya ng mga tao at umalis sila sa gitna ng hallway nang maglakad papunta sa pwesto namin si Sir Gideon. Nagmamadali siyang lumapit sa amin at nang makalapit na siya ay ang una niyang kinuha ay ang papel na dala ko.
"22," mahinang saad niya. "Nat, 'yung mga numbers, ilan na ang na-take down notes mo?"
"Anim na po, Sir, 18, 26, 14, 8, 7, at 22, 'yan pa lang po lahat," tugon ni Natalia sa boss niya.
"Sige, paki-keep muna niyan lahat, at baka may maisip na akong solusyon kung saan natin magagamit ang mga numerong 'yan," habilin ni Sir Gideon.
"Copy, Sir," tugon agad ni Natalia sabay tango.
"Sige na, umuwi na muna kayo, ako na muna ang bahala rito," saad ni Sir Gideon at saka ay tumango na ako at umalis na kami ni Natalia.
"Nat, puntahan natin si Wild para ipaalam natin na may namatay sa Cyrene, at sabihan ko rin si Chief Reduxé kung nandoon man siya ngayon o kung sino mang pulis ang nandoon sa prisinto tungkol sa ganap sa Cyrene, para palayain na nila si Wild," saad ko kay Natalia nang makapasok na kami sa kotse.
"Sure kang sasabihin mo sa mga pulis? Baka malaman ni Ma'am V?" Kunot-noong paalala ni Natalia sa akin.
"Nat, alam na ng mga pulis ang tungkol sa patayang naganap sa Cyrene, kaya nga hinuli si Wild," pagkaklaro ko at napatango naman siya.
"Ay, oo nga pala, tara tara," agad-agarang tugon niya at saka ay mabilis na pina-andar ang kotse niya at umalis na rin kami agad.
Ilang minutong byahe ay nakarating na rin kami sa City Jail ng QC. Agad kong hinanap ang in-charge na pulis doon at ang una kong nakita ay si Ms. Archer.
"Ms. Levesque, ano po ang ginagawa ninyo rito sa prisinto?" Bungad na tanong ni Ms. Archer.
"Ma'am, si Wild po, please, gusto ko siya kausapin kahit sandali lang, may ibabalita lang ako sa kan'yang importante," tugon ko sa babae at napabuntong-hininga siya.
"Sandali lang, ha?" Kondisyon niya sa akin at saka ay sunod-sunod akong tumango. Dinala niya ako sa rehas kung saan nandoon si Wild at naka-upo siya sa sahig habang nakasandal sa pader. Gulong-gulo ang kan'yang buhok at nakapatong ang kan'yang isang braso sa isang tuhod niya na nakabaluktot. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko siya sa loob.
"Wild," mahinang tawag ko sa kan'ya at agad siyang napa-angat ng tingin sabay lingon sa direksyon ko.
"Stella, baby," tawag niya sa akin at dali-daling tumayo at saka ay lumapit sa rehas at lumapit din ako sa kan'ya.
"Wild," naiiyak na saad ko sa kan'ya at hinawakan ang dalawang kamay niya na nakahawak sa rehas.
"Shh, Stella, don't cry, please," pagpapakalma niya sa akin at inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko at saka ay inilabas ito mula sa rehas at inabot ang pisngi ko sabay pahid ng mga luha kong nagsisimulang tumulo gamit ang hinlalaki niya.
Naramdaman ko ang mainit niyang palad at ang amoy nito na ilang araw ko ng namiss. Nangungulila ako sa hawak niya, nangungulila ako sa presensya niya.
"Shh, what are you doing here, baby?" Malumanay na tanong niya pero humahagod pa rin sa boses niya ang lalim nito.
"A-Ayos ka lang ba rito, Wild? Nakakain ka ba ng maayos?" Tanong ko sa kan'ya at tipid lang siyang ngumiti sabay tango ng dalawang beses.
"Answer me, what are you doing here with Natalia?" Tanong niya pa ulit.
"Wild, nandoon si Hurricane sa Cyrene, may pinatay siya roong lalaki, gusto kong sabihin sa mga pulis na wala kang kasalanan, na hindi ikaw si Hurricane, dahil ang totoong Hurricane ay pumapatay pa rin ng tao ngayong araw," naiiyak na balita ko sa kan'ya.
"Hurricane... Hindi pa rin talaga siya tumitigil, pinakulong na niya ako rito pero hindi pa rin siya tumitigil sa sakit niya," matigas na saad ni Wild at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. "Don't worry, Stella, ni-request ako ni Gideon at Victoria sa isang press conference dahil maraming mga tao ang gustong magtanong sa akin, at sasabihin ko sa kanila ang lahat, okay? See you tomorrow, hm?"
Napatango naman ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang magaang paghipo niya sa aking ulo. "Come here," saad niya at saka ay inilapit ko ang mukha ko sa rehas at naramdaman ko ang mainit na halik na dumapo sa aking noo.