|༺☬༻|
General POV
Nagkukwentuhan lang sila Ace, Kingstone, Travis, at iba pa nilang kasamahan sa living room. Ang iba sa kanila ay umiinom ng alak at ang iba naman ay naninigarilyo.
"Sir Kingstone!" Hingal na hingal na tawag ni Apple kay Kingstone, si Apple ang assistant o right hand ni Thaddeus. Napalingon naman ang lahat kay Apple na ngayon ay nakatayo sa bungad ng living room at may dala-dalang cellphone.
"Si Clyde, ang Assistant niyo po," paninimula ni Apple at napatingin siya sa mga tao sa loob ng living room.
"Ano? Diretsuhin mo!" Inis na saad ni Kingstone sa babae.
"Pasensya na po, tumawag si Vincent sa akin na pinatay si Clyde kanina sa loob ng Cyrene, bandang alas siyete nagkagulo sa loob ng Cyrene nang makita nila si Clyde na tadtad ng bala ang mukha, kagagawan daw ito ni Hurricane," balita ni Apple kaya napahilamos sa mukha si Kingstone dahil sa narinig niya.
"Clyde... Clyde... Clyde Devin!" Galit na saad ni Kingstone at napasuntok na lang siya sa lamesa na pinapalibutan nila ngayon.
"I thought..." Saad ni Lorean at napalingon naman sa kaniya ang mga kasamahan niya sa biglaang pagsalita niya.
"What, Lorean? Ano na naman ang alam mo na hindi namin alam?" Kunot-noong tanong ni Ace sa babae.
"Tumawag si Vincent sa akin noong Lunes tungkol sa naganap sa Cyrene that day, I forgot to tell you about it, at ngayon lang pumasok sa isip ko," paninimula ni Lorean at nag-aabang naman ang kan'yang mga kasamahan sa susunod niyang sasabihin.
"Why? What happened?" Tanong ni Matthew at napalunok na lang si Lorean para magsimula ulit na magsalita.
"According to my assistant, Vincent, Hurricane was in jail, nadakip siya ng mga pulis noong April 8," balita ni Lorean kaya nagkatinginan ang mga kasamahan niya sa isa't-isa.
"Hurricane? Nakilala na ng lahat si Hurricane? At nadakip siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shane at tumango si Lorean.
"Hurricane is the mafia boss of Nebuchadnezzar, remember?" Saad naman ni Thaddeus at tumango naman ang lahat sa kan'ya.
"Yeah... Then who's Hurricane?" Saad naman ni Yoshida at napatingin siya sa kaibigan niyang si Lorean.
"Hurricane is none other than Wild Fuero," tugon ni Lorean kaya napasuntok na lang ulit si Kingstone sa lamesa kaya natuon ang atensyon ng lahat sa kan'ya.
"Siya si Hurricane?! Si Wild?! Oh, God! I can't believe it! Buong akala natin na si Hurricane ay si Victoria, pero si Fuero pala!" Galit na saad ni Kingstone at tumango naman si Lorean.
"Saang prisinto siya ngayon at papatayin ko ang taong 'yan?!" Galit na saad ni Kingstone at napatayo siya.
"Nasa Quezon City Police Station siya pansamantalang nakakulong ngayon, Kingstone, mananatili muna siya roon ng isa hanggang dalawang linggo bago siya ilipat sa kulungan kung saan siya nararapat," saad ni Lorean at aalis na sana si Kingstone nang pigilan siya ni Ace.
"Teka, teka, maupo ka muna kasi may itatanong pa ako," pigil ni Ace at hinatak ulit si Kingstone paupo sa sofa.
"Kung nakulong na si Wild, then bakit may namatay pa ring tauhan natin sa Cyrene? And it is odd, lahat ng binibigay na balita sa atin dito simula noong January 1 ay puro pagkamatay ng mga pinapadala nating espiya sa Cyrene, lahat ng pinatay ni Hurricane ay puro mga tauhan natin, it is somewhat odd kasi papaanong nalalaman ni Hurricane kung sino ang mga empleyado ng Cyrene at mga espiya? Pinadala na natin ang mga espiyang iyun noong hindi pa namatay ang former CEO ng Cyrene, at wala pa tayong naririnig na Hurricane sa mga panahong iyun," kunot-noong tanong ni Ace kay Lorean kaya napabuntong-hininga na lang ang babae.
"I don't know kung papaano nalaman ni Hurricane ang mga espiyang pinapadala natin, and perhaps, 'yung pumatay kay Clyde kanina ay isa sa mga tauhan ni Hurricane since Wild is in jail," tugon naman ni Lorean kaya napatango naman si Ace sa sagot na natanggap niya.
"Pero gusto ko pa ring patayin si Wild, gusto kong tadtarin ng bala ang pagmumukha niya kagaya ng kung paano niya pinatay si Clyde!" Asik ni Kingstone kaya tinapik ni Ace ang balikat niya.
"Calm down, Kings, h'wag muna tayong padalos-dalos ng desisyon ngayon, maraming mga mata si Hurricane, kagaya ng kung gaano kalaki ang mata ng isang bagyo, maraming nagmamasid sa mga galaw natin, and maybe, may mga espiya rin si Hurricane dito sa loob, hindi lang natin kilala kung sino-sino sila," pigil ni Ace kaya napatingin ang lahat sa sinabi niya.
"How come magkakaroon ng espiya rito? Wala naman tayong newbies, ah, lahat naman ng mga nandito ay matagal ng nagsisilbi sa atin simula pa noong hindi pa natin kilala ang isa't-isa," depensa naman ni Eunice.
"I'm just stating the possibilities, Eunice, kaya kailangan nating mag-ingat simula ngayon, ngayong natiktikan tayo ng hayop na Hurricane na 'yun," tugon naman ni Ace kaya napabuga na lang ng malalim na hininga si Eunice.
"Let me do the job, ako ang bahala sa pag-alam kung sino ang espiya ni Hurricane dito sa loob," boluntaryong saad ni Matthew.
|༺☬༻|
Stella's POV
Kasalukuyan ako ngayong nasa Press Conference. Nasa pinakaharap si Wild at mayroong mga media na nagtatanong sa kan'ya ng kung ano-ano.
"Wild Fuero, bakit niyo po ginagawa ang pagpatay sa mga inosenteng mga empleyado ng Cyrene?" Tanong ng isang reporter kaya napatingin ako kay Wild na ngayon ay kanina pa hindi sumasagot.
"Wild Fuero, answer us, totoo bang ikaw si Hurricane?" Tanong naman ng isa pang reporter.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako si Hurricane! At wala akong alam sa mga pinagsasabi ninyo, I'm not the one who killed those people, instead ako mismo ang nag-aayos sa lahat ng kalat na ginagawa ni Hurricane dito sa loob ng kompanya!" Galit na sagot ni Wild kaya natahimik ang mga reporter kakatanong.
"Dahil kung ako pa si Hurricane, bakit kailangan ko pang i-deny ang lahat lalo na't alam na ng maraming tao ngayon?! Niloloko ko lang ang sarili ko kung gano'n!" Asik niya pa.
"Hurricane, kung sino ka mang hayop at demonyo ka, kung nandito ka man sa press conference na ito o nanonood ka riyan sa kung saang lungga ka nagtatago, h'wag kang magkakamaling magpakita sa akin at papasabugin ko 'yang bungo mo. Dahil sa 'yo, ako 'yung naagrabyado rito, ako 'yung naipit, at nasisi sa mga kagagawan mo!" Pagbabanta ni Wild habang matigas ang tingin niya sa mga camera na dala-dala ng mga reporters.
Ang sarap sanang mag-cheer sa baby loves ko ngayon kaso baka masira ang momentum niya. Napatingin na lang ako sa reporters na ngayon ay natahimik at walang masabi, ang dami kasing tanong tapos wala namang kabuluhan lahat.
|༺☬༻|
Natahimik na rin ang mga empleyado kakatanong tungkol kay Wild matapos ang press conference kaninang umaga. Nasa apartment na rin ako at nakatunganga habang nag-isip-isip ng mga bagay-bagay.
Nasa bedside table lang ako ngayon at naka-upo ako sa maliit na upuan habang nakatingin sa pader. Biglang pumasok sa isip ko ang mga numerong nakolekta namin mula kay Hurricane, subukan ko kayang hanapan ng solusyon.
Binuksan ko ang drawer ng bedside table at kinuha ang papel na sinulatan ko ng mga numero at saka ay kumuha naman ako ng notebook at ballpen at saka ay tinitigan ko ng maigi ang mga numero.
"Ano kayang p'wedeng gawin ko sa inyo, isunod-sunod ko ba? Pero hindi, eh, feel ko may purpose talaga kaya hindi sunod-sunod ang mga numero like from smallest to greatest o greatest to smallest, pero subukan kong i-decode baka may makita akong clue rito," saad ko sa sarili ko at saka ay sinulat sa notebook ang mga numero.
"26..."
"22..."
"8... 7..."
"Ah! I give up! Ang hirap naman nito! Mahina ako sa math!" Reklamo ko at napatingin naman ako sa mga numerong pinaglalagay ko sa papel. Random na ang paglalagay ko sa mga numero pero nahihirapan ako kung aanhin ko ba 'to.
Kung isunod-sunod ko naman mula sa maliit papuntang pinakamalaki, wala naman akong napapansin, kung babaliktarin ko naman ay wala rin akong napapansin, kung isunod-sunod ko naman according sa kung ano ang unang numerong natanggap namin hanggang sa kasalukuyang natanggap namin, wala naman akong napapansing mali, tapos in-add ko, hindi ko naman alam ano ang susunod kong gawin, ginamit ko na ang lahat ng operations kagaya ng Multiplication, Division, Addition, tapos Subtraction, hindi ko naman alam ano ang gagawin ko kasi minsan naging negative naman ang mga sagot.
Napahikab na lang ako kakatitig sa mga numerong pinagsusulat ko at napatingin ako sa digital clock na nakapatong sa bedside table, alas dose na pala ng gabi, ilang oras ko na palang iginugol ang sarili ko kakahanap ng sagot mula sa mga numerong pinagsusulat ko. Inaantok na ako, kailangan kong bumawi sa pagtulog at baka ikamatay ko pa 'to, papakasalan ko pa si Wild.
|༺☬༻|
Isang linggo na simula noong nakulong si Wild. Hindi na ako nakadalaw sa police station dahil pinagbabawalan ang dalaw, isang beses lang daw sa isang linggo. Kaya subrang namimiss ko na talaga si Wild. Subrang pangungulila na talaga itong nararamdaman ko ngayon.
Kasalukuyan ako ngayong nagtitipa sa laptop ko, malapit na rin mag-lunch at kailangan ko munang matapos ang trabaho ko sa umaga kasi may mga appointment akong dadaluhan mamayang tanghali. Kasama ko ngayon si Natalia at pareho kaming titig na titig sa laptop at seryosong nagtitipa rito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko nagawang lingunin kung sino ang pumasok. Baka si Ava kasi bigla-bigla lang naman 'yun papasok dito tapos aalis lang bigla. Napansin kong may inilapag sa ibabaw ng lamesa kaya napatingin na lang ako sa kung ano man ang nandoon at laking gulat ko na lang nang makita ko ang isang bouquet ng mga pulang rosas, hindi ito black bacarra rose, kung hindi ay mga normal lang na mga pulang rosas.
Napa-angat ang tingin ko sa taong naglapag ng bulaklak at mas nagulat pa ako nang makita ko kung sino siya. Siya lang naman ang lalaking mahal ko, ang lalaking nakulong ng isang linggo na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko at seryosong nakatingin sa akin.
"Wild."