"Sinong may gawa nito?" Nagtatakang tanong ni Emmanuel kay Wild. Dahan-dahang pinihit ni Wild ang katawan niya paharap sa mga kasama niya habang dala-dala ang tangkay ng rosas. Natuon agad ang tingin ni Lorean sa bulaklak.
"Di ba black bacarra rose 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorean kay Wild at tumango naman ang lalaki sa kan'ya.
"Si Hurricane ang may gawa," malamig na tugon ni Wild kaya nagkatinginan ang mga kasamahan ni Ace sa isa't-isa.
"N-Nandito siya?" Pabulong na tanong ni Kingstone kay Ace.
"Malamang, kita mo naman 'yang bulaklak at 'yang espiya ni Matthew," pabulong na tugon ni Ace kay Kingstone.
"S-Sino si Hurricane?" Pa-inosenteng tanong ni Shane kay Wild.
"Ang mesteryosong notorious serial killer ng Cyrene," tugon ni Gideon.
"Ika-sampu ngayon ng Marso, araw ng pagpatay niya, at sinakto niya pa talaga sa event ng launch ng produkto, wala siyang modo," gigil na saad ni Wild sabay tapon niya sa bulaklak sa sahig sabay apak nito ng malakas na ikinasira ng tuluyan ng bulaklak.
"Dalawang beses na itong nangyari na may pinapatay siya habang mayroong maraming tao sa labas ng kompanya, gusto niya bang ipangalandakan sa buong mundo ang kasamaan niya? Gusto niya bang ipahiwatig sa mundo na nag-eexist siya? Gusto niya bang ipagkalat sa mundo kung ano ang ginagawa niya? Gusto niya bang takutin ang lahat?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia at napasapo na lang siya sa mukha niya gamit ang nanlalamig at nanginginig niyang mga kamay.
"Parang ganoon na nga, at aasahan na lang natin na mamayang umaga ay aalingawngaw na sa telebesyon ang krimeng nandito lalo na't may mga media pa naman na nag-aantay sa labas," tugon ni Wild at napa-igting na lang siya sa kan'yang panga at bumuntong-hininga pagkatapos.
"Nakakapagtataka, ayaw ni Ma'am Victoria na mayroong makaka-alam sa nangyayari sa loob ng Cyrene, pero ngayon ay lantaran na sa harap ng maraming tao ang kasamaan ni Hurricane, alam ko namang si Ma'am Victoria talaga ang taong 'yun dahil siya lang palagi ang nawawala at tumatakas kapag nagkakaroon ng ganito, ano ba ang nais mong ipahiwatig, Ms. Villafuentes?" Tanong ni Natalia sa utak niya habang napakagat siya sa ilalim ng pisngi niya at matamang nag-isip.
Ilang saglit pa ay dumating ang mga kapulisan sa dressing room at naabutan nila roon si Wild at ng mga kasama niya. Natuon agad ang atensyon ni Wild sa lalaking kasama ng mga police.
"Mr. Reduxé? Anong ginagawa ninyo rito?" Takang tanong ni Wild sa PNP Chief na si Damon Reduxé.
"Well, I was currently discussing with the city mayor about my rounds here in Quezon City after my rounds sa Rizal last meeting natin, actually Mr. Vallesh is here also para tingnan ang nangyari rito sa event ng Cyrene," tugon agad ni Damon at pumasok ang lalaking ash gray ang buhok na mayroong kulay abong mga mata. Napatingin naman ang lahat sa Mayor ng Quezon City nang pumasok ito sa dressing room.
"Mayor Krypton," masayang bati ni Kingstone sa lalaki sabay lahad niya sa kamay niya sa harapan nito.
"King! Nandito ka pala?" Hindi makapaniwalang saad ni Krypton sa lalaki at tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Kingstone sa harap niya at nagkamay na silang dalawa.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Shane kay Kingstone sabay siko niya sa lalaki.
"Malamang, Senator kaya ako, at ako ang nag-promote kay Mayor sa mga tao na iboto siya, and also business partner ko siya sa dr-ga," bulong na tugon ni Kingstone kay Shane.
"Kaya pala parang close kayong dalawa," bulong na saad ni Shane sabay tango.
"By the way, ano'ng nangyari dito?" Takang tanong ni Krypton sa mga tao sa paligid.
"Mayor, may patayang nangyari sa loob ng dressing room na ito, as what you can see, the victim was there, standing like a mannequin bathed with her own blood," tugon naman ni Travis sabay turo sa bangkay ng babae na nakatayo kaya natuon ang atensyon ni Krypton, Damon, at ng mga kasamahan nilang kakarating lang sa parteng itinuro ni Travis at nakita nila roon ang bangkay ng babae.
"Paano siya nakatayo riyan?" Takang tanong ni Krypton kaya lumapit si Damon sa bangkay ng babae.
"May mahabang metal na tubo na ipinasok sa anūs niya, para siyang tinuhog na parang lechon sa nangyari sa kan'ya kaya nakatayo siya dahil nakasupport sa kan'ya ang metal na tubo na nasa loob ng katawan niya," paliwanag ni Damon habang tinitingnan ang ilalim na parte ng katawan ng bangkay.
"Kulang na lang ay lechonin mo na ang babaeng ito, Your Majesty," bulong na saad ni Damon at saka ay umayos ng tayo at naglakad papalapit sa Mayor.
"Gagawa pa kami ng karagdagang imbestigasyon sa insidenteng ito, Mr. Fuero, isasama na rin namin ang kasong ito sa nangyari sa Rizal lately, hindi pa rin kasi namin natunton ang salarin until now," saad ni Damon at tumango naman si Wild sa sinabi ng PNP Chief sa kan'ya.
"My men will do their job, kailangan na muna talaga naming tapusin ang discussion namin with Mayor Vallesh," paalam ni Damon at tumango ang mga tao sa kaniya.
"Let's go, Mr. Mayor?" Anyaya ni Damon sa lalaki at tumango naman si Krypton at saka ay lumabas na sila sa silid.
|༺☬༻|
Isang oras ang nakalipas. Kasalukuyan ngayong naka-upo si Ace sa sofa habang sumisipsip ng sigarilyo. Nasa harapan naman niya ang mga kasamahan niya habang tahimik lang at ang iba naman ay umiinom ng alak.
"I can't believe it, ang brutal ni Hurricane," iling na saad ni Kingstone sabay sandal sa sofa na inuupuan niya.
"Sinabi mo pa, pinakain nga niya tayo ng tao, so let's guess na lang kung paano niya chinap-chop si Archilles sa kusina," iling na saad ni Thaddeus kay Kingstone.
"That person were testing our limit, hindi natin alam kung ano ba talaga siya, kakampi ba siya ng kabila, kaaway ba siya roon, or kakampi ba natin siya or kaaway ba natin siya, ang gulo niya," naguguluhang saad ni Yoshida sabay hipo sa noo niya habang pikit-pikit ang kan'yang mga mata at malalim na bumuntong-hininga.
"Malamang kaaway natin siya, pinatay nga niya ang espiya ko sa Cyrene, eh, si Lara Averilla," kunot-noong saad naman ni Matthew sa babae at nag-cross arm.
"Paano ba nalalaman ni Hurricane kung sino ang mga espiya natin sa loob? Ang dami nating pinapadala roon pero na-identify niya kung sino ang papatayin niya, kung sino ang espiya sa hindi espiya," hindi makapaniwalang saad ni Eunice.
"May duda rin ako kay Wild Fuero na baka siya rin si Hurricane, pero hindi ko alam kung bakit ako nagdududa sa kan'ya," sabat naman ni Emmanuel.
"Malaki pa rin ang duda ko kay Victoria na siya si Hurricane, 'di ba ang pinapadala nating mga espiya roon ay para magmatyag sa kan'ya? So, baka nalalaman ni Victoria na may espiyang pinagmamatyagan siya sa loob ng kompanya, kaya pinapatay niya ito para hindi siya pagmatyagan," suhestyon naman ni Kingstone kaya napalingon sa kan'ya ang mga kasamahan niya at palipat-lipat naman ang tingin niya sa kanilang lahat.
"If alam niyang may mga espiya sa loob, siguro alam niyang kanino galing ang mga espiyang iyun, at alam ko na alam niya na sa atin 'yun galing, at nakikipagplastikan lang siya sa atin kanina sa event niya," saad naman ni Lorean at nabaling naman ang atensyon ng mga kasamahan niya mula kay Kingstone at nagkatinginan sila sa isa't-isa pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni Lorean.
"Kailangan nating mag-ingat mula sa kan'ya," suhestyon naman ni Matthew at uminom ng alak at napa-igting ang panga niya habang matalim na nakatingin sa kawalan.
"Bakit tayo ang mag-ingat sa kan'ya? Dapat siya ang mag-ingat sa atin, we're mafias here, and she's just a piece of trash, we're mafias at kinakatakutan tayo ng mga tao," proud na saad naman ni Thaddeus at napatawa ng mahina.
"Yeah, you're right," sang-ayon ni Ace at napatango-tango habang nakatingin kay Thaddeus.
"I have a plan para kalabanin natin ng pailalim si Victoria," sabat ni Travis kaya napatingin sa kan'ya ang mga kasamahan niya.
"What is it?" Sabay na tanong ng lahat sa kan'ya at umismid naman ang lalaki sa kanila.
|༺☬༻|
Samantala naman. Sabay-sabay na nagdatingan ang dalawang lalaki at sabay-sabay naman silang yumuko sa taong nakababad sa bathtub nang makarating na sila sa harapan niya.
"Your Majesty," sabay na saad ng dalawa kay Hurricane na nakababad ang katawan sa kulay pulang tubig o dugo ng mga taong pinapatay niya.
"Thank you for your hard work, Bloodstone, and especially to my beloved Goldstone, Mayor Krypton Vallesh," nakangising saad ni Hurricane sa dalawang lalaki na si Goldstone at Bloodstone na nakatayo sa harapan niya.