"You're welcome, Your Majesty," sabay na saad ng dalawa at saka yumuko ulit sa harapan ni Hurricane. Agad tumayo si Hurricane mula sa bathtub na walang saplot kahit isa at napatingin naman ang dalawang lalaki sa katawan niya, mula ulo hanggang paa.
"Consigliere, my robe," tawag ni Hurricane kay Heidi habang matamang nakatingin sa dalawang lalaking pinagmamasdan siya.
Dahan-dahan namang tumalikod si Hurricane sa dalawang lalaki at umalis sa bathtub at nakita ng dalawa ang makinis at maputing likod ni Hurricane na mayroong malaking tattoo ng isang nakakatakot na mukha sa buong likod niya. Tumutulo ang dugo mula sa buhok ni Hurricane papunta sa gitna ng likod niya pababa sa kan'yang pwetan. Agad naman lumapit si Heidi kay Hurricane at saka ay isinuot ni Heidi ang robe sa kan'ya.
"Maganda ba ang tattoo ko sa likod?" Tanong ni Hurricane sa dalawang lalaki sabay pihit sa ulo niya ng kaunti at naka-side view lang siya mula sa dalawang lalaki na nakatayo sa likuran niya.
"Yes, Your Majesty, the tattoo suits your name very well," nakangiting tugon ni Goldstone sa kan'ya at humarap naman ulit si Hurricane sa dalawa.
"Good, this tattoo represent my name," nakangiting saad ni Hurricane at naglakad sabay kuha sa glass wine niya na may lamang red wine at saka ay naglakad papunta sa living room ng Sheol at umupo roon sa sofa. Sumunod naman ang mga tauhan niya sa kan'ya at umupo sila sa harap ni Hurricane.
"So, I would like to upload my video in every social media platform in this world. Hellions, Heavens," tawag ni Hurricane sa dalawang lalaki at tumayo naman sila agad mula sa inuupuan nilang sofa.
"Gusto kong i-upload ninyo ang video na finilm ko kanina habang pinapatay si Lara Averilla, gusto kong kahit anong shut down nila sa video ay hindi nila iyun magagawa. I know your ability in hacking, you two are the world's most greatest hackers, so upload my video and let the whole world know my name—Hurricane, so they can't mess up with me, especially my enemies," nakangising utos ni Hurricane sa dalawang lalaki.
"Copy, Your Majesty," sabay na tugon ng dalawa sa kan'ya.
"Your Majesty, how about Stella Levesque? Tatlong beses kana niyang nakita," sabat naman ni Muzyka at napatingin si Hurricane sa lalaki.
"Her? You mean, you want me to kill this trash?" Saad ni Hurricane at tinaasan niya ng isang kilay si Muzyka sabay inom sa alak niya at tumango naman ang lalaki sa sagot niya.
"Not this time, magagamit ko pa siya, I need her right now, saka ko na siya patatahimikin kung magsasalita siya tungkol sa akin, at hindi pa naman niya nakita ang mukha ko, tanging maskara ko pa lang naman, and I already warn her lately not to mess up with me. If she did, I'll make her hush to her grave," nakangising saad ni Hurricane kay Muzyka.
"You need her this time, and I know you can't kill her hanggang may umaaligid pang magtatanggol sa kan'ya," saad naman ni Sapphire kaya natuon ang tingin ni Hurricane sa lalaki.
"She's a human, hindi siya halimaw na katulad ng mga kalaban, inosente lang siya, and you're a human, too," sabat naman ni Sphene kaya kunot-noong napatingin si Hurricane sa kan'ya.
"Are you degrading me, Mister? I'm not a human, I'm a d-mon, ano pa ba ang silbi ng pangalan ko kung hindi ako d-monyo? She's just a mere human, a trash that I can throw anytime and anywhere, and I can kill her right now. You want me to go to her apartment and cut her head for you? I can do it," saad naman ni Hurricane at uminom ulit sa wine at tatayo na sana si Hurricane nang pigilan siya agad ni Heidi.
"Y-Your Majesty, wala naman po siyang kasalanan, h-hindi naman po siya espiya ng mga kalaban mo," pigil ni Heidi kay Hurricane sabay hawak sa balikat niya. Agad naman napatingin si Hurricane sa kamay ni Heidi na nakahawak sa balikat niya kaya agad kinuha ni Heidi ang kamay niya at saka ay umatras ng kaunti.
"Pasensya na," nakayukong saad ni Heidi.
"Get out now, mag-eenjoy muna ako sa plano ng mga kalaban ko para pabagsakin ang Cyrene, ang galing naman ng plano nila. Travis Hudson is intelligent, but he can't beat my brain. Heavens, Hellions, do your job right now, excited na akong makita ng buong mundo si Hurricane," nakangiting saad ni Hurricane at tumango naman ang lahat sa sinabi niya at sabay-sabay silang nag-alisan sa living room habang naiwan si Hurricane doon na naka-ismid habang sumisimsim ng alak.
"Consigliere," tawag ni Hurricane sa babae kaya napahinto si Heidi na susunod na sana sa mga kasamahan niya.
"Yes, Your Majesty?" Tugon agad ni Heidi.
"Give me some updates about my nine companies, masyadong busy kasi ang mga Presidente ko sa kanilang role sa bansa bilang Secretary ng Department of Justice, PNP Chief, Senate President, at pagiging Mayor ng mga siyudad sa NCR," habilin ni Hurricane sa Consigliere niya at tumango naman ang babae sa sinabi niya.
"Makakarating agad, Your Majesty," tugon ni Heidi sabay yuko at saka ay umayos ng tayo at umalis na at tinuluyan ng iniwan si Hurricane sa loob ng living room.
"Pitiful enemies," nakangising saad ni Hurricane sabay kuha sa isang picture ng lalaki na na nakapatong sa maliit na lamesa sa harapan niya at tiningnan niya ito. "You are next in line, Mister, you'll meet my gun on your head as my lovely greetings!"
|༺☬༻|
Samantala.
"Cheers everyone!" Nakangising saad ni Travis sabay taas sa baso niyang may lamang red wine. “This plan will go smoothly, at alam kong sa susunod na araw ay ima-market na natin ang gamot na ito."
"You are really good in medical field, Travis, so what will happen if the people will drink this medicine you invented?" Naka-ismid na tanong ni Shane sabay simsim sa alak na nasa baso niya.
"So, I like to demonstrate the results after these people take this medicine," paninimula ni Travis at sumimsim na muna ng alak. “So, after taking this medicine, they'll eventually see the results, or the good side effect ng gamot, according to what Victoria said in her speech on her event. Second, doon na mangyayari ang negative side effects ng gamot 24 hours after seeing the positive side effects of the medicine. That negative side effects of the medicine can make the people's skin turn into red rashes at may butlig-butlig at nagtutubig pa ito sa ilalim, and suddenly, it will burst at lalabas ang dugo sa mga sugat nila. The other side effect is magkakaroon sila ng addiction sa gamot, and if they do the drug test they'll find out that there's a content of sh-bu and addictive illegal drugs in this medicine. But the most satisfying side effect of this medicine is the time that this medicine slowly kills them, the only symptom or a sign that this medicine slowly killing them is vomiting blood, and blood loss is the reason for their death."
"Wow! Just, wow! Hindi ko alam na magiging gan'yan pala ang resulta ng gamot, I'm eagerly to witness the result with my bare eyes!" Kingstone exclaimed.
"You really want to see the results? Well, may in-experimentuhan na rin akong tao kahapon, at siya ang unang uminom sa prototype na gamot na ginawa ko," nakangising saad ni Travis at uminom ulit sa alak niya sabay tingin kay Kingstone.
"Please, bring her here," tawag ni Travis sa assistant niyang si Kennethly.
"Yes, Sir," tugon ng babae sa kan'ya at saka ay umalis agad sa silid kung saan nandoon ang mga kasamahan ni Travis.