Capítulo Veintiuno punto uno (21.1)

1692 Words
"Oh, yes, that one! Masarap 'yan!" Magiliw na tugon ni Ace. Ngumiti naman sa kan'ya si Victoria at ipinagpatuloy ang pagkain. "Ikamusta mo ako sa Boss mo, Mr. Takashiro," nakangiting saad ni Victoria kay Emmanuel. "Of course, Ms. Villafuentes, makakarating sa boss ko," nakangising tugon ni Emmanuel sabay tango. "Confirm na ba? Siya na ba talaga si Hurricane?" Bulong ni Matthew kay Ace. "Kailangan ko pang alamin ng husto ang hinala natin, h'wag kang mag-alala, ako ang bahala sa babaeng ito," bulong pabalik ni Ace habang nakatingin kay Victoria at sumimsim siya ng alak. Tumingin pabalik si Victoria sa kan'ya at nginitian lang niya ang babae sabay angat sa basong ininuman niya ng alak. |༺☬༻| Stella's POV Nagpatuloy ang event at pinagpatuloy ni Ma'am Victoria ang discussion niya tungkol sa product. Tapos na rin kaming kumain at medyo inaantok na rin ako, alas dyes na kasi ng gabi at hanggang alas dose ng hating gabi kasi matatapos ang event. Gising na gising pa ang mga tao rito sa loob at matamang nakikinig kay Ma'am Victoria habang ako nito ay parang babagsak na mula sa inuupuan ko dahil inaantok na talaga ako. Mga alas dyes kasi ng gabi ay natutulog na ako, depende na lang kung mayroong mga ganap ang gabi ko. Uminom ako ng tubig para mahimasmasan ang antok na kumakain sa buong sistema ko. Napa-iling ako sa ulo ko para lang mawaksi ang antok ko. "Ayos ka lang?" Takang tanong sa akin ni Natalia. "Inaantok na ako, eh," kamot-ulong tugon ko at pilit na binubuksan ang bumabagsak kong talukap. Medyo lumalabo na ang mga mata ko dahil sa matinding antok. "Gusto mong matulog muna sandali?" Anyaya niya sa akin. "P'wede?" Inaantok na saad ko at pilit na nililinawan ang tingin ko sa kan'ya. "Oo naman, samahan na kita?" Boluntaryo niya at saka ay tumango ako. Inalalayan niya ako patayo at saka ay umalis kami sa table namin. Pagewang-gewang naman ako sa paglalakad at mabuti na lang ay naka-alalay si Natalia sa akin at nararamdaman ko ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso. Nagtungo kami sa isang hallway at para akong isang lasing kung maglakad. "Dito lang tayo para makatulog ka ng maayos," turo ni Natalia sa isang silid dito sa hallway at saka ay binuksan niya ito. Para lang itong hotel sa loob, may kama at closet. Dinala niya ako sa loob at dahan-dahan niya akong inihiga sa malambot na kama. Para akong nakahinga nang maluwag nang lumapat na ang mattress sa aking likod. Naramdaman ko rin ang pagtalukbong ni Natalia ng kumot sa katawan ko. "H'wag mo ko iwan, Nat," inaantok na saad ko sabay hawak ko sa braso niya at unti-unti ay sinasara na ng talukap ko ang aking paningin. "Oo, oo, 'di kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo," huling tugon niya bago ako tuluyang kinain ng kadiliman at naramdaman ko ang mahihina at magagaang paghipo niya sa ulo ko na mas lalong nagpagaan ng aking pakiramdam. |༺☬༻| Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa isang malakas na sigaw mula sa labas ng room na tinutulugan ko, kasabay nito ang pagtugtog ng pamilyar na tugtugin na palagi kong naririnig bandang alas-7 ng gabi sa Cyrene kapag may pinapatay si Hurricane. Napansin ko rin si Natalia na nakahiga sa gilid ng higaan habang nakahawak sa braso ko. "Nat, Nat, gising," alog ko sa kan'ya at nagising naman siya bigla. "Bakit? Uuwi na ba?" Inaantok na saad niya habang nagbukas-sara ng bahagya ang kan'yang mga mata at nag-aadjust sa liwanag sa paligid. "May sumisigaw sa labas, tingnan mo dali," saad ko sa kan'ya kaya agad na tumayo si Natalia mula sa pagkaka-upo niya sa sahig at nagtungo sa pintuan ng room at binuksan ang pinto. Nakikita ko mula sa loob ang takbuhan ng mga tao sa hallway kaya dali-dali agad akong tumayo mula sa higaan at lumapit sa kaibigan ko na nasa labas at may kausap na tao. "Sige, sige, lumabas na agad kayo, sabihan niyo ang iba na magsilikas na, okay?" Habilin ni Natalia sa babaeng kausap niya at agad-agad namang tumakbo iyun papunta sa event hall. "Anong nangyayari?" Takang tanong ko sa kaibigan ko at patuloy pa ring hinihila ang katawan ko mula sa antok. "Si Hurricane, nandito siya," natatarantang tugon ni Natalia kaya parang nabuhay ang diwa ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano? Pero 'di ba..." Agad akong napatingin sa relo ko at alas dose na pala ng hating gabi, ibig sabihin ay ika-10 na ngayon ng Marso, at araw ngayon ng pagpatay ni Hurricane. "Saan daw ang pinatay?" Natatakot na saad ko sabay baling ulit ng tingin ko kay Natalia. "Nasa dressing room daw, pupunta ka ba?" Tanong niya sa akin at agad akong umiling. "Ayaw ko, baka hindi ko kakayanin kung ano ang nangyari sa biktima niya," natatakot na saad ko at narinig kong mayroong nagtatakbuhan papunta sa amin kaya sabay kaming napatingin ni Natalia sa hallway at nakita namin si Sir Wild, Sir Gideon, at ang ibang mayayamang tao. "Sir Wild, pupunta kayo sa dressing room?" Awat agad ni Natalia kay Sir nang makalapit na sila sa pwesto namin. "Oo, kailangan," agad-agarang tugon ni Sir Wild at rinig na rinig sa boses niya ang pagmamadali. "Si Ma'am Victoria po?" Takang tanong ng kaibigan ko kaya napatingin si Sir Wild sa mga kasamahan niya kaya napabaling din ako sa kanila at kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagkalito at takot na bumabalot sa kanilang mukha. "Nasaan si Victoria?" Takang tanong ni Sir Wild sa mga kasama nila nang hindi niya makita si Ma'am Victoria habang palipat-lipat ang tingin ni Sir Wild sa mga kasama niya. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin namin ang kanta dahil ang running time ng kantang Danse Macabre ay nasa around 7 minutes kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito natatapos. Everytime na naririnig ko ang kantang ito, tumitindig ang balahibo ko at para akong hinahabol ng kung anumang halimaw habang tumatakbo. "Nakasunod lang siya sa atin kanina, akala ko nga kasama pa natin ngayon," tugon ng babaeng sopistikada na mayroong mahabang buhok na kulay itim at napatingin din kami sa kan'ya. "H'wag na natin siyang intindihin at baka ay tumakbo na 'yun noong nagkagulo na," saad naman ni Sir Gideon. "Tara na." Tumakbo na silang lahat at tatakbo na sana si Natalia para sumunod sa kanila nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Nat, iiwan mo ako rito? Please, h'wag mo ako iwan, natatakot ako baka makita ko si Hurricane dito," naiiyak na saad ko sa kan'ya at bumuntong hininga siya sabay hawak sa kamay ko at magaan itong hinipo at ngumiti siya ng tipid sa akin. "Manatili ka lang dito sa loob, h'wag kang umalis dito, matulog ka lang ulit, kailangan ko silang sundan doon, maliwanag ba?" Habilin niya sa akin habang patuloy na hinihipo ang nanginginig kong kamay. "Nat, h'wag mo ko iwan," umiiyak na saad ko at bahagya niya lang akong tinulak papasok sa silid. "Dito ka lang, safe ka rito, wala si Hurricane dito, okay? Babalikan kita kapag maayos na ang lahat, babalikan kita," huling saad niya bago sinarado ang pinto at iniwan ako sa loob. "Nat! Nat! H'wag mo ko iwan, please!" Umiiyak na saad ko habang pilit na binubuksan ang pinto pero hindi ito mabuksan. Patuloy ako sa pagkatok sa loob pero parang walang nakakarinig sa akin mula sa labas. Niyayakap na naman ako ng matinding takot habang patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta. Nagtungo ako sa higaan at saka ay humiga lang ulit. Umiiyak ako habang yakap-yakap ang kumot ko. Nilalamig ako at ramdam na ramdam ng buong katawan ko ang panginginig at 'yung puso ko ay subrang lakas ang pagkabaog, natatakot ako lalo na ngayong nag-iisa lang ako rito. "Nat... Bumalik ka rito," natatakot na saad ko habang patuloy ang paghikbi ko at naka-angat lang ang tingin ko sa madilim na kisame ng silid. Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin na pumasok sa silid kaya napatingin ako sa balkonahe at nahagip ng mga mata ko ang isang itim na pigura na nakatayo sa madilim na balkonahe sa labas. Malayo ang ilaw mula sa kinatatayuan niya at nakatalikod siya mula sa liwanag na nasa labas. Tiningnan ko nang maigi ang nakayukong pigura at unti-unti ay umangat ang tingin niya at napasigaw na lang ako sa takot nang mamukhaan ko na ang taong nakatayo roon na nakasuot ng nakakatakot na puting full-faced masquerade at nakatalukbong ng itim na hood ang ulo niya at may dala siyang mahabang espada na subrang daming dugo, parang katana ang dala niya habang ang isang kamay naman niya ay may dalang bulaklak at may tumutulo pang dugo mula sa petals nito at parang nakatingin pa siya sa akin. Agad akong nagtalukbong sa kumot habang umiiyak. "Please, h'wag mo akong patayin!" Umiiyak na sigaw ko at dahan-dahan ko ulit binaba ang kumot para tingnan si Hurricane at nakita ko siyang nakatayo sa rehas ng balcony at saka ay tumalon papunta sa baba. "Tumalon siya?" Hindi makapaniwalang saad ko at dali-dali akong lumabas papunta sa balcony at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa dilim na bahagi at lumilipad pa ang mahaba niyang kapa sa likuran niya. Agad akong napatakip sa tainga ko sabay sigaw nang biglang may putok ng baril ang narinig ko mula sa pwesto na pinuntahan ni Hurricane at kasabay nu'n ay ang pagbasag ng glass door na nasa likuran ko. Mas lalong nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot dahil sa malakas na alingaw-ngaw ng baril at pagbasag ng glass door sa likuran ko. Binaril niya ako, pero hindi niya ako tinamaan, sinadya niya ba 'yun para takutin ako? |༺☬༻| General POV Samantala naman. Kakapasok lang ni Wild, Gideon, Natalia, Ace at ng mga kasamahan niya sa dressing room. Agad napatakip ng bibig si Lorean at napasinghap naman ang iba nang makita nila ang babaeng nakatayo kasama ang mga mannequin, nakahubad ito at naliligo sa sariling dugo niya. Agad lumapit si Wild sa nakatayong babae na walang buhay at saka ay hinugot ang black bacarra rose na nakabaon sa dibdib niya. "Lara..." Pabulong na saad ni Natalia habang nakatakip sa bibig niya ang dalawang nanginginig niyang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD