Capítulo Cinco punto uno (5.1)

2192 Words
Agad akong napagising dahil sa sakit ng ulo ko. Parang piniga ito ng Hydraulic press dahil sa sakit. Dahan-dahan akong bumangon habang hinihilot ang sentido ko para pagaanin ang nararamdaman kong sakit sa ulo pero wala, mas lalo lang itong sumakit nang iginalaw ko ito, masyadong masakit lang talaga. Napansin ko ang kakaiba sa paligid ko, ang amoy, ang presensya, at ang pakiramdam ko, kahit masakit ang ulo ko ay pilit ko pa ring inilibot ang paningin ko sa paligid kung nasaan ba ako ngayon. Puting pader, puting kisame, puting kama, lahat puti ang nakikita ko, kaninong bahay ba ito? Hindi ganito kaputi ang apartment ko, so ibig sabihin ay wala ako sa bahay ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya itinuon ko ang atensyon ko sa kung sino man ang bumukas ng pinto. Napalaki na lang ang mga mata ko nang makita ko si Sir Wild na naka-ayos na ang sarili, nakasuot na siya ng coat at long sleeve na kulay white sa loob at red na necktie. Malinis ang pagkakasuklay sa brown niyang buhok at nakasimangot ang mukha niya. Napahigit na lang ang hininga ko nang masalubong ko ang bughaw niyang mga mata na matalim na nakatingin sa akin, madilim ito at parang tinutusok na niya ang kaluluwa ko. Alam kong normal na sa kan'ya ang gan'yang tingin pero kapag talaga titingnan ko siya sa mata ay tumatayo ang mga balahibo ko sa balat, at nanlalamig din ang batok ko na naging dahilan para manginig ang kalamnan ko. Kumunot ang noo niya nang pasuyo akong ngumiti sa kan'ya. Bumuntong-hininga siya at napamulsa at lumakad papunta sa akin. "Alam mo ba anong oras na ngayon, Stella?" Galit na saad niya kaya napaigtad ang balikat ko at napayuko dahil sa malalim niyang boses. Nakakatakot kasi, eh! "Sorry, Sir, niyaya kasi ako ni Natalia kagabi na uminom, hindi ko napigilan ang sarili ko," pagrarason ko. "Tsk, alam mo naman siguro sa sarili mo na low ang alcohol tolerance mo pero bakit uminom ka pa? You know how disgusting you are last night?" Asik niya sa akin at nanatili pa rin akong nakayuko at napakagat sa ibabang labi ko. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero hindi ko na maalala. "Hindi ko po alam," napa-iling na saad ko habang nakayuko. "Tu es dégoûtant! (You are gross!)" Saad niya at napa-angat ang tingin ko sa kan'ya dahil sa sinabi niyang alien language na hindi ko maintindihan pero napayuko na lang ako kalaunan nang magsalubong na naman ang mga mata naming dalawa na palaging nagpapanginig sa akin ng husto at naging dahilan para maging abnormal na naman ang t***k ng puso ko na parang gustong kumuwala sa dibdib ko. "Ano po ibig sabihin nu'n, Sir?" Takang tanong ko at tumingin sa kan'ya ulit. Nahigit na naman ang hininga ko at kumabog na ng subra-subra ang puso ko at agad na naman akong napayuko nang magkasulubong na naman ulit ang mga mata naming dalawa. Mas mabuting hindi ko na lang siya titignan kasi baka ikamatay ko pa. Pero hindi ko kasi maiwasan na maakit ang tingin ko papunta sa mata niya, just to admire it's mysteriousness and deep blue oceanic beauty. Para kasi akong nilulunod sa masarap na pantasya kapag tinitingnan ko ang dalawang pares na bughaw na iyun, gusto kong malunod dito at gusto kong sisirin pa ito ng husto at ayaw ko ng umahon pa. "That's French, h'wag mo na alamin. Now, Blondie, fix yourself dahil late na tayo sa trabaho. Sa susunod h'wag kang uminom kung may work ka kinabukasan, nagkakaintindihan ba tayo?" Habilin niya sa akin sa mariing boses niya. "Yes po, pero masakit pa rin ulo ko, eh," saad ko at hinimas ang ulo ko. "Gumawa ka ng sarili mong kape, ako ang boss mo rito, h'wag mo akong utusan na ipagtimpla pa kita ng kape pagkatapos mo akong sukaan ng limang beses kagabi," galit na saad niya at nagmartsa na siya palabas ng silid at padabog niyang sinarado ang pinto. Napakurap-kurap na lang ako sa narinig ko at agad uminit ang buong mukha ko dahil sa hiya na bumabalot sa buong katawan ko. Agad napasapo sa magkabilang pisngi ko ang dalawang malalamig kong palad at parang napaso ang palad ko nang maramdaman ang nakakalapnos na init nito. Patay! Ang tanga-tanga mo rin talaga Stella! Napabuntong-hininga na lang ako pero nanatili pa rin ang hiyang kumakain sa buong sistema ko. Kasalanan ko naman, eh! Bakit ba kasi ako uminom kagabi kung may trabaho pa rin ako ngayong araw. Kaya ayan, galit na si Sir sa akin. Napababa ang mga palad ko at binaklas ang kumot na nakatabon sa buong katawan ko kaya napagtanto ko 'yung suot kong damit ay iba na, suot ko ang isang white t-shirt at pajama pants. Narinig kong may kumatok sa pinto kaya nabalik ako sa ulirat at agad akong napatingin sa pinto dahil kanina pa talaga ako nakayuko dahil ayaw kong tignan si Sir Wild. Naka-ilang buntong-hininga pa ang ginawa ko bago tumikhim kasi kanina pa ako tahimik simula nung umalis si Sir at binuksan ang bibig ko pagkatapos para magsalita na. "Pasok," saad ko sa kung sino man ang kumatok. Agad-agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang ginang na may dalang isang tasa ng kape at nakangiti pa ito sa akin. "Good morning po, Ma'am, ito po kape para sa inyo," nakangiting saad niya at iniabot niya sa akin ang isang tasa ng kape na ikipinagtataka ko at napatingin pa ako rito, akala ko ba ako ang magtitimpla kasi sinukaan ko siya? "Si Sir Wild po ang nagtimpla niyan para sa 'yo," nakangiting saad pa niya na mas lalo pang ikinagulat ko kaya nabaling ang tingin ko mula sa kape papunta sa ginang na may naka-ukit pang ngiti sa kan'yang labi na parang abot tainga na ito. "Ha? Akala ko ba ayaw niya akong ipagtimpla ng kape kasi limang beses ko siyang sinukaan kagabi?" Sabi ko sa kung ano man ang nasa isip ko. "Oo nga po, eh, pagpasok na pagpasok ni Sir dito kagabi sa bahay niya ay buhat-buhat ka niya na parang bride tapos naliligo na siya sa suka niyo po kagabi, kaya galit na galit din siya kagabi habang inutusan ako na bihisan kita ng damit mo pantulog," paliwanag niya. Agad naman akong nandiri sa sarili ko dahil sa sinabi ng ginang sa akin, mas lalong namula ang pisngi ko at mas lalo ko pang naramdaman ang hiya habang ini-imagine ko ang postura ni Sir kagabi, agad akong napa-ipit sa ilong ko dahil parang na-feel ko rin ang kung anuman ang nararamdaman ni Sir kagabi, kadiri! |༺☬༻| Ilang minuto ang nakalipas. Kasalukuyan kami ngayon ni Sir Wild na nandito sa loob ng kotse niya, siya ang naka-upo sa driver's seat habang ako ay nandito sa tabi niya. Tahimik lang siyang nagda-drive at matalim ang tingin niyang ipinupukol sa daan, kanina pa kami binabalutan ng katahimikan dito simula pa kanina sa bahay ni Sir. Nawala na lang ang kanina pang tahimik nang bigla na lang tumunog ang phone ko dahil may nag-text sa akin. Si Manang! 'Yung landlady ng apartment ko! "Stella! 'Yung bayad mo sa apartment! Nasaan na? Ang kapal naman ng mukha mong hindi umuwi rito kagabi!" Iyan ang message niya sa akin, rinig na rinig sa utak ko ang matilis at nakakasawang sigaw niya kahit binabasa ko lang sa utak ko ang message niya. Hindi ko alam ano ang ititipa ko sa keyboard dahil sa dalawang rason, unang-una hindi ko alam ano ang sasabihin ko at pangalawa ay wala akong load. Napakagat na lang ako sa hinlalaki ko habang paulit-ulit na binabasa ang message ni Manang sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang kotseng sinasakyan namin at ang lalo pang nagpagulat sa akin ay hinablot ni Sir Wild ang cellphone ko at kunot-noo niyang tiningnan ang screen nito. "What robot is this? Samsong Galaxy S5? Poor," napa-iling na saad niya at binuksan ang cover ng phone sa likod at tinapon ang battery nito sa highway at kinuha ang sim card ng cellphone ko at saka ay itinapon ang katawan ng cellphone ko sa highway na ikinagulat ko. "Sir, bakit mo itinapon ang phone ko, 'yun na lang ang unang cellphone na natanggap ko sa buong buhay ko, eh," naiiyak na saad ko. "I don't care! Hindi ko itotolerate ang gan'yang cellphone sa trabaho," malamig na saad niya at saka ay pinaandar ang kotse niya at umalis na kami. Umiiyak ako habang inaalala ang phone ko. First cellphone ko pa naman 'yun! Si Sir pake-alamero! |༺☬༻| Ilang oras ang nakalipas. Tahimik lang akong nagta-trabaho rito sa opisina nang padabog na nilagay ng kung sino mang tao ang isang box sa lamesa ko. Agad akong napatingin sa box at brand new na iFone 15 Pro Max ang box na 'yun. Agad akong napayahat ng tingin at bughaw na mga mata ang una kong nakita, madilim ang mukha at nakakunot ang noo niya. "Sir," saad ko sa kan'ya. "This is your new phone, alagaan mo 'yan dahil magagamit mo 'yan sa work mo," malamig na tugon niya at saka ay umalis agad. Napakurap-kurap naman ako ng ilang beses habang nakanganga dahil sa biglaang pangyayari at tinuon ko ulit ang tingin ko sa box ng cellphone. Ang mahal ng phone na 'to! Binuksan ko ang box at kinuha ang cellphone doon. Natutuwa naman ako dahil may bago na akong phone! Agad-agad akong nagtungo sa contacts ko at nandoon pa rin ang number ko at ang mga numbers ng mga kakilala ko. Ang nadagdag lang doon ay ang isang pangalan na Handsome Wildfire. Number ni Sir Wild! "Naks naman, new phone, oh, nakaka-sana all ka naman madam!" Puri ni Natalia sa akin. "Picture tayo dali!" "Ikaw na lang, hindi pa kasi ako masyadong marunong sa cellphone, eh," saad ko at ibinigay ko sa kan'ya ang cellphone ko, tinanggap naman niya ito at napakunot ang noo niya bigla dahil sa kung ano man ang nakita niya sa cellphone ko. "Bakit? May mali ba?" Nagtatakang tanong ko. Agad niyang iniharap ang cellphone ko at nakita ko ang isang picture ni Sir Wild doon na matalim ang tingin niya sa litrato at nakasimangot pa ang mukha. May cloud note pa ito sa picture na Don't delete this photo or else I'll fire you. Agad naman napatawa si Natalia dahil sa litrato ni Sir Wild. "Ang laugh trip naman nitong si Sir Wild, daming pauso," iling na saad ni Natalia. "Hayaan mo na siya riyan, mag-picture na lang tayo," nakangiting saad ko at tumango naman si Natalia sa sinabi ko at nag-picture na kaming dalawa sa cellphone ko. |༺☬༻| Pumasok ako sa opisina ni Sir Wild dahil pinatawag niya ako. Naabutan ko siya roon na busy sa trabaho niya at nakasimangot ang mukha habang nagtitipa sa laptop niya. "Sir, pinapatawag niyo po ako?" Agaw ko sa atensyon niya. "Yes, may event tayo mamayang gabing pupuntahan, fix everything especially your schedule today dahil may event ang Cyrene Group mamaya with the investors ng kompanya, ready yourself for the engagement with the investors dahil ikaw ang secretary ko, understood?" Malamig na habilin niya sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin niya sa laptop at tumango lang ako. "Yes po, Sir," tugon ko. "And lastly, be formal on your dress and be professional later, understood?" Huling habilin niya pa sa akin. "Yes po," tugon ko pa. "Now leave," taboy niya sa akin at nanatili pa rin ang mga tingin niya sa laptop. Dumapo ang kalungkutan ko dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Sir simula kaninang pagpasok ko. Yumukod na lang ako sa kan'ya bilang paggalang at tumalikod na at umalis na sa opisina. "Be formal daw mamaya? Wala akong formal dress, eh!" Bulong ko sa sarili ko at napakamot ako sa ulo ko at nag-isip sa kung ano ang isusuot ko mamayang gabi. Nakarating ako sa opisina namin kakaisip sa kung ano man ang isusuot ko at napa-upo ako sa swivel chair. "Oh? Nakain mo, Stella? Bakit gan'yan mukha mo?" Takang tanong ni Natalia sa akin. Agad akong napatingin sa kan'ya at napalabas ang ibaba kong labi at ngumuso sabay hawak ako sa kamay niya. "Sinabihan ka bang may event mamaya?" Tanong ko sa kan'ya habang nakanguso at tumango siya. "Oo, mamayang gabi mga 6 PM, bakit?" Tanong niya at bumuntong-hininga na lang ako. "Wala akong susuotin na formal dress, eh, kita mo nga palagi kong suot dito sa work ay pantalon at blouse lang. Buti na lang talaga at walang dress code dito sa trabaho," kamot-ulong saad ko at nalukot ang mukha ko habang nakatingin sa kan'ya. "No worries, ako bahala sa 'yo mamaya before 6 PM," nakangiting saad niya sabay hawak ng mahigpit sa kabilang kamay ko just to assure me na tutulungan niya talaga ako at kinindatan niya pa ako. "Talaga?" Hindi makapaniwalang saad ko kaya nawala ang kaninang lungkot na nararamdaman ko, pagdadalawang-isip, at pag-aalinlangan at nakangiti pa siyang tumango sa akin. "Oo naman, kaibigan kita, eh, kaya kailangan kitang tulungan," nakangiting tugon niya kaya tumayo ako mula sa pagka-upo ko sa swivel chair at magalak akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya habang naka-upo siya sa upuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD