Capítulo Cinco punto dos (5.2)

1734 Words
"Thank you talaga, Nat, the best ka talaga!" Natutuwang saad ko habang yakap-yakap ko siya. "Oo, oo, awat na, sinasakal mo na ako sa leeg," nahihirapang saad niya habang tinatapik ang braso kong nakayakap sa kan'ya kaya dali-dali akong humiwalay mula sa yakapan naming dalawa. "Sorry, na-excite lang ako," paumanhin ko at tumawa lang siya. |༺☬༻| Lumipas pa ang ilang oras at alas 4 na ng hapon. Nag-inat ako sa katawan ko dahil sumasakit ang batok at likod ko dahil sa trabaho ko. "Tapos na trabaho mo?" Tanong ni Natalia sa akin at tumango ako habang humihikab. "Oo," sagot ko habang nakanganga pa rin dahil sa paghikab ko. "Good, tara na? Alas kuwatro na ng hapon, maghahanda pa ako sa sarili ko," anyaya niya sa akin at hindi na ako tumanggi pa. Nagtungo kami sa Cyrene Cosmetics, isa sa mga cosmetics company ng Cyrene. Nakakamangha lang talaga ang Cyrene Company dahil sa subrang daming negosyo nila, may real estate, mall, banko, cruising line, airline, university, hotel, condo units, hospital, gas stations, cosmetics, at marami pang ibang negosyo kaya ang Cyrene Company ang pinakamayamang kompanya sa mundo. Pero sabi ni Natalia na nakakapagtataka pa rin daw kung bakit ika Top 20 lang si Luke Timothy Cyrene sa Forbes na 'yung Cyrene Company naman daw ang pinakamayamang kompanya sa buong mundo, daig pa ang ibang mga naglalakihang kompanya. Ewan ko ba, ayaw ko na isipin 'yun, mas gusto ko na lang isipin ang sarili ko para mamaya. Kinakabahan ako, eh, unang beses ko pa itong pumunta sa mga gan'yang event. Dinala na ako ni Natalia sa mga damit ng Cyrene Cosmetics. Nagpatingin-tingin ako sa paligid dahil lahat ng damit dito ay subrang ganda, ang mamahal, at subrang gara! "Teka, ako pipili ng damit para sa 'yo," boluntaryo ni Natalia at pina-upo niya ako sa upuan habang siya ay nagpalakad-lakad sa buong section para maghanap ng damit para sa akin. Ilang minuto ang nakalipas at hingal na hingal si Natalia na bumalik sa inuupuan ko at pinakita niya sa akin ang isang itim at mahabang damit na mahaba ang hiwa nito sa baba at makikita talaga ang buong hita ko nito. May strap ito sa balikat at makikita ang chest ko nito. Kumislap ang mga mata ko dahil sa ganda ng damit pero nawala lang 'yung tuwa ko nang marealize ko kung ano ang presensya ko mamaya habang suot ko ito. "Ang revealing naman n'yan, Natalia," pagmamaktol ko. "Hayaan mo na, subrang ganda ng damit na 'to at alam kong magugustuhan mo itong evening dress na ito," nakangiting saad niya. "Subukan natin." Agad niya akong hinatak at pinasok niya ako sa dressing room kasama ang damit ko at tiningnan ko ang damit na hawak-hawak ko. Susuotin ko talaga 'to? Nagsimula na akong magbihis at buong ingat ko itong isinuot at baka ay masira. Ilang minuto ay natapos ko na ring suotin ang damit at napatingin ako sa buong katawan ko sa salamin. Kitang-kita ang mapuputi kong dibdib, braso, mahahaba at mapuputi kong hita, pati na rin ang cleavage ko! Takip na takip ko ang dibdib ko gamit ang blouse ko nang lumabas ako sa dressing room at kumunot naman ang noo ni Natalia nang makita niyang tinatakpan ko ang chest ko. "Ibaba mo nga 'yang blouse mo para makita natin kung fit ba ang damit sa 'yo," saad niya kaya ibinaba ko na ang blouse na itinakip ko sa dibdib ko at hiyang-hiya naman ako sa mga kababaihan na nandito at lahat sila ay napatingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Natalia at titig na titig siya sa kabuuan ko. Napasinghap naman ang mga sales lady na nandito habang nakatingin sa akin. "Grabe! Ang ganda! Bagay na bagay sa 'yo ang damit!" Natutuwang saad ni Natalia habang napa-palakpak. "Di ba bagay sa kan'ya?" Natutuwang kumbinsi ni Natalia sa mga babaeng nandito at lahat sila ay nag-thumbs up bilang tugon. "Siguro, Ma'am, sa pupuntahan ninyong event or party, ikaw siguro ang pinaka-stunning at pinakamagandang babae roon," natutuwang puri ng isang sales lady sa akin kaya nag-alinlangan akong ngumiti sa kan'ya kasi nahihiya talaga ako magsuot ng ganito. "Tama, tama, kaya pakabugin mo ang sarili mo sa lahat ng mga lalaki at babae sa pupuntahan ninyong party at alam namin na sa 'yo matutuon ang atensyon ng lahat," sang-ayon naman ng isa pang sales lady at nabaling ang atensyon ko sa kan'ya na ngayon ay manghang-manghang nakatingin sa akin nakaguhit pa ang malalapad niyabg ngiti sa labi. "See? Maganda ka na nga, bagay na bagay pa sa 'yo ang damit na 'yan! I'm sure mas maganda ka pa kaysa kay Ma'am V mamayang gabi," natutuwang saad ni Natalia. "Oh siya sige, hubarin mo na 'yang damit mo at bibilhin ko 'yan para sa 'yo." Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya at napanganga, "Ha? Ikaw magbabayad?" "Oo, alam ko namang wala ka pang sweldo kasi bago ka palang sa trabaho, don't worry, libre ko 'yan sa 'yo," nakangiting saad niya. "Basta i-libre mo lang ako ng pagkain pagdating ng sweldo mo." "Oo naman," nakangiting tugon ko at saka ay pumasok na ako sa loob at nagpalit na ng damit. |༺☬༻| Nandito kami ngayon ni Natalia sa condo niya at dito na lang daw kami magbibihis dahil dadating na rin daw rito maya-maya ang make up artist naming dalawa. Malaki ang condo niya at siya at ang kan'yang nakababatang kapatid lang ang nandito pero dahil daw ay may pasok ito ngayon, kaya wala rito sa bahay nila. Ilang minuto pa ang lumipas at nandito na ang make up artist at sinimulan na nila kaming ayusan ng buhok at mukha. Kasalukuyan ako ngayong nakatingin sa salamin habang mini-make up-an ako ng isang babae. "Alam mo, Ma'am, no need na talaga sa 'yo ang make up dahil subrang ganda mo na talaga, kaya ang gagawin na lang natin ngayon ay mag-enhance at highlights lang ng kaunti sa mukha mo para mas lalo kang gaganda mamaya," puri ng babae sa akin. "Choss, bola," natatawang saad ko. "Maganda ka naman talaga, Stella, sa lahat ng babae sa trabaho natin ikaw ang pinakamaganda roon. Kung si Ma'am V ang pinakamaganda sa work natin noong hindi ka pa dumating, ngayon, ikalawa na lang siya at ikaw na ang nangunguna," puri naman ni Natalia kaya napatingin ako sa kan'ya mula sa repleksyon niya sa salamin. "Speaking of Ma'am V, hindi ko pa siya nakikita simula noong dumating ako sa kompanya," takang saad ko. "Mamaya, makikita mo na siya," nakangiting tugon niya. Curious talaga ako sa mukha nitong Ma'am V na ito, sana naman maka-get along ko siya, matagal na akong sabik na makita siya, eh. Ilang minuto na lang ang nakalipas at malapit na mag 6 PM. Lumabas kami sa Red Porsche ni Natalia na naka-park sa parking area ng event building ng Cyrene Company. Sabay kaming pumasok ni Natalia sa loob at bumungad agad sa amin ang malamig na aircon sa loob, mga tao, mga ilaw na kulay yellow, at classical music. Naglakad kami sa red carpet at tama nga talaga ang sinabi ng sales lady sa akin kanina, lahat ng mga tao rito ay napatigil sa lahat ng ginagawa nila at napatingin silang lahat sa pwesto ko dahil sa akin natuon ang ilaw ng event hall. Ewan ko ba at ako ang ginawang spot light. Nakasunod sa akin ang ilaw habang naglalakad kami ni Natalia sa red carpet. Rinig na rinig ko ang mga click ng camera sa paligid at nakakasilaw na mga flash. "Ang ganda niya, sino siya?" Bulung-bulungan ng karamihan sa gilid ko habang ako ay nahihiya na dahil sa suot kong damit. Nakakahiya na talaga! Pinagtitinginan na talaga ako ng mga tao kaya wala na lang akong magawa kung hindi ang yumuko at iniwas ang tingin sa mga tao. Hindi kasi ako sanay sa ganito at sa mga atensyon ng mga tao lalo na sa mga eksenang ganito. Nakarating na kami sa pinakadulo ng red carpet at dinala ako ni Natalia sa boss ko na busy sa pakikipag-usap sa mga investors. "Sir, ito na po ang partner ninyo," agaw ni Natalia sa atensyon ni Sir Wild mula sa mga investors at pati ang mga investors ay napatigil sa pakikipag-usap sa boss ko nang dumating ako sa tabi ni Sir Wild. Nilingon ako ni Sir Wild at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at pagkamangha nang makita niya ako pero madilim pa rin ang mukha niyang ipinupukol sa akin. Napalunok siya ng laway ng ilang beses at saka ay nagtaas ako ng kaunti sa kamay ko at nahihiya akong kinawayan siya ng bahagya. Ilang minuto ang nakalipas. Nandito pa rin ako sa tabi ni Sir Wild habang siya ay busy sa pakikipag-usap sa mga investors. Naiihi na rin ako at hindi ko mahagilap si Natalia kung nasaan naba siya kasi magpapasama sana ako sa cr dito. Kinalabit ko si Sir Wild at agad naman natuon ang atensyon niya sa akin. "Yes?" Saad niya at tinaasan ako ng isang kilay. "Aalis muna ako sandali, Sir, mag-cr muna ako," pabulong na paalam ko sa kan'ya. "Go ahead, balik ka agad, okay?" Malamig na tugon niya. Tumango ako, "Yes po." Agad na akong umalis sa pwesto namin kung saan kami naka-upo ni Sir Wild at lumapit ako sa isang waiter at tinanong ko siya kung saan ang cr at ang sinabi niya lang ay nasa pinakadulo ng hallway sa kanan. Ilang minuto lang ay tapos na ako sa cr at bumalik na ako sa event. Sa paglalakad ko papunta sa table namin ay bigla na lang akong nabunggo ng kung sino man, hindi ko kasi namalayan dahil gamit ko ang phone ko tinatawagan si Natalia kung nasaan naba siya. "Oh my god!" Tili ng isang babae kaya napatingin ako sa kan'ya. Isang magandang babae, itim ang buhok, hazel brown ang kulay ng mata niya at napasinghap siya dahil natapon sa damit niya ang dala-dala niyang wine. "What in the world are you doing?! You ruin my dress!" Singhal niya sa akin sabay hawak sa braso ko ng mahigpit. Natuon na sa amin ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw ng babae sa akin. "Sorry po, Ma'am, hindi ko po sinasadya, naluluhang saad ko. Magkasing tangkad lang kami ng babaeng ito kaya ang dali niya lang akong hawakan sa braso. "What's happening here, Victoria?" Boses ng isang lalaki ang kumuha sa mainit na tension namin ng babaeng kaharap ko. Victoria? So siya ang CEO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD