Capítulo Treinta y Nueve punto uno (39.1)

1814 Words
Kinagabihan. "Oo, naghahanap pa ako, sasabihin ko lang sa 'yo kong may nahanap ulit ako," saad ni Wild sa kausap niya at saka ay ibinaba ang tawag niya. Naglilibot si Wild sa mga floor ng building at naghahanap kung saan niya hahanapin ang ibang proxy ni Hurricane. Nagtungo siya sa fire exit at nagbabakasakaling makita niya roon ang hinahanap niya. Sa pagbaba niya sa hagdan ay napatigil na lang siya nang may marinig siyang boses ng isang babae. Agad nagtago si Wild sa pader nang makilala na niya ang boses ng babaeng ito. "Please, be careful, hindi niya p'wedeng malaman ang totoo," saad ni Victoria habang may katawag siya sa cellphone niya. Kasalukuyan siyang nasa ibaba ng hagdan na inaapakan ni Wild. "Yes, I will, may mga pinaplano na rin ako. Nag-iingat naman ako sa bawat galaw ko rito sa loob para walang makapansin sa akin, nararamdaman ko kasing may nagmamasid sa akin dito sa loob, either si Gideon or si Wild, basta ang sa akin lang ay mag-ingat ka rin dahil kapag may makahalata sa 'yo, tayong dalawa ang tataob sa problemang tayo lang din ang gumagawa," saad pa ni Victoria at mataman lang na nakikinig si Wild sa sinasabi ng babae. Ibinaba ni Victoria ang cellphone niya at saka ay patuloy siya sa pagbaba sa hagdan. Nagtaka naman si Wild nang pinagmasdan niya si Victoria na bumababa sa hagdan ng fire exit. "Bakit dumaan siya rito?" Takang tanong niya at sinundan niya pa kung saan patungo si Victoria hanggang sa makarating na siya sa pinto bago tuluyang makarating sa parking lot ng Cyrene. Hinayaan ni Wild na lumabas si Victoria at nang sinarado na ang pinto ay siya naman ang pagpatuloy ni Wild sa paglalakad at saka ay lumabas na rin sa pintong 'yun. Naabutan niya si Victoria sa malayo na ngayon ay naglalaro sa lighter niya at nagbibigay ito ng ingay sa buong parking lot. Kinuha ni Victoria ang isang box at naghugot ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan niya ito gamit ang Zippo lighter na nilalaro niya. Nagtago si Wild sa isang malaking poste sa parking lot at pinagmasdan niya lang ang mga galaw ni Victoria. Bigla na lang nag-ring ang phone ni Victoria at agad-agad naman niya itong sinagot. "Frey, napatawag ka, miss mo na ako agad?" Natatawang saad ni Victoria sa phone niya. "Saang bahay ba? Dami mo kasing bahay rito sa NCR," asar niya sa kaibigan niya. "Ah, sige, sige, pupunta na ako riyan, kita na lang tayo, ihanda mo na 'yung favorite French Dish ko, ah," nakangiting saad ni Victoria at saka ay sumupsop sa sigarilyo niya at nagbuga ng usok pagkatapos. "Sige, sige, salamat!" Masiglang paalam ni Victoria sa katawag niya at saka ay ibinaba na niya ang cellphone niya at pinasok sa maliit na shoulder bag niya. Sumupsop pa siya ng ilang beses sa sigarilyo at nagbuga rin siya ng usok ng ilang beses at saka ay inihulog niya ang sigarilyo niya sa sahig sabay apak nito. Kinuha niya ang susi sa kotse niya at pinindot ito at umingay ang kotse niya sabay ilaw nito sa headlight. Pumasok na si Victoria sa loob ng kotse at saka ay pina-andar na ito at umalis. Balak pa sanang sundan ni Wild si Victoria nang may namataan siya sa kabilang side ng parking lot at nakita niya roon ang taong nakasuot ng purong itim at may maskarang puti at papasok na ito sa elevator. Dali-daling tumakbo si Wild papunta sa elevator at agad niyang hinarang ang kamay niya sa pinto ng elevator kaya hindi ito tuluyang nasarado. Agad namataan ni Wild ang maskarang puti na nasa harapan niya ngayon at hindi siya nagdalawang-isip na pumasok agad sa loob ng elevator. "So, ikaw si Hurricane, tama ba?" Simpleng tanong ni Wild sa taong katabi lang niya. Matangkad din ang taong ito pero mas matangkad pa si Wild sa kan'ya ng ilang pulgada lang. "Paano mo nasabi?" Asar na tugon ng taong katabi niya. "Gan'yan kasi ang attire ni Hurricane, puting maskara, may suot na itim at mahabang kapa, tapos may titanium bulletproof sa dibdib, may suot na itim na gloves, tapos bakal ang boots na suot," pag-describe ni Wild sa suot ni Hurricane na katabi lang din niya ngayon. "Mabuti at napapansin mo palagi ang suot ko, Wild? Ang galing!" Natutuwang tugon ni Hurricane kay Wild at napatawa naman ng mahina si Wild sa tinuran ng katabi niya. Bigla na lang napasandal sa pader ng elevator si Hurricane nang bigla siyang sakalin ni Wild gamit ang matipunong braso niya. Hinarang ni Wild ang braso niya sa leeg ni Hurricane at gigil niya itong sinakal. "Tell me, sino ang nag-utos sa inyo nito?" Gigil na saad ni Wild at nanlilisik ang mga mata niyang pinagmasdan ang bughaw na mga mata ni Hurricane. "Pre, kalma, paano ako makakasagot kapag sinasakal mo ako," awat ni Hurricane sabay tapik niya sa braso ni Wild. Gamit ang kabilang kamay ni Wild, itinaas niya ang maskara ng lalaki at ibang mukha na naman ang nakita niya. "Tell me! Sino?!" Galit na sigaw niya at hinigpitan niya ng huling beses ang pagsakal niya sa leeg ng lalaki gamit ang braso niya at saka ay pinakawalan na niya ito. "Anong sino? I'm the one and only Hurricane in this world, ako ang mastermind sa lahat ng 'to, wala ng iba," depensa ng lalaki sa sarili niya. "Alam kong pinaglalaruan niyo lang ako, sabihin mo sino ang nag-utos sa inyo nito?!" Galit na asik ni Wild at saka ay kinalas ang baril niya sabay tutok sa noo ng lalaki. "Anong niyo? Anong sa inyo? Hey, isa lang ang Hurricane dito sa Cyrene, ako lang, ako lang ang nag-iisang Hurricane dito, h'wag kang mandamay ng ibang tao," nakangising tugon ng lalaki kaya mas lalong kumunot ang noo ni Wild sa sinabi ng kausap niya. "Stop fooling me around, marami kayong nagpapanggap na Hurricane, kaya sabihin mo sa akin kung sino ang totoong Hurricane dahil kung hindi, ako ang papatay sa 'yo!" Pagbabanta ni Wild sa lalaki. "I'm not fooling you, Wild, kung sino man 'yang nagpapanggap na ako, mga impostor silang lahat, ako ang original na Hurricane, ako ang totoong Hurricane," paglilinaw ng lalaki at napatawa ng mahina si Wild sabay iling. "I know the real Hurricane is just playing games against me, alam kong pinaglalaruan lang niya ako ngayon, dahil kung ikaw pa ang totoong Hurricane, hindi gan'yan ka-simple ang umamin lalo na't kilala namin kung gaano siya kasama at kung paano magtago si Hurricane mula sa mga tao rito sa loob," baliktad naman ni Wild. "Okay, paniwalaan mo 'yang iniisip mo, basta ang masasabi ko lang ay ako ang totoong Hurricane at wala ng ibang kahit sino," pamimilit ng lalaki. |༺☬༻| "So, ano naman ang pangalan mo ngayon?" Seryosong tanong ni Damon sa lalaking nahuli ni Wild. "Hurricane," tipid na sagot ng lalaki kaya napa-igting naman ng panga si Damon sa sinagot ng lalaki sa kan'ya. "I know you are Hurricane, pero 'yung totoong pangalan mo ano?" Matigas na tugon ni Damon at bumuntong-hininga pagkatapos. "Nicolai Vienneze," tugon ng lalaki at napatango naman si Damon at tumingin kay Wild na ngayon ay seryosong nakatingin sa mukha ni Nicolai. "Maaari mo bang sabihin kung sino ang nag-utos sa inyo na magpanggap bilang Hurricane?" Seryosong tanong ni Damon sa lalaki at ngumisi ang lalaki sa kan'ya. "Magpanggap? Bakit kailangan pang magpanggap kung ako ang totoong Hurricane? Ako lang ang nag-iisang Hurricane at wala ng iba, bakit kailangan pa ng maraming tao para magpanggap na ako?" Kunot-noong saad ni Nicolai pero may ngisi siya sa labi niya. "I'm done with this, mag-usap na lang tayo mamaya, Reduxé, after mong imbestigahan 'yang bagong huli ko," inis na saad ni Wild sabay tayo sa inuupuan niya na kaharap lang din ni Nicolai. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Damon nang paalis na sana si Wild. "Somewhere to ease my mind, masyadong magulo ang isip ko at kailangan ko munang pumunta sa isang tahimik na lugar para makapag-isip," malamig na tugon ni Wild at saka ay umalis na. Naiwan naman si Damon at si Nicolai sa prisinto. Agad napangisi si Damon ng nakakaloka sa lalaking naka-upo sa harapan niya. "Nice acting," mahinang saad ni Damon kay Nicolai at napa-iling naman si Nicolai sabay tawa ng mahina. |༺☬༻| Kasalukuyang nagmamaneho si Wild sa kotse niya at napatigil na lang siya sa isang madilim na lugar at pinatay niya ang makina ng kotse niya at saka ay lumabas siya mula sa sasakyan. Nang makalabas na siya ay napatingin siya sa madilim na gusali na nasa harapan niya at napameywang siya habang pinagmasdan ang isang abandunadong gusali na nasira dahil sa isang malaking sunog. "Famiglia Cyrene..." Mahinang saad niya sa hangin. Flashback. Napahinto ang isang kotse sa hindi kalayuan mula sa isang malaking bahay na kasalukuyang nasusunog. Malalim na ang gabi at subrang liwanag ng paligid dahil sa laki ng sunog na nagaganap sa isang bahay sa Forbes Park Subdivision. Mayroong sampung fire truck ang sabay-sabay na nagreresponde sa sunog at mayroon ding mga rescuer at ambulansya na ngayon ay mabilis na nilalagay ang mga sunog na bangkay ng mga tao at ang iba ay nilalagay na ito sa stretcher. Napabuntong-hininga na lang si Wild nang pinagmasdan niya ang naganap na sunog sa bahay ng pamilyang Cyrene. May hawak-hawak siyang sigarilyo sa pagitan ng index at middle finger niya. Itinaas niya ulit ang kan'yang kamay at saka ay sinupsop ang sigarilyo sa huling pagkakataon bago niya ito itinapon sa kalsada at itinaas niya ulit ang bintana ng kotse niya at umalis na rin siya agad mula sa pangyayari. - "Isang nakakagimbal na trahedya ang naganap sa buong pamilyang Cyrene. Nasunog ang Casa de Cyrene bandang ala una y media ng madaling araw kanina, ika-28 ng Disyembre ngayong taong 2023. Patuloy na ini-imbestigahan ng awtoridad kung saan nanggagaling ang sunog sa bahay ng pamilya. Walang naiwang buhay sa pamilya at kasama na sa pagkamatay ang Founder and CEO ng Cyrene Group of Company na si Luke Timothy Cyrene, 50 taong gulang, at ang Vice President ng Cyrene Group at asawa niyang si Martzia Cyrene, 47 taong gulang. Kasabay ng pagkamatay ng mag-asawa ang tatlo nilang anak, ang panganay nila na si Akio Cyrene, 24 taong gulang, Rafaella Cyrene, 15 taong gulang, at ang pinaka-bunsong anak nila na si Dianna Cyrene, 13 taong gulang. Hindi rin nakatakas sa sunog ang labin-limang kasambahay nila at ang limang body guard ng pamilya at ang tatlong guwardiya sa bahay nila. Magpapatuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng awtoridad tungkol sa pangyayaring ito, magandang araw sa inyong lahat, kababayan!" Saad ng newscaster at bigla na lang pinatay ang TV. Nang mailapag na ang remote ng TV sa lamesa, kinuha ni Wild ang isang baso ng alak at tinunga niya ito at napa-igting na lang siya sa kan'yang panga habang nakamasid sa nakapatay na telebesyon sa harapan niya. End of Flashback.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD