"Kung hindi siguro kayo nawala sa mundong ito, hindi ko siguro matitikman ang yaman ninyong pamilya," natatawang saad ni Wild at napa-iling na lang siya.
"Ang daming naganap simula noong namatay kayo. Ang daming problemang nabuo dahil sa inyo, ang dami ko tuloy iniisip ngayon," saad niya pa.
|༺☬༻|
Kinabukasan.
"Ito ang nakalap ko tungkol kay Nicolai," saad ni Damon kay Wild at saka ay inabot niya ang brown envelope.
Kasalukuyang nasa opisina ni Wild silang dalawa ngayon at naka-upo sila ng magkaharap sa couch ng opisina ni Wild. Binuksan ni Wild ang brown envelope at kinuha ang tatlong papel na nandoon at binasa niya ito.
"Nicolai Vienneze, isang ex-convict sa Russia, nakulong siya dahil sa mass bombing na ginawa niya way-back 2015 sa isang press-conference ng government sa Russia sa taong 'yan, daan-daan ang napatay niya that time. Maliban pa riyan, may kaso rin siyang illegal smuggling ng mga baril at dr-gs sa ilang bansa sa Europe, North at South America, at dito rin sa Asia, nakalaya siya noong 2019 dahil may nag-piyansa sa kan'ya ng 20 Million Euro o higit isang bilyong peso," balita ni Damon kay Wild habang binabasa niya ang mga nakasulat sa papel.
Kunot-noong tiningnan ni Wild ang lalaki. "20 Million Euro? Sino ang nag-piyansa sa kan'ya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wild sa lalaki.
"Hindi kilalang tao," tipid na tugon ni Damon.
"May experience siya sa murder kagaya kay Dave Morana," napatango-tangong saad ni Wild at nag-isip.
"Pero mas malala ang kay Nicolai. Dave murdered his own family at sangkot siya sa Human Tra-ficking for two months," saad naman ni Damon at napatango naman si Wild.
"Heidi has a mental illness, pero walang exact record kung ilan ang napatay niya," saad naman ni Wild.
"Yes, ganoon din ang dalawang lalaki, walang exact record kung ilan na ang napatay nila sa mga araw na ito," saad ni Damon.
"No, may duda ako, if kung isa sa kanila si Hurricane, libo-libo na ang napatay niya," saad ni Wild at napa-isip pa siya ng maigi.
"What do you mean?" Nakataas na kilay na tanong ni Damon.
"Maliban sa papel na pinakita ko sa 'yo noong nakaraang gabi, if you remember that rose from Hurricane's victim, I noticed something new, sa tatlong consecutive victims niya, may tatlong consecutive roses na mayroong mga numero sa ilalim ng pangalan niya, as far as I remember, the numbers from his last victim noong April 1, it is 7,700, at duda ko na ang mga numerong 'yan ay nagkakahulugan kung ilang tao na ang napatay niya," paliwanag ni Wild at mataman namang nakinig si Damon sa kan'ya.
"So you mean... May record si Hurricane kung ilang tao na ang napatay niya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon at napatango naman si Wild.
"Exactly, at duda kong matagal ng pumapatay ng tao si Hurricane, hindi lang siya nagsimulang pumatay three months ago, pero pumapatay na siya ng mga tao ilang taon na ang nakalipas," paliwanag pa ni Wild.
"Unbelievable! How come hindi pa siya nakikilala ng awtoridad? Or bakit ngayon lang 'to? Bakit hindi mo sinabi sa akin ito dati pa?" Kunot-noong tanong ni Damon.
"We're not allowed to speak about the happenings inside CGC. I guess, hawak ni Hurricane sa leeg ang awtoridad at nakokontrol niya ang gobyerno sa bansang ito kasi tahimik ang lahat ng ginagawa niya at libreng-libre siyang pumatay ng tao kahit saan at kahit kailan niya gusto. Nagulat nga rin ako nung mag-upload siya ng viral video sa lahat ng social media sites at napansin kong walang aksyon ang awtoridad sa ginawa niyang 'yun," paliwanag ni Wild at napatingin siya kay Damon. Napalunok naman si Damon dahil sa kakaibang tingin ni Wild sa kan'ya.
"A-Ah, 'yung video na pinatay si Lara Averilla doon sa event ng Cyrene?" Pag-alala ni Damon.
"How come your men are not doing their job about the viral video?" Kunot-noong tanong ni Wild sa lalaki. "You must be the one to generate the action and tell your men to do your commands."
"I'm doing my job as a PNP Chief, Wild, stop questioning me, sadyang hindi lang talaga namin nahuhuli si Hurricane," kalmadong tugon ni Damon at matigas niyang tiningnan si Wild sa mga mata. "Pero ito na, oh, hinuhuli na natin siya."
"It's not enough! Proxy ni Hurricane lahat ng mga nahuli natin!" Sigaw ni Wild na ikinagulat ni Damon.
"We can't be so sure, hangga't may mahuhuli pa tayo, marami pa tayong ma-iimbestigahan, at baka makatulong pa iyun para ituro kung sino ang utak sa problemang ito," depensa naman ni Damon.
"Just leave me for now, Damon, marami pa akong aasikasuhin sa trabaho ko ngayong araw. Tatawagan na lang kita mamayang gabi kung may mahuhuli na naman ako ritong nagpapanggap bilang Hurricane," taboy ni Wild sa lalaki kaya napatayo naman agad si Damon at sabay na tumayo si Wild sa kan'ya.
"Okay, let's call it's a day, Mr. Fuero, I'll evaporate for now, see you later," paalam ni Damon at saka ay prenteng naglakad palabas ng opisina ni Wild.
Naglakad si Wild papunta sa table niya at saka ay umupo siya sa kan'yang swivel chair. Ilang saglit pa ay narinig niyang may kumatok sa pinto ng opisina kaya napabuntong-hininga siya.
"Pasok!" Tipid na tugon ni Wild kaya bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Stella.
"Good morning, Sir!" Masayang bati ni Stella kaya napa-angat ang tingin ni Wild mula sa pagbabasa niya sa mga papel na nasa kamay niya papunta sa babaeng naglalakad papunta sa kan'ya.
"Walang good sa morning, Stella, but since you came, you ease my problems," malamig na saad ni Wild kaya napanguso naman si Stella sa sinabi ng lalaki.
"Ay, si Sir, ang aga-aga ang init na ng ulo, anong gusto niyo po, Sir? Ice coffee? Ice tea? Ice cream? Ice candy? Or ice na lang na tig 5 pesos?" Nakangiting suhestyon ni Stella kaya sinamaan siya ng tingin ni Wild.
"Stop making a fuss right now, Stella, just leave me alone kung wala kang kailangan dito," seryosong saad ni Wild kay Stella kaya napayuko na lang si Stella sa sinabi ng lalaki.
"Pasensya na po, Sir, napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na palagi ng mainit ang ulo mo kahit sa akin tapos palagi ka ng busy. Madalang mo na nga lang ako kung kausapin, eh, kaya pumunta ako rito para kamustahin ka sana, pero hindi pa rin pala maganda ang timpla mo ngayong umaga," nakayukong saad ni Stella kaya napabuntong-hininga na lang si Wild habang nakikinig kay Stella.
"Mauna na po ako, Sir," nakayuko niya pa ring saad.
"No, just stay here for a minute or two," pigil ni Wild sa pagtangkang pag-atras ni Stella. "Come here."
Agad naman sinunod ni Stella ang tawag ni Wild at naglakad siya papunta sa table ng lalaki. Hinatak ni Wild ang braso ni Stella kaya napatili siya ng mahina at napakandong siya sa hita ni Wild.
"Sorry, okay? Sorry kung mainit ang ulo ko, subrang dami lang kasi talagang iniisip ngayon at inaayos na problema," kalmadong saad niya kay Stella at hinalikan niya si Stella sa balikat.
"Iyan ba 'yung sinasabi mong iimbestigahan mo? 'Yung sinabi mo sa aking plano mo?" Sunod-sunod na tanong ni Stella at napatango naman si Wild.
Agad napabuntong-hininga si Stella, "Sir, hindi po madadaan sa init ng ulo ang pag-ayos ng problemang kinakaharap mo ngayon, kailangan mong maging cool at kalmado para maayos kang makapag-isip ng solusyon sa problemang 'yan."
Tumango naman si Wild sa suhestyon ni Stella. "Okay, thank you. Babawi ako kapag matapos ko na ang problemang ito, okay? For now, kailangan ko munang tapusin ito para wala ng sagabal sa atin, understand?"
"Sige! Marunong naman po akong mag-antay sa inyo kahit gaano pa 'yan katagal. Nandito lang po akong susuporta sa 'yo sa lahat ng laban mo sa buhay," cheer ni Stella at ngumiti ng bahagya si Wild sa kan'ya.
|༺☬༻|
Itinutok ni Wild ang baril niya sa uluhan ng taong nakatalikod sa kan'ya. Nakasuot ito ng itim at mahabang kapa katulad ni Hurricane. Agad naman napataas ang kamay ng tao at dahan-dahan siyang umikot at hinarap si Wild.
"Good evening, Mr. Fuero, Hurricane's speaking," asar ni Hurricane sa kan'ya.
"Boses ng lalaki..." Mahinang saad ni Wild na tanging siya lang ang nakarinig.
"Who are you this time?" Kunot-noong tanong ni Wild sa lalaki at itinaas niya ang maskara ng lalaking kaharap niya. Bumungad sa mga mata ni Wild ang kulay abong mga mata ng lalaki.
"Sino ang nagpadala sa 'yo rito?" Matigas na tanong ni Wild sa lalaki at natawa na lang siya sa sinabi ni Wild.
"Nagpadala? Walang nagpadala sa akin dito, I'm all alone kasi nag-iisa lang si Hurricane sa mundong ito, at ako lang iyun," mapang-asar na tugon ng lalaki kaya sinuntok siya agad ni Wild sa mukha. Napatumba naman ang lalaki at agad siyang dinaluhan ni Wild.
"Sinungaling! Alam kong may nagpadala sa 'yo rito! Sino?! Si Victoria ba? Si Gideon?! Sino ba ang totoong Hurricane?! Sino?!!" Asik ni Wild at sinuntok niya ulit ang kabilang mukha nito.
"Ako nga! Ako nga si Hurricane! At wala ng iba!" Depensa naman ng lalaki at mapang-asar niyang tiningnan si Wild.
|༺☬༻|
"Pang-apat na Hurricane na 'to, Wild, ah," hindi makapaniwalang saad ni Damon nang pina-upo ni Wild sa upuan ang bago niyang nahuli. Bugbog sarado na naman ito.
"Isang babae at tatlong lalaki. Anong gender ba si Hurricane? Lalaki ba siya o babae?" Kunot-noong tanong ni Damon nang tignan niya ang tatlong naka-kulong sa prisinto.
Si Heidi ay tahimik lang sa gilid habang 'yung dalawang lalaki naman ay nag-uusap. Ibinalik ni Damon ang tingin niya mula sa tatlong naka-kulong papunta sa lalaking dinala ni Wild.
"Kasamahan mo ba sila?" Tanong ni Damon sa lalaki, tukoy niya sa tatlong nasa loob ng rehas.
"Hindi ko kilala ang mga 'yan," tugon naman agad ng lalaki.
"Hindi mo kilala? Pero iisang tao lang ang kini-claim ninyo, si Hurricane," sabat naman ni Wild kaya napatingin ang lalaki sa kan'ya.
"Ako lang si Hurricane, at wala ng iba," giit naman ng lalaki at napabuntong-hininga naman si Damon at napameywang.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Damon at nabaling ang tingin ng lalaki sa kan'ya.
"Hurricane," tipid na tanong ng lalaki kaya napapisil agad si Damon sa bridge ng ilong niya.
"No, I mean, ang totoo mong pangalan," stress na tanong ni Damon at seryosong tiningnan ang lalaki.
"Laurence Altarejos ang pangalan ko, bakit? Gagawan niyo ako ng Flames?" Seryosong tanong ni Laurence at napakagat naman sa ibabang labi si Damon para magpigil sa nagbabadya niyang pagtawa.
"Of course not, kanino ka naman namin ipa-partner?" Kunot-noong tanong ni Damon sa lalaki kaya napalingon si Laurence kay Wild at ngumuso siya. Sinundan ni Damon ang direksyon kung saan nakatingin si Laurence at napansin niya ang pag-igting ng panga ni Wild at matigas niyang tiningnan si Laurence.
"Kyah! Ang g'wapo niya kasi!" Napatiling sigaw ni Laurence kaya napalingon si Damon sa kan'ya na punong-puno ng gulat ang mukha.
"Bakla?!" Hindi makapaniwalang saad ni Damon.