"Sino ka naman ngayon?!" Galit na sigaw ni Wild sa lalaki.
"Si Hurricane, hindi ba obvious na ako si Hurricane, ang kaharap mo ngayon?" Nakangising saad ng lalaki.
"But..."
"Ako nga si Hurricane, hindi pa ba sapat ang nakikita mong kaharap ngayon?! Gusto mo bang patunayan ko sa 'yo?" Pamimilit ng lalaki kaya agad siyang dinaluhan ng suntok ni Wild ng ilang beses.
Hindi naman umiiwas ang lalaki sa bawat suntok na natamo niya at tumatawa pa siya habang tinatanggap ang malalakas na suntok ni Wild. Agad hinawakan ni Wild sa kwelyo ang lalaki at pinanggigigilan niya ito ng suntok.
"Sino! Ka ba! Talagang! Hayop! Ka?!" Galit na sigaw ni Wild at malalakas na suntok ang ibinibigay niya sa lalaki habang isa-isang binabanggit ang mga katagang iyun.
Sirang-sira na ang mukha ng lalaki at pumutok na ang gilid ng labi niya pero parang wala lang sa kan'ya ang mga natamo niyang suntok dahil patuloy pa rin siya sa mapang-asar niyang tawa. Nang magsawa na si Wild kakasuntok sa mukha ng lalaki ay hinawakan ng dalawang kamay niya ang leeg nito at mahigpit niya itong sinakal.
"Sabihin mo sa akin ang totoo! Ikaw ba si Hurricane?!" Gigil na sigaw niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa leeg ng lalaki. Pero kahit anong higpit ng sakal niya ay patuloy pa rin ang mapang-asar na tawa niya pero pumapaos na ng paunti-unti ang boses niya.
Tinapik-tapik ni Hurricane ang braso ni Wild at hinigpitan pa ni Wild ng huling beses ang pagkakasakal niya sa leeg ng lalaki bago niya kinalas ang pagkakasakal niya rito. Agad umalis si Wild sa ibabaw ng lalaki at napahipo na lang si Hurricane sa leeg niya at dahan-dahang bumangon.
"Ang bigat ng kamay mo," asar ng lalaki at mahinang tumawa.
"Tell me, ikaw ba talaga si Hurricane?" Kalmadong tanong ni Wild at tumango lang ang lalaki bilang tugon.
"Ako nga, bingi ka ba?" Inis na tugon ng lalaki kaya napabuntong-hininga na lang si Wild at napameywang na lang siya habang seryosong tiningnan ang lalaking naka-upo sa sahig.
|༺☬༻|
"Sino na naman ba 'tong nahuli mo, Wild?" Nagtatakang tanong ni Damon at tiningnan niya ang lalaking dinala ni Wild sa prisinto.
"He claimed that he is Hurricane," simpleng tugon ni Wild kay Damon kaya napakunot ang noo ni Damon nang tignan niya si Wild.
"Eh, 'yung nahuli mo kahapon, akala ko ba siya si Hurricane?" Naguguluhang tanong ni Damon kaya napakamot na lang sa batok si Wild dahil naguguluhan na rin siya.
"Naguguluhan na nga rin ako rito kakaisip kung saan sa dalawa ang hinuli ko si Hurricane," naiinis na tugon ni Wild kay Damon.
"Fine, kakausapin ko na muna 'to, nag-iimbestiga pa rin naman ako, Wild, kaya just calm down, malalaman din natin kung saan sa dalawang ito si Hurricane," pagpapakalma ni Damon kay Wild. Itinuon ni Damon ang tingin niya sa lalaking bugbog sarado ang mukha at tumikhim siya.
"Ano ang totoo mong pangalan?" Tanong ni Damon sa lalaki.
"Dave... Ako si Dave Morana," sagot ng lalaki kaya napatango naman si Damon sa sinagot sa kan'ya.
"Now, answer me, may nahuli kami kahapon na nag-claim na siya si Hurricane, at ngayon ay ikaw naman ang nag-claim na ikaw si Hurricane, my question is, sino sa inyo ang totoong Hurricane?" Tanong ni Damon at seryoso niyang tinignan ang bugbog-saradong mukha ng lalaki.
"Ako ang totoong Hurricane, alam ni Mr. Wild Fuero 'yun, ginagahasa ko ang mga babaeng biktima ko, 'di ba?" Depensa ni Dave at tiningnan niya si Wild na ngayon ay seryoso ring nakatingin sa kan'ya.
"Ginagahasa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon kay Wild at tumango naman siya bilang tugon.
"Yes, ginagahasa ni Hurricane ang mga biktima niyang babae, maliban lang doon sa biktima niya roon sa Rizal, if you remember Erica Clemente? That's the only girl he kills na walang gahasang nangyayari," tugon ni Wild kaya napa-isip naman si Damon sa sinabi ng kaibigan niya.
"Oh, 'yung nilason? Si Hurricane ang pumatay sa kan'ya?" Hindi makapaniwalang saad ni Damon at tumango ulit si Wild.
"At 'yung namatay rin sa event ng Cyrene, 'yung kasama mo si Mayor Krypton Vallesh sa gabing pumunta rin kayo roon," saad pa ni Wild at napagtanto ni Damon ang lahat.
"Oh, I see, I remember, so ibig sabihin, 'yung dalawang biktima na 'yun ay iisa lang ang salarin, at walang iba kung hindi..."
"Ako, ako ang salarin," sabat naman ni Dave sa sinasabi ni Damon kaya napatingin ang dalawang lalaki sa kan'ya.
"Sabi ko ngang ikaw," saad naman ni Damon.
"I'll call my lawyer," saad ni Dave at kinuha ang phone niya at saka ay nagtipa sa phone niya at may tinawagan siya.
Ilang saglit pa ay tapos ng tawagan ni Hurricane ang lawyer niya at pilit siyang ngumiti sa dalawang lalaking kaharap niya.
"Papunta na ang lawyer ko rito, antayin niyo na lang siya at siya na ang kausapin ninyo," saad ni Dave sa dalawang lalaki.
|༺☬༻|
"Two Hurricane, sino ba sa dalawang ito ang totoo?" Naguguluhang tanong ni Damon at nilapag niya ng sabay ang litrato ni Dave at Heidi.
"You need to investigate about these two, alam kong magkasabwat ang dalawang 'to," saad naman ni Wild at sumimsim sa alak niya.
"Yeah, medyo naguguluhan pa rin ako sa background ni Dave, wala siyang maayos na background, at saka nung tanungin ko ang lawyer niya kanina ay hindi naman tumutugma ang sinasabi ng lawyer niya sa datos na nasa akin," tugon ni Damon at kinuha ang papel na nasa lamesa at binasa niya ito.
"By the way, I have something to ask you, Mr. Reduxé, related din ito sa kaso ni Hurricane, sa tatlong consecutive victims ni Hurricane, may natanggap akong mga random numbers mula sa kan'ya at idinidikit niya ito sa noo ng mga biktima niya," pag-iiba ni Wild ng usapan at kinuha niya ang isang maliit na box na nasa ilalim ng maliit na lamesa na nasa harapan nila.
Nilapag niya ito sa ibabaw ng lamesa at saka ay binuksan at kinuha ang tatlong papel na magkasing-hugis at magkasinglaki lang. Inilapag niya ng sunod-sunod ang tatlong papel, 18, 26, at 14.
"18, 26, 14?" Kunot-noong basa ni Damon sa mga numerong nakasulat sa papel.
"Buo na ba ang mga numerong ito?" Tanong niya kay Wild.
"I'm not sure kung buo naba ito o may idadagdag pa bang numero si Hurricane, pero nahuli na natin siya, baka ang 14 na ang panghuling numerong ibinigay niya," paliwanag ni Wild.
"We still not sure kung nahuli naba talaga natin si Hurricane, we don't know kung sa susunod na araw ay mayroon na namang mag-claim na sila si Hurricane. I can't decode that number hangga't hindi pa mabubuo 'yan, at saka, maraming code ang associated sa numbers kaya mahihirapan akong alamin kung ano ba talaga ang likod ng mga numerong 'yan," tugon naman ni Damon kaya napabuga na lang ng hangin si Wild.
"Fine, sasabihan lang kita kapag may matatanggap pa akong numero mula kay Hurricane ngayong 5, killing day niya ang araw na 'yan, if kung hindi ko pa talaga mahuhuli ang totoong Hurricane," saad naman ni Wild at saka ay napatango na lang si Damon.
"Tawagan mo lang ako kung mayroon na namang dadating na Hurricane sa Cyrene, duda ko ay parang pinaglalaruan tayo ng mastermind ng problemang ito," ani Damon at napabuntong-hininga na lang siya.
|༺☬༻|
Napasapo na lang si Wild sa noo niya dahil sa daming iniisip niya.
"Argh! Victoria... Hurricane... Victoria... Hurricane... Kayong dalawa talaga ang sakit sa ulo ko..." Gigil na saad ni Wild at napahampas na lang siya sa kamao niya sa lamesa.
"Sino ka ba talaga, Victoria? Sino ka rin ba talaga, Hurricane? Anong relasyon ninyong dalawa?" Sunod-sunod na tanong niya sa hangin.
Flashback.
"Oh... Ako lang ba talaga? How 'bout Victoria Villafuentes? The way you tell her sa gabing 'yun while choking her to death, you are also belittling her, you said, you're not scared of her kahit siya ang CEO sa kompanyang ito," nakangising saad ni Hurricane kaya nanlaki ang mga mata ni Wild sa sinabi ng babae sa kan'ya.
"How did..."
"Of course, she told me na muntik mo na siyang patayin," nakangising tugon ni Hurricane kay Wild.
"You two know each other?" Hindi makapaniwalang saad ni Wild kaya ngumisi ng subrang lapad si Hurricane.
"Of course, we're friends, we're best friends," nakangiting saad ni Hurricane at tumawa pa ng malakas.
"Victoria..."
"Hush, h'wag mong idamay ang mahal na mahal kong kaibigan, Wild, nananahimik lang siya, she was doing her job well in this company, hayaan mo na siyang mamuhay ng payapa," nakangiting saad ni Hurricane at napa-igting na lang ng panga si Wild at galit na tiningnan si Hurricane.
End of Flashback.
"Ah!!! Ang gulo! Ang sakit sa ulo!" Sigaw niya at tatlong beses na hinampas ang kamao niya sa ibabaw ng office table niya.
"Ano bang mayroon sa inyong dalawa?! Bakit magkakilala kayo?!" Naiinis na saad niya at napakamot na lang ng agresibo sa kan'yang ulo.
"Kaya ba ayaw mong ipa-alam sa awtoridad ang tungkol sa nangyayari sa loob dahil pinoprotektahan mo si Hurricane, Victoria?" Tanong niya pa at napabuga na lang siya ng hangin.
"Or... It must be you, the one and only Hurricane, Victoria, ikaw siguro ang mastermind sa lahat ng ito at ginamit mo lang ang ibang tao bilang proxy mo," naka-ismid na saad ni Wild.
"Now I know..."