Hinatak na ako ni Natalia papunta sa table na naka-serve sa aming mga secretary. 'Yung mga boss naman namin ay nandoon sa kabilang table at nakikipag-usap sa mga alien na mula sa ibang bansa, alien kasi tawag ko sa mga AFAM, eh. Alien din naman ako pero nakatira na sa Pilipinas simula noong ipinanganak ako.
"Wǒ hěn gāoxìng tīng dào nǐmen de xīn chǎnpǐn, Villafuentes nǚshì, wǒ yīdìng huì mǎi de, (I'm very excited to hear about your new product, Ms. Villafuentes, I'll surely buy it)," saad ng chingchong na lalaki. Hindi ko siya naiintindihan.
"Ń, hěn gāoxìng wèi wǒ tígōng, lǐ xiānshēng,Cyrene Pharmaceuticals de zhège xīn chǎnpǐn hěn yǒuxiào, wǒ shāo hòu huì jiěshì yīqiè, (Well, I'm glad for offering me, Mr. Lí, this new product of Cyrene Pharmaceuticals is effective, I'll explain everything later)," tugon ni Ma'am V.
"Marunong pala magchingchong si Ma'am Victoria?" Bulong na tanong ko kay Natalia.
"Anong chingchong pinagsasabi mo?" Kunot-noong saad niya sa akin pabalik.
"Yung alien language na sinasabi ngayon ni Ma'am Victoria," bulong ko pabalik.
"Ah, Chinese? Oo, marunong mag-Chinese, Russian, Italian, Spanish, Japanese, French, German, Portuguese, Filipino, at Korean si Ma'am Victoria, kasi nga CEO siya at kailangan niyang pag-aralan ang iba't-ibang lengguwahe sa buong mundo hangga't sa gusto at kaya niya, kasi sumasalamuha siya ng iba't-ibang klase ng tao pagdating sa mga ganitong kaganapan," tugon naman ni Natalia sa akin kaya napanganga naman ako sa sinabi niya at namangha sa angking talinong tinatago ni Ma'am V.
"Woah, ang talino niya siguro, 'no? Ang dami niya kasing natutunang lengguwahe, eh, si Sir Wild? Minsan kasi kinakausap niya ako ng alien language, at ako namang hindi naka-intindi sa sinasabi niya ay naguguluhan ako," natatawang saad ko sa kaibigan ko.
"Ayos lang 'yan. Si Sir Wild naman ay marami rin siyang natutunang lengguwahe pero limang lengguwahe lang ang alam ko kasi mostly English kasi ang sinasabi niya," tugon ng kaibigan ko.
"Anong mga language naman 'yun?"
"French, Italian, Bulgarian, Russian, at Chinese lang ang alam ko, at pang-anim na ang Filipino, pero marami talaga 'yang natutunang language si Sir Wild kagaya ni Ma'am Victoria, pero hindi niya ginagamit 'yung iba," tugon niya at napatango-tango naman ako.
"Ano kaya ang feeling na marunong ka magsalita ng maraming lengguwahe, 'no?" Curious na saad ko.
"Subukan mo para malaman mo kung anong feeling, pero ang masasabi ko lang ay hindi madali at kailangan mo talaga ng mahabang pasensya at panahon sa pag-aaral ng isang lengguwahe at maging fluent nito lalo na kapag average lang ang talino mo or below average lang, pero kung matalino ka talaga kagaya ng mga boss natin ay madali lang matutunan ang language na gusto mong pag-aralan," paliwanag niya sa akin at napatango-tango naman ako.
"Ganu'n ba 'yun? Iniisip ko na nga lang pero tinatamad na ako, English nga nahihirapan na ako, ibang lengguwahe pa ba?" Iling na saad ko. Pero in fairness, ang galing naman nila, sana all na lang.
|༺☬༻|
Ilang minuto ang nakalipas at sinimulan na ng emcee ang event. Nag-eenglish siya kaya medyo nakakawalang gana makinig, ang hirap naman kasi, eh! Ako pa talaga ang mag-adjust kasi lahat ng mga kasama ko rito ay nakapag-aral sa mataas na level ng pag-aaral, lahat dito—maliban sa akin—ay nakapagtapos ng kolehiyo.
Umakyat na rin si Ma'am Victoria at nag-simula na siyang magdiscuss sa produkto ng Cyrene. Ang alam ko sa gamot na ito ay nakakabata raw ito at according sa data na kinuha ko sa Marketing Department kahapon na effective daw ang product at nakita na agad ang resulta pagkatapos ng isang linggo.
Pumalakpak na lang ako ng sabay-sabay sa kanila nang pumalakpak din ang mga bisita, nakikipalakpak na lang din ako kahit wala akong naiintindihan. Ang pinunta ko lang naman dito ay ang pagkain na hinanda nila kasi nakakagutom, nakakagutom makinig sa mga sinasabi nilang hindi ko naman naiintindihan.
|༺☬༻|
General POV
"Congratulations for your amazing milestone, Ms. Villafuentes!" Bati ng lalaki kay Victoria habang masaya silang kumakain.
"Thank you very much, Mr. Thaddeus Aerozo, hindi ko rin inaakala na dadalo rin kayo rito along with your business partners," natutuwang saad ni Victoria sa lalaki at tiningnan niya ang mga kasama ng lalaki na sila Ace Flavio, Shane Vesaurius, Kingstone Adrianus, Yoshida Daisuku, Travis Hudson, Matthew Mallari, Lorean Silvius, at Eunice Treveno. Kasama rin nila ang assistant ni Archilles Riego na si Emmanuel Takashiro.
"Mr. Takashiro, right?" Tanong ni Victoria sa lalaki sabay tingin sa kan'ya.
"Yes," tipid na tugon ni Emmanuel.
"Nasaan pala ang boss mong si Mr. Riego?" Takang tanong ni Victoria sa lalaki at nagkatinginan naman ang mga bisita niya sa isa't-isa na kasama niya sa mahabang table kung saan sila kumakain kasama si Wild at Gideon.
"Wala na akong balita tungkol sa kan'ya, huli ko siyang na-meet noong event last month," patuloy niya pa sabay subo ng pagkain na nakatusok sa tinidor.
"Ah, si Boss, nagbakasyon lang siya, uuwi rin 'yun dito sa susunod pang mga buwan," pagsisinungaling ni Emmanuel at kumunot ang noo ni Victoria sabay pihit ng kaunti sa noo niya.
"Okay, perfect lies, indeed, Mr. Takashiro, pero if panindigan mo 'yan, I hope he's doing well sa vacation niya," nakangising saad ni Victoria sa lalaki at binalik ang atensyon sa pagkain at sumubo ulit.
"She's acting strange, Ace, duda ka bang siya ang pumatay kay Archilles?" Bulong ni Kingstone sa katabi niyang si Ace.
"Napapansin ko rin, let us find out," mariing bulong ni Ace sa lalaki at uminom ng tubig.
"Uhm, Ms. Villafuentes, let me ask you something," paninimula ni Ace at natuon naman ang atensyon ni Victoria sa kan'ya habang ngumunguya ng pagkain.
"What is it, Mr. Flavio?" Tanong na tugon ni Victoria sabay simsim sa red wine niya.
"Have you been in France?" Tanong ni Ace.
"Of course yes! A lot of times! Kakapunta ko pa nga lang sa France before ako naging CEO sa Cyrene, why you ask, Mr. Flavio?" Nakangiting tugon ni Victoria at tinaasan niya ng kabilang kilay ang lalaki.
"Well, nakapunta na rin naman kasi ako sa France, at subrang sarap ng pagkain nila roon maliban sa mga makikitang magagandang views sa bansa, speaking of French Dish pala, anong pinaka-paborito mong pagkain na nakain doon?" Nakangiting tanong ni Ace at napansin agad ng mga kasamahan niya ang pakay ni Ace kay Victoria kaya pati rin sila ay nag-aantay ng isasagot ng babae.
"Why so random, Mr. Flavio?" Takang tanong ni Victoria at napatawa sabay iling.
"Wala, I'm just asking, maybe we share the same taste, we can eat your favorite French Dish next time if you are free," nakangising saad ni Ace at napatawa naman ng mahinhin si Victoria sa sinabi ng lalaki sa kan'ya.
"Come on, I don't want to date someone I'm not interested, and also may nagugustuhan akong specific person right now," nakangiting saad ni Victoria at napabaling sandali ang tingin niya kay Wild na tahimik lang na kumakain at binalik agad ni Victoria ang mga mata niya sa kausap niyang si Ace.
"Not that what I mean, Ms. Villafuentes, like we are business tycoons, and we can share something about business while having lunch or dinner to a fancy French Restaurant nearby," depensa naman ni Ace at medyo naiinis na rin siya dahil hindi pa sinasagot ng babae ang tanong niya.
"So, what's your favorite French Dish?" Pag-uulit niya sa tanong niya.
"Well, favorite ko ay ang Steak Tartare, Boeuf Bourguignon, Coq au Vin, Ratatouille..." Tugon ni Victoria.
"Oh, that's my favorite also! Lalo na 'yung Boeuf Bourguignon," masayang saad ni Ace.
"Yeah, you're right, but there's one dish na palagi kong binabalikbalikan kapag pumupunta ako ng France, lalo na ang meat nito, and especially the broth," natutuwang saad ni Victoria habang inaalala ang pagkain na tinutukoy niya.
"What is it, Ms. Villafuentes?" Nananabik na tanong ni Ace.
"Pot on the Fire," tugon ni Victoria at ngumiti sa lalaki. "Or should I say Pot-au-Feu in French."