Capítulo Treinta y Tres punto uno (33.1)

1607 Words
Agad kaming napa-atras ni Natalia dahil sa nakikita naming bangkay sa harapan namin. Parang nanghihina ang tuhod ko nang makita ko ang lalaki, subrang karumaldumal ang nangyari sa kan'ya! Napansin ko rin ang rosas na nakabaon sa dibdib niya at ang isang maliit na piraso ng papel na nakadikit sa kan'yang noo. "Dhave..." Mahinang saad ni Natalia. Niyahat ko ang aking tingin papunta sa kisame at nakita kong nakabaklas ang isang parte nito, mukha riyan galing ang katawan niya, parang hinulog. Kahit natatakot ako ay nagawa ko pa ring lapitan ang katawan ng lalaki at kinuha ang papel na nakadikit sa kan'yang noo. Nakakunot ang noo ko nang tingnan ko ang numerong nakasulat doon. "26?" Naguguluhang saad ko. Anong mayroon sa numerong ito? Noong nakaraan naman ay 18, ngayon ay 26. Biglang sumagi ulit sa isip ko ang taong nakatayo sa pinakadulo pero nang tignan ko ulit ito ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Napansin ko ang mabibilis na takbo na papunta sa pwesto namin kaya napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Sir Wild na ngayon ay nagtatakbo papunta sa pwesto namin ni Natalia. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-alala nang magsalubong ang tingin namin. "Stella, Natalia, ayos lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong sa amin ni Sir Wild nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Agad akong umiling bilang tugon. Hindi naman talaga kami maayos, kami ba naman 'yung hinulugan ng bangkay sa harap namin, magiging maayos ba kami? Syempre hindi! "Sir, hinulog ang bangkay na 'to mula sa kisame," natatakot na saad ni Natalia kaya natuon ang tingin ni Sir Wild mula kay Natalia papunta sa bangkay na nasa paanan lang namin. Iniyahat ni Sir Wild ang tingin niya papunta sa kisame na may baklas. "May gana pa talaga siyang manira ng kisame," galiiting saad ni Sir Wild at napansin ko ang pag-igting ng panga niya. "M-May nakita rin po kaming papel, tapos may nakasulat pang 26," sabat ko naman sabay lahad ng papel kay Sir Wild. Tiningnan niya ito at kinuha pagkatapos. "Magagamit natin ito bilang ebidensiya," mahinang saad niya at saka ay umalis sa harapan namin at nilapitan ang bangkay. Sinundan namin siya ng tingin at kinuha niya ang rosas na nakabaon sa dibdib ng biktima. "Hurricane, 7693," basa niya sa naka-ukit sa tangkay ng rosas. Lumapit kami sa kan'ya at tiningnan ang dala-dala niyang bulaklak. "Ano na naman kaya ang mayroon sa mga numerong 'yan? May alam ka ba, Sir Wild?" Tanong ni Natalia. "May hinala ako kung para saan ang numerong ini-ukit niya kasabay ng kan'yang pangalan, ang mga numerong ito ay nagsisilbing tatak kung pang-ilang tao na ang napatay niya," paliwanag niya kaya kumunot ang noo namin ni Natalia at nagkatinginan kaming dalawa sa isa't-isa. "Ibig mo po bang sabihin na ang bangkay na ito ay ang ika-7,693 na niyang napatay?" Pagka-klaro ko at tumango si Sir Wild. "Parang ganoon na nga," simpleng tugon niya kaya napasinghap ako sabay takip sa bibig ko. "Ang dami na niyang napatay na tao," hindi makapaniwalang saad naman ni Natalia. "Oo, palagi kong pinag-iisipan at pinag-aralan ang bulaklak na binigay ni Gideon sa akin at 'yung numerong nasa papel, saka lang ako ngayon naliwanagan kung ano ang ibig sabihin ng mga numerong naka-ukit sa tangkay," paliwanag niya at naintindihan ko na rin ang pinapahiwatig ni Hurricane sa mga numero sa bulaklak. "Then, kung ika-7,693 na ang bulaklak na 'yan, ibig sabihin ay gan'yan na rin kadaming rosas ang nasayang niya?" Hindi makapaniwalang saad ko. "At ibig sabihin din ay simula pa noon ay pumapatay na siya ng tao, hindi siya nagsimulang pumatay ng tao dalawang buwan na ang lumipas?" Saad naman ni Natalia. "Oo nga, 'no? Impossible naman sigurong nakapatay siya ng gan'yan kadaming tao sa loob ng dalawang buwan, depende na lang kung nag-mass bombing siya sa isang lugar na maraming tao," sang-ayon ko naman. "Hindi, matagal na siyang pumapatay," saad naman ni Sir Wild at napatingin kami sa kan'ya. "Oo, hindi lang natin alam kung kailan siya nagsimula pero sa gan'yan kadaming tao, siguradong matagal na siyang pumapatay ng tao," sang-ayon naman ni Natalia. "So ngayon, alam na natin kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa bulaklak, ang tanong, ano naman ang ibig sabihin ng mga numerong nakasulat sa papel?" Paalala ko sa kanila kaya napatingin din si Sir Wild sa papel na hawak niya. "Aalamin ko pa kung ano ang mayroon sa mga numerong ito at sa numerong nauna," paliwanag niya at napatango na lang din kami. Mabuti na lang talaga at matalino si Sir Wild, pero hindi pa rin talaga namin matyansa kung gaano rin katalino ang kinakalaban namin. "Siya nga pala, Sir, bakit tahimik ang floor na ito? Nasaan ang mga tao rito?" Pag-iiba ni Natalia sa topic namin. "Umalis na sila kanina pa, nagpaalam na sila sa amin na mauna na silang umuwi dahil siguro ayaw na nilang masaksihan ang magaganap sa gabing ito," paliwanag ni Sir Wild at napatango na lang ako. "Traydor talaga 'yung mga ka-workmates natin, nauna na palang umuwi tapos iniwan lang tayo rito," reklamo ni Natalia. "E 'di, kung sinabihan tayong sasabay na sa kanila, e 'di hindi natin malalaman ang tungkol sa mga clue na binibigay ni Hurricane sa atin," depensa ko naman. "Sabi ko nga," sang-ayon ni Natalia kaya napatawa na lang ako ng mahina. "Mauna na kayong bumaba, aasikasuhin ko na muna itong katawan ni Dhave," saad ni Sir Wild kaya tumango na lang kami ni Natalia at iniwan na namin si Sir Wild doon kasama ang bangkay ng lalaki. |༺☬༻| General POV Isang pares ng pulang stiletto ang sunod-sunod na umaapak sa isang makintab at marmol na sahig. May isang babaeng naka-blue na fitted dress ang suot na naglalakad sa isang maliwanag na hallway. Nakalugay ang mahaba at itim nitong buhok at umaalon ito habang siya ay naglalakad. Ilang sandali pa ay huminto siya sa paglalakad at tiningnan ang nakasulat sa ibabaw ng pinto at may nakalagay doong VIP. Ang pintong ito ay gawa sa dark oak wood at double door ito. May dalawa ring lalaking nakatayo sa harap ng dalawang pinto na magkatabi at nakasuot sila ng itim na coat at may earpiece pang nakasaksak sa kanilang tainga. Hindi Pilipino ang mga lalaking ito dahil sa bughaw nilang mga mata. "Good evening, Ma'am, she was waiting for you inside," bati ng isang lalaki na nakatayo sa kanang pinto. Sabay na binuksan ng dalawang lalaki ang dalawang pinto at pumasok ang babae roon. Pagpasok niya ay sinarado na rin ng dalawang lalaki ang dalawang pinto at napalibot ang tingin ng babae sa paligid. Gawa sa kulay blue at violet ang ilaw ng paligid kaya madilim ito. Mayroong mini-stage ang silid na 'yun kung saan mayroong nakahubo't hubad na babae ang nagsasayaw sa isang pole. Sa harap ng mini-stage ay mayroong mahaba at kulay itim na sofa. Kasabay ng pagsasayaw ng babaeng walang damit ay ang mahihinang tugtog. Parang isang bar ang silid na ito pero tahimik. Napabuntong-hininga na lang ang babae at nagsimula ulit siyang maglakad papunta sa mahabang sofa na kulay itim. Habang papalapit na siya ay napansin niya ang usok mula sa sigarilyo na sinusupsop ng babaeng nag-aantay sa kan'ya. Nilapag ng babae ang sigarilyo niya sa ashtray at saka ay tumayo at hinarap ang babae sa likod niya. Ngumiti siya nang malapad nang makita na niya ang bisita niya. "Victoria," maligayang bati ng babae sa bisita niya at saka ay umalis mula sa harap ng sofa at naglakad papunta kay Victoria na ngayon ay ngiting-ngiti. Nagbeso ang dalawang babae sa isa't-isa nang magkalapit na sila. "Frey," bati pabalik ni Victoria kay Frey at tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa. "You look fine with your hair," namamanghang saad ni Victoria sa babae. "Oh, this short blunt bob hair?" Natutuwang saad ni Frey kay Victoria at tumango naman si Victoria sa sinabi ni Frey. "Yeah, para kang si Dora the Explorer kasi may bangs ka rin," pang-aasar ni Victoria sa kaibigan niya kaya sinimangutan siya ng tingin ni Frey. "Strega. Anyway, come and join me, ang tagal na nating hindi nakapag-bond sa isa't-isa," anyaya ni Frey kay Victoria kaya tumango si Victoria sa kaibigan niya at saka ay naunang umalis si Frey sa harapan ni Victoria at sumunod naman siya kay Frey papunta sa sofa. Umupo si Frey sa pwesto niya sabay kuha sa zippo lighter niya at nilalaro niya ito, binubuksan, sinisindihan, at tinatakpan. Nilibot ni Victoria ang tingin niya sa paligid at natuon ulit ang tingin niya sa babaeng nakahubo't hubad na nagsasayaw sa mini-stage. "Bakit may nagsasayaw?" Takang tanong ni Victoria sa kaibigan niya. "I'm bored, I just need someone to entertain me while waiting for you. By the way, how's life of being a CEO in Cyrene?" Tanong ni Frey sabay lapag niya sa lighter at kinuha niya ang basong may lamang alak at saka ay nag-cross leg at sinimsim ang alak na dala niya. "Hm, masaya naman pala maging CEO, masyadong stressful lang ng kaunti dahil sa nangyayari sa loob," tugon naman ni Victoria. "Oh, I heard a news about the issue of Cy-Collagen, good thing at naayos na rin 'yun," saad naman ni Frey at tumango si Victoria. "Yeah, pero sandali lang naman ang issue na 'yun, but the thing that stressing me out is how the Board keep on accusing me na ako si Hurricane," pagkukwento ni Victoria at napatawa naman ng mahina si Frey at binaling ang tingin niya mula kay Victoria papunta sa babaeng nagsasayaw sa mini-stage. "Then tell them the truth about Hurricane," simpleng tugon ni Frey at kumunot ang noo ni Victoria nang tignan niya ang kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD