Capítulo Treinta y Dos punto dos (32.2)

1741 Words
|༺☬༻| "Morning," walang ganang bungad ko sa kaibigan ko pagpasok ko sa opisina. Pagod ang katawan ko kasi after ma-publish ang article kahapon tungkol sa Cy-Collagen ay nagpatawag agad ng meeting si Madam Victoria tapos buong gabi kaming nagtrabaho para salubungin ang lahat ng mga emails at mga tanong ng mga tao tungkol sa article. "Grabe, sarap pa sanang matulog, eh! Bwesit 'yung alarm clock ko!" Reklamo ko at pabagsak na umupo sa swivel chair at napadukdok ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa ko. Antok na antok ako, eh, alas dose na ng hating gabi kami umuwi kagabi tapos bumangon ako alas singko kaninang umaga. "Umayos ka nga riyan, Stella, puntahan mo na 'yung jowakels mo roon sa taas, nag-aantay na 'yun sa schedule niya ngayong araw," paalala ni Natalia sa akin kaya nakasimangot ang mukha kong umayos ng upo. "Malaki na 'yun, bakit ako pa? Dapat alam na niya ang schedule niya!" Reklamo ko at napakamot sa likod ng ulo ko. "Bruha ka, trabaho mo 'yan, puntahan mo na 'yun baka ano pa'ng gawin niya sa 'yo," paalala niya pa sa akin kaya wala akong ganang tumayo sa inuupuan ko at kinuha ang tablet at nagmartsa palabas ng opisina. "Gusto ko pa sanang matulog, eh," reklamo ko habang nagmartsa papasok sa elevator. Ilang sandali ay nakarating na rin ako sa kabilang palapag at tinungo ang opisina ng magaling kong boyfriend. Napahikab na lang ako habang kinakatok ang pinto ng opisina niya. Pagkatapos ng tatlong katok ay pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto sabay pasok sa loob. Bumungad agad sa akin ang lalaking nakatayo sa harapan ng pinto na ikinagulat ko. Bwesit, ang gulo pa naman ng buhok ko tapos ina-antok pa ako! "Stella, bakit gan'yan ang nangyayari sa 'yo?" Takang tanong ni Sir Wild kaya nabalik ako sa ulirat dahil sa lalim ng boses niya na humahagod sa bawat parte ng aking tainga. "P-Po?" Alertong tugon ko. "You are still sleepy, come here," aniya at naglakad ako papalapit sa kan'ya at bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko at ikinulong niya agad ako sa kan'yang bisig. Hanggang dibdib niya lang ang mukha ko! Imagine, six footer akong tao pero hanggang dibdib lang ang height ko kumpara sa kan'ya. Ang tangkad niya! Isinubsob ko ang aking mukha sa kan'yang matigas at malapad na dibdib at nilasap ang init ng katawan niyang dumidikit sa akin. Kasabay nu'n ay ang pag-amoy ko sa pabango niya na tumutusok sa ilong ko, malakas ang amoy nito pero hindi siya masakit sa ilong, saktong-sakto lang. "Close your eyes, poor baby, feel my warmth," mahinang saad niya sa tainga ko pero humahagod pa rin ang lalim ng boses niya sa kan'yang lalamunan na nagpapatayo ng mga balahibo ko sa batok. Mainit ang hininga niya pero naaamoy ko iyun, mentol ang amoy! Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon naming dalawa hanggang sa ako na mismo ang sumuko at bumitiw sa yakap namin sa isa't-isa. "March 25, 2024, schedule niyo po ngayon, Sir Wild, may lunch meeting po kayo with the board mamayang 1 PM sa conference room tapos appointment with your lawyer po mamayang alas singko ng hapon at ..." Saad ko at napatigil na lang nang mabasa ko ang huling appointment niya ngayong araw. "And what, Ms. Levesque?" Seryosong tanong niya sa akin pero nanatili pa ring nakapako ang mga mata ko sa screen ng tablet. "Dinner date with Ms. Stella Levesque sa isang cruise ship at 7:30 PM," patuloy na saad ko na ikinapula at ikina-init ng pisngi ko. "That's all?" Takang tanong niya at nag-scroll pa ako pababa pero wala na. "Iyun lang po, eh, lalabas na po ako," kamot-ulong tugon ko. "Okay, you can evaporate now, see you later," saad niya na ikinakunot ng noo ko sabay tingin sa itaas ko. "Saan naman po ako mag-evaporate, Sir? Wala namang ulap sa uluhan ko," takang tanong ko at napatingin ako pabalik sa kan'ya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. "Sa impyerno ka mag-evaporate or baka gusto mo sa langit kita dadalhin mamayang gabi," seryosong saad niya. "H-Huh? Ikaw naman, Sir, hindi mabiro, may p*****n pang mangyayari mamayang gabi dito, ma-stress muna ako sandali bago tayo makapag-dinner date," nakangiting saad ko at napa-iling na lang siya. "Sige na, you can leave now, you need to finish your work quickly para maaga ka matapos mamaya," taboy niya sa akin kaya nakangiti akong yumukod sa harapan niya. "Good bye, Sir! Have a nice day ahead! Love you!" Paalam ko sa kan'ya at nag-flying kiss pa ako bago tuluyang lumabas sa opisina niya. |༺☬༻| Natutuwa akong nakatitig sa screen ng laptop ko dahil nagbabasa ako ng mga comments ng mga tao tungkol sa article ni Doctor Saintess about sa Cy-Collagen, marami ang naniniwala na may gustong sumabutahe sa Cyrene, sa loob ng tatlong dekada ng Cyrene ay ngayon lang naman ito nangyari. Kung sino man itong Doctor na ito ay subrang laking pasasalamat ng Cyrene sa kan'ya! "Tuwang-tuwa ka riyan, ah, anong bago?" Tanong ni Natalia at inusog ang swivel chair niya at tumabi sa akin at diretsong tiningnan ang screen ng laptop. "Wala, natutuwa lang ako kasi naging maayos na ang takbo ng Cyrene ngayong araw, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala tungkol sa nangyari sa mga pamilyang namatayan ng mahal sa buhay dahil sa pekeng gamot," malungkot na saad ko. "Oo nga, eh, subrang daming apektado sa buong mundo tungkol sa pekeng gamot ng Cy-Collagen at ang Cyrene pa ang itinira ng mga tao. Pero ayos lang 'yan, unti-unti na rin namang nalilinisan ang pangalan ng Cyrene," pagpapagaan niya sa loob ko at tumango lang ako sa sinabi niya. "Oh, siya, mag-ayos na tayo, malapit na mag-alas siyete, may lakad pa kami ni Sir Wild," saad ko kaya tumango lang si Natalia at nag-inat sa katawan niya habang naka-upo sa swivel chair niya. "Saan pala kayo ng boyfriend mo?" Tanong niya sa akin sabay tayo. Kasalukuyan na ako ngayong nag-aayos ng mga gamit ko at ang ibang mga papeles ay inayos ko na sa ibabaw ng table. "Cruise ship. Nilagay ba naman sa appointment niya na may dinner date kami," natatawang saad ko kaya napa-iling sabay tawa naman si Natalia. "Ang tindi rin niyang boss mo, 'no? Daming alam," natatawang saad niya at napa-iling na lang din ako sabay tawa ng mahina. Nang matapos na kami ay si Natalia na ang bumukas ng pinto ng opisina, at saktong pagbukas niya ay bigla na lang tumunog ang buong hallway, as usual, ang favorite song ng bida natin ngayong araw, si Hurricane. Ano na naman kayang bago ng taong 'yun ngayon, 'no? Alam kong may pauso na naman ang taong 'yun. "Bwesit talaga 'tong si Hurricane kahit kailan, may lakad pa kami ng boyfriend ko, oh, tapos sumisingit na naman siya? Matatagalan na naman kami ni Sir Wild nito dahil mag-aasikaso pa 'yung lalaking 'yun sa kalat ni Hurricane ngayong gabi," reklamo ko. "Araw ni Hurricane, araw niya 'yan, hindi mo talaga mapipigilan kung papatay ba siya o hindi, ayaw at sa gusto mo ay may mamamatay talaga sa araw na ito, para ka namang hindi sanay sa trabaho niya," depensa naman ni Natalia kaya kunot-noo akong tiningnan siya. "I smell something fishy, bakit parang ang defensive mo kay Hurricane ngayon?" Takang tanong ko sa kan'ya kaya gulat na gulat siyang tiningnan ako at nag-iwas naman siya agad ng tingin. "N-No, o-of course not, hindi ako defensive sa kan'ya, I'm just stating the fact, na kahit anong gawin mo, natin, kung hindi natin kontrolado ang isip at galaw ni Hurricane, hindi natin siya mapipigilan sa gusto niya," paliwanag ni Natalia kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Okay, fine, sabi mo 'yan, tara na nga, hanapin na lang muna natin 'yung biktima ni Jollibee ngayong araw," saad ko kay Natalia at hinatak ko na siya paalis sa bungad ng opisina. "Anong Jollibee pinagsasabi mo?" Takang tanong niya sa akin habang hatak-hatak ko siya. "Jollibee, bida ang saya!" Pagkanta ko. "H-Huh?" Naguguluhang tanong ni Natalia. "Si Hurricane ba, bida-bida, parang si Jollibee," paliwanag ko at napatawa naman siya. "Iyun pala 'yun? Sorry ha, 'di ako fan sa mga fastfood restaurants," saad naman niya. "Paano bang hindi ka fan, eh, puro ka sa mga mamahaling restaurant, gumagastos ka nga ng 10K para sa isang kainan lang," saad ko naman at napatawa ng mahina si Natalia. Patuloy lang kami sa paglalakad at kasabay ng paglalakad namin ay ang patuloy na tugtugin na umalingawngaw sa hallway. In fairness, kami lang dalawa ni Natalia ang tao sa floor na ito, nasaan kaya 'yung ibang empleyado? Agad akong napahinto at taka kong tiningnan si Natalia. Napahinto naman siya at muntik pang mabunggo sa akin at nagtataka rin siyang tumingin sa akin. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya. "May mali, tayong dalawa lang ang nandito sa hallway, nasaan ang mga empleyado sa floor na ito? Bakit walang nagkakagulo?" Naguguluhang tanong ko kaya napalingon-lingon naman si Natalia sa paligid. "Oo nga, nasaan na kaya sila?" Takang tanong din niya habang lumilingon sa kaliwa at sa kanan. "Or baka... Nauna na silang umuwi dahil ayaw nilang ma-witness ang mangyayari?" Patuloy niya pa. May kung anong kakaiba akong nararamdaman ngayon, may halong takot, kaba, at parang umiinit ang katawan ko. Hindi ko mawari kung ano ba itong nararamdaman ko, nanginginig ang kamay ko, natatakot ako. "Stella? Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka yata?" Nag-aalalang tanong niya sa akin kaya napahawak ako sa braso niya. "Ang lamig ng kamay mo, ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalalang tanong niya pa. "N-Nat, hindi ko alam, pero natatakot ako, natatakot ako," nanginginig na saad ko at hindi ko na makontrol ang mga luha kong nagpapaunahan na sa pagtulo. "T-Teka, tatawagin ko ang Boss mo, baka papunta na 'yun dito." Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ni Natalia ang phone niya at nagtipa siya ng numero. Nalipat ang atensyon ko mula sa kaibigan ko papunta sa kabilang dulo ng hallway, may nakita akong taong nakatayo roon, naka-itim ang suot niya at parang nakatingin sa amin. Nanginginig ang kamay kong itinuro ang taong 'yun. "N-Nat, m-may... S-Si Hurricane," nanginginig na saad ko kaya napatigil si Natalia sa pagtitipa at idinikit agad ang phone niya sa tainga sabay lingon sa direksyon kung saan ako nakaturo. Mas napasigaw na lang kami sa gulat nang biglang may bumagsak sa harapan namin mula sa ibabaw. Agad namin tiningnan ang isang lalaking hubot-hubad at wala itong mga kamay at mga hita't paa, parang pinutol!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD