Capítulo Treinta y Tres punto dos (33.2)

1735 Words
"Are you insane? Of course not, hindi ko gagawin 'yun, baka mapahamak pa ako," depensa naman ni Victoria at napa-iling na lang si Frey habang sumisimsim ng alak niya. "Akala ko ba ayaw mo ng ma-stress? Suggestion ko lang naman," saad naman ni Frey kaya napabuntong-hininga na lang si Victoria sabay sandal sa likuran niya sa sofa. "No, hindi ko pa rin sasabihin ang totoo hangga't hindi pa panahon, I'm just waiting for the right time to spill the tea," tugon naman ni Victoria kaya napatango naman si Frey at nilapag ang baso sa maliit na table sa harap nila. "Kailan pa ba ang right time na sinasabi mo? Everytime is the right time, you look like a puppy obeying her owner, Victoria," suhestyon naman ni Frey kaya umiling ulit si Victoria. "But I'm the owner, Frey, I'm not the puppy," depensa naman ni Victoria. "Okay sabi mo 'yan, you are the protagonist of your own story, Victoria, so alam kong ikaw ang bida sa mundo mo, but I just want to remind you, be careful of your words, hindi dahil ikaw ang bida ay kahit ano-ano na ang pinagsasabi mo," paalala ni Frey. "Of course, sino bang tanga ang mag-iingay? Tahimik nga lang ako sa kompanya, eh, pilit ko ngang tinitikom ang bibig ko hangga't kaya ko," saad naman ni Victoria at napatango ulit si Frey. "Okay," simpleng tugon ni Frey at saka ay patuloy na pinapanood ang babaeng nagsasayaw. "How about you? How's life in Italy?" Tanong naman ni Victoria kaya bumuntong-hininga naman si Frey. "I'm living my life to the fullest," tugon naman ni Frey. "Oh, I see, kaya mas lalo kang gumaganda ngayon, unlike before, that's why namangha ako nang makita kita," puri naman ni Victoria. "How do you say so? Ibig mo bang sabihin na hindi ako maganda six years ago?" Kunot-noong tanong ni Frey kaya napatawa naman ng mahina si Victoria. "Of course, you are beautiful six years ago, huli nating kita 'yun, pero I'm just being amazed right now, ayos na ayos ang buhay mo sa Italy," puri ulit ni Victoria. "Yeah, thanks," simpleng tugon ni Frey at saka ay binigyang atensyon na niya ulit ang nagsasayaw sa stage. "By the way, how's you love life?" Tanong naman ni Frey sa kaibigan niya sabay tingin kay Victoria. "Someone caught my attention sa office but someone already own him," tugon ni Victoria. "E 'di agawin mo, how simple is that, you are such a good seductress, Victoria, why you can't compete with a simple girl who owns your love of your life?" Suhestyon naman ni Frey at tiningnan ulit ang nagsasayaw sa mini-stage. "Madali naman makipag-compete sa babaeng 'yun, it's just that 'yung lalaki lang talaga ang ayaw magpa-agaw kaya nahihirapan ako," paliwanag naman ni Victoria. "Then kulamin mo 'yung lalaki," suhestyon ni Frey kaya kunot-noong tiningnan ni Victoria ang kaibigan niya. "Why would I do that? I'm not a witch, Frey," depensa naman ni Victoria. "You are, Victoria, use your witchcraft to possess that man," tugon naman ni Frey at tiningnan niya si Victoria. "Your techniques," patuloy niya pa. "In case if nakalimutan mo 'yung techniques mo, I can help you with recovering it." "No need, I know how to, may plano na rin ako para maagaw si Wild mula kay Stella," tugon naman ni Victoria at napa-ismid kay Frey. "That's my girl," naka-ismid na saad ni Frey kay Victoria sabay simsim sa alak niya sa baso. |༺☬༻| Stella's POV "OMG!" Tili ni Natalia kaya bigla na lang akong naalerto mula sa ginagawa ko. Padabog na pumasok si Natalia sa opisina, grabe kahit nasa labas pa siya ay nauna nang pumasok ang boses niya. Tuwang-tuwa ang bruha nang umupo siya sa tabi ko kaya kunot-noo akong tumingin sa kan'ya pero may nakapaskil ng ngiti sa labi ko. Sino bang hindi ngingiti kapag ganito ang kaibigan mo, 'yung parang nadadala ka sa vibes niya. "Bakit? Ano'ng mayroon? Bakit ang saya-saya mo?" Sunod-sunod na tanong ko pero hindi pa rin siya natigil sa tuwang nararamdaman niya. "Teka, kumalma ka munang babae ka," pagpapakalma ko sa kan'ya kaya sunod-sunod siyang huminga. "Okay, ayos kana? Sige isa-isahin mo 'yang ibabalita mo sa akin," saad ko sa kan'ya pero hindi pa rin mawawala sa labi niya ang ngiti. "Bukas na bukas, nagpapatawag 'yung magaling nating CEO na magbe-beach tayo sa Palawan!" Tumitiling balita niya kaya mas lalo akong naguluhan. "Ha? Eh, tambak tayo sa work, 'di ba?" Tanong ko naman. Oo, tambak na tambak kami sa work dahil bumabalik ulit ang pagtaas ng sales ng Cy-Collagen, unti-unti na rin kasing humupa 'yung issue, ewan ko ba kung paano 'yun naagapan. "Kaya nga, celebration daw 'yan dahil masaya ang CEO natin na naging maayos na ang takbo ng kompanya, gusto niyang magpasalamat sa atin dahil nakatulong tayo," tugon naman niya kaya napakamot ako sa ulo ko. "Eh, dapat si Doctora Morocov ang papasalamatan niya dahil siya naman 'yung nag-research tungkol sa Cy-Collagen," saad ko naman. "Hayaan mo na, kagustuhan naman ni Madam V na mag-beach tayo, mabuti na lang talaga at sinasali niya tayo sa mga celebration niya sa buhay," ani Natalia. "Anong oras ang byahe?" Tanong ko sa kan'ya at saka ay ibinalik na ang tingin sa trabaho ko. "Bukas, maaga tayo mga 6 AM dapat nandito na tayo para sabay-sabay na tayong umalis, mag-eroplano raw tayo, sasakay tayo sa private plane ni Sir Wild kasi malaki," balita niya sa akin. "Mag-shopping tayo mamaya after work, ha? Bibili tayo ng susuotin nating swimsuit," patuloy niya pa kaya napakamot ako sa batok ko. "Eh, 'di ako nagsusuot ng swimsuit, eh, nakakahiya," nahihiyang saad ko. "Chi, nahiya ka pa, sa ganda ng katawan mo may gana kapang mahiya? Alam mo, ikaw na lang ang matagal kong inantay na magsuot ng swimsuit. Nandoon ang jowabels mo, kaya kailangan mong magpakabog kasi nandoon din si Ma'am V, at alam kong mag-swimsuit 'yun dahil kay Sir Wild. Gusto mo bang sa ibang babae titingin 'yung jowa mo?" Paalala niya sa akin. "Hindi ko hahayaan na titingin siya sa iba, 'no, dapat sa akin lang titingin si Sir Wild," tugon ko naman kaya ngumiti ng malapad si Natalia sa sinabi ko. "Ayan! The confidence is high! You go girl!" Cheer niya sa akin at pumalakpak pa dahil sa tuwa. "Ako ang pipili ng swimsuit para sa 'yo, dalawang araw lang naman tayo sa Palawan kaya kailangan natin ng medyo marami-raming dadalhin, you know we're girls, marami tayong kaartehan sa buhay." "Oo na, oo na, mamaya na tayo bumili, ikaw naman, dami mong pauso," surrender ko. Hindi ko talaga mahindian ang babaeng 'to kahit ayaw ko ay napipilit niya talaga ako. |༺☬༻| Dumating na ang gabi at maaga namin tinapos ang trabaho namin ni Natalia at nagpunta na kami agad sa mall. Marami kaming binili, bumili kami ng sunscreen, sunglass, beach hat, mga swimsuit, mga ipapahid sa mukha at katawan, mga beauty products, at bagong damit na susuotin namin sa loob ng dalawang araw. Basta talaga si Natalia ang kasama ko napapagastos ako ng wala sa oras kahit gusto kong magtipid kasi gusto ko magtayo ng magandang bahay para sa amin ni Mama pero ito ako, oh, nilakwatsa lang ang pera ko. Mabuti na lang at si Natalia ang gumastos ngayon sa dinner namin. Kasalukuyan na kami ngayong kumain sa isang mamahaling restaurant na nasa loob lang din ng Cyrene Mall. Hindi ko alam ano itong kinakain ko pero mga Italian foods, 'yung iba parang masusuka ako sa amoy, masyadong maraming kamatis. Pero kahit papaano ay masarap naman ang pagkain lalo na itong spaghetti nila na walang ketchup. Hindi na rin naman kailangan ng ketchup 'to dahil may lasa na rin naman ang pasta. "Hindi ba marami 'tong binili natin?" Tanong ko kay Natalia habang kumakain. "Kung hindi pa ubos ang pera mo, ibig sabihin ay hindi pa 'yan marami, at saka malapit na rin naman ang pay-day natin, eh, malapit na mag-end ang March, mag-April na tayo sa susunod na linggo, kaya ayos lang na ubusin mo 'yang pera mo," tugon naman niya at uminom ng red wine. "Well, may natira pa naman akong pera rito na hanggang ngayong linggo na lang din ito," tugon ko naman at napatango-tango naman siya. "E 'di goods, ubusin mo na lang 'yan sa Palawan, marami tayong mabibili roon," suhestyon niya. "Ayaw," diretsahang tugon ko at kumain ulit. "Ewan ko sa 'yo, kumain kana nga lang riyan para maka-uwi na tayo, magb-beauty rest pa ako para bukas, para hindi sabog ang mukha ko bukas ng umaga," saad naman niya. |༺☬༻| Saktong alas sais ay nandito na ako sa HQ ng Cyrene. Mabuti na lang talaga at dinaanan ako ni Natalia at sumabay na ako sa kan'ya sakay ang kotse niya. Nandito na rin ang lahat at handa na kami para umalis papuntang airport dahil nandoon naman ang eroplano ng magaling kong amo. Mga isang oras lang naman daw ang byahe kapag mag-eroplano kaya keri 'yan! Sumakay ulit ako kay Natalia papunta sa airport dahil hindi ako sumakay kay Sir Wild baka ano pang gawin nu'n sa akin. Actually, hindi naman buong Cyrene ang magbe-beach, 'yung mga supervisors, head, BOD, at kaming mga secretary ang nandito dahil 'yung ibang mga empleyado ay magta-trabaho, sa susunod na lang daw ang mga 'yun. Nakarating na rin kami sa airport kung saan nakalapag ang eroplano ni Sir Wild. Dalawa ang private plane ni Sir, 'yung isa ay 'yung ginamit namin papuntang Cebu, 'yung hindi masyadong malaki, 'yung isa ay 'yung gagamitin namin ngayon dahil malaki ito. Ang yaman-yaman niya talaga! 'Yung cruise ship nga na sinakyan namin ni Sir Wild noong nakaraang gabi ay nirenta nga rin niya 'yun mula sa Cyrene. Ilang minuto ang lumipas at bumyahe na rin kami. Katabi ko ngayon si Sir Wild, ewan ko ba kung nasaan si Natalia at si Sir Wild ang nandito sa tabi ko. Napansin ko ang pagkabalisa ni Sir Wild habang katabi ako. "Sir, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kan'ya. "I can't do this anymore," namimilipit na saad niya. May kung anong pinipigilan siya pero hindi niya magawa. "Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?" Tanong ko pa dahil pinagpapawisan na siya kahit malamig naman ang aircon. "Stella," mahinang saad niya at parang naghahabol pa sa hininga niya. "Why? Sabihin niyo po ang nararamdaman niyo," ani ko at hinawakan ang kamay niya. "I... I'm... Stella... I'm... Horny," utal na saad niya na ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD