Capítulo Veintidós punto dos (22.2)

1448 Words
Ilang saglit pa ay bumalik si Kennethly habang hatak-hatak niya ang isang kadena at nakatali roon ang babaeng nakasuot lang ng underwear. Umiiyak ang babae habang pilit na kumakawala sa kadenang nakatali sa magkabilang pulsuhan niya. Namumula na ang balat nito at nagsisimula na ring lumaki ang mga butlig-butlig nito sa balat. Nanlaki ang mga mata ng lahat nang makita nila ang estado ng babae. Agad napa-ayos ng upo si Lorean habang pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa at napalunok siya nang detalyado niya itong tiningnan. "That's ridiculous but incredible, Travis!" Hindi makapaniwalang saad ni Lorean sa lalaki at namangha siya sa nakikita niya sa harapan niya. "Well, ano ba ang silbi ng pagiging scientist s***h doctor ko kung hindi ko gagamitin ang talino ko pagdating sa field na ito?" Nakangising tugon ni Travis at napa-iling na lang si Lorean sabay ngisi dahil sa sagot ng lalaki sa kan'ya. "After a couple of minutes, makikita niyo na kung paano puputok ang mga butlig na 'yan sa balat niya, if you can endure it," patuloy pa ni Travis at palipat-lipat ang tingin niya mula sa babae at sa mga kasamahan niya. "After launching this medicine in the market, the blame will be given to Cyrene Group, without them knowing who are the persons behind this plague," nakangising saad naman ni Ace habang detalyadong tiningnan ang babae sa harapan. "Exactly! Gan'yan ang mangyayari, and we'll expect the results according to our plan. The blame will be on Cyrene Group, ang pagbagsak will be on Cyrene Group, the consequences will be received by Cyrene Group, especially to their CEO, Victoria Villafuentes, because she is the one who planned to make this product," sang-ayong saad naman ni Travis at nakangisi pa siya habang nakatingin kay Ace. "Well then, let's celebrate for the downfall of Cyrene, hoping na mangyayari iyun. I'm very looking forward to that," masayang saad naman ni Yoshida sabay sandal sa sofa na inuupuan niya. "No one can interfere our plan, no one knows about this, only us, maliban na lang kung isa sa inyo ang pipigil at tatahol sa publiko," mariing saad ni Travis at napa-igting siya sa panga niya. "Nope, we all agreed on this, and we all want to witness the downfall of Cyrene," depensa naman ni Thaddeus habang inikot-ikot ang alak na nasa loob ng baso niya. "Good," tipid na tugon ni Travis at napabuntong-hininga at uminom sa alak niya pagkatapos. |༺☬༻| Stella's POV Tumunog na ang elevator na sinasakyan ko, hudyat na nakarating na ako sa floor kung saan ako tutungo at pagbukas ng pinto ng elevator ay bumungad agad sa akin ang lalaking nakatayo sa hallway na hindi kalayuan sa akin. Nakatingin ng diretso sa akin ang malalamig at walang emosyong bughaw na mga mata niya na parang may balak na namang lunurin ako sa isang malalim na karagatan at masama pa ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Ang isang kamay niya ay nakasuksuk sa bulsa niya habang ang isa naman ay nakababa lang. "S-Sir Wild..." Mahinang bulong ko dahil lumalakas ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya, at lalo na sa tingin niya na para bang nakikita niya ang kaluluwa ko, at sa anumang oras ay mapapatay na niya ako sa tingin. Dali-dali kong pinindot ang button ng elevator para isara ulit ang pinto nang mapansin kong nagsimulang maglakad si Sir Wild papunta sa akin habang nakapako pa rin ang matatalim na tingin ng mga mata niya sa akin. Mga tingin na para bang mabubutas na ang mukha ko. "Bilis!" Natatarantang saad ko habang patuloy kong pinipindot ang elevator dahil ilang metros na lang ang layo niya mula sa elevator. Para akong hinahabol ng isang serial killer dahil sa tarantang nararamdaman ko ngayon, at parang ilang saglit na lang ay maabutan na ako ng serial killer at mapapatay na niya ako kung hindi pa masasara ang pinto ng elevator. Huling nakita ko ay ang masamang ismid ni Sir Wild na naka-ukit sa labi niya at napa-igtad na lang ako sa gulat nang biglang may kamay na pumasok sa maliit na espasyo sa pagitan ng papasarang dalawang pinto ng elevator. Pinasok niya pa ang isa niya pang kamay sa elevator at buong lakas na hinawi ang dalawang pinto kaya tuluyan na itong nabuksan at nakaharang ang matipuno niyang mga braso sa magkabilang gilid niya para hindi sumarado ang pinto. Napahigit ang hininga ko nang bumungad sa harapan ko ang pamilyar na panlalaking perfume ng matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na coat, itim na slacks, itim na long sleeve sa ilalim at pulang necktie habang nakayuko ang ulo niya at nagtaas-baba ang magkabilang balikat niya dahil sa nakakatakot niyang hagikhik. "You really want to avoid me, Ms. Levesque? You're such an incredible woman I've ever met, the thick of your face for avoiding me," parang kulog ang boses niyang sinabi iyun sa akin na nagbigay ng matinding panginginig sa aking mga tuhod. Napa-angat ang tingin niya at diretso niyang tiningnan ang mga mata ko gamit ang malamig at walang emosyon niyang bughaw na mga mata, unti-unti ay nararamdaman ko na naman ang pagkalunod ko sa malalim na karagatan dahil sa kan'yang tingin sa akin. Hindi ko mabasa ang kung ano mang pinapahiwatig ng mga mata niya sa akin, at tanging ang naka-ismid na labi lang niya ang naiintindihan ko. Hindi ko makita roon ang mesteryong paminsan-minsan na dumadaan doon, blangko lang siyang nakatingin sa akin. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. Dahil na rin siguro sa matinding kaba sa dibdib ko dahil nagiging abnormal na ang matinding pagtibok ng puso ko, natatakot akong baka marinig niya ang kabog ng aking puso na para bang 'yun na lang ang naririnig ko simula pa kanina dahil sa matinding katahimikang pumapagitna sa aming dalawa. Dagdag pa rito ang malamig niyang tingin na para bang tinutusok ako ng malalamig na kutsilyo sa katawan ko dahil sa mga mata niyang matalim ang titig sa akin. Nakakakilabot ang pag-ismid niya sa akin at pumasok na sa elevator na sinasakyan ko. Agad niyang sinarado ang pinto ng elevator at pinindot ang pinaka-ground floor ng building kung saan nandoon ang parking area. Agad hinawakan ni Sir Wild ang magkabilang balikat ko gamit ang malalapad, magaspang, at matigas niyang magkabilang kamay sabay sandal niya sa akin sa elevator. Yumuko siya ng kaunti para magkasing tangkad lang kami at diretso niyang itinuon ang malalamig na tingin ng kaniyang bughaw na mga mata sa bughaw ko ring mga mata na kanina niya pa ginagawa. "Tell me, why are you doing this to me, Stella? Why are you avoiding me? Speak!" Singhal niya sa akin na ikinagulat ko, parang mabingi ako dahil sa lalim at lakas ng boses niya na umalingawngaw sa apat na sulok ng elevator na sinasakyan namin. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil may bumabara pa rin sa lalamunan ko, naka-awang lang ang bibig ko at hindi ko magawang makapagsalita sa kung ano man ang gusto kong sabihin sa kan'ya. Umayos siya ng tayo habang madilim ang tingin sa akin at naramdaman ko ang malapad niyang palad sa likuran ng ulo ko at walang sabi-sabing hinila niya ang buhok ko pababa kaya napatingala ako sa kan'ya sabay ngiwi ng labi ko dahil sa ginawa niya, agad akong napasinghap at ngayon ko lang narealize na kanina pa pala ako hindi humihinga dahil sa matinding presensya niya. Hindi agad ako nakapaghanda sa sunod niyang ginawa sa akin dahil sinunggaban niya agad ang naka-awang at nakangiwing labi ko. Marahas ang halik niya na para bang gutom na gutom siya at ilang araw nang hindi na kumakain dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin, gigil na gigil siya habang kinakagat ang ibabang labi ko pero kahit ramdam ko ang gigil sa marahas niyang halik ay napapansin ko pa rin ang pagpipigil niya sa pagdiin ng kagat sa ibabang labi ko. Parang malagutan na ako ng hininga dahil sa halik niya na isang minutong nagtagal at napatigil na lang 'yun nang marinig na namin ang pagbukas ng elevator. Ramdam ko ang hapdi ng labi ko dahil sa marahas niyang halik. Ang mga mata niya ay ganoon pa rin ang tingin sa akin at hindi nagbabago ang malalamig niyang tingin. "Now speak or else I will ripped your lips out from your mouth, Levesque," matigas at mariin niyang saad at may halong pagbabanta ang tono ng boses niya, at alam kong kayang-kaya niyang gawin iyun dahil sa paraan ba naman ng halik niya sa akin kani-kanina lang. Mas lalong nanginig ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niyang iyun. Napalunok ako ng ilang beses at napa-awang ang humahapdi kong labi dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD