Capítulo Veintitrés punto uno (23.1)

1466 Words
"S-Sir," kinakabahang tugon ko at napakagat ako sa ilalim ng aking pisngi para pigilan ang panginginig ng aking labi. Diretso ang tingin ko sa kan'yang kulay karagatang mga mata na madilim ang tingin sa akin, kung saan ay kanina pa ako nilulunod at hinihipnotismo nito. Dumaan bigla ang mesteryosong presensya roon at nawala lang ito agad kaya napakuyom ako sa dalawang palad ko na nakabagsak sa magkabilang gilid ko at ramdam na ramdam ko ang panlalamig nito at pamamasa dahil sa matinding kaba at takot. "What, Stella? Speak!" Sigaw niya na nagpaigtad sa akin at napahigit na naman ang hininga ko dahil sa lalim ng boses niya na umalingawngaw sa loob ng elevator. Nagbigay ito ng lamig sa aking batok pababa sa aking likod na naging dahilan kaya mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko. Nararamdaman ko na rin ang malamig na pawis na bumababa mula sa anit ng aking ulo pababa sa aking noo. Bahagyang napa-awang ang bibig ko at napalunok ng laway pagkatapos para lang tanggalin ang kung anumang bumara sa aking lalamunan na naging dahilan kaya hindi ako makapagsalita simula pa kanina. Nawala ang tensyong namamagitan sa aming dalawa nang matuon ang tingin ko sa sumaradong pinto ng elevator dahil kanina pa ito nakabukas at hindi pa kami lumalabas. Nabalik ulit ang tingin ko sa kan'ya at napa-igting ang panga niya. Paakyat ulit ang tingin ko papunta sa nakakunot niyang noo pabalik sa kan'yang kulay karagatang mga mata. Kinagat ko ang ibaba kong labi at napabaling naman ang tingin ng mga mata ni Sir Wild mula sa aking mga mata pababa sa aking labi at binalik niya ulit ang tingin niya sa mga mata kong kasing kulay ng sa kan'ya. "Speak," malamig niyang bulong at tumama sa ilong ko ang amoy mentol niyang hininga. Unti-unting nag-sink in sa utak ko ang lahat at para akong naahon mula sa malalim na karagatang mga mata niya nang marinig ko ang mahina niyang saad at bumalik sa ala-ala ko ang rason kung bakit ko siya iniiwasan. Unti-unti ay lumalabo ang paningin ko at bigla na lang ding nawala ang panlalabong iyun kasabay ng pagbasa ng magkabilang pisngi ko. "G-Gusto kita, h-hindi, m-mahal na kita," pabulong na saad ko at napa-iling kasabay ng pagkabasag ng boses ko dahil may namumuo na namang bara sa aking lalamunan. Bago ako napayuko para itago ang pag-iyak ko nang nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko, ang paglambot ng kan'yang tingin kasabay ang pag-igting ng kan'yang panga at napa-awang ang kaniyang labi ang huli kong nakita bago natuon ang atensyon ko sa baba at napapikit sa aking mga mata kasabay ng pagtulo ng mga luha kong kanina pa nagbabadya. Naramdaman ko ang magaang daliri na lumapat sa aking baba na nagpa-angat sa aking tingin pabalik sa lalaking kaharap ko. Unti-unti ay napamulat ulit ako sa aking mga mata nang maramdaman ko ang magaspang na daliri na magaang pumahid sa namamasa kong pisngi. Nagtama ulit ang mga mata namin ni Sir Wild nang tuluyan ko ng namulat ang aking mga mata, puno ng halo-halong emosyon ang bumabalot sa bughaw niyang mga mata, ngunit sinseridad lang ang nangingibabaw sa lahat. "Stella..." mahinang saad niya. Malambot ito at hindi ito katulad kanina na parang magaspang. Naramdaman ko ang matinding pag-init sa aking pisngi at sa aking puso nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko sa ganoong boses. "S-Sorry, h-hindi ko naman sinasadyang maramdaman ko ito," nahihirapang saad ko dahil sa munti kong paghikbi at dahil na rin sa pagpipigil kong pumiyok. "Then, why are you avoiding me? Hm?" Puno ng sinseridad na tanong niya at naramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang palad sa kabilang pisngi ko kasabay ng pagpahid niya sa mga luhang kanina pa tumutulo. Napangiwi ako sa aking pag-iyak nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking puso dahil sa nararamdaman kong sakit ngayon kaya napaturo ako sa bandang dibdib ko kasabay ng pag-awang ng aking labi. "K-Kasi m-masakit dito, nasasaktan ako," nahihirapang saad ko at nabasag ng tuluyan ang boses ko habang tinuturo ang dibdib kong bahagyang humahapdi at napahikbi na lang ako ng tuluyan. "Hush, Stella," mahinang saad niya at agad niya akong ikinulong sa kan'yang bisig at napasubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib habang nararamdaman ko ang magagaang paghipo niya sa likuran ng aking ulo na nagpaiyak ng tuluyan sa akin. "Hush, stop crying, please," mahinang saad niya habang patuloy siya sa paghaplos sa aking malambot na buhok at naramdaman ko na lang ang labi niyang humalik sa ibabaw ng aking ulo. Parang gumaan ang nararamdaman ko nang maibuhos ko na lahat ang mabigat na pinapasan ko sa aking dibdib sa pamamagitan ng pag-iyak ko ng husto habang nakakulong sa bisig niya. Unti-unti ay tinulak ako ng marahan ni Sir Wild para maghiwalay na kami sa yakapan naming dalawa at para mapagmasdan niya ako ulit, kasabay nu'n ay ang pagpahid niya sa namamasa kong pisngi. "Paano kita nasaktan ng ganito, Stella? Tell me," bulong na saad niya habang tinitigan niya ng maigi ang aking mga mata. Huminga na muna ako ng ilang beses para pakalmahin ang puso ko at saka tumikhim para mawala ang nakabara sa aking lalamunan kasabay ng pag-awang sa aking labi. "Noong tinanong kita kung ano bang relasyon sa ating dalawa, at kung ano bang namamagitan sa atin, dahil nalilito ako sa mga pinapahiwatig mo sa akin, hindi ko maintindihan," paliwanag ko. Napaiwas ng tingin si Sir Wild at parang nag-isip at saka ay ibinalik ulit ang tingin niya sa mga mata ko. Mapait akong ngumiti sa kan'ya nang walang kahit anong lumabas na salita sa kan'yang bibig at umatras ako ng ilang hakbang mula sa natitirang espasyo sa aming dalawa at tuluyan niyang nabitawan ang pisngi ko. "Ayos lang, Sir, gusto ko lang namang linawin ang kung anong mayroon sa atin, para hindi ako mamuhay sa mga mixed signals mo. Pero sa pinapakita mo sa akin ngayon, maliwanag na ang lahat sa akin kung hanggang saan lang ako sa 'yo, kung hanggang saan lang ang tingin mo sa akin, alam kong parausan mo lang ako, pampaligaya sa pagnanasa mo. Alam ko namang mababa lang ang tingin mo sa akin, kasi imposible naman kung mataas ang tingin mo sa akin lalo na't alam mong simula pa lang ay wala na akong naabot sa buhay, alam kong kaya mo lang ako kinuha bilang sekretarya mo para lang maibsan ang pangangati ng iyong katawan. Gan'yan naman kayong mayayaman, mababa ang tingin sa aming mahihirap. Para na rin matigil ang mali kong nararamdaman at ang iyong kasakiman na tanging kaligayahan ng sarili mo lang ang iyong iniisip, mas maigi na ring aalis na ako sa trabahong ito dahil pagod na ako sa lahat ng bagay na araw-araw kong hinaharap, mga bagay na hindi ko pinangarap na harapin, mga bagay na nagbigay sa akin ng matinding trauma dahil kay Hurricane. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako kay Hurricane, lalo na sa 'yo!" Prangkang pahiwatig ko. Parang naibsan ang matinding bigat na pasan-pasan ko araw-araw dahil nailabas ko na ngayon ang kung anuman itong totoo kong nararamdaman. Agad akong umalis sa harapan niya at binuksan ulit ang elevator. "Stella," rinig kong tawag niya sa akin sa malambot niyang boses pero hindi ko na iyun inintindi at lumabas na ng elevator at tuluyan ko na siyang iniwan doon sa loob. |༺☬༻| Kasalukuyan ako ngayong nakatunganga sa harapan ng laptop dahil sa lalim ng aking iniisip simula pa lang kanina. Tapos na rin ako sa trabaho ko at kailangan ko nang i-akyat ito sa opisina ni Sir Wild. About lang naman itong report ko sa opening ng bagong produkto ng Cyrene na ilalabas na sa susunod na linggo. Sa iisiping kailangan kong i-akyat itong report ko ay nanghihina na naman ako dahil haharapin ko na naman ang magaling kong amo. Wala akong planong harapin ang pagmumukha niya ngayon dahil malalim pa rin itong sugat na natamo ng aking puso. "O? Kanina ka pa nakipagtitigan sa laptop mo riyan. Ice cream pa sana 'yang laptop mo, kanina pa 'yan natunaw. Tapos kana ba sa trabaho mo?" Agaw-pansin sa akin ni Natalia kaya malalim akong napabuntong-hininga at saka ay blankong mukha ang iginawad ko sa kan'ya. "Lalim, ah, anong problema mo? Inaway ka ba ni Ma'am V?" Kunot-noong tanong ni Natalia at saka ay ibinaling ko ulit ang tingin ko mula sa kan'ya pabalik sa laptop kong nakapatay na sabay iling bilang tugon sa tanong niya. "Si Sir Wild ba? Pinagalitan ka ba niya? Nagkaharap ba kayo?" Sunod-sunod na tanong niya kaya umiling ako sa unang tanong niya at sinundan ko naman ng tango sa ikalawang tanong niya. "So si Sir Wild nga. Anong sinabi niya sa 'yo?" Interesadong tanong niya at bumuntong-hininga na naman ako ng malalim at saka ay isinandal ang likod ko sa swivel chair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD