Capítulo Cuarenta y Uno punto dos (41.2)

1779 Words
Nakita ko siya somewhere basta nakita ko na siya dito sa Cyrene. Ilang beses ko na siyang nakita, pero hindi ko maalala kung saan, basta dito sa loob ng kompanya ko siya minsanang nakikita. Agad ko ng inawat si Wild at natigil naman siya kakasuntok sa lalaki. Ramdam ko ang matinding panginginig niya sa galit nang hawakan ko ang braso niya. Nanlalamig ang kan'yang balat at kakaiba ito sa ibang pagkakataon noon na kapag hahawakan ko siya ay mainit ang kan'yang balat. Ganito ba siya kung magalit? Nanlalamig at nanginginig? Ilang minuto ang nakalipas. "Sige, aantayin ka namin dito," saad ni Wild sa katawag niya at nagbabaan na sila ng telepono sa isa't-isa. Kasalukuyan ngayong nakagapos ang lalaki sa hawakanan ng hagdan. May dala-dala kasi siyang tali at 'yun ang ipinanggapos ni Wild sa kan'ya. Naglakad ako papalapit sa lalaki at tinitigan ko ng maigi ang mukha niya. "Pamilyar ka talaga sa akin, dong, basta nakita na kita rito sa loob ng kompanya ng ilang beses," saad ko sa lalaki at napatingin siya sa akin, nagtama ang dalawang pares na kulay tsokolate niyang mga mata sa akin. Mestizo siya at pansin kong may lahi talaga siya dahil sa kakisigan niya. "Nakikita mo na siya rito sa loob?" Tanong ni Wild sa akin at napatango naman ako. "Vice President ka pero 'di mo kilala ang mga taong pinapapasok mo sa kompanya," nakangusong saad ko sa kan'ya. "Hindi ako in-charge sa Human Resource Department, Stella, Head ako ng mga Vice President sa limang department sa kompanya," paliwanag niya sa akin. "Eh, bakit nung ako 'yung nag-apply, isa ka sa mga interviewer ko?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya. "Because, I must see my aspiring secretaries personally, Stella, at saka nandoon ka, eh, gusto kitang makita," saad ni Wild napanguso ako sa kilig. Mga sampung minuto ang nakalipas at may dumating na lalaki. Pamilyar sa akin ang lalaking ito! Siya 'yung lalaking nakita ko sa Rizal dati na kausap ni Wild! "Mabuti at nandito kana, Damon, kanina pa kami nag-aantay sa 'yo," bati ni Wild sa lalaki! Tama! Siya nga 'yun! Si Mr. Reduxé! "At... May kasama ka palang ibang tao, akala ko kayong lang dalawa ng prospect na Hurricane," malamig na tugon ng lalaki at napatingin sa akin at binalik agad ang tingin niya kay Wild. Ay suplado, pero alam ko namang suplado siya, unang kita ko pa lang sa kan'ya noon sa Rizal, ramdam kong suplado talaga siya. |༺☬༻| Nandito na kami ngayon sa police station at dinala namin si Hurricane dito. Napalibot ang tingin ko sa Police Station at may mga nakakulong doon sa prisinto sa police station na ito. "Ano ang pangalan mo?" Tanong ni Mr. Reduxé kay Hurricane. "Hurricane," malamig na tugon ng lalaki. "Hindi, 'yung totoo mo ngang pangalan," pagkaklaro ni Mr. Reduxé. "Bakit mo natanong? Aanhin mo ang pangalan ko?" Kunot-noong tanong ni Hurricane kay Mr. Reduxé. "I need your information, Hurricane," malamig na saad ni Mr. Reduxé sa lalaki. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. "I'm a private person, talk to my lawyer na lang," walang ganang saad ng lalaki kaya napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa pinagsasabi niya. "Just tell me your name!" Galit na sigaw ni Mr. Reduxé kaya napa-igtad ako dahil sa malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa loob. Napatingin din sa kan'ya ang ibang mga pulis na tahimik lang na nagta-trabaho at 'yung limang priso na nakakulong doon sa sulok ng prisinto. "Talk to my lawyer! Bobo!" Sigaw naman pabalik ni Hurricane. "What's your lawyer's name?" Tanong ni Mr. Reduxé sa kan'ya at ngumisi lang ng malapad si Hurricane sa kan'ya. "Secret, private lawyer ko kasi siya, basta ang alam ko sa private ay hindi pinapa-alam sa iba," mapang-asar na saad ng lalaki kaya napakamot na lang si Mr. Reduxé sa batok niya dahil sa inis. |༺☬༻| Umuwi ako sa apartment ko na na-iistress dahil kay Hurricane. Pinagod niya ang pasensya ko, alam mo 'yung nakakainis, 'yung seryoso mong tinatanong 'yung tao pero walang sense 'yung sagot. Mabigat pa rin talaga ang pakiramdam ko rito sa loob. Hindi pa rin talaga nawawala ang masamang enerhiya rito sa loob. Natulog akong nakabukas ang ilaw na hindi ko naman kinasanayan, kasi natutulog akong patay talaga ang lahat ng ilaw sa loob. Ilang sandali lang ay naramdaman kong may kung anong mabigat talaga sa loob ko kaya naalimpungatan ako at nagising. Bwesit kasi 'yung bulaklak na 'yun, eh, may dalang masamang espiritu! Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa dalawang dahilan, una dahil nakabukas ang ilaw, pangalawa ay mabigat talaga ang pakiramdam ko rito sa loob. Lumabas ako sa apartment at nagtungo ako sa elevator at pumasok doon at saka ay pinindot ang button nito paakyat doon sa rooftop ng gusali na ito. Ilang buwan na akong sumasakay sa elevator dito sa apartment pero kamakailan ko lang nalaman ang pangalan nito. Nahihiya naman kasi akong magtanong sa mga nakakasabay ko rito at mga kapit-bahay ko. Mga tahimik lang kasi sila at nahihiya naman akong kumibo kaya 'di ko natatanong kung ano talaga ang mga pangalan ng mga bagay-bagay na dito ko lang sa Manila unang nakita. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa rooftop ng gusali. Hindi naman ganoon katayog ang apartment building na ito pero nakikita ko na ang mga ilaw sa baba pero mayroon pa rin talagang mga building na nakaharang sa ibang side kaya hindi ko makita ng buong-buo ang siyudad. Hindi kagaya doon sa Cyrene na kapag nandoon na sa rooftop ay makikita mo talaga ang buong siyudad. Speaking of Cyrene, makikita rin mula rito ang building ng Cyrene dahil sa tayog nito ay lumagpas na ito sa ulap. 'Yung floor namin ay lagpas na nga sa ulap 'yun minsan. Makikita ko talaga ang pagkakurba sa katawan ng gusali na para siyang malaking Letter C na nakahiga pero hindi ganoon kakurba ang gusali kagaya sa pagkakurba ng letrang C. Parang crescent shape lang siya. Nilanghap ko ang malamig at polluted na hangin, wala akong magagawa, walang preskong hangin dito. Nakalanghap lang ako ng preskong hangin nung pumunta kami sa Rizal, umuwi ako sa Bukidnon, at nung pumunta kaming Palawan. Napayahat ang ulo ko sa langit at nakita ko ang buwan na buong-buo, kakasimula pa kasi ng buwan ng April kaya buo pa ang buwan. Pagdating ng gitna ng buwan, walang makikitang moon sa langit. Napatingin din ako sa mga kumikislap na mga maliliit na bagay sa paligid ng buwan. Ito ay mga bituin, kung saan kinuha ang pangalan ko. |༺☬༻| Kinabukasan. Kasalukuyan kami ngayong nagbebendisyon sa apartment ko kasama ang pari at ang dalawang sakristan na kasama niya. Nagdadasal na kami ngayon at taimtim lang akong nakapikit habang nagdadasal. Ilang minuto lang ay natapos na rin ang pagbebendisyon sa apartment ko. Napalibot ang paningin ko sa paligid at natuon na ang atensyon ko sa mga bisita. "Maraming salamat po, Father," nakangiting pasasalamat ko sa kanila at tinapik niya ng mahina ang aking balikat. "Pagpalain ka ng Poong maykapal, napakabait mo, Hija," puri niya sa akin at napangiti naman ako at napayuko. "Maraming salamat po ulit," tugon ko at saka ay binigyan ko na sila ng pera sa serbisyong ibinigay nila sa akin. Paglabas nila sa apartment ko ay gumaan na ang pakiramdam ko, wala na 'yung mabigat na enerhiya sa loob. "Hay salamat! Makapagpahinga na rin ng maluwag!" Masayang saad ko sabay higa sa higaan at kinuha ko ang phone ko na nasa gilid ko nang tumunog ito. Nag-text si Wild! From Handsome Wildfire: "Be free for me tonight, I'll fetch you later at 6 PM, dress well, Blondie, see ya!" Gosh! Saan na naman ako dadalhin ng bruhong 'to? Dahil may lakad kami mamaya, so ibig sabihin ay tapos na siya sa misyon niya? Kasi sabi niya sa akin na babawi raw siya sa akin kapag maging maayos na ang lahat. Well, nahuli na rin naman namin si Hurricane kahapon, then wala na kaming problema sa kompanya! Napangiti naman ako sa isipang iyun. Kasi magiging tahimik na ang Cyrene at wala ng problema, wala ng mamamatay sa mga araw ni Hurricane, at saka hindi ko na rin maririnig 'yung nakakasawang kanta na palagi kong naririnig sa Cyrene kapag may namatay na naman. Nang nakapagpahinga na ako ng kalahating minuto kakahilata ko sa higaan ay naisip kong maglaba sa mga damit na sinuot ko sa buong linggo. Hindi ako nakalaba kahapon dahil pumasok ako sa work. Nakapag-refill na rin ako sa refrigerator kaninang umaga nung hindi pa dumating 'yung mga bisita ko, at pagkatapos kong mag-grocery ay naglinis ako sa buong apartment ko at ngayon ay maglalaba na ako para wala na akong iisipin mamaya sa lakad namin ng boyfriend ko. Dalawang oras akong naglaba at pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na ng hapon. Kailangan ko na rin maghanda para sa sarili ko. |༺☬༻| Napatingin ako sa buong katawan ko sa body size mirror na nasa harapan ko. Nakasuot lang ako ngayon ng itim na skater dress at kitang-kita nito ang maputi kong dibdib. Pinaresan ko ng pointed na black flat sandal ang suot kong damit. Nagsuot din ako ng kwentas na may letrang S bilang pendant at hikaw na star din ang pendant nito. Nagsuot lang ako ng light make up at nude brown na lipstick. Hindi ako mahilig sa dark feature na make up, nagmumukha akong magandang mangkukulam kung ganoon. Nakabagsak lang din ang wavy kong buhok na hanggang bewang ang haba. Makapal ang buhok ko pero hindi ito mainit tignan dahil sa pagiging malambot nito. Bigla na lang tumunog ang phone na naging dahilan kaya nalipat ang atensyon ko mula sa repleksyon ko sa salamin papunta sa phone ko na nakalagay sa loob ng maliit na shoulder bag ko. Kinuha ko na ito at saka ay binuksan at nakita kong si Wild ang nagtext! From Handsome Wildfire: "I'm in front of your unit, I've been waiting for you for almost 10 minutes." Agad akong napasinghap sa text niya sa akin. Napatingin ako sa oras na nasa phone ko at malapit na palang mag-alas sais! To Handsome Wildfire: "Ba't 'di mo naman sinabing nandito kana pala?!" From Handsome Wildfire: "I want to surprise you pero ang subrang tagal mo naman d'yan, quick!" To Handsome Wildfire: "Oo na, oo na! Atat mo naman, hindi naman kita tatakbuhan!" Inis kong ipinasok ulit ang phone ko sa bag at saka ay tiningnan sa huling pagkakataon ang buong katawan ko. Nang ma-satisfy na ako sa nakita ko ay kinuha ko na ang shoulder bag at isinabit ko na ito sa aking balikat at lumabas na ng apartment. Bumungad agad sa aking harapan ang nakabusangot na mukha ni Wild at masamang-masama ang tingin niya sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD