Capítulo Cuarenta y Uno punto uno (41.1)

1762 Words
Agad namin tinungo ang locker room na nasa ika-35th floor ng gusali. Ang layo ng pinuntahan namin! Pagdating namin sa baba ay marami ng mga empleyadong nagkukumpulan sa hallway sa labas ng locker room. Pilit naming isinisiksik ang sarili namin sa mga nagkukumpulang mga tao hanggang sa nakapasok na kami sa locker room. Naabutan namin ang iilang mga empleyado roon sa loob na may tinitignan sa loob ng isang locker kaya nagtungo kami sa kinatatayuan nila. Napasinghap na lang ako sa gulat nang makita namin ang kung ano ang nandoon. Isang lalaki ang sapilitang nakasiksik doon. Para siyang binali-balian ng buto dahil sa sitwasyon niya, or sasabihin kong bali-bali nga ang mga buto niya. Naalala ko bigla si Eloisa noon, 'yung babaeng ipinasok sa maliit na maleta tapos nilagay sa harap ng opisina namin dati, parang ganito din ang nangyayari sa lalaking ito. Kaso lang ay may bago, wala siyang mga mata, butas ang mga mata niya tapos may papel pang nakadikit sa kan'yang noo at may nakasulat pang number 7 dito. Nakakatakot nga talaga ang mukha ng lalaki dahil wala siyang mga mata tapos sapilitan ang paglagay sa kan'ya sa loob. Parang binali-bali muna ang mga buto bago ipinasok dito. "Sinong gumawa nito kay Kalel?! Kalel!" Sigaw ng isang babae kaya napalingon na lang kami sa likuran namin at nakita namin ang isang babae na umiiyak at nanginginig pa ang mga kamay niya. "Sino 'yan?" Bulong ko kay Natalia. "Girlfriend niya 'yan," bulong niya pabalik sa akin kaya napatango na lang ako. Napa-atras kami sa kinatatayuan namin ni Natalia nang pumunta sa harapan namin 'yung babae at doon umiyak ng umiyak. "Kawawa naman siya," naaawang saad ko at pinagmasdan namin ang matinding paghihinagpis ng babae na abot hanggang sukdulan. Unti-unti siyang napaluhod sa sahig at patuloy ang pag-iyak niya ng malakas. "Hayop ka, Hurricane! Dëmonyo ka! Hayop ka!" Sigaw ng babae sa abot ng kan'yang makakaya kaya napaluhod ako at hinipo ang likuran ng babae at pinakalma ito. "Hahanapin natin si Hurricane, okay? Pagbabayaran natin siya sa ginawa niyang ito," naluluhang saad ko habang pinapakalma ang babae. "Hayop ka, Hurricane, hayop ka, magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sa amin, dëmonyo ka, hayop," bulong na saad ng babae pero punong-puno iyun ng galit, hinagpis, at matigas na panggigigil. "Tahan na," mahinang saad ko. "Sir..." Boses ni Natalia ang narinig ko kaya napalingon ako sa aking likuran sabay yahat ng tingin at nakita ko si Wild na nagmamadaling maglakad papunta sa pwesto namin. Agad akong napatayo mula sa pagkaluhod ko sa sahig nang makarating na sa harap ko si Wild. Agad niyang itinaas ang kan'yang kamay at inabot ang papel na nakadikit sa noo ng lalaki. "7, number 7, ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga numerong binibigay niya? Bakit ang hirap hulaan kung saan ito p'wedeng gamitin?" Nanggigigil na saad ni Wild at napa-igting siya sa kan'yang panga. "Code? May vault ba rito?" Tanong ni Natalia kaya napatingin si Wild sa kan'ya. "Mayroon, pero hindi ko alam kung saan iyun inilagay ni Victoria, basta ang alam ko ay nasa kwarto ng opisina niya. Pero hindi tayo basta-basta makakapasok sa silid na 'yun dahil bantay sarado 'yun. Mahirap ang password na nilagay niya roon, marami ring password ang pintong 'yun, may finger prints, eye censor, face lock, at voice lock, maraming mga pin, password, at pattern bago 'yun mabuksan," paliwanag ni Sir Wild kaya namangha naman ako sa sinabi niya. "Bakit ganoon ang nilagay niyang mga kandado roon? Ano ba ang tinatago niya sa silid na 'yun?" Naguguluhang tanong ko at seryosong tiningnan si Wild na ngayon ay nakatingin sa akin pero malalim ang iniisip. "Malamang, marami talaga siyang tinatago roon, imposible namang ganoon ka raming kandado kung wala siyang tinatago roon," sagot naman ni Natalia kaya nabaling ang tingin ko sa kan'ya. "Pero, naalala ko na bago pa lang nilagyan ng mga kandado ang pintong 'yun, nilagyan niya 'yun noong dalawang araw pagkatapos niyang umupo bilang CEO ng kompanya," pagkukwento ni Wild kaya napatingin din ako sa kan'ya. "So ibig sabihin, wala pa 'yun noong hindi pa siya ang CEO? So mayroon nga siyang tinatago roon!" Hindi makapaniwalang saad ko. "Marami, posible marami siyang tinatago roon," pagsang-ayon ni Wild. "E 'di, baka ang mga numerong 'yan ang sagot para mabuksan natin ang silid na 'yun," suhestyon ko pero umiling pa rin si Wild. "Hindi pa rin natin mabubuksan ang silid na 'yun," tugon ni Wild kaya napabagsak agad ako sa aking magkabilang balikat. "Teka, maiwan ko na muna kayo, papunta na si Gideon dito para mag-asikaso sa bangkay, may kailangan akong puntahan ngayon, importante ito," nagmamadaling saad ni Wild kaya nung akma na siyang aalis ay hinawakan ko kaagad ang kamay niya. "Saan ka pupunta? Sasama ako," pamimilit ko kaya pinanlisikan niya lang ako ng mga mata. "No, stay with Natalia, delikado ang pupuntahan ko," matigas na saad niya at nilayo niya ang kamay ko sa kan'ya at mabilis na umalis sa locker room. Saan ba kasi 'yun pupunta? Gusto ko siyang sundan! "Nat, dito ka lang, susundan ko lang si Sir Wild, hindi p'wedeng wala akong tulong na gagawin ngayon, kailangan kong tulungan siya dahil ramdam kong delikado siya ngayon," habilin ko kay Natalia pero agad niya akong pinigilan. "H'wag, Stella, kakasabi pa lang ng boss mo na delikado, manatili kana lang dito sa tabi ko kung ayaw mong mapahamak," pigil niya sa akin sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit. "Pero, Nat, hindi ako mapakali rito, hindi ko na rin kayang makipagtitigan sa bangkay," saad ko naman at pilit na inaalis ang kamay niya sa akin at nang kumalas siya sa hawak ko ay agad-agad akong umalis sa harapan niya. "Stella! Stella! Bumalik ka rito!" Pagsisigaw ni Natalia pero hindi na ako huminto o lingunin man siya at mabilis na lumabas sa locker room. Naabutan pa ng paningin ko ang unti-unting paglayo ni Wild hanggang sa nakapasok na siya sa elevator. Nagtungo agad ako sa kabilang elevator at sumakay na rito paakyat dahil paakyat ang direksyon ni Wild kanina. Nang makarating na ako sa floor kung saan siya tutungo ay agad na akong lumabas sa elevator at saka ay sinundan ko siya ng patago. Nakita ko siyang papasok sa fire exit kaya dali-dali akong umalis sa pinagtataguan ko para sundan siya sa pinasukan niya. Pumasok na ako sa fire exit pero hindi ko siya nakita kung saan siya kaya bumaba na lang ako sa hagdan ng tahimik. Napatili na lang ako ng mahina nang may humila sa akin at tinakpan agad ang bibig ko. Base sa palad ng lalaki ay pamilyar na sa akin ang palad niyang magaspang at pamilyar din sa akin ang malapad na dibdib na sinandalan ko ngayon. "What are you doing here, Stella?" Isang malalim na boses ang bumulong sa aking tainga. Boses ni Wild! Dahan-dahan niyang ibinaba ang palad na nakatakip sa bibig ko. "I told you not to follow me, delikado rito, mapapahamak ka," bulong niya pa at pumihit ako paharap sa kan'ya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Delikado naman pala, pero bakit ka nandito? Ipapahamak mo ba ang sarili mo?" Bulong na tugon ko sa kan'ya at kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko siya naiintindihan. "I can handle myself, Stella, but you can't handle yourself alone, delikado rito," matigas na saad niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Kaya ko rin ang sarili ko, Wild, kaya ko namang tumakbo," tugon ko kaya napabuntong-hininga na lang siya ng subrang lalim at napameywang. "Fine, since nandito ka na rin naman, manatili ka lang sa likod ko, h'wag kang bibitaw sa hawak ko, understood?" Kondisyon niya kaya tumango na lang ako at hinawakan na niya ang kamay ko at saka ay inilipat niya ako sa likod niya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niya talaga akong pakawalan. Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi naman ako bibitaw, eh, alam kong delikado rito kaya sino bang tanga ang ipapahamak ang sarili? Syempre ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko habang patuloy kaming bumababa sa hagdan ng tahimik. "Wild, ano ba ang gagawin natin dito? Mag-chugchugan?" Seryosong saad ko pero hindi siya umimik. "Kung hindi ka mananahimik d'yan, titirahin talaga kita rito sa hagdanan at hindi talaga kita patatahimikin hangga't hindi papaos ang boses mo kakasigaw sa pangalan ko," pagbabanta niya kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at naramdaman ko ang matinding pag-init sa magkabilang pisngi ko. "Sabi ko nga, bwesit 'to," tugon ko at hininaan ko ang boses ko sa huling sinabi. Patuloy lang kami sa pagbaba sa hagdan nang bigla siyang huminto na ikinagulat ko kaya nabunggo ako sa malapad niyang likod na muntik ko pang ikinahulog sa hagdan. "B-Bakit—" "Hush," saway sa akin ni Wild kaya napatikom na lang ako sa aking bibig at tumingin ako sa unahan, sa pinakababa ng hagdan at may nakita akong taong naka-itim ang suot at may mahabang kapa sa likod. Nakatayo siya sa may pintuan at parang binubuksan niya ito dahil parang naka-lock. Napatingin ako sa kabilang kamay ni Wild na ngayon ay mayroong kinakapkap sa ilalim ng coat niya at napalaki na lang ang mga mata ko nang makita kong may hawak na siyang baril. May dala-dala palang baril ang lalaking 'to sa trabaho? Itinaas niya ang kan'yang kamay na may hawak na baril sa harapan niya at saka ay kinalabit agad ang gatilyo ng baril kaya napatakip na lang ako sa kabilang tainga ko gamit ang libre kong kamay nang marinig ko ang malakas na putok ng baril na tumama sa pinto na nasa harapan ng taong naka-itim. Dali-daling humarap ang taong 'yun at laking gulat ko na lang nang makita ko ang puting maskara na suot niya. Si Hurricane! Kasabay ng paglingon niya ay ang paghugot niya agad ng baril sa kan'yang likuran at agad niya itong itinutok sa amin. Nagpaputok pa ulit si Wild sa baril niya at tumama ito sa baril ni Hurricane kaya nahulog ito sa sahig. Kukunin na sana niya ang baril niya nang barilin ni Wild ang binti ni Hurricane kaya napaluhod siya agad sa sahig at saka ay nagpaputok pa ulit si Wild at tinamaan niya ang baril ni Hurricane. Dali-dali kaming bumaba sa hagdan at saka ay binitawan niya ang hawak niya sa akin at saka ay dinaluhan ng suntok si Hurricane sa maskara. Hindi naman naka-awat si Hurricane sa mga mala-ulan at malalakas na suntok ni Wild kaya nasira ang maskara niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD