Capítulo Cuarenta y Dos punto uno (42.1)

1795 Words
"Why are you taking so long, Blondie?" Usal niya at ngumiti ako sa kan'ya kaya kumunot ng husto ang kan'yang noo. "Nagpapaganda po ako para sa 'yo," proud kong saad kaya napabuntong-hininga siya at napalingon sa gilid niya at bahagyang inangat ang tingin kaya nakita ko ang side profile niya, kitang-kita ko ang tangos ng kan'yang ilong, 'yung bridge ng ilong niya, at 'yung panga niya, klarong-klaro talaga! Ang hot niya tignan sa posisyon na 'yan! Ibinalik niya ulit ang tingin sa akin sabay suksok ng kabila niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Iyung tingin niya ay hindi pa rin nagbabago at nanatili pa rin itong matigas at malamig, parang ice. "You don't have to put too much effort to impress me, Baby, as I'm already impressed and enchanted for the first time I laid my eyes on your icy blue eyes," malamig niyang saad at 'yung malalim niyang boses ay parang humahagod sa aking batok kaya parang nanginginig ang mga tuhod ko sa boses niya. Dahil sa sinabi niya ay naramdaman ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi. "Weh? Paano mo nasabi? Eh, halos sasagasain mo na ang buong kaluluwa ko sa tingin mo sa araw na 'yun, eh," depensa ko naman pero hindi siya umimik. "Let's go," malamig niyang saad at naunang tumalikod sa akin. At bwesit 'to! Magla-lock pa ako sa pinto! "Uy! Antayin mo naman ako!" Pagsisigaw ko habang mabilisang ni-lock ang pinto. "I'm not Uy, Stella, I'm Wild Fuero, the most handsome human being," tugon niya, ang hangin! Parang babagyuhin ako rito! Patuloy lang siya sa paglalakad papunta sa elevator at hindi man lang nagawang lingunin ako. Napatakbo naman ako ng bahagya dahil malapit na siya sa elevator, mabuti na lang talaga at nag-flat sandal ako ngayon! Bruhong lalaking 'to, nang-iiwan ng girlfriend! Agad akong nakarating sa tabi niya sabay pindot niya sa button ng elevator at bumukas naman agad ang pinto at nauna siyang pumasok sa loob at saka ay sumunod naman ako. Magkatabi kaming nakatayo sa loob at tahimik lang ako, naramdaman ko ang awkward na atmospera sa paligid ko kaya napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko at tiningnan ko siya mula braso paakyat sa kan'yang mukha at nakikita ko ngayon ang side profile niya, ba't ba ang hot niya kapag naka-side view siya?! "Stop looking at me with those eyes, Blondie, or else we'll climb up to your apartment and make you moan inside your house, or you want to do it here, it'll be intense, suspense, and thrilling," malamig na saad niya sabay tingin sa akin kaya agad nagtama ang tingin naming dalawa. Para akong napa-igtad nang makita ko ang nag-aalab niyang tingin sa akin. "S-Sorry," kinakabahang tugon ko at napayuko. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa harapan ko at ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto at nakarating na rin kami sa first floor ng building. Nauna na naman siyang maglakad kaya napalakad ako ng mabilis para sabayan siya. Ang hahaba kasi ng mga binti niya kaya ang bilis niyang maglakad. "Teka lang, dahan-dahan, antayin mo naman ako, Wild," pagsisigaw ko habang pilit ko siyang sinasabayan. "Daddy, wait!" Sigaw ko kaya napahinto siya bigla kaya muntik akong mabunggo sa likuran niya, mabuti na lang at huminto rin ako kaagad. "Let's go," walang emosyong saad niya sabay kuha sa kamay ko at hinatak niya ako kaya napasabay ako sa bilis ng lakad niya. Ilang sandali ay nakarating na rin kami sa labas at nagtungo agad kami sa kotse niyang kulay itim, bugatti yata 'to? Hindi ako sure, pero subrang gara at mamahalin! Pinagbuksan niya ako agad ng pinto at hinawakan niya ang bubong ng kotse, ibabaw sa aking ulo nang pumasok ako. Naks, ang gentleman pero dëmonyo sa kama. Isinuot niya sa akin ang seatbelt at saka ay inilabas na niya ang kalahati ng katawan niya sa kotse sabay sarado sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya papunta sa kabilang gilid ng kotse at saka ay pumasok sa driver seat at sinarado ang pinto. Pina-andar na niya ang kotse at bumyahe na kami. Banayad lang ang takbo niya. Napabuntong-hininga na lang ako sa katahimikang bumabalot sa loob ng kotse kaya nabaling na lang ang tingin ko sa labas ng kotse at pinanood ang mga streetlights na dinadaanan namin at mga sasakyan na nakakasalubong at nakasabay namin. Bumuntong-hininga ulit ako at saka ay nilingon ko siya na ngayon ay focus na focus ang tingin sa daan habang nagda-drive. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa steering wheel habang ang kabilang braso niya ay nakatukod sa bintana ng kotse sa gilid niya at nakakagat ang bibig niya sa kan'yang hintuturong daliri. "Wild, saan pala tayo pupunta?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kan'ya. "You'll find out soon," tipid niyang tugon at hindi pa rin tumitingin sa akin. Minsan hindi ko talaga naiintindihan si Wild, may panahon na ang lamig niya sa akin, may panahon din na ang sweet at clingy niya, minsan manyak, minsan galit, kaya 'di ko talaga naiintindihan kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya. "Ayos ka lang ba, Wild?" Concern na tanong ko. "Yeah." Ay... 'Yun lang? Wala na bang ibang sasabihin? "May problema ka ba?" Hindi siya umimik. "Tapos na ba ang sinasabi mo sa akin noong nakaraan?" Tanong ko at nag-aabang ako sa isasagot niya kaya nanatiling nakapako ang tingin ko sa kan'ya. "I guess?" Tipid na tugon niya kaya napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik na lang ang tingin ko sa bintana. Mabuti pang manahimik na lang baka bababa ako rito sa kotse. Kalahating minuto ang lumipas at huminto na kami. Napatingin ako sa paligid kung saan kami ngayon, at nandito ulit kami sa port ng Cyrene, kung saan nandito rin ang iba't-ibang mga cruise ship ng Cyrene at ng ibang kompanya! Naunang lumabas si Wild sa kotse at agad pumunta sa side ko at pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas na ako. Paglabas ko ay malakas at malamig na hangin na agad ang sumalubong sa akin, amoy na amoy ko rin sa hangin ang amoy ng dagat. "Let's go," malamig niyang saad sabay hatak na naman sa akin at nagtungo kami sa yacht niya na malaki. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin kami sa ibabaw ng yacht kung saan nandoon ang restaurant na kinainan namin dati noong naging official na kami. Parang nakaramdam ako ng saya nang maalala ko sa lugar na ito ang ganap sa gabing 'yun! "Have a seat," saad niya sabay hatak ng upuan kaya umupo na ako sa isang lamesa na good for two. Napalibot ang tingin ko sa paligid at tahimik lang ito, walang katao-tao maliban sa mga waiters at waitress at dalawang musikero na nakatayo sa gilid. Nang maka-upo na si Wild sa tapat ko ay dumating ang isang waiter. "Your orders are on the way, Sir," saad ng lalaki at saka ay sinalinan niya ng red wine ang dalawang wine glass sa lamesa. "Salamat!" Masayang saad ko sa lalaki nang matapos na niyang lagyan ang baso ko. "You're welcome, Mademoiselle!" Nakangiting tugon ng lalaki at saka ay umalis na sa pwesto namin. "I have something for you," biglaang saad ni Wild kaya napatingin ako sa kan'ya at may kung anong kinuha siya sa ilalim niya at saka ay nilapag ito sa lamesa. Isang maliit na box na kulay itim at may tatak pang mamahaling brand sa takip nito. "Ano 'to?" Takang tanong ko sabay abot sa maliit na box. "Open it," tugon niya kaya binuksan ko ang box at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang mamahaling kwentas at may kulay na deep royal blue na diamond na pendant na heart shape, at pinapaligiran ng maliliit na puting diamond ang bughaw na diamante. 'Yung kwentas ay kagaya sa kwentas ni Rose sa Titanic! "W-Wild... Ang mahal naman nito..." Nauutal na saad ko at napatingin naman ako sa kan'ya na wala pa ring emosyon ang mukha. "No, it's not that expensive, it's a 56 Carats Blue Sapphire Necklace, worth 7.5 million Euro," walang emosyong tugon niya kaya napanganga ako sa sinabi niya. "7.5 mil... 7.5 million Euro?! 'Not that expensive'?" Hindi makapaniwalang saad ko sa kan'ya. "Yeah, wait, let me put this on your neck," saad niya sabay tayo at nagtungo sa tabi ko at kinuha ang kwentas sa loob ng box at lumipat siya sa likuran ko habang dahan-dahan niyang inilapat sa dibdib ko ang kwentas kaya napahawak ako rito at naramdaman ko ang bigat nito. "W-Wild, masyadong mahal 'to, h-hindi ko 'to matatanggap," bulong na saad ko nang umupo na siya sa tapat ko. "But you accepted my love worth infinity. The price of that necklace is not that expensive like how much I love you, Stella, but I can't measure how expensive my love for you, is because once I start counting it, it only takes me more than a thousand years before I finish," tirada niya kaya parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Okay, may nanalo na! Umuwi na lang kayong lahat! Dumating na rin ang pagkain namin at pagkatapos naming kumain ay isinayaw niya ako sa front deck ng yacht niya habang may tumutugtog na piano at violin. Habang sumasayaw kami ay mayroon namang fire works sa ibabaw namin na kulay blue at red ang kulay. Natapos ang gabing 'to na masaya ako, sana ay manatiling ganito hanggang dulo. Umuwi ako sa bahay na punong-puno ng kyuryosidad kung gaano ba kayaman ang boyfriend ko. Hindi ko pa kasi talaga alam ang background niya, ang alam ko lang ay isa siyang sikat na modelo sa Europe at Asia at Vice President ng Cyrene Group of Company. Nag-search ako sa phone ko tungkol sa kan'ya. "Wild... Fuero..." Saad ko habang nagtitipa sa phone at pinindot ang search button. Maraming naglabasan na mga impormasyon tungkol sa kan'ya kaya pinindot ko ang pinaka-reliable source na bago ko lang din nalaman. Ang Forbes. "Wild Fuero age 28, born in December 28, 1995, place of birth Rome, Italy, Mother Florencia Romano-Fuero, dead, Father Luther Greco Fuero, alive, lives in Quezon City, Philippines, Nationality French-Italian-Bulgarian, Citizenship is Filipino, Career ay Model from 2010 to 2023, Current Profession naman ay Head Vice-President of Cyrene Group of Company as of January 1, 2024. Predecessor naman niya ay si Martzia Cyrene, former Vice-President ng Cyrene Group of Company, Net Worth Yearly Base from April 2023 to March 2024 naman ni Wild ay 60 Billion to 100 Billion US Dollars," basa ko sa biography niya kaya napanganga ako sa nabasa ko. Kaya pala ang yaman-yaman niya! Patay na pala ang nanay ni Wild pero 'yung tatay naman niya ay buhay pa. Hindi ko pa nakikilala ang tatay niya, ma-search ko nga! "Luther... Greco... Fuero..." Saad ko habang nagtitipa sa pangalan ng tatay ni Wild.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD