Capítulo Seis punto uno (6.1)

1608 Words
"What's happening here?" Boses ni Sir Wild ang narinig ko sa likuran ko at binitawan na niya ang braso ko. "That girl ruined my dress, Wild!" Turo sa akin nung babae, si Ma'am Victoria. "Calm down, Victoria, don't make a scene here," pagpapakalma ng isang lalaking kakarating lang din at tumayo siya sa gilid ni Ma'am Victoria. Dumating din si Natalia at hingal na hingal siyang huminto sa tabi ng lalaki na katabi rin ni Ma'am Victoria. "Wild, is that your new secretary?" Tanong ng lalaking katabi ni Ma'am Victoria at Natalia. "Yes, she is. By the way, I apologize for what my secretary has done to you, Victoria," said naman ni Sir Wild. Hindi ko sila masyadong naiintindihan. Bumuntong-hininga si Ma'am Victoria. "Ava!" Tawag niya sa sekretarya niya at mabilis pa sa alas kuwatro na dumating si Ava sa tabi ng boss niya. "Accompany me," tipid na saad ni Ma'am Victoria at umalis agad at saka sumunod sa kan'ya si Ava. Dali-daling lumapit si Natalia sa akin at tiningnan ang katawan ko. "Ayos ka lang? Hindi ka ba sinaktan ni Ma'am?" Nag-aalalang tanong ni Natalia sa akin at tango lang ang naging tugon ko dahil kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari. "By the way, Sir Gideon, si Stella Levesque nga po pala, secretary ni Sir Wild. Stella, si Sir Gideon Hernandez, ang President ng Cyrene," pagpapakilala ni Natalia sa amin ni Sir Gideon. G'wapo rin ang lalaking ito at may berdeng kulay ng mga mata. "Nice meeting you, Stella," nakangiting saad ni Sir Gideon sabay lahad sa kamay niya sa harapan ko. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang biglang hawakan ni Sir Wild ang braso kong hahawak na sana kay Sir Gideon. "We have to go, Mr. President, we have something to discuss with my clumsy secretary," mariing saad ni Sir Wild at hinatak na niya ako palayo sa pwesto ni Natalia at Sir Gideon. Kinaladkad niya ako at ako naman ay nahihirapan sa paglakad dahil sa takong ko at sa bilis ng lakad niya. Mahigpit din na nakahawak ang kamay niya sa braso ko. Nakarating kami sa isang corridor na walang mga taong dumadaan at saka ay padabog akong isinandal ni Sir Wild sa pader ng corridor. Agad niya akong sinunggaban ng halik at agad naman akong tumugon dahil marahas na binubuksan ng dila niya ang bibig ko. Humiwalay kami sa halikan namin nang kapusan na kami ng hininga sa isa't-isa. Nanlilisik ang mga mata niya at parang tinutusok ako dahil sa matalim niyang mga tingin sa akin. Nag-aalab sa galit ang bughaw niyang mga mata kaya napalunok ako ng ilang beses dahil naninindig na naman ang mga balahibo ko sa tingin niya sa akin at kumakawala ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matinding kaba at kung ano pang emosyong nararamdaman ko ngayon na hindi ko masabi-sabi at hindi ko maintindihan! "Rule number 1, h'wag na h'wag kang lumapit sa ibang lalaki kung hindi mo sila boss, nagkakaintindihan ba tayo?" Nanggigil na saad ni Sir Wild sa akin at takot na takot akong tumango. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa matatalim na tingin ng bughaw na mga mata ni Sir Wild, parang hinihila ako sa ilalim ng dagat na kung saan ay may nag-aabang na mesteryosong halimaw doon sa ilalim habang nakatingin ako sa mga mata niya. "Good, and rule number 2, h'wag kang malamya dahil makakaranas ka ng parusa mula sa akin, and lastly, rule number 3, h'wag mo akong ipahiya sa harap ng maraming tao, dahil mas matindi pa ang parusang matatanggap mo mula sa akin, nagkakaintindihan ba tayo?" Singhal ni Sir Wild sa akin at naluluha akong tumango sa kan'ya dahil sa matinding takot. Pilit kong nilalakasan ang mga tuhod ko para hindi ako matumba dahil hindi ko mahawakan si Sir Wild kasi feel ko na kapag hahawakan ko siya ay mapapaso ang mga palad ko sa init ng ulo at dugo niya ngayon. "Good, h'wag mong kalimutan ang tatlong 'yan," nakangising saad niya at saka ay umayos ng tayo at nakapamulsang naglakad paalis na parang walang nangyari at iniwan ako rito sa corridor na nakasandal pa rin sa pader at umiiyak dahil sa takot. Kumakabog ng husto ang puso ko na parang mamamatay na ako dahil sa matinding takot at sa nararamdaman kong hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Bumalik na ako sa loob nang mahimasmasan na ako mula sa pangyayaring naganap sa oras na ito. Pagdating ko sa loob ay nilapitan agad ako ni Natalia. "Ayos ka lang? Pinagalitan ka ba ni Sir Wild?" Nag-aalalang tanong ni Natalia sa akin. "Ayos lang ako, h-hindi niya ako pinagalitan, kinausap lang niya ako ng matiwasay," pagsisinungaling ko at yumuko ng kaunti para hindi masyadong mahalata ang ekspresyon ko sa mukha. "Ganoon ba? Tara na, kakain na tayo," anyaya niya sa akin at saka ay hinatak na niya ako pabalik sa table namin. Gumaan ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Natalia laban sa nanlalamig kong palad, mas humuhupa pa ng husto ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Pagdating namin doon ay wala si Sir Wild at tanging good for two people lang ang table at pinaupo agad ako ni Natalia. "Kumain ka ng maayos ha, masarap 'yan," nakangiting saad ni Natalia sa akin at tumango lang ako at nagsimulang sumubo ng pagkain. |༺☬༻| Alas dose na ng hating gabi ako naka-uwi sa apartment ko. Hinatid ako ni Natalia rito. Pagdating ko sa unit ko ay naabutan ko roon si Manang na nakangiti sa akin at parang good mood. "Manang? Bakit hindi pa kayo natutulog? Alas dose na ng hating gabi, ah?" Takang tanong ko sa kan'ya at agad niya akong nilapitan at hinampas ng marahan sa braso ko at parang kinikilig pa ito. "In fairness sa 'yo, Stella, nakabingwit ka pala ng mayamang lalaki," natutuwang saad ni Manang sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Ho? Anong nakabingwit? Wala po akong pa-in at pangbingwit," takang sagot ko. "Baliw, may lalaki ritong dumating kani-kanina lang pero nagkasalisi lang kayo, at tinanong niya sa akin kung ilan na raw ang utang mo sa apartment na ito at sinabi ko sa kan'yang 20,000 pesos, at binigyan niya ako ng cheque na nagkakahalaga ng 100,000 pesos at sinabi niya sa akin na 'yun daw ang bayad sa utang mo rito sa apartment at h'wag na raw kita singilin!" Natutuwang paliwanag niya sa akin na mas lalo kong ikinagulat at ikipinagtataka. "Sinong lalaki ang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko. "Hindi ko kilala, pero masungit 'yung mukha tapos subrang tangkad niya, mas matangkad pa sa 'yo, tapos ang ipinakilala niya lang sa akin na asawa mo raw siya," sagot niya habang inaalala ang mga pangyayari. Asawa? Kailan ako ikinasal na hindi ko alam? Wala naman akong amnesia or something na makakalimutan ko ang pinaka-importante at pinakamasayang araw ng isang babaeng katulad ko? "Pero hindi pa po ako ikinasal, eh. Teka..." Saad ko at binuksan ang cellphone ko at pinakita ko sa kan'ya ang litrato ni Sir Wild na nasa picture ko. "Siya po ba ang lalaking tinutukoy niyo po?" "Oo, siya nga!" Natutuwang saad niya. Agad kong naalala 'yung nangyari kaninang umaga na kung saan ay hinablot ni Sir Wild ang cellphone ko. Hindi ba kaya ay nabasa niya ang message ni Manang sa akin kanina? "Pero, Manang, hindi ko po siya asawa, eh, Boss ko po 'yan," saad ko sa kan'ya at napakurap-kurap siya. "Ha? Akala ko asawa mo siya kasi 'yun ang sabi niya sa akin kanina," nagtatakang sagot ni Manang sa akin kaya napakamot na lang ako sa batok ko. "H'wag mo na po isipin 'yun, Manang, baka nagbibiro lang 'yun sa 'yo. Matulog kana po kasi matutulog na ako, eh, may pasok pa ako bukas," paalam ko sa kan'ya at pumasok na ako ng tuluyan sa apartment ko. Iwinaksi ko kaagad ang mga nangyari ngayong araw nang makahiga na ako sa higaan at natulog na. |༺☬༻| Ilang araw ang nakalipas. Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting, nandito ang lahat ng Board at ibang officers, pati si Ma'am Victoria at Ava, si Sir Gideon at Natalia, tapos si Sir Wild at ako. Pareho kaming lahat naka-upo sa mahabang lamesa na nandito sa conference room at sa pinakadulo ay nandoon naka-upo si Ma'am Victoria at sa likuran niya ay mayroong malaking LED Screen. Sa kabilang dulo naman kung saan nakaharap si Ma'am Victoria ay mayroon ding malaking LED Screen, nandoon sa harap ng malaking LED Screen si Ava at nagrereport sa weekly statistics ng buong kompanya pati na rin ang mga kompanya ng Cyrene na nasa ibang panig ng mundo. Taimtim kaming nakikinig sa report ni Ava kahit hindi ko naiintindihan dahil puro english na lang ang sinasabi niya. "Good, what a surprise sa sales ng kompanya sa week na ito," natutuwang saad ni Ma'am Victoria nang matapos ng magsalita si Ava sa harapan niya at saka ay lumakad si Ava pabalik sa upuan niya na nasa kaliwang gilid ng table na malapit lang din kay Ma'am Victoria. "Well, as we've discussed, I would like to invent a new product for Cyrene Pharmacy. As the CEO of Cyrene, I want to show you my ideas about this new product. Along with the Food and Drug Administration in the country who attended this meeting, I'm very enthusiast to discuss my ideas about our new product," nakangiting saad ni Ma'am Victoria at saka ay tumayo at nagtungo sa malapit sa screen na nasa likuran niya. Nagdiscuss si Ma'am Victoria sa product na sinasabi niya at english na naman ito kaya ayon, wala akong naiintindihan. Agad akong napahikab at siniko naman ako ni Natalia na nasa tabi ko lang din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD