Capítulo Seis punto dos (6.2)

1661 Words
"H'wag kang humikab sa discussion ni Ma'am Victoria, papagalitan ka n'yan," saway ni Natalia sa akin. "Are you listening, Ms. Levesque? Feels like you're sleepy while I'm discussing here," saad ni Ma'am Victoria sa akin kaya napa-igtad ako ng mahina at natuon agad ang tingin ko kay Ma'am V at nakita ko ang pasalubong ng mga kilay niyang subrang ganda at subrang maayos ang pagka-ahit. "Ayan, sinabihan kana niya," bulong sa akin ni Natalia at tinaas ko ang kamay ko. "Yes?" Saad ni Ma'am Victoria sa akin at tinaasan niya ako ng isang kilay. "Tagalog please," nakangiting saad ko at siniko na naman ako ni Natalia. "Argh, Wild, fix this, paalisin mo nga 'yang secretary mo rito kung hindi naman 'yan nakaka-intindi sa sinasabi ko. I don't want to waste my saliva for those people na who don't understand and not interested to listen to me," kalmadong saad ni Ma'am Victoria at agad tumayo si Sir Wild at hinawakan niya ang braso ko. "One last question na lang po," pahabol ko pa. "Ano?!" Galit na sigaw ni Ma'am Victoria sa akin. "Ikaw po ba si Hurricane?" Pahabol na tanong ko pa na ikinatigil ni Sir Wild at nabitawan niya ang braso kong hawak-hawak lang niya kanina. Agad napanganga si Ma'am Victoria sa tanong ko at hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "What?! Are you insane?!" Galit na saad ni Ma'am Victoria sa akin at nagkatinginan naman ang mga board sa isa't-isa. "Napapansin ka rin namin, Ms. Villafuentes, medyo nakakaduda na kapag dumadating dito si Hurricane at wala ka lang ginagawa," saad ng isang Board Member. "H'wag niyo nga akong akusahan! At isa pa, hindi ko kilala ang sinasabi ninyong Hurricane na 'yan!" Depensa ni Ma'am Victoria sabay hampas sa lamesa na ikinagulat din naming lahat. "Bakit hindi ka nangingi-alam sa gulong dinadala ni Hurricane dito? Ikaw pa naman ang CEO sa Cyrene, pero bakit nananahimik ka lang kung may mamamatay na rito?" Kunot-noong saad pa ng isang Board Member. "B-Bakit naman ako mangingi-alam sa gulong hindi ko naman ginawa, a-at, n-nand'yan naman si Wild para ayusin ang problemang ginagawa ng taong 'yan dito sa kompanya?!" Nauutal na saad ni Ma'am Victoria at hindi siya diretsong makatingin sa mga tao sa paligid. "Tapos na ang meeting, now get out of my sight!" Singhal ni Ma'am at dali-daling tumayo ang lahat mula sa pwesto nila at agad-agad umalis. Si Ma'am na lang ang naiwan sa loob at bago pa ako lumabas ng tuluyan ay tiningnan ko na muna siya at nanginginig ang mga kamay niyang nakahilamos sa buong mukha niya. Ibinaba niya ang mga kamay niya at matalim niya akong tiningnan at bigla na lang may isang matipuno at magaspang na kamay na humablot sa braso ko at lumabas na ako ng tuluyan sa conference room. "Ano ba, Stella?! Nakalimutan mo na ba 'yung Rule number 3?! Na h'wag na h'wag mo akong ipahiya?!" Gigil na saad ni Sir Wild sa akin at pabagsak niyang binitawan ang braso ko. "Tagalog na 'yun! Pero hindi mo pa rin naiintindihan ang sinasabi ko?! Mahirap ka bang maka-intindi?! If you ever make a scene once again, hindi ako magdadalawang isip na palayasin kita sa trabahong ito, nagkakaintindihan ba tayo?!" Gigil na singhal ni Sir Wild sa akin at napatango-tango ako at iniwan na naman niya ako, kumakabog ng husto ang dibdib ko at nanginginig na ang mga tuhod ko. Biglang bumukas ang pinto ng conference room at lumabas si Ma'am Victoria at may bahid pa ng luha ang galit na galit niyang mga mata. Matalim niya akong tiningnan na mas lalong nagpapasabog ng kaba sa puso ko na parang aatakehin na ako, kung makatingin siya sa akin ay parang sinusumpa na niya ang buong pagkatao ko at parang pinapatay na niya ako sa isip niya. "We are not done, you slut!" Singhal ni Ma'am Victoria sa akin sabay sampal sa mukha ko. Agad nahigit ang hininga ko sabay singhap at nanginginig ang mga daliri kong dahan-dahang ini-abot ang umiinit kong pisngi. Unti-unti ay naramdaman ko na rin ang nag-uunahang pagbagsak ng mainit kong mga luha sa humahapdi kong pisngi. "How dare you ruin my dress that night?! And now you ruin my presentation?! Pasalamat ka at maraming tao sa gabing 'yun at hindi kita kinalbuhan! Now, dahil tayong dalawa na lang ang nandito, matitikman mo na ang poot at galit ko!" Galit niyang saad at agad niya akong sinabunutan. Agad-agad kong hinawakan ang mga braso niya para tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko, parang madudukot na ang anit ko mula sa bungo ko dahil sa matinding paghila niya sa buhok ko. "Tama na po, Ma'am, nasasaktan po ako," humihiyaw na saad ko at hindi niya pa rin ako tinigilan. "Victoria, Stella, tama na!" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig namin at tinanggal niya ang kamay ni Ma'am Victoria mula sa buhok ko. Agad akong napalingon sa gilid ko at napayahat ng kaunti ang ulo ko dahil sa isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa tabi ko. "Sir Gideon," mahinang saad ko. Matangkad pa siya sa akin pero mas matangkad pa si Sir Wild kaysa sa kan'ya. "Argh! Nakaka-inis! Nakaka-inis!" Galit na saad ni Ma'am Victoria at padabog na nagmartsa palayo sa amin ni Sir Gideon. "Ayos ka lang ba, Stella?" Nag-aalalang tanong ni Sir Gideon sa akin sabay pahid sa mga luha kong kanina pa lumalabas. "A-Ayos lang po ako," humahangos na tugon ko at naramdaman ko ang kamay niya na inaayos ng bahagya ang magulo kong buhok. |༺☬༻| Dalawang araw ang nakalipas. Pumasok na ako sa opisina at naabutan ko roon si Ava at Natalia. Madalang lang talagang pumupunta si Ava rito sa opisina, mostly every Monday, or depende sa gusto niya, ayaw niya kasi rito dahil kay Natalia at doon siya nagta-trabaho sa isang opisina na nasa harap lang din ng opisina ng CEO. Monday ngayon kaya nandito siya pero aalis din ito maya-maya. Nagtungo na ako sa table ko at kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang bouquet ng red roses na nasa table ko. Kinuha ko ito at may note pa ito kaya binasa ko. "I hope you're doing fine, Star, happy Monday!" Basa ko sa note sa mahinang boses. Star? Bakit Star? "Kanino galing 'to?" Takang tanong ko kay Natalia at taka ko rin siyang tinignan. Napa-angat ang magkabilang balikat niya. "Hmm, hindi ko alam," nakangiting saad ni Natalia sa akin. "Baka hindi 'to sa akin. Star kasi ang nandito, eh. Stella ang pangalan ko at hindi Star," pagdadahilan ko. "Baliw, ibig sabihin kasi ng Stella ay Star," paliwanag ni Natalia. Ha? So ibig sabihin pala ng pangalan ko ay bituin? Ngayon ko lang nalaman. "Ganoon ba 'yun?" Takang tanong ko. "Yes, yes," nakangiting saad ni Natalia. Biglang bumukas ang pinto ng opisina at natuon ang atensyon ko roon at pumasok si Sir Wild na nakasimangot na naman ang mukha. Natuon ang atensyon niya sa bulaklak na dala ko kaya agad niya akong nilapitan. "Kanino galing 'yan?" Kunot-noong tanong ni Sir Wild habang matalim ang tingin sa bulaklak. "Hindi ko po alam, akala ko sa 'yo 'to," tugon ko. "Hindi ako si Hurricane na libreng namimigay ng Dark Red Roses sa mga pinapatay niya, at sino ka naman para bigyan kita ng bulaklak?" Masungit na saad niya habang nakataas ang isang kilay. "Ay akala ko ikaw, pero hindi naman 'to dark red na rose, eh, normal lang naman 'tong kulay ng mga rosas na 'to," depensa ko at agad kinuha ni Sir Wild ang bulaklak na ikinagulat ko. Tinalikuran niya ako na gulat na gulat pa rin ang mukha ko at pinasok niya sa basurahan ang isang bouquet ng mga pulang rosas. "Later at 8 AM, pumunta ka sa opisina para ibigay sa akin ang schedule ko ngayong araw," malamig na saad ni Sir Wild at lumabas ng opisina. |༺☬༻| General POV Ilang araw ang nakalipas. Lumabas ang isang babae mula sa cubicle ng cr at nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay. Tiningnan ng babae ang mukha niya sa malaking salamin na nasa harapan niya habang naghuhugas ng kamay. Natuon ang mga mata niya sa isang cubicle nang bahagya itong bumukas. Napansin niya ang dalawang pares ng itim na sapatos sa loob ng cubicle. Bumukas ng tuluyan ang pinto ng cubicle at tumambad sa kan'ya ang isang taong nakatayo at nakatalukbong ng itim na hood ang ulo at nakasuot ng nakakatakot na puting full face masquerade at tanging mga mata lang ang nakikita. Lumabas ang matangkad na taong 'yun at mas lalong nanginginig ang katawan ng babaeng nakatayo sa harapan ng salamin dahil sa bawat hakbang ng bakal na sapatos na suot ng taong papalapit sa kan'ya. "S-Sino ka?" Nanginginig na saad ng isang babae habang dahan-dahang itinaas ng tao ang baril na may silencer sa dulo at itinutok niya ito sa ulo ng babae. Dahan-dahang inilabas ng tao mula sa likuran niya ang isang kamay niya na may dalang isang tangkay ng dark red rose or black bacarra rose. Parang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig ang katawan ng babae at dumadaloy sa buong sistema niya ang lamig nang makita niya ang bulaklak na iyun at parang mawawalan siya ng balanse dahil sa matinding panginginig ng tuhod niya kaya napakapit siya ng husto sa lababo. Naka-ilang lunok siya ng laway dahil parang nanunuyot ang lalamunan niya. Bawat segundo ay tumitindi ang kabog ng puso niya nang mapagtanto niya kung sino ang taong naka-itim ang suot at nakamaskara ng puti at nakatayo sa likuran niya habang nakahawak ang kabilang kamay sa baril na may silencer sa dulo at nakatutok pa ito sa likuran ng ulo niya habang naka-angat naman ang isa pang kamay na may dalang black bacarra rose at klarong-klaro sa mata ng babae mula sa repleksyon ng salamin ang naka-ukit sa tangkay ng bulaklak. "Hurricane..." Pabulong na saad ng babae dahil parang malalagutan na siya ng hininga kahit hindi pa siya binaril ng matangkad na tao na nasa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD