Capítulo Cuarenta punto uno (40.1)

1846 Words
"Here, ito ang nakalap kong information tungkol kay Laurence Altarejos," saad ni Damon sabay abot niya ng envelope kay Wild at tinanggap naman niya ito agad at binuksan pagkatapos. "Laurence Altarejos, age 29, half-Filipino half-French pero French Citizen siya, nagkaroon siya ng kasong Human Tra-ficking, mostly mga victims niya ay mga batang lalaki, aside from that, nagkaroon din siya ng kasong r-pe at murder, mostly mga victims niya ay mga batang lalaki rin," paliwanag ni Damon habang binabasa naman ni Wild ang mga nasa papel na binigay ni Damon sa kan'ya. "Kadiri," nandidiring saad ni Wild at napahipo na lang siya sa sentido niya. "He was imprisoned for 10 years, nakulong siya noong 18 years old siya, pero nagsimula na siya sa mga illegal na ginagawa niya ay noong 15 pa lang siya, pero dahil minor de edad pa lang siya ay hindi siya basta-basta nahuhuli ng mga pulis sa France, pero noong 18 na siya, doon na siya hinanap at nahuli rin agad, nakalaya siya sa kulungan noong December 2022 dahil may nag-piyansa rin sa kan'ya," paliwanag ni Damon at napatango-tango naman si Wild. "Kagaya rin kay Nicolai, sino ang nag-piyansa sa kan'ya?" Tanong ni Wild sabay angat ng tingin sa lalaki. "Anonymous," tipid na tugon ni Damon kaya napatango na lang ulit si Wild sabay baling niya ng tingin sa papel na hawak-hawak niya. |༺☬༻| Kinabukasan. Palipat-lipat ng tingin si Wild sa apat na picture ng mga taong nahuli niya. Isang babae at tatlong lalaki. "French, Russian, Italian, American, pareho silang apat na nag-claim na sila si Hurricane, how these four people related to the real Hurricane? Ramdam kong wala sa apat na ito ang totoong Hurricane, I know someone was behind them, the mastermind of these people, pero sino? Si Victoria? Heidi and Victoria knows each other, they are even best friends," saad ni Wild sa sarili habang palipat-lipat ng tingin sa apat. "The two of them are imprisoned pero nakalaya dahil may nag-piyansa, the other one is a genius lawyer but diagnosed with Psychopathology, and the other one, his identity was vague, how their identity connect to the real Hurricane? Does it relate to the real one?" Tanong ni Wild sa sarili at napa-angat na lang ang tingin niya nang marinig niya ang kanta. "Danse Macabre... The song means Dance of Death," saad ni Wild at napasapo na lang siya sa noo niya at kinatok niya ng mahina ang gilid ng ulo niya. "Think! Think! How these evidence related to the real one?! Mag-isip ka, Wild! Mag-isip ka! You should think! You are a genius! Mas matalino ka kaysa sa Hurricane na 'yan, think! Think!" Sigaw ni Wild habang hinahampas niya ang ulo niya gamit ang kan'yang palad. Napapikit na lang si Wild sa mga mata niya nang may sumaging malalabong ala-ala sa kan'yang isip. Ang nakikita niya ay matinding apoy sa kan'yang harapan na tumutupok sa lahat ng bagay na nasa kan'yang paligid. "Argh! Ang sakit!" Daing niya nang marinig niya ang isang high frequency na tunog sa kan'yang ulo at tainga. Napatukod na lang ang dalawang siko niya sa lamesa habang sinasabunot ang mga buhok niya sa magkabilang gilid ng kan'yang ulo. |༺☬༻| "Sir! Sir! Gising! Sir Wild!" Unti-unting ibinuka ni Wild ang mga mata niya. Malalabong mga mukha ang unang bumungad sa kan'ya at ang boses ng isang babaeng tumatawag sa kan'yang pangalan ay nag-echo lang sa kan'yang mga tainga. Pamilyar sa kan'ya ang boses ng babae kaya natauhan siya agad dahil sa boses nito. Agad napabalikwas ng bangon si Wild sabay hipo sa noo niyang sumasakit. "Ayos lang po ba kayo, Sir?" Nag-aalalang tanong ni Stella sa boss niya. "Anong nangyayari?" Daing na saad ni Wild habang hinihipo niya pa rin ang kan'yang sentido. "Nagkakagulo po ngayon sa labas, Sir," natatarantang sagot naman ni Natalia na katabi lang ni Stella na nakaluhod sa sahig na inuupuan ni Wild. "Bakit nagkagulo? Anong ganap ni Hurricane ngayon?" Tanong ni Wild habang ina-adjust pa ang paningin niya sa dalawang babaeng kasama niya. "May puting tigre po sa hallway, Sir, at alam naming kay Hurricane 'yun," nanginginig na tugon ni Natalia kaya napatayo na lang bigla si Wild mula sa pagkaka-upo niya sa sahig at mabilis na naglakad palabas ng opisina. Paglabas niya ng opisina ay naabutan niya ang mga nagkukumpulang tao sa harapan ng opisina niya, lahat sila ay punong-puno ng takot at nanginginig ang buong katawan nila. Sinundan ni Wild ang tingin ng mga tao kung saang direksyon sila naka-tingin at nasaksihan ni Wild ang isang puting tigre na kasalukuyan ngayong nilalantakan ang isang tao. "What in the..." Hindi makapaniwalang saad ni Wild at akmang kukunin na sana niya ang kan'yang baril nang marealize niyang maraming tao sa paligid. "Bakit walang guard na pumatay sa tigre?" Naiiyak na saad ni Stella na nakatayo lang sa tabi ni Wild kaya napatingin si Wild sa kan'ya. "No, hindi p'wedeng patayin ang tigreng 'yan, it's a wildlife at illegal ang pagpatay ng tigre," depensa naman agad ni Wild. "Bakit? Legal ba ang ginagawa ng tigre ngayon?" Kunot-noong tanong ni Stella habang umiiyak. "Yes, because that's their nature—" "Pero, Sir, hindi naman kakain ng tao 'yang hayop na 'yan kung walang nagpakain sa kan'ya ng gan'yan!" Naiiyak na saad ni Stella at napapahid na lang siya sa kan'yang mga luha at napayakap na lang kay Natalia at isinubsob ang mukha niya sa balikat ng kaibigan. "Hush, Stella, hush," pagpapakalma ni Natalia sa kaibigan habang hinihipo ang likod nito. Patuloy pa rin ang paghikbi ni Stella sa balikat ng kaibigan at patuloy naman siyang pinapakalma ni Natalia. "Tumawag na po si Sir Gideon ng rescuer sa hayop, papunta na rin po sila rito para kunin ang tigre," saad naman ni Natalia kaya napatango naman si Wild sa sinabi ng babae. Kalahating minuto ang nakalipas at kasalukuyan na ngayong hinuhuli ng mga rescuer ang hayop at naipasok na nila ito sa kulungan. Hindi naman ito naging mailap at lumalaban sa mga rescuer nang ikinulong ito at mabilis lang nilang napasunod ang hayop at naipasok sa kulungan na walang kahirap-hirap. Nang naging maayos na, naiwan ang bangkay ng isang lalaki sa may hallway kaya agad itong nilapitan ni Wild. Pagdating niya ay nakita niya agad ang rosas na hawak-hawak ng lalaki at may kasama ring maliit na papel sa kamay niya. Agad kinuha ni Wild ang bulaklak at ang papel at binasa niya ang nakasulat dito. "8?" Nagtatakang saad ni Wild habang binabasa niya ang nakasulat sa papel. Agad naman lumapit si Natalia at Stella sa kan'ya at sabay din nilang tiningnan ang nakasulat sa papel. "8? Anong mayroon sa 8?" Kunot-noong tanong ni Natalia at napa-angat na lang sa magkabilang balikat si Stella, hudyat na hindi rin alam kung ano ang mayroon sa numero. Binaling ni Wild ang tingin niya mula sa papel papunta sa mga numerong naka-ukit sa tangkay ng rosas na nasa ilalim lang ng pangalang HURRICANE. "7,706, ika-7,706 si Dominic Ponce na pinatay ni Hurricane ngayon," bulong na saad ni Wild na narinig naman ng dalawang katabi niya. "Ibig talagang sabihin, wala sa apat na 'yun ang totoong Hurricane, kung hindi ay nandito pa rin sa kompanyang ito ang totoo," saad ni Wild sa isip niya kaya agad niyang ibinigay kay Stella ang bulaklak at papel na ikinagulat naman ng babae. "Teka, Sir, aanhin—" "Keep it, kukunin ko lang 'yan sa 'yo bukas, may pupuntahan lang ako," nagmamadaling saad ni Wild. Hindi pa nakasagot si Stella ay umalis na agad si Wild sa harap nila at naiwang nakanganga si Stella para magsalita na sana. "Anong ganap doon?" Takang tanong ni Stella sa kaibigan niya at napa-angat na lang si Natalia sa magkabilang balikat niya ng sabay dahil hindi niya rin alam ano ang isasagot. |༺☬༻| Samantala naman. Kasalukuyang naglalakad pababa ng hagdan si Wild at agad siyang nagpaputok ng baril sa harapan niya na ikinatumba naman ng taong naka-itim na akma na sanang lalabas ng pinto ng fire exit. Dali-daling naglakad si Wild papunta sa natumbang tao habang dumadaing ito sa sakit. Agad sinuntok ni Wild sa mukha ang taong nakahiga sa sahig kahit may maskara pa ito. Dahil sa malalakas na suntok ni Wild ay nasira ang maskara ng tao at bumungad sa paningin ni Wild ang mukha ng isang lalaking may kulay amber na mga mata. "Sino ka?!" Galit na tanong ni Wild sa lalaki pero ngumisi lang ang lalaki sa kan'ya. "Malamang si Hurricane, sino pa ba?" Mapang-asar na tugon ng lalaki kaya sinuntok ulit siya ni Wild ng paulit-ulit sa mukha. Kahit ilang suntok pa ang natamo ng lalaki ay patuloy pa rin siyang natatawa. "Nababaliw ka na! Hayop ka!" Gigil na saad ni Wild habang pinanggigigilan niya ng suntok ang mukha ng lalaki. |༺☬༻| "Anong pangalan mo lalaking kulay orange ang mata?" Seryosong tanong ni Damon habang masama niyang tiningnan ang lalaki na ngayon ay sirang-sira na ang mukha dahil sa suntok ni Wild pero patuloy pa rin itong naka-ngisi. "Hurricane," tipid na tugon ng lalaki at nanatili pa rin siya sa mapang-asar niyang ngisi. "Bwesit! 'Yung totoo mong pangalan, bobo!" Galit na saad ni Damon. "Hurricane nga! Ilang ulit ko bang sabihin sa 'yo?! Baka ikaw bobo tapos bingi!" Naaasar na tugon ng lalaki. "Alam naming ikaw si Hurricane, pero 'yung totoo mong pangalan kung anong pangalan ang nasa birth certificate mo," nagtitimping saad ni Damon at napasapo na lang siya sa noo niya dahil sa bagay na kailangan niya pang i-explain ng maayos. "Ah, okay sige, may trivia ako," nakangiting tugon ng lalaki. "Bakit kailangan pa ng trivia?! Sabihin mo na agad ang pangalan mo!" Gigil na asik ni Damon. "Sige anong trivia mo?" Saad naman ni Wild kaya sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa kan'ya. "Ganito, saan galing ang Hurricane?" Nakangiting tanong ng lalaki. "Sa dagat, sa dagat nabubuo ang bagyo dahil sa matinding init ng panahon," saad naman ni Wild at umiling lang ang lalaki. "Hindi, I mean, kapag may bagyo ano ang nakikita mo sa langit?" Tanong pa ng lalaki. "Madilim tapos ulan," sagot naman ni Damon kaya napakamot na lang ang lalaki sa likod ng ulo niya. "Saan galing ang ulan?" Patuloy na tanong ng lalaki. "Sa ulap," tipid na tugon ni Wild at napupuno na siya dahil sa pinagsasabi ng lalaki. "Oh, ayan! Nakuha mo na ang pangalan ko!" Natutuwang saad ng lalaki kaya nagkatinginan si Wild at Damon. "Ulap? Ulap ang pangalan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon at tumango ang lalaki. "Cloud... Cloud Laderas ang pangalan ko," diretsahang saad ng lalaki kaya napabuga na lang si Wild ng malalim na hininga. "Bwesit! Ang daming pauso, kung p'wede namang diretsahan mo ng sabihin ang pangalan mo," naiinis na saad ni Wild at masama niyang tiningnan ang lalaki. "Ba't naman kasi ang dami mo pang sinasabi kung Cloud lang naman pala ang pangalan mo?" Seryosong saad naman ni Damon. "Syempre, ako si Hurricane, eh, marami pa akong pasikot-sikot bago ko ibulgar ang totoong pangalan ko, 'di ba Wild Fuero?" Nakangising saad ni Cloud at tiningnan niya si Wild na ngayon ay nagulat sa sinabi ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD