Capítulo Cuarenta punto dos (40.2)

1680 Words
Napa-igting ang panga ni Wild dahil sa sinabi ng lalaki kaya mas lalo niya pang sinamaan ng tingin si Cloud na ngayon ay patuloy pa rin sa mapang-asar na ngisi. Agad napatayo si Wild sa inuupuan niya at napabuntong-hininga sabay pasok ng dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa sa gilid ng pantalon niya. "I'll leave for now, may aasikasuhin pa ako, puntahan mo lang ako sa bahay, Mr. Reduxé, after mong imbestigahan ang lalaking 'to," habilin ni Wild kaya tumango naman si Damon at saka ay nakipagkamay na siya kay Wild. Tumalikod na si Wild habang nakasuksok pa rin ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon habang naglalakad palabas ng prisinto. "Ingat ka, Boss! Love you!" Paalam ni Cloud at kinawayan niya si Wild na ngayon ay kakalabas lang ng prisinto. Agad naman siyang siniko ni Damon at pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ang ingay mo," saway ni Damon. "Ba't? Boss naman natin 'yun, ah, ano namang masama roon?" Depensa naman ni Cloud at nakakunot ang noo habang nakatingin kay Damon. "Kahit na, maraming tao rito, may makarinig sa 'yo, patay ka talaga kay Kamahalan," paalala ni Damon kaya nag-peace sign naman si Cloud. "Gamutin mo naman ako, binugbog ako ni Boss, eh," nakangiwing saad ni Cloud habang marahang hinihipo ang sugat sa gilid ng labi niya. "Bahala ka, mamatay ka riyan," malamig na tugon ni Damon at saka ay tinalikuran na ang lalaki. |༺☬༻| "Ito ang nakalap ko mula kay Cloud Laderas, isa siyang Italian Butler ng isang mayamang pamilya sa Italy noon, nakulong siya dahil pinatay niya ang pamilyang pinagsisilbihan niya at saka ay ninakaw niya ang lahat ng ari-arian ng buong pamilya, mga alahas, pera, ginto, negosyo, at marami pang iba, pero nagawa niya ang pagnakaw sa pamilya ilang taon bago niya pinatay ang mga ito, so ibig sabihin, habang pinagsisilbihan niya ang pamilya ay matagal na niyang pinagnanakawan ito at nang matapos niya ang pagnanakaw sa pamilya ay saka niya ito pinatay, ma-sacre ang ginawa niya. Ayon sa nakalap kong impormasyon, matapos niyang i-ma-sacre ang buong pamilya ay ginah-sa niya ang mga kababaihan sa pamilya at itinali niya ang lahat ng napatay niya sa kisame ng bahay ng pamilya, kasama na roon ang mga katulong sa bahay, at pagkatapos nu'n ay sinunog niya ang bahay na nandoon sa loob ang mga bangkay," paliwanag ni Damon habang binabasa naman ni Wild ang mga nasa papel na hawak niya. "Pinagnakawan... Massacre... Ginahasa... Itinali sa kisame ang mga biktima... At... Sinunog ang bahay pagkatapos, iyan lang ba ang dahilan kaya siya nakulong?" Tanong ni Wild at tumango naman si Damon. "Paano siya nakalaya? May nag-piyansa na naman ba sa kan'ya?" Kunot-noong tanong ni Wild at umiling lang si Damon. "Walang nag-piyansa sa kan'ya, isa siyang takas na priso noong 2018 sa Italy at nagtungo siya rito sa Pilipinas sa taong din iyan at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng awtoridad sa Italy," tugon naman ni Damon at napatango naman si Wild sa sinabi ng lalaki at ibinalik niya ang tingin niya sa papel. |༺☬༻| Paulit-ulit na binabasa ni Wild ang impormasyong nakuha niya mula kay Cloud at napatigil na lang siya sa pagbabasa nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Napa-angat ang tingin niya sa babaeng pumasok at may dalang bulaklak at papel. "Sir, ayaw ko na pong dalhin itong mga 'to, para akong binabangungot dahil d'yan, dinala ko kasi sa bahay, mukhang nasapian yata 'to ng masamang espiritu," saad ni Stella at nilapag ang isang tangkay ng rosas at ang papel na may nakasulat na 8. "Ipapabendisyon ko po 'yung apartment ko, mukhang ang sama kasi nung pakiramdam ko sa loob tapos nung lumabas ako ay para akong nabunutan ng tinik, pero dala-dala ko pa rin ang mga 'to paglabas ko sa bahay, sana naman hindi 'yun sumunod dito sa trabaho, baka bigla-bigla na lang may saping magaganap dito, takot pa naman ako sa mga gan'yan," paliwanag ni Stella at nanatiling tahimik lang si Wild habang nakikinig sa pinagsasabi ng kasintahan niya. "Okay, I'll take care of this, go back to your work now," paalam ni Wild at tumango naman agad si Stella sabay yukod at umayos ng tayo at saka ay tinalikuran ang lalaki at naglakad palabas ng opisina. Sinundan naman siya ni Wild ng tingin hanggang sa lumabas si Stella. Napababa ang tingin ni Wild mula sa pinto ng opisina patungo sa bulaklak at papel na nakalapag sa lamesa niya kaya napabuntong-hininga na lang siya at kinuha ang papel. "18, 26, 14, and 8, ano ba ang ibig-sabihin ng mga numerong ito?" Tanong ni Wild habang nakatingin sa isang papel na dala niya. |༺☬༻| Stella's POV "Hi po, Father, p'wede po bang bukas na lang muna ang ritwal na gagawin niyo po? Busy kasi ako ngayong araw, tutal Sunday naman po bukas, Sunday is Holy Day. Ay, may misa po kayo bukas? P'wedeng sa afternoon na lang po, mag-aantay po ako sa inyo, pero p'wedeng pakibilisan niyo ng very slight kasi baka 'di niyo na po ako maabutan doon na matino ang pag-iisip, baka lumulutang na po ako sa hangin. Sige po, Father, thank you po!" Nakangiting paalam ko sa katawag kong pari at nagbabaan na kami ng cellphone. "Pari ba 'yun? Bakit ka magpapadala ng pari sa apartment mo?" Kunot-noong tanong ni Natalia habang kumakain ng lunch niya. "Eh, paano ba naman kasi, dinala ko 'yung rosas at papel doon sa bahay tapos kagabi binangungot ako ng subrang nakakatakot, 'yung bangungot ko ay ako 'yung kinakain nung tigre kahapon. Kailangan ko ng pari kasi mukhang may dalang masamang espiritu 'yung dinala ko sa bahay, ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ko kanina paggising ko tapos nararamdaman kong parang may nakamasid sa akin," paliwanag ko at bigla na lang akong nakaramdam ng kilabot habang kinukwento ko kay Natalia ang naganap sa akin kaninang umaga. Napahipo ako sa aking mga braso at ramdam ko ang pagtindig ng aking mga balahibo. "Ano ka ba, baka nag-iilusyon ka lang, siguro mahilig ka manood ng horror movies, 'no?" Baliktad naman ni Natalia kaya napanguso ako sa sinabi niya. "Hindi ko na kailangan manood ng horror movies kung palagi kong masasaksihan 'yung mga biktima ni Hurricane, sapat na sa akin 'yung mga ganoon, hindi ko na need ang mga horror movies na 'yan, buti pa nga dito live na live, eh, tapos hindi pa scripted at hindi pa make-up 'yung mga katawan ng bangkay, 'di katulad sa mga teleserye," paliwanag ko naman kaya napa-iling na lang si Natalia at napatawa dahil sa sinabi ko. "Baliw, kumain kana nga riyan, malamig na ang pagkain mo, oh," paalala ni Natalia kaya napababa ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan na kanina ko pa pala hindi ginagalaw. "Ay, oo nga pala," saad ko at nagsimula ulit sa pagkain. |༺☬༻| Kinagabihan. Malapit na mag-alas siyete ng gabi. April 6 ngayon kaya alam kong may mamamatay na naman sa gabing ito. May pattern bang sinusunod si Hurricane kaya 'yung 5 at 6 lang ang magkasunod tapos 'yung ibang araw ay lalaktaw lang ng ilang araw o linggo bago may mamamatay ulit? Napapansin ko kasi na ang 5 at 6 lang talaga ang naiiba sa schedule ni Jollibee. Baka bombay siya galing India? 5 6, 'yung pautang. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa walang kabuluhang iniisip ko, ewan ko ba, feel kong wala namang sense 'yung iniisip ko. Napalingon na lang ako kay Natalia na humihikab habang nagta-trabaho. Tinapik-tapik ko na lang ang likuran niya para mapawi ang antok niya. "Laban lang, mhie, support kita always!" Cheer ko sa kan'ya. "Hindi na lang sana ako nag-work ngayong araw at pinili ko na lang sanang matulog sa bahay buong araw, bwesit kasi 'tong bruhang Victoria na ito, eh, daming trabahong pinapagawa," naiinis na saad ni Natalia habang pinanggigigilan niya ang keyboard ng laptop niya dahil sa malalakas na pagpindot niya rito. "Kalma, baby, kalma," pagkanta ko kaya napalingon si Natalia sa akin at masama niya akong tiningnan. "Tigil-tigilan mo nga ako sa kantang 'yan, Stella, noong nakaraang araw ka pa n'yan," naiinis na saad ni Natalia kaya napatawa naman ako. "Kalma, baby, kal—hm" "Bwesit, manahimik ka nga," inis na saway niya sa akin sabay lagay ng panyo niya sa loob ng bibig ko. "Pwe! Ang asim!" Nakangiwing saad ko pagkatapos kong kunin ang panyo sa loob ng bibig ko. Napatingin ako sa wall clock at ilang minuto na lang bago mag-7 pm. "Nat, bilisan mo riyan, malapit na mag-7, kailangan na nating umalis dito bago magpapa-music 'yung pabidang si Hurricane," pamimilit ko sa kan'ya. "Oo na, teka lang, sandali naman, mahina 'yung kalaban," saad niya at mas lalong binilisan ang pagtitipa sa keyboard ng laptop. Palagi akong tumitingin sa orasan dahil tatlong minuto na lang ay mag-aalas siyete na pero hindi pa tapos ang kaibigan ko sa work niya. Para akong nakakaramdam ng matinding takot at naramdaman ko ang pag-iinit sa aking katawan, ganito ang nararamdaman ko kanina sa loob ng apartment ko. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito sa mga past victims ni Hurricane, 'yung nararamdaman ko ngayon ay katulad ng nasa mga horror movies, nakakatakot, nakakakilabot, at nakakapanindig balahibo. Napapikit na lang ako at pinapakiramdaman ang paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang nakakakilabot na pagpitik ng orasan at ang pagtitipa ni Natalia sa keyboard ng laptop niya. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang simula ng kanta. Alas siyete na! Napabuka ako sa aking mga mata at naabutan ko si Natalia na nag-iinat pa sa katawan niya. "Tapos kana?" Tanong ko sa kan'ya na agad naman niyang tinanguan. "Nagkakagulo na sa labas," saad ko at mabilis na tumayo mula sa upuan ko. Agad namin itinungo ang pinto ng opisina at saka ay lumabas na rito at naabutan namin ang mga taong nagkukumpulan sa labas. "Ano na naman ba 'to?" Naguguluhang tanong ko at napatingin sa unahan pero wala namang bangkay roon. "Nasa locker room ang bangkay, sabi raw nila," saad naman nung babaeng malapit lang sa kinatatayuan namin. "Locker room?" Kunot-noong tanong namin ni Natalia ng sabay-sabay at napatango naman ang babaeng tinanungan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD