Capítulo Diecisiete punto uno (17.1)

1115 Words
"Kamahalan," bati ulit ni Bloodstone sa boss niya. Nagising ang tigreng sinasandalan ni Hurricane at umungol ito. "Hush, Czar, è un amico, (he's a friend)" saway ni Hurricane sa alaga niyang puting tigre na ang pangalan ay Czar. Umayos ng upo si Hurricane habang hinihipo ang malambot na balahibo ng tigre. "Avvisate tutti del mio arrivo a Sheol, così potremo pianificare in anticipo un'altra vittima di domani, (Alert everyone for my arrival in Sheol, so we can plan ahead for tomorrow's another victim)" utos ni Hurricane kay Bloodstone at tumango naman si Bloodstone sa utos ni Hurricane sa kan'ya. "Copia, Maestà, (Copy, Your Majesty)" tugon ni Bloodstone sabay yuko ulit. "Sabay na tayong bumalik sa Sheol, papatulugin ko na muna itong si Czar sa kulungan niya," malamig na saad ni Hurricane at saka ay pinatayo si Czar mula sa couch. Tumayo naman ang tigre at saka ay bumaba sa couch. Naglakad si Hurricane palabas ng living room at nakasunod sa kan'ya ang alaga niya. Naiwan naman si Bloodstone sa living room habang hinihimas ang dibdib niya sa kaba. "Paano niya nagawang mag-alaga ng ganoon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bloodstone sa sarili niya habang tinitingnan si Hurricane na naglalakad palayo sa kan'ya at nakasunod ang puting tigre. Pumunta si Hurricane sa library ng bahay niya. Nagtungo sila ng alaga niya sa isang malaking shelf at tinulak niya ng bahagya ang kulay pulang malaking libro at bahagya ring bumukas ang bookshelf na nasa harapan niya. Dahan-dahan niya itong tinulak papunta sa gilid at nabuksan ang daanan papunta sa nakatagong parte ng bahay niya. Pumasok siya roon kasabay ang puting tigre at nilibot ni Hurricane ang tingin niya sa paligid ng malawak na silid na iyun at maraming mga gold bar na nagpatong-patong sa sahig ng silid. Sa ibabaw ng gold bar ay mayroong natutulog na black python na sampung metro ang haba at nakapulupot ito sa ibabaw. Hindi na inintindi ni Hurricane ang alaga niyang ahas na natutulog sa ibabaw ng mga ginto. Nagtungo siya sa kulungan ng tigre niya at sa katabing kulungan naman ay nandoon natutulog ang malaking black panther niya. Binuksan ni Hurricane ang kulungan ng tigre at saka ay pumasok naman doon ang alaga niya sa loob. Sinarado niya ito ulit at natulog ulit ang tigre sa kulungan niya. Naglakad si Hurricane papunta sa maliit na kulungan at sinilip niya ang alaga niyang ahas na Inland Taipan na kulay itim. Kumuha siya ng daga mula sa kabilang kulungan at inihulog niya ito sa kulungan ng Inland Taipan at agad namang sinunggaban ng ahas ang inosenteng daga. "H'wag kang mag-alala, Pharaoh, masarap ang dessert mo bukas sa Cyrene," naka-ismid na saad ni Hurricane sa Inland Taipan snake na pinangalanan niyang Pharaoh. Agad umayos ng tayo si Hurricane at naglakad palabas ng basement ng bahay niya at sinarado niya ulit ang bookshelf na nagsilbing pinto ng basement. Kulay itim din ang dingding ng library at dark oakwood naman ang ginamit sa bookshelf. Bumalik si Hurricane sa living room at nandoon si Bloodstone nag-aantay sa kan'ya habang naka-upo sa itim na sofa. Naglakad papasok si Hurricane at umupo sa harapan ni Bloodstone at umupo ng komportable at sumisigaw ng awtoridad ang style ng pagkaka-upo niya dahil naka cross leg siya at libreng nakapatong ng malawak ang kabilang braso niya sa sinasandalan niyang couch habang ang isang braso naman niya ay nakapatong sa arm panel ng couch niya. "So, I want to command you for your great work today, Bloodstone, gusto ko rin sana pasalamatan si Amethyst sa paglagay niya ng lason sa cup of coffee ni Ms. Levesque, pero nevermind kung hindi siya ang namatay sa lason ko, hindi naman talaga siya ang target ko kanina, si Erica Clemente naman talaga. Tama talaga ako na makipagpalit talaga siya ng kape kay Levesque dahil ayaw niya sa Black Americano, how genius you are, Hurricane!" Masayang puri ni Hurricane sa sarili niya at umismid. "Well, you're a genius, Your Majesty, with an average of 230 IQ," puri naman ni Bloodstone sa amo niya. "Nakakagulat lang din talaga at napadpad ka rin doon kanina to investigate our mess," nakangiting saad ni Hurricane sa lalaki. "Well, tumawag si Amethyst sa akin kaninang umaga, at bilang isang PNP Chief ay timing din na nag-round ako sa kapulisan sa Rizal," tugon ni Bloodstone. "As well as you, I'm glad we meet there lately." "Yeah... Ang sarap kasi makipag-bonding sa mga empleyado ko, habang hindi nila alam na may hudas pala na kasama nila," nakangising tugon ni Hurricane. "Let's go, Your Majesty? Nag-aantay na rin ang members doon sa Sheol," anyaya ni Bloodstone at tumango naman si Hurricane sa kan'ya. Sabay na tumayo ang dalawa mula sa inuupuan nilang couch. Kinuha ni Hurricane ang susi na nasa malaking bowl na nakapatong sa itim na lamesa at sabay na lumabas ang dalawa sa bahay ni Hurricane. Naglakad ang dalawa pababa sa veranda at naunang pumasok si Bloodstone sa dala niyang kotse habang si Hurricane naman ay nagtungo sa mga naka-park niyang dalawampu't isang mga kotse sa magkabilang gilid ng daan. Pinindot niya ang susi ng kotse at umilaw ang headlight ng isang Bugatti Chiron Supersport 300+. Nagtungo si Hurricane sa Bugatti niya at saka ay binuksan ang pinto ng kotse at pumasok na roon. Binuksan niya ang makina ng kotse at inapakan ang gas pedal ng kotse niya. Parang kulog ang boses ng Bugatti at dahan-dahang umabanti ang kotse papunta sa daanan palabas ng itim na gate ng bahay niya. Nauna siyang umalis at sumunod naman sa kan'ya ang kotse ni Bloodstone at tuluyan na silang nakalabas sa malaking gate ng bahay. Binaybay nilang dalawa ang pakurbang daan pababa ng talampas hanggang sa makarating sila sa isang malaking gate bago makalabas papunta sa main road. Automatic na bumukas ang malaking gate na kulay itim at tuluyan nang nakalabas ang dalawa at nagtungo na sa main road. Binilisan ni Hurricane ang pagpapatakbo ng kotse niya dahil walang nakaharang na ibang sasakyan sa daanan. |༺☬༻| Stella's POV Humihikab akong pumasok sa opisina dahil inaantok pa ako. Dala-dala ko ang hot chocolate na binili ko sa cafeteria pagpasok ko sa HQ ng Cyrene, mabuti na lang at nakita ko kung paano tinimpla ang hot chocolate ko at baka lagyan ng lason, hindi pa naman ako naka-inom ng hot chocolate ko kahapon kasi may lason at inagaw din ni Erica. Ininom ko ang hot chocolate ko nang maka-upo na ako sa swivel chair at nag-inat ng katawan bago humarap sa laptop ko. Napansin ko ang pagbukas ng pinto at ilang sandali ay naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Aga mo ngayon, ah, anong nakain mo?" Takang tanong ni Natalia sa akin sabay upo niya sa upuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD