Capítulo Diecisiete punto dos (17.2)

1506 Words
"Almusal malamang, isang nilagang itlog at bigas na mais," nakangiting tugon ko sabay tingin sa kan'ya at napakunot naman ang noo niya. "Bigas na mais? May bigas na mais?" Takang tanong ng kaibigan ko at napatango-tango ako. "Oo, try mo, kasi makakatulong daw ang bigas na mais para mag stay ang shape ng katawan mo sabi ni Mama," suhestyon ko sa kan'ya. "Kaya pala kahit anong kain mo ng rice ay sexy ka pa rin," manghang saad ni Natalia sa akin at nag-thumbs up naman ako sa sinabi niya. "Subukan mo, kung ayaw mong tumaba ng husto," nakangiting suhestyon ko at tumango siya. "Samahan mo ako mamili ng isang sako ng bigas na mais mamaya, ah, 'yan na ang magiging almusal, tanghalian, at hapunan ko araw-araw," excited na saad niya at ngumiti ako sa kan'ya at magiliw na tumango. "Of course! Tutulungan kita, may suki akong tindahan sa market na palagi kong pinagbilhan ng bigas, doon tayo kasi mabait 'yun sa akin at may 20% discount ako mula sa kan'ya," anyaya ko sa kan'ya. "Yie! Sige sige, mamaya sa out natin," tangong tugon niya. "By the way, anong update sa investigation ng paglason kay Erica kahapon?" Change topic ko at sumeryoso naman ang mukha ni Natalia habang nakamasid sa akin. Malalim siyang bumuntong-hininga. "Ewan ko ba, nag-aantay rin ako ng update mula kay Sir Gideon pero wala pa raw siyang natanggap. Mabuti na lang talaga, Madam, at hindi ikaw ang naka-inom sa in-order mo kahapon, dahil kung naka-inom ka tigok ka kaagad. Pero in fairness, concern ang boss mo kahapon sa 'yo," nakangiting saad ni Natalia at kiniliti ako. "Baliw, tumigil ka na nga. Speaking of boss, pupunta na ako sa opisina niya at baka nandoon na siya," paalam ko sa kaibigan ko. "Take your time, bestie, bigyan mo ng goodbye kiss ang magaling mong amo, ha?" Natatawang saad niya at siningkitan ko lang siya ng mata. "Baliw, bahala kana riyan," saad ko at dali-daling lumabas ng opisina at kung baka ano pa ang sasabihin ng kaibigan ko. Nagtungo ako sa elevator at binuksan ito, pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sir Wild na ikinasemento ng mga paa ko sa sahig. Nahigit ang hininga ko nang natuon ang atensyon ko sa mga mata niyang walang emosyong nakatingin sa akin, na para bang binubutasan niya ang mga mata ko dahil sa talim ng tingin niya sa akin. Dumaan ulit ang mesteryosong presensya sa kan'yang mga mata at nanatili roon nang ilang sandali at bigla na lang din itong nawala at bumalik ang nakakahipnotismong tingin niya. "Papasok ka o hindi?" Malakulog na boses na saad niya na naging dahilan kaya nabalik ako sa reyalidad mula sa pagkalunod ko sa malalim na karagatang mga mata niya at mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko kaya agad-agad akong pumasok sa elevator at tumayo sa tabi ng boss ko. Napayuko ako sabay kagat sa labi ko dahil mas lalong nagiging abnormal ang t***k ng puso ko na para bang kumakawala na ito sa aking dibdib nang maamoy ko na ang perfume niya at maramdaman ang mainit at nakakatakot na presensya niya sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa roon at ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto ng elevator at naunang lumabas si Sir Wild at ako naman ay nagkahirap-hirap na sumunod sa kan'ya dahil sa bilis man lang ng paglakad niya. Pumasok kami sa opisina at agad hinubad ni Sir ang suot niyang coat at pinatong ito sa swivel chair niya at umupo na roon. Dali-dali naman akong naglakad papunta sa table niya at isa-isang sinasabi ang lahat ng schedule niya. "Are you busy tonight?" Tugon niya sa mga binasa kong schedule. "Po? Opo, may lakad kami ni Natalia mamaya, eh," tugon ko sa sinabi niya at sumandal si Sir Wild sa swivel chair niya at saka ay nag-cross arm at masamang tumingin sa akin. "Cancel your appointment with her at sa akin ka sumama sa ayaw at sa gusto mo," ma-awtoridad na saad niya na ikinagulat ko kaya napalunok ako ng laway sabay kagat sa ilalim ng ibabang labi ko. "P-Pero—" "Now, leave," mariing sabat niya at hindi na ako pumalag pa at dali-dali ng lumabas sa opisina. Matamlay akong bumalik sa opisina namin at pabagsak kong ini-upo ang katawan ko sa swivel chair at nakasimangot akong tumingin kay Natalia. "Oh? Anong nangyari? Nabigyan mo ba ng goodbye kiss ang boss mo? Baka hindi kasi parang dinaanan ng bagyo ang pagmumukha mo," natatawang saad ni Natalia na mas lalong ikinasimangot at ikinalukot ng mukha ko habang nakatingin sa kan'ya. "Eh, kasi si Boss, cancel daw ang plano natin mamaya kasi sa kan'ya daw ako sasama mamaya," nakangusong tugon ko at napadukdok ang ulo ko sa lamesa. "Okay lang 'yan, may bukas pa naman, eh, at saka baka gusto ng boss mo ng quality time featuring intimate time kasama ka," pilyang asar ng kaibigan ko sa akin kaya napa-angat ang ulo ko at sinamaan ko siya ng tingin sabay hampas ko sa braso niya. Napangiwi naman siyang hagod-hagod ang namumulang braso niya at saka ay mapang-asar siyang ngumisi sa akin. "Tigil-tigilan mo nga akong bruha ka, magtrabaho na tayo para mabilis tayo matapos," inis na saad ko sa kan'ya at inirapan ko siya sabay baling ko sa laptop. "Yie! Excited siyang matapos agad para makasama si Boss, hay nako, Stella, tigil-tigilan mo talaga ako," natatawang panunukso ni Natalia sa akin sabay tusok-tusok sa akin sa aking tagiliran habang tumatawa siya. "Tigil-tigilan mo nga akong babae ka, isa na lang talaga, Natalia, ihuhulog talaga kita sa bintana ng opisinang ito," pananakot ko. Agad kong tinampal ang braso niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na, oo na," tugon niya at mapang-asar siyang ngumisi sa akin. "Aba—" "Hush!" Pigil niya sa akin sabay dikit ng hintuturo niya sa aking labi kaya napakurap-kurap ako sa aking mga mata ng ilang beses. "Ikaw—" "Hush! Mag-trabaho na tayo," pigil niya ulit at nanatili pa rin ang daliri niyang nakadikit sa labi ko. Agad kong nilabas ang dila ko at dinilaan ang daliri niya kaya parang napaso ang hintuturo niya at mabilis niya itong inalis sa labi ko at tumawa ako ng mapang-asar. "Ah! Disgusting! Bruha ka talaga!" Nandidiring tili niya at napangiwi siya habang nakatingin sa namamasa niyang daliri at agad niya itong pinahid sa damit ko. "Bruha ka!" Tili ko at napa-atras. "Ang OA mo! Laway mo naman 'yan! Bwesit ka!" Nandidiring saad niya at dali-daling kinuha ang alcohol spray niya at sampung beses niyang binugahan ng spray ang palad niya sabay hagod nito sa isa't-isa. |༺☬༻| Kinagabihan. Malapit na mag-7 PM at tapos na rin ako sa trabaho ko. Bahala ng may tutunog na Danse Macabre, ayaw ko na talaga mangi-alam sa problema ni Hurricane sa kompanyang ito. "Cr muna ako sandali, Nat, ah, bibilisan ko lang 'to bago mag 7 dahil ayaw kong makikigulo sa mga magkukumpulang tao mamaya," paalam ko sa kaibigan ko at tumango lang siya habang titig na titig pa sa laptop niya. Dali-dali akong nagtungo sa pinakamalapit na cr at pumasok na roon. Agad akong napa-igtad sa gulat nang makita kong may itim na ahas na gumapang sa sahig at nagmula siya sa isang cubicle. Agad akong napatalon paakyat sa lababo dahil sa dumaang ahas sa paanan ko. Bakit may ahas dito? Dali-dali akong bumaba sa lababo nang nasa pintuan na ang ahas at agad-agad akong pumunta sa cubicle kung saan galing ang ahas. Biglang nabuksan ang cubicle na iyun at lumantad sa harapan ko ang isang babaeng nag-uugat ang balat at naninigas ang katawan na natumba sa sahig. "Ah!!!" Sigaw ko sa gulat at napatingin ako sa pinto ng cr nang mapansin kong bumukas ito. Nakita ko ang isang matangkad na tao na nakasuot ng nakakakilabot na puting masquerade at may dala-dalang maliit na kulungan kung saan nandoon ang ahas na nakita ko kanina. Hindi ko na inintindi ang bangkay ng babae na nasa sahig at dali-dali akong lumabas ng cr para sundan ang taong naka-itim at nakatalukbong ang ulo niya ng hood at mahaba ang kapa. Paglabas ko sa pinto ng cr ay nakita ko ang taong mabilis na naglakad papunta sa elevator at patakbo ko siyang sinundan. Huli na ako nang makarating sa harap ng elevator dahil saktong pagdating ko ay siya namang pagsara ng pinto ng elevator. Napatingin ako sa floor count ng elevator sa taas at nakita ko roon na paakyat ang elevator at huminto ito sa ika-110th floor ng building, ang floor kung saan nag-iisa lang doon ang opisina ng CEO! Naagaw ang atensyon ko mula sa elevator papunta sa speaker na nasa kisame ng floor na ito dahil tumugtog na naman ang Danse Macabre. Naglabasan sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado na nandito sa floor na ito nang marinig na nila ang kanta. Kumakabog ang puso ko sa ilalim ng dibdib ko dahil sa nangyayari ngayong gabi. Nakita ko si Hurricane, dalawang beses ko na siyang nakita, at nahuli ko siyang paakyat papunta sa opisina ng CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD