Capítulo Dieciséis punto dos (16.2)

1384 Words
"Oo, imbes na ako dapat ang malason ni Hurricane, pero dahil nakipagpalitan si Erica sa akin ng kape, at ininom niya 'yung hot chocolate ko, kaya siya ang nalason, ayaw niya raw kasi sa Black Americano kasi akala niya ay okay lang ng dila niya ang lasa ng kapeng in-order niya," paliwanag ko at hinahagod ni Natalia ang likod ko habang humahagulgol na ako ng iyak. "Nainom mo ba ang hot chocolate mo?" Tanong sa akin ng kaibigan ko at umiling lang ako. "Muntikan ko lang mainom, pero nakipagpalitan siya agad sa akin kaya hindi ko natuloy," tugon ko. |༺☬༻| Ilang minuto ang nakalipas at nagdatingan na rin ang mga police sa hotel at nag-imbestiga. In-imbestigahan din nila ang coffee shop na binilhan ni Ashley at ng kaibigan niya. Lahat kami sa hotel ay in-imbestigahan nila. "Ms. Villafuentes, nandito ka rin pala!" Bungad ng lalaking police kay Ma'am Victoria. "Mas nakakapagtataka at nandito ang isang PNP Chief ng Pilipinas, bakit ka rin pala nandito, Mr. Damon Reduxé?" Tanong ni Ma'am Victoria sa lalaki, si PNP Chief pala itong lalaking masungit ang mukha pero gwapo. "Well, nasa malapit lang naman ako nag-round sa mga kapulisan dito tapos nakatanggap kami ng report mula sa hotel kaya pumunta na lang din ako rito para mag-imbestiga," tugon ng lalaki kay Ma'am Victoria. "Oh, kaya pala nandito ka," tangong tugon ni Ma'am Victoria. "Yes, pero magpapatuloy lang kami sa pag-iimbestiga rito, magbibigay lang ako ng report at update sa inyo maya-maya pagkatapos ng imbestigasyon namin dito," nakangiting saad ni Mr. Reduxé sa CEO namin. "Sige, maraming salamat, PNP Chief," tugon pabalik ni Ma'am V at saka ay umalis na sa harapan ng babae ang PNP Chief. "Magkakilala pala sila ng PNP Chief na 'yan?" Takang tanong ko kay Natalia. "Well, paanong hindi magkakilala ang dalawa, eh, sikat kaya sa buong Pilipinas si Ma'am Victoria, at hindi lang sa Pilipinas, pati rin sa buong mundo," tugon ni Natalia. Well, may point din naman siya. |༺☬༻| Kinahapunan. Kasalukuyang kasama namin ni Natalia si Sir Wild habang kinakausap siya ng isang police, tumutulong din kami ni Natalia sa pagsagot sa ibang katanungan ng police sa amin. "Mr. Fuero," tawag ni Mr. Reduxé kay Sir Wild, agad naagaw ang atensyon ni Sir Wild mula sa police papunta kay Mr. Reduxé na naglalakad papunta sa pwesto namin. "May report na rin kami tungkol sa lason na ginamit ng salarin," saad ng PNP Chief kay Sir Wild sabay abot niya sa isang brown envelope sa boss ko at tinanggap naman ito ni Sir Wild at binuksan niya ito at kinuha ang laman ng envelope. "Ayon sa na-imbestiga namin, ang ginamit na lason ng salarin ay Conium Maculatum plant na makikita lang sa Europe, North Africa, ibang parte ng Australia, sa West Asia, at sa North at South America, at wala ito rito sa Pilipinas, ang dahilan naman ng pagsuka ng dugo ng biktima ay nilagyan din ito ng arsenic ang ininom niya. Nilagyan niya rin ito ng iba't-ibang harmful chemicals like nitric acid at sulfuric acid, at iba't-ibang nakakamatay na poisonous chemicals like cyanide, sarin, mercury, at tetrodotoxin, " saad ng PNP Chief kay Sir Wild. "Mabubuhay pa ba si Erica, Chief?" Tanong ko sa lalaki. "Dead on the spot na siya," diretsahang sagot sa akin ng lalaki sabay tipid na tumingin sa akin at binalik ulit ang tingin kay Sir Wild. "Kamusta ang imbestigasyon ninyo sa coffee shop na binilhan nila ng kape?" Tanong ni Sir Wild sa PNP Chief. "Wala kaming nahanap na ebidensya roon sa loob ng coffee shop," tugon ni Mr. Reduxé kay Sir. "Anong wala?! Sino ba ang nag-brew ng Hot Chocolate para sa sekretarya ko?! Ha!" Galit na sigaw ni Sir Wild sa lalaki. "Nung tinanong namin ang mga tao roon ay hindi nila alam kung sino dahil after nilang maibigay ang order nung mga empleyado ninyo ay nag-alisan na ang mga crew sa loob ng coffee shop dahil dumating na ang ibang crew ng coffee shop para magtrabaho ngayong hapon," paliwanag ng PNP Chief. "Imbestigahan ninyo kung sinong tao ang gumawa ng hot chocolate para kay Stella dahil pagbabayaran ko siya sa ginawa niya, muntikan na niyang mapatay ang sekretarya ko kung hindi lang nakipag-palitan ng kape 'yung biktima sa kan'ya," galit na saad ni Sir Wild sa lalaki at tumango naman ang PNP Chief sa kan'ya. "Magpapatuloy lang kami sa imbestigasyon, Mr. Fuero," huling saad ni Mr. Reduxé at umalis na siya kasama ang police na kausap namin kani-kanina lang. "Sure ka ba talaga na walang nagbabanta sa buhay mo, Stella?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan ko sa akin. "Oo, wala namang nagbabanta sa akin na papatayin ako, at 'di ba si Hurricane ay hindi siya namimigay ng warning sa mga biktima niya kung sino ang isusunod niya? Di ba kahit sino-sino lang ang pinapatay niya?" Tugon ko at napatango-tango naman si Natalia sa akin. "Wala po bang nagsabi sa mga kapulisan tungkol sa cases na nangyayari sa loob ng Cyrene? Chance na sana natin itong sabihin sa kanila ang nangyayari rin sa loob," saad naman ni Natalia. "Hindi pwede lalo na at nandito si Victoria, ayaw niyang may makalabas tungkol sa nangyayari sa loob ng kompanya," malamig na tugon ni Sir Wild at saka ay umalis na sa harapan namin ng kaibigan ko. "May hinala ka ba kung sino talaga si Hurricane?" Tanong ko sa kaibigan ko. "Wala, pero nanatili pa rin sa isipan ko kung sino ang totoong salarin sa lahat ng nangyayari sa loob at labas ng Cyrene, walang iba kung hindi ay si Ma'am Victoria," mariing tugon ni Natalia. |༺☬༻| General POV Madilim na ang gabi at may isang itim na kotse ang dumadaan sa isang pakurbang kalsada na nakapulupot sa gilid ng bundok at paakyat ito papunta sa itim na bahay na nakatayo sa ibabaw ng isang malapad na talampas. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na sa harap ng malaking gate ang itim na kotse at dahan-dahan namang automatic na bumukas ang malaking gate ng itim na bahay. Binaybay ng kotse ang mahabang daan mula sa malaking gate ng bahay papunta sa veranda ng mansion. Nang binaybay niya ang mahabang daan ay mayroong dalawampu't isang mga iba't-ibang mamahaling kotse na nakaparada sa magkabilang gilid ng daan. Bago siya makarating sa veranda ng mansion ay dumaan ang kotseng itim sa pagitan ng dalawang malalaking estatuwa na nakatayo sa pinakadulo ng mahabang daan. Umikot ang kotse sa isang malaking fountain ng bahay na nasa harapan ng veranda at may estatuwa naman ito ni Poseidon na nakatayo roon at may lumalabas na maraming tubig sa ulo nito. Bumaba ang isang lalaki mula sa itim na kotse na pumarada sa harap ng malaking bahay at naglakad siya paakyat sa veranda ng mansion. Binuksan niya ang malaking pinto ng bahay at pumasok na ng tuluyan sa mansion. Umapak ang paa niya sa makinis at kumikintab na sahig na gawa sa dark oakwood. Nilibot ng lalaki ang kan'yang tingin sa buong ballroom ng bahay at nakita niya ang isa pang fountain sa loob ng bahay na nakatayo sa pagitan ng dalawang mahaba at pakurbang hagdanan paakyat sa second floor. Gawa sa purong itim ang dingding ng bahay at sa makikitang mga bagay-bagay sa loob. Kahit itim ang mga bagay-bagay sa loob ay maliwanag pa rin ito dahil sa ilaw na nilalabas mula sa malaki at maliwanag na chandelier na nasa taas ng bahay. Gawa rin sa tinted na malalaking glass ang dingding ng bahay kaya makikita ang labas ng bahay pero hindi makikita ang loob ng bahay mula sa labas. Tumatagaktak ang sapatos ng lalaki sa makinis at makintab na sahig nang maglakad siya ulit papunta sa living room ng bahay. Naabutan niya ang isang tao roon na bahagyang nakahiga sa malaki, malapad, at kulay itim na sofa at ang ulo nito ay nakahilig sa tiyan ng kulay puting malaking tigre. "Bonne soirée, Vostra Maestà! (Good evening, Your Majesty)" Bati ng lalaki sabay yuko bilang paggalang sa taong bahagyang nakahiga sa couch na may katabing puting tigre na natutulog at naka-ismid ang mga labi ng tao sa lalaki. "French and Italian in one, PNP Chief Damon Reduxé, or should I say my dearest Bloodstone of 'Ndrangheta* Mafia Family," nakangiting bati ni Hurricane pabalik sa lalaki sabay simsim ng alak sa wine glass niya. *'Ndrangheta Italian Pronunciation: Na-drang-geta
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD