Capítulo Diez punto uno (10.1)

1220 Words
Nakatulala lang ako sa harapan ng pagkain. Nandito kami ngayon ni Natalia sa isang restaurant malapit lang sa HQ ng Cyrene. Bumabalik sa ala-ala ko ang nasaksihan ko kanina, nandidiri ako na hindi ko alam anong nararamdaman ko. "Bakit hindi mo pa ginagalaw pagkain mo? Kanina kapa nakipagtitigan sa pagkain mo, ah, malamig na 'yan," takang saad ni Natalia habang ngumunguya ng pagkain. "Yung lalaki..." Walang ganang saad ko. "Oo nga, 'no? Grabe talaga itong si Hurricane, pagkatapos niyang babuyin ang mga babae ngayon lalaki na naman. Ngayon lang din siya mayroong biktimang lalaki sa loob ng Cyrene maliban sa mga pamilya ng biktima na pinapatay niya rin, we know naman 'di ba na siya rin ang gumawa nu'n sa pamilya ng biktima," mahabang paliwanag niya at napatango-tango ako. "Wala si Sir Wild, kaya walang nag-aasikaso sa gulong nangyari kanina," walang ganang saad ko. "H'wag mo na alalahanin 'yun, si Sir Gideon ang nag-asikaso sa bangkay," tugon naman ni Natalia. "Kumain kana." Tiningnan ko ulit ang plato ko at kinuha ang kutsara at tinidor at nagsimula na akong kumain kahit wala talaga akong ganang kumain sa ngayon. "Kapag talaga malaman ko kung sino talaga 'yang Hurricane na 'yan, sisikmuraan ko na talaga 'yan," pagbabanta ni Natalia habang ako ay nakatulala pa rin dahil palaging sumasagi sa isip ko ang naganap ngayong gabi. Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin dati pa kung ano ang sekretong nakatago sa kompanyang ito? Ayan tuloy, pati emosyon ko ay nadadamay na, minsan nagkakaroon na ako ng insomnia dahil sa nagaganap, at palaging pumapasok sa isip ko na baka ako na ang susunod na papatayin. |༺☬༻| General POV Sabay-sabay na naglalakad sa hallway ang siyam na mga tao, apat na babae at limang lalaki at sa likuran nila ay nakasunod sa kanila ang kani-kanilang mga right hand. Nakarating silang lahat sa isang VIP Room ng Queen's Hotel at pinagbuksan sila ng pinto ng isa sa mga nagbabantay roon sa may pintuan. Sunod-sunod na pumasok ang mga taong 'yun sa silid na 'yun at lumapit sila sa mahabang lamesa na nandoon sa loob ng silid. Malawak ang VIP Room na ito at mayroon pa itong mini-stage kung saan ay mayroong low music na pinapatugtog ng isang lalaking violinist, kasabay rin ng violinist ang isang pianist na nagpapatugtog ng classical music. Umupo ang mga taong ito sa kani-kanilang nahilang upuan at sa katabi nila ay nandoon ang kani-kanilang mga assistant o right hand nilang lahat. Dumating ang isang lalaki at tumayo doon sa pinakadulong parte ng mahabang lamesa. "Nasaan na ba ang boss mo, Mr. Takashiro?" Tanong ng isang lalaki. "Paumanhin sa pag-aantay, Mr. Ace Flavio, nag-text po si boss sa akin na papunta na raw siya rito," tugon ni Emmanuel Takashiro kay Ace. "So, gusto ko lang talagang alamin kung bakit nagpatawag si Mr. Riego ng meeting sa atin. We already cut ties since January, right?" Saad ni Shane Vesaurius, isa sa mga VIP. "We are not sure, maybe some updates? May alam ka ba, Mr. Takashiro?" Tugon naman ni Kingstone Adrianus, isa rin sa mga VIP. Umiling si Emmanuel sa kan'ya, "Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ni Boss sa inyo." "Well, antayin na lang natin, wala pa namang alas otso," saad ni Yoshida Daisuku at bumuntong hininga sabay tingin sa wrist watch niya, isa rin siya sa mga VIP. "I've heard a news about your spy, Mr. Hudson," paninimula ni Thaddeus Aerozo at tumingin sa kan'yang kasamahang VIP din na si Travis Hudson. Nilagyan ng isa sa mga waiter ng wine ang wine glass ni Thaddeus at ininom niya ito. "Yeah, hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa loob," tugon naman ni Travis sa tanong ni Thaddeus sa kan'ya. "Well, ang nagbalita rin sa akin ay isa sa mga espiya ko at sinabi niyang pinatay ang spy mo sa loob ng Cyrene," saad naman ni Thaddeus at sumandal sa upuan niya. Agad napataas ang kilay ni Lorean Silvius, isa sa mga VIP din, dahil sa sinabi ni Thaddeus, "So you mean, pinatay rin ang espiya ko sa loob ng Cyrene?" Agad napatingin ang lahat kay Lorean dahil sa sinabi niya. "May spy ka rin sa loob ng Cyrene?" Hindi makapaniwalang tanong ni Matthew Mallari, isa rin sa mga VIP. "Wait, wait, so you mean, each one of you ay mayroong espiya sa loob ng Cyrene?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace sa mga kasamahan niyang VIP. "As well as me, mayroon din ako!" "Okay, so balik tayo, sino ang pumatay?" Naguguluhang tanong ni Travis sa sinabi kanina ni Thaddeus sa kan'ya. "Sabi ng espiya ko, ang pangalan daw ng mesteryosong notorious serial killer sa loob ng Cyrene ay si Hurricane, ewan ko ba," tugon ni Thaddeus sa lalaki. "So, you mean, may behind sa pagpatay ng espiya ko? At si Hurricane 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorean sa dalawang lalaking nag-uusap. "I guess?" Tugon naman ni Thaddeus. "Kaya pala ay hindi ko na ma-contact ang spy ko sa loob ng Cyrene, baka namatay na rin siya roon," sabat naman ni Shane. "Wala na nga ring update ang sa akin, eh, baka patay na rin 'yung sa akin," saad ni Kingstone. "Sino ba ang Hurricane na ito at parang magiging isa ito sa magiging kalaban natin, ah?" Saad ni Ace habang nag-iisip. "Danezza, I want you to do research about this mysterious serial killer na nasa loob ng Cyrene, kumalap ka ng impormasyon tungkol sa kan'ya at kung sino siya," utos ni Ace sa assistant niyang si Danezza Martinez. "Masusunod, Boss," tugon ng babae sa kan'ya. "Well, ang nakalap ko namang information tungkol kay Hurricane ay nagsimula raw ito noong mamatay ang buong pamilyang Cyrene," saad naman ni Thaddeus. "Mr. Takashiro, 8 PM na, nasaan na ang Boss mo?" Naiinip na tanong ni Matthew sa assistant ni Archilles Riego, ang nagpatawag ng meeting sa kanilang lahat. "Wala pang update, Mr. Mallari, pero alam kong papunta na siya rito," tugon naman ni Emmanuel kay Matthew. Agad bumuntong hininga si Matthew sabay tingin sa wrist watch niya at sumandal sa upuan niya. "Oh, by the way, habang wala pa pala si Boss, kakain na muna raw tayo, nag-text na siya sa akin ngayon na mauna na muna tayong kumain habang inaantay siya," biglaang saad ni Emmanuel habang binabasa ang message ng boss niya sa cellphone niya. Naglabasan ang mga chef, waiter, at waitress mula sa kitchen ng VIP Room at may dala-dala silang malalaking mga plato at may nakatakip na cloche o food cover na gawa sa makinis na metal. Isa-isa nila itong nilapag sa harapan ng mga VIP at ng mga assistant nila at sabay-sabay nila itong binuksan. Bumungad sa kanila ang masarap na amoy ng pagkain nang pumasok sa bawat ilong nila ang usok nito at takam na takam silang makita ang ulam na nasa harapan nila. Isa-isa silang nag-assist sa sarili nila at nagsimulang kumain. Umalis na rin sa tabi nila ang mga chef, waiter, at waitress na naghatid ng pagkain sa kanila at sila na lang ang naiwan doon sa loob at masayang kumain. Ilang minuto ang nakalipas. Kasalukuyang ngumunguya si Shane sa pagkain niya nang makaramdam siya ng matigas na bagay sa bibig niya kaya dahan-dahan niyang kinuha ang matigas na bagay na ito at napakunot ang noo niya nang makita niyang singsing ito ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD