"Totoo naman kasi lahat ng sinasabi niya, eh, na hindi ako matalino kasi hindi ako nakapagtapos, tapos hindi rin ako deserving sa work na ito lalo na't sekretarya ako sa Vice President ng pinakamayaman at pinakamalaking kompanya sa buong mundo," humihikbing saad ko.
"H'wag mo na isipin 'yun, sa loob ng dalawang linggong pagta-trabaho mo rito ay natuto ka na rin naman, 'di ba?" Pagpapagaan ni Natalia sa loob ko at napatango-tango naman ako sa sinasabi niya.
Nagtungo kami sa cafeteria at naabutan naming mahaba na ang pila rito. "Mahaba na ang pila, sa labas na lang tayo kakain," anyaya ni Natalia sa akin at hahatakin na sana niya ako nang pigilan ko siya.
"Teka, ako bahala," nakangiting saad ko at malakas na pumalakpak kaya natuon ang atensyon ng ibang mga empleyado sa direksyon namin, pati si Ma'am Victoria na tahimik lang na kumakain sa isang mesa kasama ang sekretarya niya.
"I have the important announcing, attention to all passengers, flight B 415 are ready to take up, char..." Malakas na anunsyo ko sa lahat at humagalpak naman ng tawa si Natalia pati rin ang ibang mga taong nakarinig sa akin.
"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko na hawak-hawak na niya ang tiyan niya sa pagtawa.
"Anong announcing? Anong Flight B 415? Baliw ka, saan mo na naman napulot 'yan? Wrong grammar pa nga," natatawang saad niya.
"Ha? Mali pala 'yun? Ilang oras ko pa namang pinagpraktisan 'yun mula sa napanood kong movie, 'yung may eroplano," punto ko.
"Baliw. Pagpasensyahan niyo na po itong kaibigan ko, guys, may saltik lang 'to sa utak kasi hindi pa nakapag-lunch, pasensya na," paumanhin ni Natalia sa akin at hinatak na niya ako papunta sa lobby ng building at lumabas na kami HQ.
|༺☬༻|
General POV
Sunod-sunod na mga yapak ng bakal na sapatos ang nagdadatingan at huminto silang lahat mula sa paglalakad nang makarating na sila sa pulang linya, sabay na yumuko ang lahat nang makarating na sila. Nagpuntahan sa magkabilang gilid ang mga taong nakasuot ng facemask na itim at nakatalukbong ang mga ulo nila sa isang itim na hood na may mahabang kapa sa likod at binigyan nila ng daan ang babaeng nakasuot ng itim na hood at nakasuot ng itim na facemask.
Huminto ang babae pagdating niya sa pulang linya at yumukod din siya at nagbigay galang at pagkatapos ay binaba niya ang hood na nakatalukbong sa ulo niya at lumantad ang kulay itim at mahaba niyang buhok. Binaba niya rin ang suot niyang facemask na kulay itim.
"Che aggiornamenti hai, mio carissimo Consigliere? (What's your update, my dearest Consigliere?)" Saad ng taong nakasuot ng full-faced masquerade na kulay puti na naka-upo sa isang gintong trono, tawagin na lang natin siyang si Hurricane.
"Hanno un incontro d'affari domani esattamente alle 20:00 al Queen's Hotel, Vostra Maestà. (They have a business meeting tomorrow exactly at 8 PM in Queen's Hotel, Your Majesty.)" Balita ng babae sa kan'ya kaya tinanggal ni Hurricane ang suot niyang masquerade at nilapag niya ito sa katabing table ng trono niya at nagyukuan naman ang lahat nang tumayo ito at kinuha ang wine glass niyang may lamang pure red wine at tinunga ito.
"Magandang balita, omani è il 25 febbraio, è il giorno della morte! (tomorrow is the 25th of February, it's killing day!)" Masayang saad ni Hurricane sabay tunga niya sa baso niyang may lamang wine at inubos agad ito. Kinuha niya ang riding crop niya o isang pamalo sa kabayo at tinapik-tapik niya ito ng marahan sa palad niyang walang suot na gloves.
"Amethyst e il mio Consigliere, pronti per il piano di domani, dahil may liligpitin pa akong bubwit bukas na bukas sa Cyrene, (Amethyst and my Consigliere, ready for tomorrow's plan)," habilin ni Hurricane sa mga tauhan niya.
"Sì, Vostra Maestà, (Yes, Your Majesty,)" sabay na tugon ng dalawang babae, si Amethyst na kulay dark brown ang buhok na may kaunting highlight at ang Consigliere ni Hurricane habang silang lahat ay nanatiling nakayuko at hindi tinatapunan ng tingin ang taong nakatayo sa harapan nilang lahat.
Bumaba si Hurricane mula sa dalawang hakbang na hagdanan mula sa trono niyang gawa sa purong ginto. Dali-dali namang pumunta sa gilid ang kan'yang Consigliere habang silang lahat ay nakayuko kay Hurricane na naglalakad sa harapan nilang lahat.
Tumatagaktak ang sapatos nitong gawa sa metal laban sa sahig na nilalakaran niya at dala-dala niya pa rin ang riding crop niya at patuloy niya itong pinapalo ng marahan sa palad niya. Nakarinig na lang sila ng pagbagsak ng metal na pinto, hudyat na nakalabas na ang Boss nilang lahat.
|༺☬༻|
Kinabukasan. May isang lalaki ang nagkuha ng dalawang karton mula sa likuran ng pick up car. Paglingon niya sa likuran niya para umalis na sana nang nabigla na lang siya nang tumambad sa harapan niya ang isang matangkad na tao, mas matangkad pa sa kan'ya at may suot itong puting full-faced masquerade.
"Sino ka?" Gulat na gulat na tanong ng lalaki kay Hurricane na nakatayo sa harapan niya. Dahan-dahang itinaas ni Hurricane ang kabilang kamay niya na may dalang Black Bacarra Rose at may nakatatak pang Hurricane sa tangkay nito. Agad napulunok ng ilang beses ang lalaki at parang matutumba siya sa kinatatayuan niya nang makita niya ang bulaklak at ang pangalang Hurricane sa tangkay nito.
"Hurricane," nanginginig na saad ng lalaki nang makita niya ang bulaklak na iyun na dala-dala ng taong kaharap niya.
"Hush!" Saad ni Hurricane sabay putok niya sa baril doon sa namimilog na mata ng lalaking nasa harapan niya. Agad natumba ang lalaki kasabay ang dala-dala nitong karton sa sahig.
"Rose Number 7,633. Sleep well, Weldred Presley," saad ni Hurricane at tinadtad niya ng baril ang mukha ng lalaki.
|༺☬༻|
Stella's POV
Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at napa-inat ako sa katawan ko dahil tapos na rin ako sa trabaho ko. Nakakapagod, sumasakit na rin ang likod ko kaka-upo rito sa swivel chair.
"Tapos kana?" Tanong ni Natalia sa akin habang nagliligpit sa mga gamit niya.
"Yes, yes, nasaan na ba si Sir? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot sa tawag ko, ipapasa ko na sana itong report ko sa kan'ya," nayayamot na saad ko. Malapit na mag 7 PM, out na kasi namin 'yan at simula pa kagabi ay hindi ko namataan si Sir at ngayong araw rin.
"25 ngayon, 'di ba?" Tanong ni Natalia sa akin at tumango naman ako.
"Oo, ba't?"
"I wonder, sino na naman kaya ang mamamatay ngayong araw," saad ni Natalia sa akin at nag-isip.
"H'wag mo na isipin 'yan, nakaka-trauma na, dalawa na ang namatay simula noong dumating ako rito, tapos first day pa sa trabaho ko ay may bumungad pang namatay sa akin," saad ko at umiiling-iling.
"Hindi, nakakapagtataka lang talaga, eh, everytime na ganito ang nangyayari ay hindi nahahagilap si Sir Wild, at si Ma'am Victoria naman ay minsan lang din nagpapakita sa mga araw ng pagpatay ni Hurricane," matalinghagang pahayag niya.
"Duh, h'wag na natin isipin 'yan, h'wag na tayong ma-stress mula sa mga kalat ng ibang tao, hayaan na lang natin na ligpitin 'yan ng ibang tao, nakakasira ng beauty, mabuti pang mag-dinner tayo sa labas, pero libre mo pa rin," saad ko sa kan'ya at nag puppy eyes.
"Tama, tama! Nice suggestion!" Masayang turan niya at tumayo na ako mula sa upuan ko at niligpit ang mga gamit ko nang bigla na lang kaming na-alarma dahil sa tunog ng Danse Macabre.
"Ayan na ang Super Typhoon, may napatay na siyang inosenteng tao!" Nanginginig na saad ni Natalia at mahigpit na nakahawak sa braso ko. Pati rin ako ay nanlalamig na dahil sa takot na bumabalot sa buong katawan ko.
Agad-agad kaming naglabasan sa opisina at naabutan namin ang mga taong nagkakagulo sa hallway. Dali-daling nilapitan ni Natalia ang isang lalaki.
"Saan ang namatay?" Natatarantang tanong ni Natalia sa empleyadong lalaki.
"Nasa parking lot daw sabi nila," natatarantang sagot ng lalaking tinanong ni Natalia at agad-agad akong hinatak ng kaibigan ko at nagtungo kaming lahat sa elevator at pinindot ng isang kasamahan namin sa loob ang pinaka-ground floor.
Isang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa ground floor, malayo-layo ang binabaan namin dahil nasa ika-108 pa na palapag ang opisina namin, at ang opisina ng President, Vice, at mga Directors ay nasa ika-109 na palapag at ang opisina ng CEO ay nasa ika-110 na floor at 'yun lang ang nag-iisang opisina roon.
Back to reality, sabay-sabay kaming naglabasan sa elevator at naabutan namin doon ang maraming tao. Dahil matangkad ako ay nakita ko ang lalaking nakabitin at sirang-sira ang mukha at may nakasaksak na rosas sa dibdib niya at putol ang pagkal-laki nito, at... nakasubo pa ito sa bibig niya. Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagsikip ng sikmura ko at bumaliktad ito at nasuka dahil sa nasaksihan kong kalapastangan.