Capítulo Diez punto dos (10.2)

1324 Words
"What's this?" Takang tanong ni Kingstone at niluwa ang kung ano man ang nasubo niya at napatayo na lang siya bigla nang makita niya kung ano ito. "B-Bakit may kuko ng tao..." saad ni Clyde Devin sa Boss niyang si Kingstone. Biglang nagbago ang tunog ng kantang pinapatugtog ng pianist at violinist sa mini-stage at napansin agad ito ni Lorean. "Danse Macabre," pabulong na saad niya. "Kaninong singsing ito?" Tanong ni Shane habang pinakita niya sa lahat ang singsing na hawak niya. Agad napalunok ng maraming beses si Emmanuel nang makita niya ang singsing na dala-dala ni Shane, "K-Kay Boss 'yan." Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa sagot ni Emmanuel. Bigla na lang na alarma ang lahat nang isang matulis na tinig mula sa speaker na nakapalibot sa VIP Room ang umalingawngaw sa bawat sulok ng silid. "Hurricane speaking, nagustuhan niyo ba ang putaheng sinerve ko sa inyo? It was a French dish with a twist, it's called Pot-au-Feu featuring human meat ala Hurricane, ako ang nagluto niyan para sa inyo!" Sarkastikong saad ng isang malalim na boses na nagmula sa speaker at tumawa ito ng malakas na parang kulog ang pagtawa nito na pumasok sa loob ng silid na iyun. Agad nagsukahan ang lahat nang marealize nila kung anong klaseng karne ang kinain nila. Dali-daling nagtungo ang lahat sa comfort room at nagpapaunahan silang lahat na isuka ang lahat ng kinain nila. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng violinist at pianist ng Danse Macabre habang nagkakagulo ang lahat ng mga tao na nandoon sa loob ng VIP Room. Umismid ang pianist sa kasama niyang violinist habang patuloy nilang pinapatugtog ang Danse Macabre. "Sino ka, Hurricane?! Magpakita ka!" Pagsisigaw ni Ace sa loob ng room habang sinasabunutan ang sarili niyang buhok at pilit na sinusuka ang kinain niyang pagkain. |༺☬༻| Tawang-tawa naman si Hurricane sa nakikita niyang ganap sa monitor niya sa malaking TV na nagkakagulo ang lahat na nasa loob ng VIP Room. Sinalinan ng Consigliere niya ang baso niya habang tawang-tawa sa napapanood niya ngayon. "What do you think, Consigliere? Nasarapan ba kaya sila sa niluto kong tao para sa kanila?" Natatawang tanong ni Hurricane at ininom ang wine na nasa wine glass niya. "Maybe, Your Majesty, takam na takam sila sa pagkain mo, eh, lutuan mo rin kami ng ganoon, pero h'wag naman sana 'yung karne ng tao," biro ng Consigliere niya kaya sinamaan ng tingin ni Hurricane ang Consigliere niya kaya agad-agad na yumuko sa harap ni Hurricane ang babae. "Gusto mong ikaw ang lulutuin ko at kakainin ko?" Kunot-noong saad ni Hurricane sa Consigliere niya. "Pasensya na po," paumanhin ng Consigliere sa kan'ya at umatras ng kaunti habang nakayuko. Lumapit ang Consigliere sa mga kasamahan niya. "Baliw na talaga 'yang Boss mo, Heidi," bulong ng isang lalaki sa kan'ya. "Anong 'Boss mo'? Bruho ka, Boss natin 'yan, 'pag ikaw talaga ang pag-initan niyang si Kamahalan, baka ikaw na ang lelechonin niyan, sige ka," pagbabanta ng Consigliere sa kan'ya sabay hampas sa matipunong balikat ng lalaki kaya napangiwi siya sa parteng hinampas ni Heidi. "Ako pag-iinitan niyan? Mahal na mahal kaya ako n'yan, 'di ba ako ang baby boy ninyong lahat dito?" Pabulong na saad ng lalaki habang himas-himas ang balikat niya. "Delulu! Tigil-tigilan mo talaga ako, Heliodor, baka ako ang lelechon sa 'yo," pagbabanta ni Heidi sa kaibigan niya. "Tigil-tigilan niyo nga 'yang bangayan ninyo at baka marinig kayo ni Hurricane," saway naman ng isang lalaki sa kanilang dalawa, siya si Bloodstone. "Itong batang 'to, eh, nakaka-inis, alam naman nating psychopath 'yang si Boss kaya hayaan na lang natin 'yan sa kabaliwan niya," turo ni Heidi kay Heliodor. "Consigliere, vieni qui piccola, (come here, baby)" tawag ni Hurricane sa Consigliere niya. "Sì, Vostra Maestà, (Yes, Your Majesty)" tugon ni Heidi at dinilaan lang niya ng mapang-asar si Heliodor. "Ako ang baby niya, hindi ikaw." Ngumuso lang si Heliodor sa tinuran ni Heidi sa kan'ya na naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Hurricane. "Bloodstone, oh, inaaway ako ni Heidi," pagmamaktol ni Heliodor kay Bloodstone. "H'wag ka ngang gan'yan, para kang bata, 26 years old kana, kaya tigil-tigilan mo 'yang pagiging childish mo at baka lelechonin ka talaga ni Hurricane, sige ka," malamig na sagot ni Bloodstone sa binata kaya bumuntong-hininga na lang si Heliodor habang pinagmamasdan ang dalawang nag-uusap. |༺☬༻| Stella's POV "Ito, juice, binilhan na kita, hindi ka nag-break, eh," saad ni Natalia at inabutan niya ako ng isang bote ng juice at tinanggap ko naman ito. "Thank you!" Nakangiting saad ko sa kan'ya habang nahihirapan akong buksan ang takip ng juice. "Ako na nga n'yan, ang hina naman ng kamay mo," boluntaryo ni Natalia at kinuha niya mula sa kamay ko ang juice. Binalik niya ito na nakabukas na. "Thank you ulit!" Masayang tugon ko at ininom ang juice na ibinigay sa akin ni Natalia. "So ito, may chika nga ako, hindi ka kasi nag-break time kaya ayan tuloy, hindi mo narinig ang chismis ni Ava kanina sa cafeteria," paninimula ni Natalia at umupo na siya sa harapan ko. "So ano ngang chika?" Interesadong tugon ko pagkatapos kong lunukin ang juice at tiningnan siya na interesado sa kung anuman ang sasabihin niyang chismis sa akin. "May trip daw tayo ngayong March, either first week of March or second week sa March," nakangiting balita niya. "Talaga? Saan naman tayo pupunta?" Interesadong tanong ko at subrang lapad ng ngiti ko nang marinig kong may trip kami. Ininom ko ulit ang juice habang inaantay ang sagot niya. "Sabi ni Ma'am V na pupunta raw tayong Sierra Madre at mag-team building daw tayo roon sa kagubatan ng Sierra Madre," sagot niya na ikinalunok ko sa ini-inom kong juice. "Ha? Pupunta tayong gubat? Baka may mga hayop doon tapos papatayin tayo?" Nag-aalalang tanong ko at napakunot ang noo. "Ewan ko ba kay Madam V, kahit ano-ano na lang pumapasok sa isip niya, gusto sana ng iba na mag-beach pero dahil ang bruhang CEO na 'yun ang palaging nasusunod kaya wala ng umaangal sa desisyon niya," inis na saad ni Natalia at mabigat na bumuntong-hininga sabay cross-arm. "Baka ano, baka common na para sa kan'ya 'yang beach, baka gusto niyang magpabundok muna," tugon ko naman sabay sarado sa juice at nilagay ko ito sa lamesa. "Siya, bagay siya sa bundok kasi 'yung ugali niya ay kailangang ilagay sa bundok na walang tao, bagay siya sa bundok kasi para siyang mangkukulam," sunod-sunod na saad ni Natalia at bahagya ko siyang tinatapik sa kamay niya para tumigil sa pagsasalita. "Bakit? Sino ang mas maganda sa atin, Natalia? Kasi kung sino ang hindi maganda ay siya ang bruha," saad ni Ma'am Victoria at nakatayo siya ngayon sa likuran ni Natalia at katabi niyang nakatayo si Ava na naka-cross arm pa. Agad-agad tumayo si Natalia kasabay ko at nilingon ang likuran niya at tumambad sa harapan niya ang galit na mukha ni Ma'am Victoria. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Natalia dahil nanginginig na rin ito sa kaba at takot. "M-Ma'am, ano'ng ginagawa ninyo rito sa opisina namin?" Nahihiyang tanong ni Natalia kay Ma'am Victoria. "I'm the CEO here, so may karapatan akong pumunta sa mga opisina sa building na ito, pero ikaw? Anong karapatan mo na pagsalitaan ako ng gan'yan, Ms. Servanda?" Masungit na tanong ni Ma'am kay Natalia at tinaasan niya pa ng isang kilay ang kaibigan ko. "Wala, wala po 'yun, Ma'am," nanginginig na tugon ni Natalia kay Ma'am. "Anong wala? Hindi ako bingi para hindi ko marinig ang pinagsasabi mo!" Asik ni Ma'am V sa kan'ya. "Pagpasensyahan niyo na po si—" "At ikaw? Bakit ka sumasabat? Ikaw ba ang kinakausap ko? Gusto mong sumali sa usapan?" Mataray na sabat ni Ma'am sa sinasabi ko. "H-Hindi po," kinakabahang saad ko. "Then... Good, I'll better leave, baka makapatay pa ako ng tao sa araw na ito," huling saad ni Ma'am Victoria bago niya kami talikuran. Iniwan na kaming dalawa ni Natalia rito na napakurap-kurap sa sinabi ni Ma'am at nakanganga pa sa huling binanggit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD