Capítulo Veintiséis punto uno (26.1)

1834 Words
Ilang oras ang nakalipas at napahiga na lang ako sa higaan nang matapos ko ng maglinis sa buong apartment ko. After ilang linggo ay ngayon ko lang din ulit ito nalinisan. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table kaya bumangon ulit ako at umupo sa gilid ng higaan at saka ay kinuha ang phone ko. May message si Sir Wild sa akin kaya binuksan ko ito. From Handsome Wildfire: "Ready yourself tonight, Blondie, I'll fetch you. May pupuntahan tayo, okay?" Saan naman kami pupunta ng taong ito? To Handsome Wildfire: "Bakit po pala, Sir? Saan mo na naman ako dadalhin? -,-" Sinend ko na iyun at tumunog ulit ang phone ko kaya napatingin ulit ako rito. From Handsome Wildfire: "Basta, maghanda ka sa sarili mo mamayang gabi, dadaanan kita riyan sa apartment mo exactly 6 pm. Make yourself presentable and stunning, Stella." Agad naman akong napanguso sa reply niya at napabuntong-hininga pa ako ng isang beses at saka nagsimulang magtipa sa phone ko. To Handsome Wildfire: "Okay." Itinapon ko na sa higaan ang phone ko at saka ay humiga ulit at napatadyak-tadyak ang mga paa ko. "Ano ba naman 'yan?! Gusto kong humiga na lang dito sa higaan buong magdamag, eh! Hindi mo na nga ako secretary, Mr. Wild Fuero! Pero bakit may lakad pa tayo mamayang gabi?!" Naiinis na sigaw ko at umupo ulit sa gilid ng higaan at kinuha ang phone ko at hinalughog ito. "Ikaw, nakakainis ka! Pinapakilig mo na naman akong bruho ka!" Naiinis na saad ko habang tinuturo ang picture ni Sir Wild na nasa phone ko. Ito 'yung pinaka-unang litrato ng phone ko, ang mukha niya, ang kapal! "Kyah! Ang pogi mo pa ring hayop ka! Bwesit!" Tili ko at saka ay inilapat ang screen ng phone ko sa dibdib ko at humiga ulit habang may ngiti sa labi. "Kainis! Kainis! Hindi dapat ako kinikilig, eh! Dapat naiinis ako sa kan'ya ngayon dahil pinapaasa niya ako! Pero ack! Bakit ang rupok-rupok mo pagdating sa kan'ya, Stella?! Bakit?!" Naiinis na saad ko at nagpagulong-gulong sa higaan dahil sa kilig na nararamdaman ko. Bumangon ulit ako at saka ay umupo na naman sa gilid ng higaan at saka ay idinapa ko ang phone sa kama at padabog na tumayo. Kainis! Pinapakilig na naman kasi ako, eh! Bahala siya riyan! |༺☬༻| Kasalukuyan ako ngayong nakatayo sa harapan ng full body size mirror habang pinagmasdan ang buong katawan ko sa suot ko ngayon. Nakasuot ako ng itim na strappy back dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Pinaresan ko rin ito ng silver necklace na may star na pendant at may partner din itong hikaw na suot ko rin. Nakabagsak lang ang mahaba na princess curl na buhok ko na abot hanggang beywang ang haba nito. Kaya kung magpapa-straight ako ng buhok, lalagpas na sa pwet ko ang haba nito, pero mas gusto ko ang ganitong buhok ko kasi natural lang ito at mas lalo lang itong nagpapaganda sa akin. Natabunan ng mahaba kong buhok ang strappy back ng damit ko, pero ayos lang, ayaw ko naman ng masyadong revealing, eh. Pinaresan ko rin ang damit ko ng pulang stiletto. Dala-dala ko rin ang maliit na chanel purse ko na binili ni Natalia para sa akin noong mag-shopping kaming dalawa. Light make up lang din ang ginamit ko, tanging mascara, nude matte lipstick, highlighter na eyeshadow, eyebrow pencil, at kaunting blush on lang ay pack na pack! Mabuti na lang din at tinuruan din ako ni Natalia sa mga ganito, hahayst, namiss ko na ang kaibigan ko, dalawang araw ko na siyang hindi nakita. Pinagmasdan ko pa sa huling pagkakataon ang katawan ko sa salamin. Napangiti naman ako nang ma-satisfied na ako sa ayos ko. "Ganda mo talaga, Stella!" Cheer ko sa sarili at natuon ang atensyon ko sa pinto ng apartment ko nang may kumatok dito. "Stella?Are you done?" Tanong ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Si Sir Wild! Agad kong kinuha ang phone ko na nasa maliit na lamesa na katabi lang ng full body size mirror ko at binuksan ito. Saktong 6 pm nga! Ikinurba ko ang aking labi at ngumiti at saka ay tumalikod na at nagtungo na sa pinto ng apartment ko at binuksan ito. Bumungad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng isang lalaki. Isang malalim na kulay karagatang mga mata ang una kong nakita nang mabuksan ko na ang pinto, mga matang nakakahipnotismo, mga matang nakakapanghina ng tuhod, mga matang makalaglag p-nty, mga batang may mesteryosong nakakubli sa likod nito, mga matang matagal ko ng hinahangaan. "Sir!" Masayang bungad ko sa kan'ya at pinagmasdan ang mukha niya na ngayon ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa pabalik sa aking mukha. "Wow! Just wow! You're so gorgeous, amore mio! (my love!)" Namamanghang saad niya. "Let's go, moya ledi (my lady)," anyaya niya sa akin at naglahad ng kamay sa harap ko. Ang dami niyang alam na alien language at hindi ko lahat 'yun naintindihan. Pain! Saklap! Pighati! Malugod ko namang tinanggap ang kamay niya at saka ay sinarado ko na ang pinto ng apartment ko at umalis na rin kaming dalawa. Lumabas na rin kami sa building at bumungad sa amin ang kulay pulang kotse. Teka, ito 'yung kotse na nakita ko kahapon sa grocery store! Dinala na ako ni Sir Wild sa kotseng 'yun at pinagbuksan niya ako sa passenger seat. So, sa kan'ya nga itong kotse na 'to? So, siya nga 'yung nandoon sa labas ng grocery store kahapon? Ewan ko ba. Sinarado na niya ang pinto ng passenger seat at saka ay umikot siya papunta sa driver seat at binuksan na niya ang pinto nito at pumasok at saka ay sinarado. Ilang sandali pa ay bumyahe na kaming dalawa at tahimik lang kami, dinadamdam ko ang lalaking katabi ko ngayon. Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito? Ang daming pauso! Hayst! Agad nawala ang katahimikan sa loob nang tumikhim siya. "Are you okay, Stella?" "Yes, Sir," tipid na tugon ko at nanatili pa ring nakatingin sa labas habang pinagmasdan ang unti-unting pagbukas ng mga streetlights sa gilid ng highway. "Good," tipid na tugon niya at hindi na ulit ako nagsalita pa. Awkward. |༺☬༻| Nakarating na rin kaming dalawa sa sea port pagkatapos naming bumyahe ng higit kalahating oras. Ang sea port na ito ay isa sa mga sea port ng Cyrene! Ngayon ko lang ito napuntahan! Ang ganda pala ng sea port na ito! Unang lumabas si Sir Wild at saka ay pumunta sa side ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na rin. Paglabas ko ay bumungad agad sa akin ang malamig na hangin na may halong hangin mula sa karagatan. Nandito rin sa sea port ang mga naglalakihang cruise ship at cargo ship ng Cyrene, may sariling sea port ang Cyrene at may sarili rin silang mga cruising line at cargo ship! Kaya subrang yaman ng kompanya, may hospitals, hotels, airports, sea ports, universities, banks, real estates, condo units, pharmacies, at marami pang iba! Namangha naman ako sa ganda at sa laki ng mga barko na nasa harapan ko! Nakakalula! "Do you like it?" Tanong ni Sir Wild kaya napalingon ako sa kan'ya at ngumiti at tumango. "Opo! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda at ganito kalaking mga barko! Saan po pala tayo pupunta, Sir?" Masayang saad ko. "Let's go," tipid na tugon niya at saka ay hinatak na niya ako. Nagpatianod naman ako sa mga hatak niya at pilit na sinasabayan ang mahahaba niyang mga hakbang. Buong akala ko ay pupunta kami sa mga naglalakihang cruise ship ng Cyrene pero mas nagulat pa ako nang huminto kami sa harap ng isang malaki, engrande, at maluhong yacht na kulay itim! Para akong nanliit sa sarili ko nang makita ko ito, magkasing laki lang sila sa mga cruise ship na nandito, kaya mas lalo akong nanliit dahil nandito kami malapit sa paanan ng yacht! "S-Sir, ang laki naman ng yacht na ito, kanino po ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumingin sa kan'ya na ngayon ay naka-angat ang tingin sa yacht na nasa harapan namin at saka ay tumingin sa akin. "Mine," tipid na sagot niya at ibinalik ulit ang tingin sa yacht. Naiwan akong napatulala at nagulat sa sagot niya. Mine? As in sa kan'ya lang ang yacht na ito?! "Let's go, Stella," malamig na saad niya pero nag-echo lang ang boses niya sa tainga ko dahil sa mga iniisip ko. "Stella! Tara na!" Sigaw niya kaya bigla akong naalerto at hindi ko na siya nakita sa harapan ko. "Sir?" Saad ko habang hinahanap ko siya. "Stella!" Tawag niya pa sa akin kaya natuon ang atensyon ko sa kabilang direksyon at nakita ko si Sir na nakatayo roon malapit sa entrance ng yacht. Ang bilis naman niyang makarating doon! "Teka lang, Sir, papunta na!" Sigaw ko pabalik at saka ay nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan niya. Pagdating ko ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak na ito kaya nagpatianod na lang ako sa mga hatak niya. Ilang hakbang ay nakarating na kami sa pinto ng yacht at bumukas ito at pumasok na kami. May mga crew ang nagbukas nitong metal at makapal na pinto ng yacht. Pagpasok namin sa loob ay parang barko lang ang itsura nito sa ilalim. Nagyukuan naman ang mga crew na nasa loob ng yacht nang dumaan kami sa harap nila. Nginingitian ko rin ang iba na tumitingin sa amin at kinakawayan ko rin ang mga ito. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang elevator at binuksan ito ni Sir at pumasok na kami. Wow! May elevator din pala ang yacht na ito, sana all! Tahimik pa rin kami sa loob at ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator. Saktong pagbukas nito ay bumungad sa harapan ko ang maluho at engrandeng paligid! Parang hindi isang barko ang pinasukan namin, parang isang 5 star hotel! Maliwanag ito dahil sa malaking chandelier na nasa kisame at sa paligid naman ay may mga table na good for two lang tapos sa kabilang gilid ay may mini-stage kung saan ay mayroong dalawang tao roon, ang isa ay nagpapatugtog ng piano habang ang isa ay nagpapatugtog naman ng violin! Sa katabi ng elevator na nilabasan namin ay living room at dalawang hallway. May glass wall din ang mga living room. Inilibot ko pa ang paningin ko at saka ko lang napagtanto na naka-apak pala kami sa red carpet at ang kabilang dulo ng red carpet na ito ay ang exit nitong pinuntahan namin, ang exit nito ay may glass wall din na kung saan ay makikita ang labas at kung nasa labas ka naman ay makikita mo ang loob. Makikita rin mula sa loob ang isang malaking swimming pool na nasa front deck ng yacht at katabi ng swimming pool ay ang isang helipad at may helicopter din na naka-parking dito. Makikita rin mula sa loob ang harapan ng yacht kung saan ay makikita ang mga nagtataasang mga building ng Manila City na malayo mula sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD