"Dito tayo," hatak sa akin ni Sir Wild at dinala niya ako sa isang table na good for two at hinilaan niya ako ng upuan at umupo na rin ako rito. Umupo na rin siya sa harap ko at sa table na namamagitan sa amin ay may nakahanda ng isang Novellino Red Wine at dalawang wine glass.
May nakasindi ring mga scented candles na nakapatong sa glass candlestick na nasa pinakagitna ng lamesa naming dalawa. Nang ma-settle na kami ay may lumapit na waiter sa amin.
"Paparating na po ang main dish ninyo, Sir," saad ng lalaking waiter kay Sir Wild at tumango naman siya at umalis na ang waiter sa pwesto namin.
"Have a wine first, Stella," tipid na saad ni Sir Wild at sinalinan niya ng red wine ang wine glass ko at na parang one-fourth lang ang dami ng nilagay niya.
Para tuloy kaming nag-date nito at para naman akong yayamaning tao sa ganap ngayong gabi. Kinuha ko na ang baso at inamoy ko ang wine na nasa loob ng baso.
Matapang ang amoy ng red wine, pero sabi raw nila, mas healthy daw ang red wine kaysa sa mga beer at alcohol, kaya alam kong kakayanin ko ito. Ininom ko ang wine ng isang lunukan lang kasi kaunti lang naman ito at nang ibaba ko na ang wine glass ay napakunot ang noo ni Sir Wild nang tingnan niya ako.
"Hindi ka pa ba naturuan ni Natalia ng proper dining etiquette? Hindi mo dapat ubusin ng isang lunukan lang ang red wine, Stella, you should've drink it lightly, na para bang babasain lang ang labi mo," paliwanag niya.
"Naturuan po, pero Sir, isa pa, wala po tayo sa business meeting, wala po tayo sa isang event ng Cyrene, hindi mo na rin ako secretary, at hindi na rin po kita boss, magkakilala lang po tayo, kaya hayaan niyo po ako sa behavior ko kasi hindi po ako pumunta rito para magtrabaho, pumunta lang ako rito dahil niyaya mo lang ako, 'yun lang," paliwanag ko naman kaya napabuntong-hininga na lang siya.
"Fine, fine, be yourself for now," surrender niya at saka ngumiti naman ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ang red wine at nagsalang ulit sa baso ko at mahigit pa sa kalahati ang nilagay ko rito at saka ay ininom ko ito.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang pagkain namin. Binuksan ng waiter ang pantakip ng pagkain na gawa sa makinis na metal at bumungad sa harapan namin ang ulam na kinain ko rin kanina! Ang sarap pa naman nito! Naglalaway na ako dahil sa amoy ng ulam na pumapasok sa ilong ko!
Kalahating minuto ang nakalipas. Tapos na rin kaming kumain ni Sir Wild, sabi nga ni Sir Wild na be yourself so ayon, nilantakan ko na naman 'yung pot au feu kasi masarap. Kasalukuyan na kami ngayong nasa front deck ng yacht kung saan ay nakahawak ako sa rehas ng yacht.
Pinagmamasdan ko ang harapan namin ngayon na kung saan ay mga nagtataasang building pero malayo na kami sa pantalan ngayon, at alam kong nasa malalim na parte na kami ngayon ng dagat. Madilim na rin ang paligid pero maliwanag ang pantalan na nasa malayo dahil sa mga ilaw nito at ganoon din ang mga cruise ship na nandoon.
"Ang ganda pala rito, Sir, malamig ang hangin at masarap sa pakiramdam," saad ko kay Sir Wild na ngayon ay nakasandal ang likod niya sa rehas habang nakapihit ang ulo na nakatingin sa akin.
"Hmm, that's why I choose this place for you. I'm hoping na magustuhan mo at hindi nga ako nagkamali, you did like it," tugon niya habang naka-cross arm.
"Ano pala ang ginagawa natin dito, Sir? I mean, bakit niyo po ako dinala rito?" Tanong ko sa kan'ya at bumuntong-hininga lang siya.
"I bought you here to apologize, I'm sorry for what I did to you, Stella, I'm sorry kung pinaasa kita, I'm sorry for making you cry, I'm sorry for giving you mixed signals, I'm sorry for hurting you emotionally, I'm sorry for everything," paninimula niya kaya napunta ang buong atensyon ko sa kan'ya kaya tumagilid ako sa rehas at isinandal ang tagiliran ko roon at humarap kay Sir Wild.
"Iyun ba ang rason kaya mo ako dinala rito? Para manghingi ng patawad?" Hindi makapaniwalang saad ko at tumango lang siya.
"After you leave me, I realized everything, kaya mo ako iniwan dahil ako ang may kasalanan, kaya ka umalis dahil nasaktan kita, that's why, I followed you yesterday just to check you kung safe ka ba, and I found out na you're not that's why I didn't leave you until you fall asleep before the incident happened last night," paliwanag niya pa at mataman lang akong nakikinig sa kan'ya.
Lumapit siya sa akin at inabot ang mga kamay ko at hinawakan ito.
"Please, bumalik ka na sa akin, Stella, please don't leave me, come back to my arms, Stella, I want to protect you, I want to make you happy, I want to be a good man for you, Stella, please, I..." saad niya at napatigil siya kaya diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya.
"I-I... love you, I love you, mahal kita, Je t'aime, Ich liebe dich, saranghae, Ti amo, YA tebya lyublyu, Obicham te, Aishitemasu, Wǒ ài nǐ, Te amo, Eu te amo," sunod-sunod na saad niya kaya napanganga na lang ako sa sinabi niyang iyun.
"Po?" Naguguluhang saad ko.
"It means I love you in different languages I've known, Stella," paliwanag niya kaya napatango-tango naman ako.
"Ganoon pala 'yun? Ang dami mo namang sinabi, Sir, pero iisa lang ang meaning," saad ko at natawa. Ngumuso naman siya sa sinabi ko.
"I'm serious, Stella," seryosong saad niya.
"Sabi ko nga, pero bakit mo ba 'to ginagawa, Sir? H'wag naman tayong maglokohan dito, kawawa naman si Ma'am Victoria kung aangkinin kita," depensa ko na ikipinagtataka naman niya.
"Victoria? Bakit naman siya nasali rito?" Nagtatakang tanong niya.
"Opo, isasali ko talaga siya sa usapang ito, nakita ko pa nga kayong naghahalikan doon sa opisina mo, eh, kaya nga rin ako umalis dahil ayaw ko ng manggulo sa inyong dalawa ni Ma'am V," paliwanag ko na ikinakunot ng noo niya.
"We kissed? Kailan? Bakit hindi ko alam?" Naguguluhang tanong niya.
"Nung nakaraang gabi po," tugon ko naman kaya napasapo na lang siya sa mukha niya.
"I thought i-it's you, si Victoria pala 'yung kasama ko that time? I'm sorry, mi amore, I'm just drunk that time, I'm sorry for what I did, please forgive me, I-I'm sorry," pagsisisi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Per favore, perdonami, amore, mi dispiace, please, forgive me, I'm sorry, (Please, forgive me, love, I'm sorry)" nagsisising saad niya at lumamlam na ang mga mata niya.
"Ayos na po 'yun, Sir, kung hindi niyo naman po sinasadya ayos lang po, pinapatawad na po kita," nakangiting saad ko.
"Really?" Hindi makapaniwalang saad niya at tumango lang ako bilang tugon habang nakangiti.
"Thank you, thank you very much, love, thank you," masayang saad niya at niyakap niya ako. Uminit ang puso ko nang tawagin niya akong love, ayan, hahayaan ko na lang na maging marupok ang sarili ko sa lalaking ito.
"I love you, I love you," paulit-ulit na bulong niya sa tainga ko na ikinainit ng pisngi ko. Hinalikan niya ang gilid ng aking ulo at saka ay kumalas kami sa yakapan naming dalawa.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko, kasabay nu'n ay ang pagtugtog ng isang piano at ang pag-ilaw ng kalangitan dahil sa maliwanag na fireworks na kulay pula, dilaw, blue, at purple. Nagulat ako sa mga pagputok ng fireworks at namangha sa huli habang nililibot ang tingin ko sa kalangitan dahil sa ganda ng pagkakaputok ng fireworks.
Natuon ulit ang atensyon ko sa lalaking nakaluhod sa harapan ko at mas lalo akong nagulat nang bumungad sa paningin ko ang isang kahon na nakabukas at may lamang singsing at may kulay pulang mamahaling bato na nakapatong dito. Nagngingilid ang luha ko dahil sa ginawa niya at napatulo na lang ito ng tuluyan.
"Will you be my girlfriend, Stella Levesque?" Tanong niya sa akin na ikinawala ng ngiti ko.
"Sir naman, eh! Akala ko papakasalan mo na ako!" Naiinis na pagmamaktol ko.
"Relax, love, papunta pa lang tayo riyan, but this time, I ask you once again, will you be my girlfriend, Stella Levesque? Can you be my home? Can you be my subject? Can you be my masterpiece? Can you be my favorite rose in my garden? Can you be the apple of my eye? Can I be the man of your life? Can you accept my unconditional, infinite, unfailing, and overflowing love? Can you accept this man in front of you? A man that will love you infinitely? A man that will make you happy every minute? A man that can make you feel thrilled and make your cheeks flush? A man that can give you anything you want? A man who wants to leave his home? A man that will treat you like a Queen? A man that will live with you and love you for better and for worse, 'til death do us part? A man that will love you to the moon and back?A man that will love you more than his life? A man that will never leave you after everything happened? A man that can give you twelve dozens of kids?" Sunod-sunod na tanong niya at hinampas ko siya sa balikat dahil sa huling tanong niya. Mas lalong namula ang pisngi ko sa lahat ng sinabi niya.
"Yes, Father! I mean, yes, Daddy!" Tango-tangong tugon ko.
"Pero h'wag naman 'yung isang dosenang anak, hindi ko keribels 'yun," natatawang maktol ko at natawa naman siya. Isinuot na niya ang singsing sa ring finger ko at saka hinalikan ito pagkatapos suotin.
Agad siyang tumayo at humarap sa rehas at mahigpit na hinawakan ito at sumigaw. "Woh! Girlfriend ko na si Stella Levesque! Girlfriend ko na siya! She's my lady! She's my home! I'm home! She's now my subject! She's now my masterpiece! Woh! I LOVE YOU STELLA!" Sigaw niya sa abot ng makakaya niya kaya napahawak na lang ako sa magkabilang pisngi ko dahil subrang tindi na ng init nito.
"Kill me if I hurt her! Kill me if iiwanan ko siya! Kill me right away kung gagawin ko 'yan sa kan'ya! You are my witness!" Pagsisigaw niya pa at sumigaw naman ng yes ang mga crew ng yacht bilang tugon na ngayon ay masayang pinapanood kami at ang iba naman ay nagvivideo pa, mukhang nagla-live streaming sa ganap.