"Nagtatago ka lang pala riyan, parang alam na alam mong may papasok dito, ah," natatawang saad ng lalaki at saka ay naglakad papunta sa akin.
"H'wag k-kang lumapit," nanginginig na saad ko at itinutok ang dulo ng gunting sa kan'ya pero hindi siya natinag at patuloy lang siya sa paglalakad.
"S-Sino ka?" Natatakot na saad ko at huminto siya sa harapan ko. Naamoy ko kaagad ang masangsang na amoy ng sigarilyo at alak sa kan'yang katawan kaya parang masusuka ako sa amoy niya.
"Alam mo, Miss, matagal na akong nangangarap sa 'yo, eh, matagal ko nang pinapangarap na angkinin ka," saad niya sabay hawak sa kamay kong may dalang gunting at binaba ito at kinuha ang gunting na dala-dala ko at itinapon ito sa sahig.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko at pilit na kumakawala sa mahigpit na hawak ng estrangherong ito.
Agad niya akong sinampal sa pisngi at saka ay sinuntok sa tiyan kaya napayuko agad ako dahil sa sakit na natamo ko sa aking tiyan. Itinulak niya ako kaya napasandal ang likod ko sa pader at mahigpit na hinawakan ang dalawang braso ko at itinaas ito sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Bitawan mo ako!" Pagsisigaw ko at pilit na kumakawala sa kan'ya. Napasinghap na lang ako nang bigla niyang inamoy ang aking leeg kaya wala akong ibang maisip na gagawin kung hindi ay ang tamaan ko ang kan'yang pagkal-laki gamit ang tuhod ko.
Napayuko agad siya sa aking ginawa pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa magkabilang braso ko. Tumayo siya ulit at mas lalong idinikit ng husto ang mabaho niyang katawan sa akin kaya hindi ako makagalaw at pinagpatuloy niya ang naudlot na ginawa niya kanina.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Pagsisigaw ko pero parang walang nakarinig sa akin.
"Ah!" Bigla na lang akong napasigaw sa gulat nang marinig ko ang ingay ng isang baril na ikinatumba ng lalaking muntikan ng manggahasa sa akin.
Pinanood ko siya habang unti-unting bumagsak ang katawan niya sa sahig. Nanatili pa rin ang gulat sa aking mga mata at takot sa aking mukha nang makita ko ang dugo na lumalabas sa kan'yang ulo. Mas lalo lang akong nagulat nang binaril pa ng paulit-ulit ang kan'yang mukha at tinadtad ng bala ang kan'yang mga mata na nakabuka pa kanina pero ngayon ay punong-puno na ito ng bala.
Dahan-dahan akong lumingon sa taong naglalakad papalapit sa akin at nakita ko ang pamilyar na pigura ng isang tao na may dala-dalang baril. Napansin ko rin ang mahaba at itim na kapa niya sa likod at ang nakatalukbong na hood sa kan'yang ulo.
Ibinaba niya ang hood sa kan'yang ulo kasabay ng pagbukas ng ilaw sa apartment ko. Mas lalo lang akong nagulat sa taong nakita ko, puno ng gulat at pagtataka ang mukha ko nang makita ko siya ulit.
"Stella, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng lalaki sa akin.
"S-Sir Wild," tanging saad ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Puno ng pag-aalala ang masungit niyang mukha at dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap niya agad ako.
Hindi ako nakapagsalita at punong-puno ng gulat ang aking mukha dahil sa nangyari. Si Sir Wild, nandito siya, tinulungan niya ako!
Agad naghiwalay ang yakapan naming dalawa at bumungad ulit sa akin ang nag-aalalang mukha ng lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya at pinahid niya ang mga luhang kanina pa lumalabas mula sa aking mga mata.
"Are you okay, Stella?" Tanong niya ulit sa akin at tumango ako at umiyak ulit at saka ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Salamat, salamat, dumating ka, salamat," naiiyak na saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib.
"Hush now, Stella, everything's fine, you are now safe, hush," pagpapakalma niya sa akin at naramdaman ko ang magagaan niyang palad na humahaplos sa likod ng aking ulo pababa sa aking likod.
"Hush," pagpapatahan niya pa sa akin.
|༺☬༻|
Nagising na lang ako sa isang masarap na amoy ng isang ulam. Parang naninibaguhan ako sa araw na ito. Ngayon lang kasi ulit ako naka-experience na nagising dahil sa masarap na amoy ng isang ulam. Namiss ko tuloy ulit si Mama dahil nagigising ako araw-araw dahil sa masasarap na ulam na inihanda niya para sa akin.
"Bonjour, magnifique dame! (Good morning, gorgeous lady!)" Bungad ng isang pamilyar na malalim na boses ng isang lalaki. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero pamilyar sa akin ang una niyang sinabi, basta greetings 'yun.
Napamulat ako nang tuluyan nang maramdam ko ang isang mainit na labi na humalik sa aking noo. Pagbukas ko sa aking mga mata ay bumungad agad sa aking tingin ang kulay ng isang malalim na bughaw na karagatang mga mata, mga matang matagal ko ng hinahangaan dahil sa angking ganda nito at dahil na rin sa mesteryosong nakakubli nito sa pinaka-ilalim.
"Sir..." Tugon ko at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan itong hinatak kaya napa-upo na ako sa higaan ko.
"Breakfast in bed, mademoiselle! (my lady!)" Nakangiting saad niya sa akin sabay kuha sa pagkain na nakalagay sa malapad na tray na ipinatong sa ibabaw ng aking bedside table.
Nang iniharap niya sa akin ang tray ay pumasok agad sa ilong ko ang nakakatakam na amoy ng ulam na inihanda niya para sa akin. Napatingin ako sa bowl na may lamang ulam, ang sarap!
"Have a bite, Blondie, that's my specialty!" Masayang saad niya sa akin kaya kinuha ko ang kutsara at saka ay humigop ng sabaw ng ulam na niluto niya para sa akin.
"I inherited that specialty from my French Grandma. Tinuro niya sa akin kung paano 'yan lutuin noong 15 pa lang ako, and after one week she died," pagkukuwento niya sa akin habang nilalantakan ko ang meat na nasa ulam. Malambot ito at masarap, parang matutunaw ito sa aking bibig.
"Uh-hm," tangong saad ko habang nginunguya ang pagkain.
"Masarap ba?" Tanong niya at interesadong tumingin sa akin.
Agad akong nag-thumbs up sa kan'ya at ngumiti sabay tango. "Super duper masarap, Sir Wild!" Masayang tugon ko nang malunok ko na ang meat.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, have a rice, too," saad niya at tumango ulit ako at saka ay nagsandok na ng kanin gamit ang kutsara at isinubo ito.
"Anong ulam po ito, Sir? Bakit ang sarap?" Natutuwang tanong ko.
"Hindi mo alam 'yan? That's a French Dish, the most famous dish in France," hindi makapaniwalang tugon niya.
"Ay, hindi ko alam, eh, French Fries lang kasi ang alam ko, ano po pala ito?" Tugon ko at humigop ng sabaw.
"Pot au feu," tugon niya kaya napatingin naman ako sa kan'ya.
"Ha? Potu... ano?" Nalilitong saad ko.
"Pot au feu, as in po-tu-fu," pag-uulit niya at binagalan ang huling sinabi para makuha ko.
"Ah, anong meat po pala ang ginamit niyo rito at subrang sarap?" Tanong ko pa at kumain ulit sa ulam.
"Beef," tanging tugon niya kaya napakunot ang noo ko sa sagot niya at tumingin ulit sa kan'ya.
"Beef? Wala po akong beef sa ref, eh, manok lang ang karne ko riyan," nagtatakang tugon ko.
"Ah, I-I brought a beef sa grocery store kanina," tugon niya at napatango naman ako sa sinabi niya.
Okay...
"Ikaw, Sir, kain ka po," nakangiting anyaya ko sa kan'ya pero agad-agad siyang umiling.
"No. I mean, no, niluto ko 'yan para sa 'yo," agad-agad niyang tugon kaya napabagsak ng kaunti ang balikat ko at natuon ang mga mata ko sa likuran ni Sir Wild. Bigla kong naalala ang naganap kagabi. Teka, nasaan kaya 'yung lalaking pinatay niya kagabi?
Huling pagka-alala ko ay pinatulog na ako ni Sir Wild dito sa higaan pagkatapos naming magyakapan kagabi, at pagkatapos nu'n ay wala na akong maalala. Napabaling ang tingin ko kay Sir Wild na seryosong nakatingin din sa akin.
"Ah, Sir, siya nga pala, saan na po 'yung lalaki kagabi?" Takang tanong ko sa kan'ya.
"Wala, t-tinapon ko na," tugon niya kaya kumunot ang noo ko at napatagilid ng kaunti ang ulo ko at tiningnan ko siya na punong-puno ng pagtataka.
"Po?" Naguguluhang tugon ko.
"I-I mean, nilibing ko ng maayos, h'wag mo ng isipin 'yun, Stella, kumain kana lang muna riyan, I need to go na, may trabaho pa ako, hm?" Saad niya at nagtataka naman akong tumango sa kan'ya. Tumayo naman siya at hinalikan ako sa noo.
"S-Sir, lutuan niyo po ulit ako nito, ah, m-masarap kasi," kinakabahang saad ko nang inilayo na niya ang kan'yang labi sa akin.
"Sure, Blondie, anytime," nakangiting saad niya sa akin at tumayo siya ng maayos at inayos ang kan'yang long sleeve na itim. Nakapagbihis na pala siya, kasi kagabi suot-suot niya 'yung itim na kapa, eh.
"Bye po," paalam ko sa kan'ya at kumaway.
Nginitian niya lang ako at saka ay tumalikod na sa akin, umalis na siya at lumabas na sa apartment ko. Itinuon ko ulit ang tingin ko sa ulam na nasa harapan ko, makakain na nga, ang sarap pa naman nito.
Nilantakan ko ulit ang ulam habang iniisip si Sir Wild. Ang weird niya. Ano kayang mayroon sa kan'ya ngayon Napa-iling na lang ako sa aking iniisip at saka ay nagpatuloy sa pagkain.