Capítulo Once punto uno (11.1)

1355 Words
Kinahapunan. Tahimik lang akong nagtitipa rito sa laptop. Medyo nakakabaliw na rin talaga itong trabaho kong 'to, pero ayos lang, natutunan ko na rin naman sa loob ng ilang araw ko rito. Naagaw ng atensyon ko ang narinig kong pagbukas ng pinto. Dahan-dahan kong binaling ang paningin ko mula sa laptop papunta sa lalaking pumasok sa loob. Natuon agad ang matatalim at kulay bughaw na mga mata ng boss ko sa akin. Agad-agad akong tumayo nang makalapit na siya sa akin. Bahagya akong ngumiti habang naka-angat ang tingin ko sa kan'ya at ang mukha niya ay masungit at madilim ang tingin sa akin. "Hi Sir," kinakabahang bati ko sa boss ko. "Ready for tomorrow. Mayroon tayong Business trip sa Cebu for two days," agad-agarang tugon niya sa akin at tinalikuran na ako at agad na lumabas ng opisina. Takang-taka naman akong tiningnan ang nakasaradong pinto kung saan lumabas si Sir Wild. "Ha? Magbabakasyon kaming dalawa?" Hindi makapaniwalang saad ko at napakurap-kurap pa ng ilang beses at pilit na pinapasok sa utak ko ang sinabi niya. "Delulu, business trip, hindi bakasyon, pero parang bakasyon na rin," natatawang saway ni Natalia sa akin na nagpa-agaw ng atensyon ko at agad akong umupo sa upuan ko na malungkot ang mukha. "Pasensya naman, trip kasi sinabi niya, pero anong gagawin ko roon? Bubuntot na naman sa kan'ya? Pero sabi mo parang bakasyon na rin, so magsusuot ako ng bikini, ganoon?" Natutuwang tanong ko sa kaibigan ko at napatampal na lang siya sa noo niya. "Baliw, magsusuot ka ng bikini sa harap ng mga mayayaman at propesyonal na mga tao?" Natatawang tugon ni Natalia at napa-iling naman ako sa sinabi niya. "Hindi, pero ano ang dadalhin kong damit? Eh, halos pabalik-balik na nga itong damit na suot ko, eh, kadalasan mga pambahay na damit lang ang nandoon sa bahay tapos 'yung iba butas-butas pa," nakangusong saad ko. 'Yung damit ko may free aircon na, oh 'di ba? "Ako bahala sa 'yo, mag-shopping tayo mamayang out natin, kaya bilisan mo riyan para maaga tayo matapos," anyaya niya sa akin at lumiwanag naman ang mukha ko nang sabihin niya 'yun sa akin. "Yie! Thank you, beh... The best ka talaga!" Natutuwang saad ko at niyakap ko siya. "Oo na, oo na, balikan mo na ang trabaho mo para matapos na tayo," saad niya sabay tapik sa braso ko na nakapulupot sa leeg niya. "Sensya na," saad ko at umayos ng upo. "Gan'yan ka ba yumakap? 'Yung hini-head lock mo?" Kunot-noong tanong niya habang himas-himas ang leeg niya. "Oo, nasanay kasi ang braso ko na pumulupot sa leeg para yumakap, eh," kamot-ulong tugon ko. "Ewan ko sa 'yo, magtrabaho kana riyan," saad ni Natalia habang nakatutok ang mga mata niya sa screen, binaling ko na ulit ang tingin ko sa screen. |༺☬༻| Hatak-hatak ako ni Natalia sa mall kung saan kami mamimili ng damit na dadalhin ko bukas. Dinala niya ako sa mga section ng mga formal na mga damit na pang-trabaho talaga at nangunguha na lang siya roon sa mga naka-hanger. "Ba't kuha ka lang ng kuha riyan, Natalia? Baka hindi babagay sa akin," saad ko habang nakasunod lang ako sa kan'ya. "Hayaan mo na, bagay naman lahat sa 'yo ito," tugon niya sa akin habang sinasampa niya ang mga damit sa braso niya. "Baka hindi kasya?" Tanong ko habang nakasunod pa rin sa kan'ya. "Kasya 'to, alam ko ang body size mo, Madam," tugon naman niya at napakamot ako sa ulo ko. Mabuti pa siya alam ang body size ko habang ako, hindi ko alam. Pero paano niya nalaman? "Miss, bibilhin ko 'to lahat," saad ni Natalia sa saleslady at dali-dali akong lumapit sa kan'ya. "Hindi na natin susukatin?" Takang tanong ko. "Hindi na, kasya sa 'yo 'yan lahat, don't worry," nakangiting tugon ni Natalia sa akin sabay bigay niya sa mga damit na dala-dala niya sa saleslady at saka ay nakangiting bumaling sa akin. "May bag kana ba na paglalagyan ng dadalhin mong damit?" Tanong niya sa akin at umiling lang ako. "Pumunta ako rito na walang dalang bag, pero may mga sako naman ako ng bigas doon sa bahay na nilagyan ko ng mga damit ko, p'wede naman siguro 'yun, 'di ba?" Nakangiting saad ko at kinurap-kurap ko ang mga mata ko sa kan'ya. "Baliw, anong sakong sinasabi mo? Halika nga, bili tayo ng maleta para sa 'yo," saad niya at hinatak na naman ako papunta sa kabilang shelf na mayroong mga maleta. Napatingin naman ako sa mga naglalakihang bag na may gulong at iba't-iba ang kulay. "Anong gusto mong kulay?" Tanong ni Natalia sa akin at kinuha ko ang isang maleta. "Ito, si Elsa sa Frozen!" Nakangiting saad ko at pinakita ang maleta na kulay blue na may mukha ni Elsa. Agad napatampal sa noo si Natalia at bumuntong-hininga. "Ba't 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong niya at napakagat sa ibabang labi para pigilan ang pagtawa. "Kasi parehas kami ng kulay ng buhok!" Masayang tugon ko. "Favorite character ko kasi siya simula pa noong 2013 kasi parehas kami ng kulay ng buhok tapos blue eyes din siya kagaya ko." "Baliw, hindi naman masyadong puti ang buhok mo, eh, light gray na may blond tapos may pagka light brown, natural hair color mo na talaga 'yan?" Tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa mahaba kong buhok. "Oo," nakangiting saad ko. "Pero ito bibilhin nating bag." "Ewan ko sa 'yo, halika na nga, babayaran pa natin 'yang bag mong si Elsa," natatawang saad ni Natalia sa akin at hinatak ulit ako papunta sa counter. Binayaran na namin ang lahat ng pinamili naming damit at umalis na sa mall. Dumaan pa kami sa isang restaurant para maghapunan at umalis na rin agad pagkatapos. Nakarating na kami sa apartment ko sakay ng kotse niyang Tesla. "Teka, gusto kong tingnan kung saang unit ka para naman alam ko na kung saan kita rito matatagpuan," saad ni Natalia sa akin at sabay kaming lumabas ng kotse niya. Dinala ko siya sa loob at pumasok na sa elevator ng building at pinindot ang ika-limang palapag ng building kung saan ang unit ko. Dinala ko siya sa unit ko at pumasok na roon. Madilim ang paligid at binuksan ko na ang malaking ilaw ng apartment ko. "Uhm, o...kay, so ito pala ang apartment mo," hindi makapaniwalang saad ni Natalia habang nililibot ang paningin sa buong paligid ng apartment ko at pumasok na kami roon. Agad akong nahiya sa nakikita namin ngayon. Ang kalat kasi ng loob, eh, 'yung mga sako, mga plastic bag at plastic cellophane ay nagkalat sa sahig. "Pasensya na talaga, Natalia, kung makalat 'yung loob, teka, lilinisin ko na muna," nahihiyang saad ko habang pinupulot ang mga nagkalat na mga basura. "Tutulungan na kita," boluntaryo ni Natalia na ikinagulat ko at mabilis niyang pinulot ang mga gamit ko sa sahig. "Teka, nakakahiya, eh, kalat ko 'to, dapat ako ang naglilinis," nahihiyang saad ko. "Baliw, bakit ka naman nahihiya sa akin, eh, magkaibigan naman tayo, parang gusto ko nga mag-over night dito sa bahay mo at maglinis dito, eh, kung papayagan mo akong matulog dito," nakangiting saad niya sa akin. "Nakakahiya, pero kung 'yan ang gusto mo, e 'di sige!" Masayang saad ko. "Pero first of all, pahiramin mo muna ako ng damit mo, ayaw ko kasi matulog na naka-formal attire, eh," saad niya. "Libre ang aircon ng mga damit ko, eh, butas-butas," nahihiyang saad ko. "Okay lang, gusto ko naman maranasan ang libreng aircon ng damit mo," natatawang tugon niya. "Sureness na?" Tumango naman siya, "Sure na sure!" Mga isang oras ang nakalipas at natapos na kami sa paglilinis ng loob ng apartment ko. Agad kaming umupo sa bed ko. "Nakakapagod pala, 'no? Pero ang enjoying!" Masayang saad ni Natalia. "Every weekend lang kasi ako naglilinis dito, kasi wala na akong panahon na maglinis dito sa weekdays, eh, pero salamat sa pagtulong mo, ah," nakangiting saad ko. "Ayos lang 'yun. By the way, ngayong sweldo, samahan kita mag-shopping ng mga gamit mo rito sa apartment mo, tutulungan kita mamili, kasi alam mo, ang daming kulang na mga gamit dito, eh," saad niya at napangiti naman ako. "Talaga? Yie! Thank you!" Masayang saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD