Capítulo Once punto dos (11.2)

1332 Words
|༺☬༻| General POV "So, mayroong isang tao na ang dahilan sa lahat ng ito," saad ni Ace sabay salin ng alak sa baso niya. "Yes, at si Hurricane ito," saad naman ni Matthew. "Topic pa nga natin siya kahapon sa dinner meeting natin, pero may pinaplano na pala siya para sa atin," hindi makapaniwalang saad ni Shane at sumupsop sa sigarilyo niya. "Do you think matatalo natin siya?" Tanong ni Thaddeus sabay singhot ng sh-bu. "Of course! We are mafias! Lahat tayo rito ay leader ng mga mafia! Nag-iisa lang siya, at marami tayo! Kung pagsamasamahin ang organinsasyon nating sampu rito ay isang malaking grupo na tayo, nag-iisa siya, marami tayo!" Malakas na sagot ni Kingstone sabay supsop sa malaking tobacco niya. "Yeah, you're right, gusto ko rin ipaghigante si Boss dahil sa ginawa ni Hurricane sa kan'ya," saad naman ni Emmanuel sabay inom niya sa alak na nasa baso niya. Nasa iisang lugar lang silang lahat at nagtitipon-tipon. "I think, kailangan natin ang isa't-isa dahil sa taong 'yun," suhestyon naman ni Lorean habang hinihimas ang baba niya gamit ang mahahaba niyang daliri. "No need, puwede ko na siyang patayin ngayon din kung kinakailangan, pero masyado siyang mailap kaya mahirap siyang hanapin," saad naman ni Travis habang kinasa ang baril niya. "We can't be sure, hindi natin siya kilala," saad naman ni Yoshida. "Sir," tawag ni Danezza sa Boss niyang si Ace. "What's your update, Danezza?" Tanong ni Ace sa assistant niya sabay tunga niya sa baso na may lamang alak. "Base sa nakalap kong impormasyon ay wala pang nakakakita kay Hurricane, at sabi ng source ko na pumapatay si Hurricane anim na beses sa isang buwan sa loob na ng dalawang buwan, sa pare-parehong date lang ng buwan, ika-1st, 5th, 6th, 10th, 18th, at 25th ng buwan, at sa mga pinapatay niyang empleyado sa loob ng Cyrene ay nag-iiwan siya ng tangkay ng isang dark red na rosas at may nakasulat pang pangalan niya rito, at nakikita nila ang tangkay na ito na nakabaon sa dibdib ng mga biktima niya," balita ni Danezza sa Boss niya. "Kung anim na beses siyang pumapatay sa loob ng isang buwan at nangyayari na ito dalawang buwan na ang nakalipas, ibig sabihin ay labindalawang empleyado na ang napatay niya sa loob ng Cyrene?" Tanong ni Eunice. "Ganoon na nga po, kasi labindalawang bulaklak na ng rosas ang nakuha nila, ang iba ay nalanta na at walang naglakas ng loob na alagaan ang mga rosas na iniiwan ni Hurricane. At, sabi rin ng source ko, hindi lang labindalawang tao ang napatay ni Hurricane sa loob ng dalawang buwan dahil dinadamay ni Hurricane pati ang buong pamilya ng biktima at pinapatay niya ito sa loob ng kanilang bahay sa mismong araw rin na mamatay ang isang biktima ni Hurricane," balita pa ni Danezza at nagkatinginan si Ace at Matthew sa isa't-isa. "Ibig sabihin ay mas-acre ang ginagawa niya sa mga pamilya ng mga biktimang empleyado na pinapatay ni Hurricane sa loob ng Headquarter ng Cyrene?" Kunot-noong saad ni Shane at tumango naman si Danezza. "At mostly sa mga pinapatay niya ay mga kababaihan at ginagahasa niya pa ito. Itong mga biktima niya ay mga espiya natin na pinapadala ninyo sa loob ng Cyrene para mag matyag kay Victoria Villafuentes, ang bagong CEO ng Cyrene. At ang pamilyar na cases pa ay palagi niyang binibitin ang mga biktima niya sa kisame kung saan niya papatayin ang biktima niya," balita pa ni Danezza. "A very familiar cases, indeed!" Natatawang saad ni Ace. "Very familiar," sang-ayon naman ni Kingstone at napa-iling. "Ginaya niya ang method natin noong..." Natatawang saad ni Matthew at napa-iling. "Alam ko ang iniisip mo, Mr. Mallari," iling na saad ni Eunice at natawa. "So, speaking of the flower na sinasabi mo, or should I say, souvenir ni Hurricane kung baga, can I see what kind of rose is that?" Saad ni Lorean kay Danezza. "Sure po, Ms. Silvius," sagot ni Danezza at naglakad papalapit kay Lorean na naka-upo sa couch, pinakita ni Danezza ang bulaklak na tinutukoy niya na nasa screen ng tablet niya. Kumunot ang noo ni Lorean nang makita niya ang labindalawang bulaklak ng rosas na ang iba ay lanta na. "Black Bacarra Rose?" Pahiwatig ni Lorean. "Bakit specific na bulaklak ang ginagamit ni Hurricane? Anong mayroon sa bulaklak na 'yan?" Takang tanong ni Yoshida. "Black Bacarra Rose symbolizes deep devotion, tragic love, rebirth and rejuvenation, resistance and courage, and black roses mainly symbolizes revenge and hatred and death and mourning, that's the Black Bacarra Rose symbolized," tugon ni Lorean kay Yoshida. "At kahapon, napansin ko rin ang pag-iba ng kantang pinapatugtog ng violinist at pianist nung magkagulo tayong lahat doon sa VIP Room," patuloy pa ni Lorean. "Anong napansin mo sa classical music na pinapatugtog nilang dalawa sa mini-stage?" Tanong ni Eunice kay Lorean. "Danse Macabre," tugon ni Lorean. "At ano naman ang ibig sabihin nu'n?" Nakataas na kilay na tanong ni Shane sa kan'ya. "That song has a deep meaning, Danse Macabre means Dance of Death, consists of the dead, or a personification of death, summoning representatives from all walks of life to dance along to the grave, that song originated in France," tugon ni Lorean kaya nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa. "Lahat ng mga ebidensyang iniiwan niya ay nagsisimbolo sa kamatayan, ang bulaklak at ang kanta," patuloy pa ni Lorean habang nag-iisip sa mga nalalaman niya. "At ang pangalan niya ay Hurricane, wala siyang pinipiling papatayin, kaya pati pamilya ng biktima ay dinadamay niya," nakangising saad ni Ace at napa-iling. "Ano ba ang ginagawa ng bagyo kapag nag-landfall na? Wala naman talaga 'yang pinipiling papatayin, lahat ng dadaanan niya ay wawasakin niya," sang-ayon naman ni Kingstone. |༺☬༻| Stella's POV "Here, dalhin mo 'tong mga gamit ko sa room ko, may tatawagan muna ako sandali," malamig na tugon ni Sir Wild sa akin sabay lahad niya sa mga dala niyang bag sa akin at saka ay iniwan niya ako rito sa lobby na punong-puno ng pagtataka. "Baliw ba siya? Kaya ko bang dalhin ang lahat ng 'to sa taas?" Hindi makapaniwalang saad ko ng mahina at binaling ang tingin sa mga maletang iniwan niya sa akin. Ang laki ng mga dala niyang bag na parang dito na siya titira habang 'yung sa akin ay isa lang. Pagod na pagod pa nga ako sa biyahe tapos iiwan niya ako rito? Anong inaakala niya sa akin, lalaki?! Na kaya kong buhatin lahat ng 'to sa isang buhatan lang?! Intawn kaluy-i ko, panabangi! "Miss, tulungan ko na po kayo," boluntaryo ng isang lalaki habang may tulak-tulak na lagayan ng mga mga bagahe. "Hay salamat, Kuya, ang bait niyo naman po, habang 'yung Boss ko halos isumpa na ako," pagod na saad ko at bumuntong hininga habang ang crew naman ay nilalagay ang mga gamit namin sa lagayan ng bag na tinutulak. "P'wede rin po ba ako sumakay d'yan, Kuya? Pagod kasi ako sa byahe, eh," pasuyo ko. "Bawal po kayo sumakay sa luggage trolley, Ma'am, mga bagahe lang po p'wede rito," sagot niya agad at saka ay tinulak 'yung luggage trolley kaya sumunod na lang ako sa kan'ya papunta sa elevator. "Saang room po ito lahat, Ma'am?" Tanong ng lalaki sa akin. "Room ni Satanas," tipid na tugon ko. "Po?" Kunot-noong tanong niya at nagtatakang tumingin sa akin. "Room 666 kasi pinili ng magaling kong Boss, eh," kamot-ulong sagot ko sa kan'ya. "Ay, ganoon po ba? Grabe naman 'yang boss mo, Ma'am, ang dami naman sanang available na room dito sa hotel pero 'yung Room 666 pa pinili niya," natatawang saad ng lalaki sa akin. "Ewan ko ba sa kan'ya, kampon yata ng kadiliman 'yun," natatawang saad ko at napa-iling. "Sino pala boss mo, Ma'am?" Biglaang tanong niya sa akin. "Si Sir Wild Fuero, 'yung Vice-president ng Cyrene," tugon ko. "Ah! Siya pala boss mo? So ikaw pala ang bagong secretary niya. Gan'yan naman talaga si Sir Wild, Ma'am, Room 666 naman talaga ang kinukuha niyang room number dito sa hotel," pahayag niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD