Capítulo Tres punto uno (3.1)

1355 Words
Napasapo si Mr. Fuero sa noo niya at saka ay tumayo at bumuntong-hininga sabay ayos sa coat niya at prenteng naglakad papunta sa akin. Ipinakita niya sa akin ang bio-data ko at tiningnan ko naman ito, ano ba ang maling nakita niya rito? "Mayroon bang Religion na Religion 10, s*x ay Virgin, Nationality ay Bayang Magiliw, Email Address ay Brgy. Violeta, Malaybalay, Bukidnon?" Kunot-noong saad niya kaya agad kong binawi ang bio-data ko. "Paano naman po naging mali itong bio-data ko, Sir, eh, tama naman lahat ng sinulat ko rito, 'yung Religion ng Bukidnon ay Religion 10..." "Region 10, hindi Religion 10, Religion ay ang relihiyon mo, kung kaninong diyos ka nagsisimba," sabat ni Mr. Fuero. "Tapos sa s*x ay virgin naman po ak—" "Hindi, s*x ay kung ano ka, babae ka ba o lalaki?" Putol niya sa sinabi ko. "Babae po... Tapos sa Nationality naman ng Pilipinas 'di ba ay 'yung Bayang Magiliw? Bayang Magiliw, perlas ng silanganan, ala—" "National Anthem 'yan, hindi 'yan Nationality. Ang Nationality ay kung anong lahing mayroon ka. Alam kong hindi ka purong Pilipino, so anong dugo ang mayroon ka?" Putol na tanong niya sa kanta ko. "Liquid po ang dugo ko tapos kulay pula," nakangiting sagot ko na agad ikinasapo ng noo niya. "Taga saan ang nanay mo?" Tanong ni Mr. Fuero sa akin. "Filipina po," tugon ko. "Yung tatay mo?" Tanong niya pa. "Taga France po," sagot ko naman. "So nakaka-intindi ka ng French?" Tanong niya at umiling lang ako. "French Fries lang alam ko, eh," kamot-ulong saad ko. "Good, para hindi mo ako maintindihan kung pinapatay na kita sa sinasabi ko," naka-ismid na saad niya pero hindi ko masyadong narinig dahil mahina lang 'yun. "Po?" "Wala, I'll fix this mess you've done, Miss Levesque, let's start the interview," huling saad niya at kinuha ang bio-data ko sabay talikod sa akin at saka ay bumalik sa puwesto niya. "So, let me ask you, Miss Levesque, pang-ilang kompanya mo na itong Cyrene?" Tanong ng isang interviewer sa akin na katabi ni Mr. Fuero. "Hindi ko na po mabilang, eh, subrang dami na kasi ng in-applyan kong trabaho pero hindi ako tinatanggap," sagot ko naman. "I see, bio-data pa lang hindi na matanggap-tanggap," iling na saad ni Mr. Fuero at napatawa ng mahina. "Hanggang saang grade level ka lang, Miss Levesque?" Tanong ng isa pang interviewer. "Grade..." saad ko at nag-isip kung hanggang saan lang ba ako noon. "4," dugtong ko pa kaya napabuntong-hininga si Mr. Fuero sa sagot ko. "Halata naman talaga," bulong ni Mr. Fuero sa hangin na medyo narinig ko ng kaunti. "Okay... Uhm, should we continue the interview, Mr. Fuero?" Tanong ng isang interviewer kay Mr. Fuero at tumango naman ang lalaki sa kan'ya habang busy siya sa pagbabasa sa bio-data ko. Tinitingnan ko siya paminsan-minsan, minsan ay napatawa siya at minsan ay napa-iling habang binabasa ang mga papel na nasa folder ko. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ang interview at tumayo si Mr. Fuero kasabay ng pagtayo ko. Tinanggal niya ang butones ng coat niya at hinayaan niyang nakabuka ito sa harapan niya. "Pauwiin niyo na ang ibang applicants, close na ang application ng magiging secretary ko," ma-awtoridad na utos ni Mr. Fuero sa mga kasamahang interviewer. "Bakit po, Mr. Fuero? Kakasimula pa lang ng application sa araw na ito, ah, 100,000 pa ang nakalinyang applicants sa system natin," takang saad ng babaeng interviewer. "I know, pero ako ang masusunod, close the application dahil may napili na ako bilang maging secretary ko," ma-awtoridad na saad niya at saka ay lumakad palabas ng silid. Takang-taka naman akong tumingin sa mga interviewer na ngayon ay nagtataka rin sa sinabi ni Mr. Fuero. "Sundin niyo na lang ang sinabi ni Mr. Fuero, paalisin niyo na 'yung nag-aantay na mga applicants sa labas kasi may napili na siya," utos ng isang lalaking interviewer dun sa isang assistant kaya lumabas ito at sumunod naman ako palabas sa kan'ya para aalis na rito dahil alam ko naman na hindi ako tanggap sa trabahong ito. Nauna na akong lumabas nang biglang may humarang na babae sa akin. Siya 'yung nag-assist sa amin kanina nung makarating kami rito sa ika-30 na palapag. "Miss Levesque, tama ba?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Pinapatawag ka po ni Mr. Wild Fuero sa opisina niya ngayon," saad niya sa akin at napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. "Bakit po? May kasalanan ba ako?" Takang tanong ko. "Hindi ko alam, sumunod kana lang po sa akin papunta sa opisina niya, tara na po?" Saad niya sa akin at tumango ako kaya nauna siyang umalis at sumunod ako sa kan'ya papunta sa elevator at pumasok na kami roon at saka ay pinindot ang ika-109 na palapag ng building. "Matanong lang po, ilang palapag lahat ang gusaling ito, Ma'am?" Tanong ko sa babae. "110 ka palapag ito, ika-111 ang rooftop," tipid na sagot niya na ikinamangha ko. I see, madami kasing pipinduting mga button dito. "Grabe, ang tayog pala nito," hindi makapaniwalang saad ko. "Hm, yeah, mayaman kasi ang pamilyang Cyrene... pero..." Saad niya at biglang nalungkot ang boses niya. "Bakit po?" Takang tanong ko. "Nevermind, siguro alam mo na ang tungkol sa pamilyang 'yun, kumalat ang balita sa buong mundo two months ago and until now controversial pa rin 'yun," sagot niya at napa-isip naman ako, wala akong nabalitaang tungkol sa Cyrene Family na 'yan, busy kasi ako sa paghahanap ng trabaho sa mga buwang iyan at hindi kasi ako marunong mag social media kasi hindi kaya ng cellphone ko ang social media then hindi rin ako sanay manood ng TV dahil lumaki ako na walang TV sa buhay ko. "Ganun ba? Pasensya na, ah, hindi kasi ako masyadong interesado sa mga gan'yan-gan'yan, eh," nahihiyang sagot ko. "Ayos lang, baka sa susunod malaman mo na, pero mas mabuting h'wag kana lang maki-alam," tugon niya kaya napatango na lang ako. Ilang sandali pa ang lumipas at tumunog na ang elevator at bumukas na ito. Sumunod na ako sa babae at dinala niya ako sa isang opisina at kumatok muna siya sa pinto bago niya pinihit ang doorknob. Binuksan niya ang malaking pinto ng opisina at pumasok na kami roon. "Sir, nandito na po ang pinapatawag ninyo," saad ng babae sa isang lalaking naka-upo pero nakatalikod ito sa amin at nakaharap siya sa malaking glass window ng opisina niya at tanaw mula rito ang kabilang side ng siyudad ng Quezon City. Umikot paharap sa amin ang upuan na umiikot at naka-upo roon ang lalaking nakakunot ang noo, matalim ang tingin ng bughaw niyang mga mata sa akin, naka-cross arm pa pati ang kan'yang mga hita. "Iwan niyo muna kami rito ni Ms. Levesque, Ms. Cruz, we have something to discuss," malamig na saad ni Mr. Fuero sa babae at agad naman yumuko ang babae sa kan'ya bilang paggalang. "Mauuna na po ako, Mr. Fuero," magalang na tugon ng babae at saka ay umalis na at lumabas na ng opisina. Narinig ko ang pagsara ng pinto at saktong pagsara nu'n ay tumayo si Mr. Fuero mula sa upuan niya at prenteng naglakad papunta sa akin habang nakapamulsa pa. Napa-atras na lang ako bigla nang nakatayo na siya sa harap ko at madilim na mukha ang ipinupukol sa akin. Nakayahat ang ulo ko sa kan'ya dahil mas matangkad siya sa akin. Para akong nakatayo sa harap ng isang higante sa posisyon namin ngayon. "Blondie," saad niya na ipinagtataka ko. "Ha?" Naguguluhang tugon ko. "I wanna call you blondie from now on, is that your natural hair color?" Malamig na saad niya at napahawak naman ako sa ulo ko. "Yung buhok ko po? Color? Oo, puti po buhok ko, hindi po ito uban na tinatanggal, natural po itong kulay ng buhok ko, pero hindi naman ito puti, eh, may pagka brown ito," sunod-sunod na tugon ko. "Whatever, dami mong sinasabi," saad niya at bumuntong-hininga sabay kibit-balikat. "Bakit niyo po pala ako pinapatawag, Sir? Nainis po ba kayo sa bio-data ko kanina?" Tanong ko sa kan'ya at tiningnan niya lang ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin at ako naman ay paatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD