Bumuntong-hininga siya sabay kibit-balikat at walang ganang tumingin sa akin. "Fine, pero seguraduhin mo talaga 'yan bukas, nagkakaintindihan ba tayo, Stella?"
Tumango ako, "Yes po."
"Good, now, iligpit mo 'yang mga basura at mga sako mo dahil nakaka-abala sa ibang tao na nagrerenta sa katabing apartment," saad niya habang tinuturo ang mga gamit ko na nasa sahig. Tumango ako at dali-daling pinulot isa-isa ang mga gamit ko.
|༺☬༻|
Kinabukasan. Alas singko pa lang ng umaga ay nag-ayos na ako sa sarili ko para sa interview mamayang alas 8. Kailangan kong umalis ng maaga dahil lalakarin ko na lang ang HQ ng Cyrene dahil wala na talaga akong pera dahil naubos na talaga kahapon. Kahit subrang layo nito mula sa apartment ko ay gagawin ko ang lahat maka-abot lang doon.
Tiningnan ko ang katawan ko sa body size mirror. Hubog na hubog ang katawan ko at ang suot ko lang ay jeans at polo-shirt na kulay sky blue na naka tuck-in sa jeans ko. Ito lang talaga ang pinaka-formal na damit ko na mayroon ako sa lahat ng sinuot kong damit simula noong naghahanap ako ng trabaho rito.
Kailangan ko maging pormal sa harap nila mamaya dahil last chance ko na lang talaga itong interview ko sa Cyrene Group of Company. Dahil kung hindi ako matatanggap, goodbye apartment na ako at hello kalsada na mamayang gabi.
5:30 AM pa lang ay umalis na ako. Sneakers lang ang saplot ko sa paa at hindi ako nag takong dahil lalakarin ko talaga mula apartment papuntang Cyrene. Tapos hindi bagay kung naka jeans ako tapos polo-shirt tapos 'yung saplot ko sa paa ay sandals.
Ilang minuto na ang lumipas sa paglalakad ko. Sa lahat ng kompanyang sinubukan ko simula pa noon, ang Cyrene Group pa lang ang hindi ko sinubukang puntahan, unang-una sa pagkaka-alam ko ay subrang yaman ng kompanyang ito mataas ang standards nila pagdating sa pag-hire ng empleyado kaya sa rason na 'yan pa lang, alam ko ng hindi na ako tanggap, pero in-offeran ako ng trabaho, eh, kaya kailangan kong i-grab itong offer na ito.
Humahalik na ang init ng araw sa pisngi ko pagtungtong ng alas sais y media ng
umaga. Rinig na rinig ko na ang malalakas na busena ng mga sasakyan sa highway dahil rush hour ngayon.
|༺☬༻|
Hingal na hingal akong nakarating sa harap ng isang malaki, malapad, at pinakamatayog na gusali sa buong Pilipinas, ang HQ ng Cyrene Group. Subrang lapad ng building na ito at parang letter C na nakahiga pero hindi kasing curve ng letter C ang building, curve itong building na ito pero katamtaman lang. Napayahat ang ulo ko sa tayog ng building at halos singkit na ang mga mata ko kapag titingnan ko ang pinakatuktok ng gusali. Hindi ko alam kung ilang palapag ang building na 'to, pero parang nasa isang daang palapag ito.
Agad akong napa-upo sa semento dahil sa pagod at nahihilo ako kapag titingnan ko ang building dahil sa laki, lapad, at tayog nito. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang oras at kalahati ay nakarating na rin ako sa HQ ng Cyrene Group.
Halos hindi ko na maramdaman ang paa ko kakalakad. Malapit na mag-alas otso ng umaga at nandito pa ako sa labas. Subrang sakit na ng paa ko, pero kailangan kong tumayo para makapasok sa loob. Dinadaanan lang ako ng mga tao rito at ang iba naman ay pinagtatawanan ako.
Ilang minuto kong pagka-upo sa semento na nasa harap ng HQ ay naisipan ko na ring tumayo at baka ma-late pa ako sa interview. Dala-dala ang folder ko na may lamang bio-data, inakyat ko na ang hagdan papunta sa entrance door ng Cyrene Group, at kagaya nga sa ibang pinto, umiikot din ito.
Hindi ko na inintindi ang pag-ikot ng pinto at pumasok na agad sa loob. Hindi ako p'wedeng ma-late at iilang minuto na lang bago mag 8 AM.
Isang malamig na hangin mula sa aircon ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob kaya nakahinga ako nang maluwag dahil sa naramdaman kong sarap at lamig ng hangin na nagmumula sa aircon. Nagtungo ako sa lobby ng building at agad naman akong hinarap ng babae na nandoon sa reception area.
"May appointment po kayo, Ma'am?" Tanong sa akin ng babae.
"Yes, yes, interview para sa Secretary sana para kay Mr. Wild," tugon ko habang hinihingal pa rin at pinagpapawisan pa ako kahit malamig ang loob ng building.
"Yes, Ma'am, nasa HR Department po ngayon ang interview, nasa ika 30th floor ng building ang HR po, may nag-aantay naman pong mag-aassist sa mga interviewee pagdating ninyo po roon," habilin sa akin ng babae na nasa counter kaya tumango ako.
Hinanap ko agad 'yung parang silid na umaangat at bumababa, basta 'yung tawag dito ay ano, calculator? Basta 'yung umaangat tapos bumababa naman kung gusto mong bumaba.
Pumasok na ako roon sa silid na 'yun nang makita ko na. May mga nakasabayan din akong mga tao at pareho kaming lahat papunta sa ika-30 na palapag ng building.
"Mag-apply din po ba kayo bilang secretary ni Mr. Wild?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa gilid ko.
"Oo, ikaw?" Tanong niya pabalik.
"Mag-aapply rin. Pero matanong lang, ano'ng tawag sa room na ito? Calculator 'to, 'di ba?" Tanong ko sa babae at tumawa lang siya.
"Anong calculator? Elevator, baliw," natatawang saad niya at umiling. Napatawa naman 'yung ibang kasamahan namin dito sa loob. Ilang saglit pa ay tumunog na ang elevator tapos bumukas na ang pinto at lahat kami ay naglabasan na.
Sa amin dito ay ako lang ang pinakamatangkad na babae kaya medyo awkward talaga. In-assist kami nung babaeng humarap sa amin paglabas namin sa elevator at saka ay sinundan lang namin siya. Dinala niya kami sa isang room at pumasok doon.
"Dito ang waiting area ninyo, at sa opisinang 'yan, nand'yan ang mga mag-interview sa inyo," habilin sa amin nung babaeng nag-assist sa amin sabay turo sa isang pinto na nasa loob ng silid na ito.
"Tatawagin lang kayo sa susunod na mag-apply tapos paki-fill up na lang sa pangalan ninyo bilang registration," saad niya pa sabay abot niya sa isang clipboard at ballpen sa babaeng kasama rin namin. Mostly mga babae ang nandito at mga tatlo lang ang lalaking nag-apply.
Nagsimula na rin kami sa pagsulat sa pangalan namin doon at pagkatapos ay ibinigay na ito sa kan'ya. Umalis ang babae dala-dala ang clipboard at pumasok doon sa opisina na nasa loob ng room na ito.
Maya-maya ay lumabas siya mula sa silid na 'yun at saka ay iniwan na kami rito sa loob ng silid na ito. Lumipas ang ilang minuto at may nagdatingan namang mga applicants dito at in-assist din sila ng babaeng um-assist sa amin kanina.
Ilan pang minuto ang lumipas at tinawag na ang pangalan ko. Kinakabahan akong tumayo at naglakad papunta sa pintong 'yun at saka ay pinihit ang doorknob at pumasok. Unang-una na umagaw sa atensyon ko ay ang lalaking naka-suot ng black coat at malinis ang pagkakasuklay ng kulay brown niyang buhok.
Nagtama ang tingin namin na agad ko namang iniwasan dahil nakakalapnos ng balat ang matatalim niyang tingin sa akin. 'Yung bughaw na mga matang iyun, parang papatayin ako sa tingin. Parang kapag titingnan mo ay parang lulunurin ka papunta sa pinakailalim ng dagat dahil kasing kulay ng mga mata niya ang malalim na dagat, or should I say mayroon siyang deep oceanic blue eyes.
Bumuntong-hininga ako ng tahimik at saka ay umupo sa harap ng mga mag-interview sa akin. Naka-upo ang mga mag-interview sa akin sa mahabang lamesa at isa sa mga mag-interview sa akin ay si Mr. Fuero.
Lumapit ang isang lalaki sa akin at hiningi niya sa akin ang bio-data ko at agad ko naman itong binigay sa kan'ya at inabot naman niya ito kay Mr. Fuero. Binuksan ni Mr. Fuero ang folder na 'yun at kumunot ang noo niyang tumingin sa akin.
May problema ba sa bio-data ko? Agad akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya dahil hindi ko kayang makipaglaban ng titigan sa kan'ya.
"Anong klaseng bio-data ito, Ms. Levesque?!" Dumadagundong ang malalim niyang boses sa apat na sulok ng silid na ito na ikinagulat ng lahat dahil sa malalim, madilim, at malakas niyang boses. Tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa boses niya.
"P-Po?" Nanginginig na saad ko.