"Hurricane," diretsahang sagot ni Kingstone at napatawa naman ng bahagya si Ace sa sinabi ni Kingstone.
"How can you be so sure about your conclusion?" Iling na saad ni Ace.
"That night, nandoon ang mga empleyado ng Cyrene, so perhaps, nandoon din kasama nila si Hurricane," paliwanag ni Kingstone at napabuntong-hininga naman si Shane.
"Okay, let's keep that for now, wala naman tayo sa gabing nangyari ang krimen na 'yun," tugon naman ni Shane.
"By the way, what's your plan about the new ally you are talking about, Ace?" Tanong ni Eunice kay Ace kaya nabaling ang tingin ni Ace sa babae.
"Well, nagka-usap kami ng underboss nila na mag-meet next week, and after that we can start our negotiation with them," tugon ni Ace sa kan'ya at napatango naman si Eunice sa sagot ng lalaki.
"Is it really safe?" Paniniguradong tanong ni Travis.
"Yes, at saka kung magkaroon ng trap, we have our men," sagot naman ni Ace kaya napabuga ng hininga si Matthew.
"Just make sure na hindi tayo mapapahamak riyan, Ace, dahil once na mayroong sabotage na magaganap, ako mismo ang papatay sa 'yo," pagbabanta ni Matthew kay Ace at tumango lang si Ace bilang tugon.
"Deal, let's generate our plan first sa mga possibilities," saad naman ni Ace kaya nagtanguan naman ang lahat sa sinabi niya.
|༺☬༻|
Stella's POV
Lunes na! First day ng April! Grabe, ang bilis naman ng araw, April na agad! Parang noong nakaraang araw pa lang ako sa Cyrene pero ngayon April na.
Magiliw akong pumasok sa opisina, syempre first day ng April ngayon, ano naman kaya ang ganap ngayong araw, 'no? Ano naman kaya ang bagong trip ni Natalia ngayon lalo na't April Fools ngayon? Pagtripan ko kaya siya.
Nakangiti akong nakarating sa opisina at nakita ko si Natalia na ngayon ay nakasandal ang ulo sa headrest ng swivel chair niya. Sarap ng tulog ng bruha! Tapos may pa earphones pa siyang nalalaman.
Napangiti naman ako nang may kung anong kalokohan akong naisip kaya naglakad ako palapit sa kan'ya. Tinapik ko siya ng mahina sa pisngi kaya nagising siya mula sa mahimbing niyang tulog.
"Ang ganda-ganda mo naman ngayon, Nat!" Magiliw na puri ko sa kan'ya kaya napangiti siya.
"Thank—"
"Happy April Fools!" Sabat ko sa sasabihin niya sana kaya sinimangutan niya agad ako ng mukha.
"Bwesit ka, ang sarap ng tulog ko tapos gigisingin mo ako tapos sasabihing 'ang ganda mo, Nat' tapos 'Happy April Fools'? Tigil-tigilan mo talaga ako, Stella, makakatikim ka talaga sa akin," pagbabanta niya kaya napatawa na lang ako at umupo sa upuan ko.
"First day of April, Nat, tulog ka? Ano bang ginawa mo kagabi?" Tanong ko sa kan'ya nang mapansin ko ang lalim sa bawat gilid ng mga mata niya.
"A-Ah, nagmo-movie marathon lang kami ng kapatid ko," tugon niya kaya napatango-tango na lang ako.
"Anong oras na ba? Mukhang ang aga mo ngayon, ah?" Patuloy na saad niya pa at napatingin sa wrist watch niya.
"Syempre, first day of April, first day of the week, dapat maaga ako," magiliw na tugon ko.
"Teka lang, ngiting-ngiti ka ngayon, ah? Anong nakain mo?" Kunot-noong tanong ng kaibigan ko sa akin kaya napatawa naman ako ng bahagya.
"April Fools ngayon kaya dapat palagi tayong nakangiti para kahit maloko tayo ay hindi halata," tugon ko at saka ay nag-inat ng katawan ko.
"Ang sarap talaga ng gising, 'no, kapag may taga-good morning sa 'yo araw-araw," saad naman ni Natalia at umiling ako.
"Never nga 'yun nag-send ng good morning message sa akin, ako nga palaging bumabati ng good morning sa kan'ya araw-araw, eh," nakangusong sagot ko naman.
"Ay, weak pala 'yang jowa mo, 'te, kung ako siya, araw-araw kita sendan ng good morning, tapos kumain kana ba, tapos oras-oras kitang i-update sa lahat ng ganap ko sa buhay sa araw-araw," saad niya kaya napatawa na lang ako at napa-iling.
"Dami mong pauso, maghanap kana nga lang ng jojowain mo, h'wag ako kasi 'di kita papatulan," ani ko at saka ay itinuon na ang atensyon ko sa laptop at binuksan ko na ito.
|༺☬༻|
Kinagabihan. Wala naman masyadong nakaka-intrigang ganap ngayon sa Cyrene, buong araw lang naman kaming nagta-trabaho at tahimik lang ang buong araw namin. Kung gaano katahimik ang buong araw ay kabaliktaran naman ang mangyayari sa gabing ito.
Wala pang alas siyete pero tapos na kami ni Natalia sa trabaho namin. Nag-aantay na lang kaming magpapasound si Hurricane para masaya ang buhay. Nasanay na talaga kami sa trip ni Hurricane sa Cyrene kaya hindi na talaga nakaka-intriga ang ganap sa loob.
Kapag may mamamatay, tamang gulat, takot, at sabay sabing 'ah, okay, bahala na sila ang mag-ayos' tapos kinabukasan ay parang walang nangyari. Maghuhulaan na lang kami kung sino ang mamamatay pero sa dinami-raming empleyado sa Cyrene ay mahirap hulaan kung sino ang isusunod ni Hurricane.
"Tagal naman ng music ni Hurricane, sarap ng umuwi, gutom na ako, eh," reklamo ni Natalia at napahikab siya pagkatapos.
"Malapit na, antay lang tayo ng mga 5 minutes, maririnig na natin ang favorite song ni Jollibee ngayong araw," saad ko sa kan'ya at tumango lang siya. Nag-antay pa kami ng ilang sandali at narinig na namin ang kanta ni Hurricane.
"Yes! Uwian na!" Masiglang saad ni Natalia kaya sabay na kaming tumayo mula sa inuupuan namin. Kanina pa kasi naka-ayos ang mga gamit namin, ang kulang na lang ay ang pag-alis namin dito.
Lumabas na kami sa opisina namin at napatigil na lang kami nang mapansin namin ang mga tao sa harapan ng opisina namin ngayon na nakatayo at parang may tiningnan sila sa unahan. Napalingon kami sa direksyon kung saan nakatingin ang mga empleyado at nakita namin ngayon ang putol-putol na mga parte ng katawan ng tao na nakasabit sa kisame ng hallway.
"Oh... My... God... What in the world is that?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia. Napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa nakikita ko ngayon.
Naglakad kami ng kaunti malapit sa mga parteng 'yun at saka lang namin na nalaman na lalaki ulit ang biktima ni Hurricane! 'Yung mga braso at mga paa niya ay nakasabit sa iba't-ibang parte ng kisame. Nagmimistulang karne ng baboy sa wet market ang mga parte ng katawan niya.
Parang chinap-chop na baboy tapos isinasabit sa mga sabitan ng karne ang katawan ng lalaki. Para akong masusuka sa nakikita ko ngayon. 'Yung ulo ng lalaki ay nakasabit din sa kisame at may nakadikit pang papel sa noo niya. Basta ang iba't-ibang parte ng katawan niya ay nakasabit, ang tanging nasa sahig lang ay ang mga dugo.
"Wala bang nakakita kung sino ang naglagay ng mga 'to rito?" Tanong ko sa mga kasamahan namin sa floor na ito. Nagkatinginan din sila sa isa't-isa at sabay-sabay na umiling nang tingnan nila ako ulit.
"Pero paanong napunta ang mga parteng ito rito sa ganito kabilis na paraan? Wala talagang nakakita kung sino?" Pag-uulit ko at napa-iling ulit sila sa akin.
"Wala naman 'yan kanina mga bandang 6:40, nagulat nga lang din kami at paglabas namin ngayong alas siyete ay nand'yan na ang mga 'yan," paliwanag naman ng babaeng empleyado.
"Lumabas ako kanina sa opisina mga bandang 6:50 pero hindi ko pa 'yan nakita," saad naman ng lalaking empleyado.
"So ibig sabihin ay bago pa 'to nilagay rito?" Pagkaklaro ko at napatango naman sila.
"Wala na bang lumabas 6:50 and beyond?" Tanong ni Natalia at nagkatinginan naman sila sa isa't-isa.
"Ako po, bandang 6:55, lumabas ako para umihi, paglabas ko sa opisina ay wala pa ang mga 'yan tapos pagbalik ko, saktong pagbalik ko talaga ay siya namang pagtugtog nung kanta tapos sa lahat dito, ako po 'yung unang nakakita sa biktima," paliwanag naman ng isa pang babae.
"So limang minuto lang ginawa ni Hurricane ito? At wala talagang nakakita sa kan'ya sa loob ng limang minutong 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko at umiling lang silang lahat.
"Then, kung lumabas agad tayo kanina nung sinabi mong mag-antay pa tayo ng limang minuto, e 'di sana ay naabutan natin si Hurricane na sinasabit ang mga 'to sa kisame," saad naman ni Natalia.
"Eh, malay ba nating pumunta pala sa floor natin si Hurricane at dito niya isinabit ang biktima niya, kung alam lang natin na dito niya ilalagay, e 'di sana ay lumabas na tayo para abangan siya," depensa ko naman.
"Halata naman talagang dito sa floor natin ilalagay ni Hurricane ang biktima, eh, kaya nga nagdududa talaga ako kung bakit palaging dito sa floor natin nakikita ang mga bangkay ng biktima niya, hindi mo ba napapansin 'yun?" Paliwanag ni Natalia at saka ko lang na realize ang sinabi niya, oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yun, ah.
Ilang saglit pa ay dumating si Sir Gideon, pero bakit wala si Wild? Asan kaya siya? Hingal na hingal si Sir Gideon nang makarating na siya sa pwesto namin ni Natalia.
"Ayos lang ba ang lahat? Ayos ka lang, Stella?" Nag-aalalang tanong ni Sir Gideon at agad-agad akong tumango. Napayahat ang tingin niya sa kisame.
"Anong kalokohan ba 'to, Hurricane?" Na-stress na saad niya.
"Kumuha nga kayo ng hagdan, ibababa ko lang ang mga 'to, may kukunin lang akong ebidensiya," saad ni Sir Gideon at tumango naman 'yung mga lalaking inutusan niya.
Ilang saglit pa ay bumalik ang tatlong lalaki at may dala-dala na silang hagdan. Inayos ni Sir Gideon ang hagdan at saka ay umakyat siya hanggang sa ikatlong hakbang at kinuha niya ang kan'yang maliit na butterfly knife na nasa bulsa niya at saka ay pinutol isa-isa ang mga tali na nakatali sa mga parteng 'yun.
Dahan-dahan niya itong ibinaba at nang matapos ay bumaba na rin siya sa hagdan at saka ay kinuha ang papel na nakadikit sa noo ng biktima. Agad-agad kaming lumapit ni Natalia sa kinatatayuan ni Sir Gideon at saka ay tiningnan ang kung ano ang nakasulat sa papel.
"14?" Kunot-noong saad ko nang mabasa ko na ang nasa papel.
"Nat, may nasulat kaba sa mga naunang numero?" Tanong ni Sir Gideon sa sekretarya niya.
"Opo," saad ni Natalia sabay kuha sa phone niya at binuksan ito.
"Nag-type ako sa mga numero dito sa phone ko, 'yung unang mga numero ay 18 tapos 26, then ngayon ay 14," patuloy na saad niya at nag-type pa ulit sa phone niya.
|༺☬༻|
General POV
Tahimik si Wild na naglalakad sa fire exit ng kompanya at mayroon siyang sinusundan. Dala-dala ang baril niya ay tahimik siyang bumaba sa hagdan ng fire exit at bigla siyang nagtago sa may pader nang huminto ang taong sinusundan niya.
Ilang saglit pa ay naglakad ulit ang taong sinusundan niya kaya naglakad ulit si Wild at tahimik niyang sinundan ang taong naka-itim. Nakita ni Wild na papalabas na ang tao sa pinto ng fire exit, ang pinto papuntang parking lot ng building kaya agad itinutok ni Wild ang baril niya sa taong nakatayo at nakatalikod sa kan'ya.
"Sino ka?!" Sigaw ni Wild kaya napatigil ang tao sa plano niyang pagpihit sa doorknob ng pinto at dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya. Napatigil na lang si Wild nang makita niya ang puting maskarang suot ng tao.
"Hurricane..."
Dahan-dahang nilapag ni Hurricane ang dala-dala niyang baril at saka ay tinadyakan ito palayo sa kan'ya. Unti-unting tinanggal ni Hurricane ang lahat ng armas na nakadikit sa katawan niya, mga dagger, bomba, nga baril, iba't-ibang size ng kutsilyo, pati na rin ang isang tangkay ng rosas.
"Magpakilala ka, Hurricane, huling-huli na kita!" Sigaw pa ni Wild
Agad itinaas ni Hurricane ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa baba ng kan'yang maskara. Unti-unting itinaas ni Hurricane ang maskara niya hanggang sa nakita na ni Wild ang mukha niya.