Napalunok ng ilang beses si Wild nang makita niya ang mukha ni Hurricane.
"I-Isa ka ngang babae," nagdadalawang isip na saad ni Wild.
"Why? May inaakala ka bang tao or ine-expect na tao na siya ako?" Naka-ismid na sagot ng babae.
"No, but I didn't expect, for all this time, it's just a woman like you," hindi makapaniwalang saad ni Wild at napa-iling.
"Are you... Degrading and belittling me, Mister, 'cause I'm a woman, without thinking na ako pala ang taong palaging namimigay sa inyo ng bangungot sa kompanyang ito? Are you belittling my ability and who I am?" Naka-ismid na tugon ng babae at bahagyang napatawa.
"Yeah, pinapahirapan mo lang ako," natatawang tugon ni Wild at naglakad si Hurricane pa-akyat ng hagdan at iniyahat niya ang tingin kay Wild.
"Oh, nahihirapan ka rin palang kalabanin ako, and you said 'yeah'? So it means you are belittling me 'cause I'm a woman, so it means also, you are also belittling every woman in the world including your girlfriend, Stella Levesque," nakangising saad ni Hurricane kaya napahigpit ang hawak ni Wild sa baril niya at itinutok niya ito sa noo ng babae.
"Stop mentioning my girlfriend, labas siya rito, and don't you ever tryna hurt her, or else I'll kill you. And also, ikaw lang ang minamaliit ko, hindi ang ibang tao," gigil na saad ni Wild kay Hurricane.
"Oh... Ako lang ba talaga? How 'bout Victoria Villafuentes? The way you tell her sa gabing 'yun while choking her to death, you are also belittling her, you said, you're not scared of her kahit siya ang CEO sa kompanyang ito," nakangising saad ni Hurricane kaya nanlaki ang mga mata ni Wild sa sinabi ng babae sa kan'ya.
"How did..."
"Of course, she told me na muntik mo na siyang patayin," nakangising tugon ni Hurricane kay Wild.
"You two know each other?" Hindi makapaniwalang saad ni Wild kaya ngumisi ng subrang lapad si Hurricane.
"Of course, we're friends, we're best friends," nakangiting saad ni Hurricane at tumawa pa ng malakas.
"Victoria..."
"Hush, h'wag mong idamay ang mahal na mahal kong kaibigan, Wild, nananahimik lang siya, she was doing her job well in this company, hayaan mo na siyang mamuhay ng payapa," nakangiting saad ni Hurricane at napa-igting na lang ng panga si Wild at galit na tiningnan si Hurricane.
"Here, you can handcuff me now, may dala akong tali, mga natirang tali na ginamit ko sa current victim ko ngayong gabi," nakangising saad ni Hurricane sabay abot niya ng tali kay Wild at seryosong tiningnan ni Wild ang babae na para bang pinagdududahan niya ito.
"Bakit ang dali mong magpahuli, are you really Hurricane?" Nagdududang tanong ni Wild sa kan'ya.
"Yes, I am, nakita mo na ang mukha ko, eh, nagka-usap na tayo, so wala na akong magagawa kung hindi ang magpahuli sa 'yo. Here, handcuff me and send me to the prison, 'yan naman ang matagal na plano mo, 'di ba? You want to clean your name kasi isa ka sa mga pinagdududahang si Hurricane, here's my arm," nakangiting saad ni Hurricane sabay angat ng dalawang kamay niya at ipinagdikit niya ito.
Kinuha ni Wild ang tali sa kamay ni Hurricane at saka ay itinali niya ito sa dalawang braso ng babae.
|༺☬༻|
"Ano'ng pangalan mo?" Tanong ni Damon sa babaeng nahuli ni Wild. Kasalukuyan na sila ngayong nasa prisinto at si Damon Reduxé ang una niyang tinawagan. Nasa isang private room ng prisinto silang tatlo na kung saan ay hindi sila maririnig ng kahit sino sa labas.
"Bakit kailangan pa? Nandito na ako sa prisinto, oh, hindi pa ba 'to enough na nahuli na ako ng lalaking 'to?" Inis na saad ni Hurricane kay Damon.
"We need your real name, Hurricane, we need your real identity," seryosong saad ni Damon sa babae kaya napabuntong-hininga na lang si Hurricane sa pamimilit ni Damon sa kan'ya.
"I'm... My name is... Heidi Aruxada," tugon niya kay Damon kaya napabuntong-hininga na lang si Damon sa sagot ng babae sa kan'ya.
"Heidi, may kaunting katanungan lang ako sa 'yo, at please, sagutin mo 'to ng maayos," seryosong saad ni Damon at tumango naman si Heidi sa sasabihin ng lalaki sa kan'ya.
"Bakit ka pumapatay ng mga tao sa Cyrene?" Diretsahang tanong ni Damon sa kan'ya.
"Wala, trip ko lang," seryosong tugon ni Heidi kaya napahipo na lang si Damon sa noo niya.
"Tell me the exact reason, Ms. Aruxada, why are you doing this?!" Galit na saad ni Damon kaya nagulat na lang si Heidi sa pagsigaw ng lalaki sa kan'ya.
"Kasi nga trip ko lang, 'di ba? Di ba mayroong mga mamamatay-tao na pumapatay lang sila ng tao kasi nabobored lang sila sa buhay nila at wala silang magawa kung hindi ang pumatay?" Depensa naman ni Heidi.
"But it's not valid unless if you're a psychopath," saad naman ni Damon sabay pisil niya sa bridge ng ilong niya.
"Di ba tinanong mo ako kung ano ang pangalan ko para malaman mo ang identity ko, p'wede mong tingnan doon ang mga record ko para malaman mo ang totoo kung ayaw mo naman palang maniwala sa akin," inis na saad ni Heidi kaya napatayo na lang si Damon.
May tinawagan siya sa phone niya at ilang saglit lang ay may dalawang pulis ang dumating at saka ay pinusasan agad si Heidi at nilabas nila ito sa silid na 'yun. Agad tumayo si Wild at tinapik niya ang balikat ni Damon.
"Thank you for handling her to me, magiging tahimik na rin ang Cyrene dahil nahuli na si Hurricane," kalmadong saad ni Damon kay Wild.
"Come to my house later pagkatapos mong magsaliksik tungkol kay Hurricane, gusto kong malaman ang ibang datos niya dahil may gusto lang akong malaman tungkol sa kan'ya," saad ni Wild at tumango naman si Damon sa sinabi niya.
|༺☬༻|
"Here, ito ang mga nakalap ko tungkol kay Heidi Aruxada," saad ni Damon sabay abot niya ng brown envelope kay Wild. Agad naman itong tinanggap ni Wild sabay bukas sa envelope at kinuha niya ang mga papel na laman nito.
"Heidi Aruxada, isang Italian Lawyer pero isang private lawyer lang siya kaya hindi siya kilalang abogado pagdating dito sa Pilipinas pero kilala siya sa Italy bilang isang napakagaling at napakatalinong abogado sa bansa. Saka ko lang din naintindihan kong bakit siya pumapatay ng tao, she's indeed diagnosed of Psychopathology when she's 20 years old, and she was suffering her mental illness for 7 years already, kaya hindi na siya nag-abogado sa loob ng pitong taon na 'yan," paliwanag ni Damon habang binabasa naman ni Wild ang mga nakasulat sa papel na ibinigay ni Damon sa kan'ya.
"So, saan sa mga datos niya ang gusto mong alamin? I can help you with that," suhestyon naman ni Damon at umiling lang si Wild.
"Ako na lang, I'll be fine, may gusto lang akong alamin," tipid na sagot ni Wild kaya napatango na lang si Damon sa sinabi niya.
"Mag-iimbestiga pa ako tungkol sa kan'ya with the help of my men, and I'll update you further," saad ni Damon at tumango lang si Wild.
"Pasensya na sa abala, Mr. Reduxé, you are the PNP Chief ng bansa kaya sa 'yo ako mas may tiwala," saad ni Wild at ngumiti lang ng tipid si Damon. Ibinalik na ni Wild ang mga papel sa envelope at sabay silang tumayo mula sa sofa na inuupuan niya.
"Let's call it's a day, mauna na ako, Mr. Fuero, you can have that data, mayroon akong copy niyan, I know kailangan mo pa 'yan sa gusto mong alamin tungkol kay Heidi Aruxada," paalam ni Damon at tumango lang ng isang beses si Wild.
Sinabayan na niya ang lalaki papalabas ng bahay niya at saka ay pinagbuksan niya ito ng gate. Lumabas na rin si Damon sa gate at saka ay agad na pumasok sa kotse niya at pinagmasdan lang siya ni Wild na papalayo na sa kan'ya.
|༺☬༻|
Ikalawang araw ngayon ng Abril. Tahimik si Wild na naglalakad sa isang hallway. Napatingin siya sa wrist watch niya at malapit na mag-alas siyete ng gabi at papauwi na rin siya.
Sa paglalakad niya ay may namataan siyang taong nakatayo sa pinakadulo ng hallway. Hindi niya ito maaninag ng husto dahil sa subrang layo nito mula sa kan'ya basta ang nakikita niya lang ay nakasuot ito ng itim at mahabang damit.
Agad kumunot ang noo ni Wild nang mabilis na umalis ang taong 'yun sa pwesto niya kaya mabilis na tumakbo si Wild para sundan ang taong nakita niya. Agad tinungo ni Wild ang fire exit kung saan dumaan ang taong naka-itim na 'yun at mabilis niyang kinuha ang baril na nasa bulsa niya.
Itinutok ni Wild ang baril sa harapan niya nang biglang may isa pang baril ang tumutok sa ulo niya. Naramdaman agad ni Wild 'yun kaya napataas siya ng dalawa niyang kamay at dahan-dahang humarap sa taong nakatayo sa likuran niya.
Laking gulat na lang ni Wild nang makita niya ang puting maskara na suot ng taong kaharap niya. Kagaya ito sa maskarang suot ng babaeng nakaharap niya kahapon.
"Sino ka?" Kunot-noong tanong ni Wild sa taong nakatayo sa harapan niya na kasing tangkad lang din niya.
"Am I not obvious, Wild Fuero?" Isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ni Wild na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Hurricane?"
"Yes, I am, why are you following me?" Tanong ni Hurricane kay Wild kaya mabilis na hinawakan ni Wild ang kamay ni Hurricane na may dalang baril at pina-ikot ni Wild ang kamay ng lalaki kaya nahulog ang baril nito sa sahig at tinuhod niya ang p*********i nito.
Agad napaluhod sa sahig si Hurricane at itinutok agad ni Wild ang dalang baril niya sa ulo ng lalaking nakaluhod sa harapan niya ngayon. Hinawakan ni Wild ang baba ng maskara ni Hurricane at itinaas ito at laking gulat na lang niya nang makita niya ang mukha ng lalaki.