Capítulo Treinta y Siete punto uno (37.1)

1944 Words
Kinabukasan. Masakit ang katawan kong bumangon. Pagod na pagod ako kagabi pero kailangan kong bumangon at hindi ko dapat ipahalata na pagod na pagod ako. Kailangan ko ring bumangon kasi ngayong umaga na ang alis namin. Subrang haba ng walang trabaho namin simula noong 27 kasi bukas ay Sabado at wala kaming pasok. 'Yung mga nakaraan ay mayroong pasok ang sabado dahil sa mga importanteng event na sunod-sunod na ginagawa ng Cyrene. May opisina naman talaga bukas pero depende na rin kasi 'yun sa empleyado kung papasok ba siya ng sabado o hindi. Kung papasok ng sabado ay ayos lang at may dagdag na sweldo, kung hindi papasok ay ayos lang din dahil dalawang araw ang pahinga. Pero ayaw kong pumasok bukas kasi maglilinis pa ako sa apartment ko at maglalaba pa ako sa mga damit ko na dinala ko sa bakasyon. Si Natalia naman ay hindi ko alam anong ganap din niya bukas pero nakagisnan ko kasi na magsho-shopping at maglilinis siya sa apartment niya basta weekend. Maglilinis lang ako bukas at hindi na muna ako mag-grocery kasi kaunti na lang ang pera ko, marami pa naman akong stock sa ref. Ilang oras ang nakalipas at agad kong inihiga ang katawan ko sa higaan ng apartment ko nang makarating na ako. Subrang pagod na pagod ako at hindi ako nakapagpahinga sa byahe kasi isang oras lang ang byahe namin. Ngayon ay sosolohin ko ang araw na ito para magpahinga at matulog. |༺☬༻| "Hindi! Hindi! Hindi!" Umiiyak na sigaw ko. Napahiyaw na lang ako ng subrang lakas dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang nadurog ang puso ko ng pinong-pino dahil sa nasaksihan ko. Agad akong napabalikwas ng bangon mula sa higaan dahil sa panaginip kong iyun. Bumabalik na naman ang panaginip ko. Agad akong napahipo sa pisngi ko at saka ko lang namalayan na basang-basa na pala ito ng mga luha ko. "Bakit? Ano bang mayroon sa panaginip kong iyun?! Bakit paulit-ulit na lang 'yung bumabalik sa akin?" Naluluhang saad ko. Hindi ko maintindihan ang panaginip kong iyun pero kapag napapanaginipan ko 'yun ay hindi ko maiwasang umiyak. "Bakit ako 'yung nandoon sa panaginip ko? Bakit... Bakit... Umiiyak ako roon?" Naguguluhang tanong ko sa sarili at napahawak na lang ako sa aking dibdib nang kumakabog ito ng husto. "Wala, wala, wala 'yun, panaginip lang 'yun at hindi 'yun totoo, tinatakot ka lang ng sarili mo, Stella, hindi 'yun totoo," pagpapagaan ko sa sarili ko at tumango ako. Napatingin ako sa digital clock na nasa bedside table ko at alas sais na pala ng hapon. Ang haba pala ng tulog ko at hindi ako nakapagtanghalian dahil tulog lang ako buong araw. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa tabi ng digital clock at binuksan ko ito, agad nanlaki ang mga mata ko nang subrang daming miss calls ni Wild! Naka 70 miss calls siya sa akin buong araw. May mga text din siya kaya binuksan ko ito at binasa isa-isa. From Handsome Wildfire: "Where are you?" "Answer my call!" "Stella, where in the world are you?" "Pupuntahan kita sa apartment mo." "Hey, open your door! Stella!" "Answer my call, Stella, where are you?" Basa ko sa mga text niya kaya napahawak na lang ako sa sentido ko dahil sa mga text niya. Pumunta pala siya rito? Ang sarap-sarap ng tulog ko! Kung hindi niya lang sana ako pinagod kagabi hanggang alas kwatro ng madaling araw ay hindi magiging ganito kasarap ang tulog ko! Sarap niyang suntukin! Hindi ko na siya nireplyan, bahala siya riyan sa buhay niya. Naisipan ko na ring bumaba sa higaan at saka ay nagtungo na agad sa kusina para magluto ng kakainin ko, gutom na gutom ako, eh, kaunti lang din ang agahan ko kanina dahil sa pagmamadali. Binuksan ko ang ref ko at tiningnan ang laman nito. Kaunti na pala ang stocks ko rito, akala ko marami pa, mag-grocery na nga lang din ako bukas. Kinuha ko ang natirang manok ko sa freezer at hinugasan ko na ito at hiniwa-hiwa pagkatapos. Magtinolang manok na lang ako dahil gusto kong humigop ng mainit na sabaw ngayon. Pagkatapos ko sa lahat ng pagluluto ko ay nagtungo ako sa living room dala-dala ang tray na may lamang isang plato ng kanin, isang mangkok ng ulam, at isang baso ng tubig at saka ay nilapag ko ito sa maliit na table sa harap ko sabay kuha ng remote ng TV at saka ay binuksan ang telebesyon. Manonood lang ako ng balita kasi trip ko lang. Nang bumukas na ang TV ay saka na ako nagsimulang kumain. Nanonood ako ngayon ng balita sa paboritong channel ko sa telebesyon habang sumusubo ng ulam. "Isang karumaldumal ang nangyari sa isang hotel beach resort sa El Nido, Palawan, dahil sa matinding trahedyang naganap sa empleyado ng hotel, binaril siya sa ulo ng hindi kilalang salarin at inihulog siya mula sa rooftop ng hotel at bumagsak ang katawan niya sa tubig ng swimming pool kung saan ay mayroong mga turistang naliligo, patuloy pa ring ini-imbestigahan ng mga pulisya sa El Nido ang pamamaril na ito," saad ng newscaster sa balita. Nakakapagtataka lang, 'yung si Erica dati sa hotel sa Rizal, hindi ibinalita sa TV ang pagkamatay niyang iyun kahit na mayroong mga tao roon na hindi galing sa Cyrene. Next ay 'yung pagkamatay nung Lara doon sa event ng Cyrene, maraming mga reporter sa TV sa araw na 'yun pero hindi rin 'yun ibinalita sa TV. At... 'Yung viral video ni Hurricane sa lahat ng social media. Grabe ang trending nu'n pero hindi rin 'yun binalita sa TV ang tungkol sa video na 'yun. Tapos ngayong may namatay sa El Nido ay ibinalita ito sa TV. Posible ba kaya ay hindi si Hurricane ang pumatay sa lalaking 'yun sa El Nido? Posible namang hindi siya 'yun kasi maraming dahilan, una hindi niya schedule ang gabing 'yun, ikalawa, wala siyang sound effects, pangatlo, walang rose, so totoo nga 'yung sinabi ni Wild that time na posibleng hindi si Hurricane ang gumawa nu'n at counterpart niya lang 'yun. Pero anong ibig sabihin ng counterpart na sinasabi niya? Alam ko kung ano ang counterpart pero 'yung sinabi niyang counterpart ni Hurricane ay doon ako mas naguluhan at may pinapa-imbestiga na siyang tao ngayon, sino naman kaya 'yun? Napa-iling na lang ako sa mga iniisip ko. H'wag ko na nga lang isipin 'yun at baka mas maguluhan pa ako sa mga bagay-bagay. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at saka ay pinatay ang TV at kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko at binuksan ito. Nagtungo agad ako sa mga social media accounts ko at dinumog agad ako ng libo-libong reacts at comments mula sa mga tao dahil sa post kong mga litrato na kinuha ni Natalia sa akin kahapon. Napangiti naman ako nang makarating ako sa mga litrato namin ni Wild kahapon. Ang cute namin dito, bagay na bagay talaga kami para sa isa't-isa. |༺☬༻| General POV "TGIS!" Masayang saad ni Heidi sa mga kaibigan niya pagpasok niya sa living room. "Oh, Heidi, mabuti at gising kana," saad ni Sphene at humigop ng kape. "Si Kamahalan, wala pa ba siya?" Tanong ni Heidi sa mga kasamahan niya. Nilibot niya ang tingin niya sa living room at nakita niya 13 na mga kasamahan niya na tahimik lang at sabay-sabay na umiinom ng kape. "Anong trip niyong lahat?" Kunot-noong tanong ni Heidi at saka ay pumasok sa living room at tumabi kay Heliodor na ngayon ay napabuga sa iniinom na kape. "Dahan-dahan lang bunso. Walang humahabol sa 'yo," tapik ni Heidi sa likuran ng lalaki. "Ang init, eh, napaso 'yung dila ko," reklamo ni Heliodor at nilabas ang dila niya. "Nagpapaligsahan kasi kami kung sino sa amin ang unang maka-ubos ng kape," tugon ni Amethyst na katabi lang din ni Heidi. "Then? Kung sino ang mananalo ano naman ang reward?" Tanong ni Heidi sa kaibigan niya. "Maka-date si Kamahalan mamayang gabi sa yacht niya," tugon naman ni Amethyst kaya nabatok siya ni Heidi. "Aray! Muntik na matapon 'yung kape, oh, ililigo ko talaga 'to sa 'yo, bruha ka," reklamo ni Amethyst nang muntikan ng matapon ang kape niya. "Ba't ngayon mo lang sinabi?" Kunot-noong tanong ni Heidi sa kaibigan niya. "Eh, tulog na tulog ka kanina, eh, na-bored din kasi kaming lahat dito sa living room kakatitig sa isa't-isa kaya naisipan ni Hellions na magpaligsahan sa pag-ubos ng kape at kung sino ang unang makaka-ubos ay maka-date si Kamahalan mamayang gabi sa yacht niya," paliwanag ni Amethyst. "Alam ba ni Kamahalan 'yang kabulastugan ninyo?" Natatawang tanong ni Heidi at umiling lang si Amethyst. "Hindi, gugulatin namin siya mamayang gabi," nakangising tugon ni Amethyst kay Heidi. "Baliw, makapag-timpla na nga rin ako ng kape, gusto ko ring manalo, 'no, gusto kong ako lang ang maka-date ni Kamahalan mamaya," nakangusong saad ni Heidi at tumayo. "Kung makakahabol ka, malapit ng maubos ang kape ko, oh," saad ni Heavens sa babae pero inirapan lang siya ni Heidi at saka ay lumabas ng living room. Ilang sandali pa ay bumalik si Heidi na may dala-dalang isang tasa ng kape at hinihigop na niya ito kahit mainit. Umupo siya ulit sa pagitan ni Amethyst at Heliodor at sabay-sabay ang lahat sa paghigop ng kape nila. "Done!" Pasigaw na saad ni Goldstone at nag-bottoms up siya sa baso niya at wala ng lamang kape ito. "Ang daya! Hindi niyo naman kasi sinabi sa akin, eh!" Reklamo ni Heidi at napatawa na lang ang lalaki sa inasal niya. "Tagal mong gumising, nahuli ka tuloy," pang-aasar ni Moonstone kaya inirapan lang siya ni Heidi. "Ako sa 'yo, ihanda mo na lang 'yung script mo sa acting mo ngayong lunes, Heidi," paalala naman ni Muzyka sa kaibigan niya at patuloy lang sa paghigop ng kape. "Ay oo nga pala, sa lunes na pala 'yung acting ko," saad ni Heidi sabay hawak sa noo niya. "Yan! Support ka namin sa acting mo, ha, ayusin mo ang pagdeliver mo sa character mo baka malechon ka ni Kamahalan, sige ka," cheer ni Pyrope sa kaibigan niya kaya siningkitan lang ni Heidi ang pang-aasar ng lalaki sa kan'ya. "Tulungan mo na sa acting si Heidi, Numeros, kung tatawanan ka lang n'yan sakalin mo agad," saad ni Zircon kay Numeros at tinapik niya ang lalaki na nasa tabi niya. "Teka, uubusin ko lang 'tong kape, ang atat mo naman," reklamo ni Numeros at nilagok ng isang beses ang natirang kape niya at saka ay nilapag ang tasa niya sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa gitna nilang lahat. Agad tumayo si Numeros at kasabay ng pagtayo niya ay si Heidi at naunang lumabas sa living room. Napa-iling na lang ang lalaki at saka ay sinundan si Heidi palabas ng living room. |༺☬༻| Samantala naman ay kasalukuyan namang nagtitipon-tipon sila Ace at ng mga kasamahan niya sa iisang lugar. Si Kingstone naman ay nag-scroll lang sa phone niya habang ang iba ay tahimik na nagmamasid sa isa't-isa. "Have you ever heard about the news tungkol sa hotel from El Nido?" Basag ni Kingstone sa katahimikang bumabalot sa kanilang lahat. Napatingin naman ang iba sa kan'ya habang ang iba naman ay walang imik. "Yeah, why?" Tanong ni Thaddeus at nagsalin ng alak sa baso niya. "May hinala ba kayo kung sino ang gumawa sa pagpatay sa isang staff sa hotel?" Tanong ni Kingstone at napa-angat ang tingin niya sa mga kasamahan niya. Nagpalitan naman ng tingin ang lahat sa isa't-isa. "Why? Someone's on your mind?" Tanong naman ni Yoshida at napatingin si Kingstone sa kan'ya at tumango. "Yes," tipid na tugon ni Kingstone at nagkatinginan ulit sila sa isa't-isa. "Then, who?" Tanong naman ni Lorean at nag-aabang siya sa isasagot ng lalaki sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD