Umalis na ang kausap ng babae at napalibot ang tingin niya sa paligid. Hawak-hawak niya pa rin ang bulaklak habang nakatingin siya sa buong lobby.
"Hah..." Saad niya at huminga ng malalim. "Cyrene, I'm finally here to serve you."
Naglakad ang babae at ipinasok niya ang bulaklak sa dala-dala niyang mamahaling bag at nagtungo siya sa counter na nasa lobby. Nakangiti naman siyang hinarap ng receptionist habang nanatiling fierce ang mukha niya.
"May appointment po ba kayo, Ma'am?" Tanong ng receptionist sa babae at tumango naman ang babae.
"Yes, nagpa-book na ako ng interview sa Human Resource for the application of the secretary of Mr. Galenzoga, one of the Board of Directors here in CGC," saad ng babae at pinakita niya ang papel na dala-dala niya.
"Oh, sige po, Ma'am, 'yung HR lang po nasa ika-30th floor lang po," nakangiting tugon ng receptionist at ngumisi naman ng nakakaloka ang babaeng kausap ng receptionist kaya napalunok naman ang receptionist ng makita niya ang ngisi ng babae.
Agad naman binura ng babae ang nakakalokang ngisi niya at seryosong tiningnan ang receptionist. "Yeah, I know, thank you," walang emosyong tugon ng babae at pairap niyang tinalikuran ang receptionist.
"Uy, ayos ka lang?" Siko ng isang receptionist sa kan'yang katabi kaya nabalik sa ulirat ang receptionist na kausap ng babae kanina.
"H-Huh? Ayos lang ako," tugon ng receptionist at napahipo na lang siya sa likod ng kan'yang palad.
"Creepy," mahinang saad ng receptionist habang sinusundan ng tingin ang babaeng kaharap niya kanina na ngayon ay papunta na sa elevator.
Samantala naman. Pumasok na ang babae sa loob ng elevator at pinindot niya agad ika-30th floor ng building kung saan nandoon ang HR. Napabuntong-hininga na lang siya sabay tingin sa relo niyang gawa sa diamante at ginto.
"Hindi pa naman ako late," mahinang saad niya at ibinaba ang kamay niya. Bumukas na ang elevator nang makarating na ito sa ika-30th floor at lumabas na rin siya agad.
Pinuntahan niya ang HR Department at kumatok rito bago niya binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay umupo siya sa waiting area at agad naman siyang nilapitan ng isang lalaki.
"Are you here for an interview, Ma'am?" Tanong ng lalaki.
"What do you think so? Perhaps? Maybe? Pupunta ba ako rito kung hindi ako magpapa-interview para sa posisyon bilang secretary ni Mr. Galenzoga?" Nakataas na kilay na tugon ng babae.
"A-Ah, ganoon po ba? M-Mag-sign na lang po kayo rito," nauutal na tugon ng lalaki sabay bigay sa papel. Tinanggap naman ito ng babae at isinulat na niya ang pangalan niya roon.
"Here," walang emosyong saad niya at tiningnan naman ng lalaki ang pangalang nakasulat doon at napakunot ang noo niya.
"Why? What's wrong with my name?" Nakataas na kilay na saad ng babae kaya napatingin naman ang lalaki sa kan'ya.
"P-Po? Wala po, i-submit ko na po ito sa loob, antayin niyo na lang po na tatawagin ko kayo," nauutal na tugon ng lalaki at mabilis na tumalikod sa babae. Kinuha ng lalaki ang panyo na nasa bulsa niya at pinahid agad ito sa noo niya na may pawis.
Ilang sandali pa ay tinawag na ang babae. "Ms. Winslet," tawag nung lalaking kausap niya. Agad naman tumayo ang babae at pumasok sa isang silid na nasa harapan lang ng waiting area na nasa loob ng HR. Siya lang ang applicants at wala ng iba kaya natawag siya agad.
Nang makapasok na ang babae sa interview room ay napalibot ang tingin niya sa paligid at nakita niyang mayroong mga interviewer na naka-upo sa isang mahabang lamesa at lahat ng 'yun ay nakatingin sa kan'ya. In-assist naman ng lalaki ang babae at pina-upo sa isang upuan kaharap ng mga interviewer. Binigay naman ng babae ang dala-dala niyang mga form at credentials sa lalaking nag-assist sa kan'ya at binigay naman ito ng lalaki sa mga interviewer.
Binuksan ng Head ng HR ang folder at napakunot ang noo niya at tiningnan niya ang babae na punong-puno ng pagtataka. "Is this your real name, Ms. Achlys Winslet?"
Ngumiti naman si Achlys. "Yes, why? What's wrong with the name Achlys?" Malumanay na tanong niya.
"A-Ah, just... Nothing, Miss, is it fine to call you through your surname na lang?" Suhestyon ng Head at tumango naman agad si Achlys.
"Yes, calling through surnames are professional matter, it depends if this person is close to you, then you can call them by their name, but if you're not comfortable in calling me by my name, Sir, you can call me through my surname," nakangiting tugon ni Achlys at napahinga naman ng maluwag ang Head.
"Goodness," mahinang saad niya na para bang nabunutan siya ng tinik sa kan'yang lalamunan. "So, let's start," saad ng Head at nagsimula na ang interview nila.
|༺☬༻|
"We will email, call, and send you a message if you are accepted for this position, Ms. Winslet," saad naman ng isang interviewer at tumango naman si Achlys sabay tayo.
"Thank you po, mag-aantay lang po ako," nakangiting tugon naman niya at nag-bow sa harapan ng mga interviewer at in-assist naman siya agad ng lalaking nag-assist sa kan'ya kanina.
"May susunod pa ba, Mr. Guerrero?" Tanong ng Head sa lalaking nag-assist kay Achlys.
"Titingnan ko lang po sa waiting area, Sir," tugon naman ng lalaki at lumabas na silang dalawa ni Achlys sa interview room. Natuon agad ang atensyon ng lalaki sa waiting area pero walang katao-tao roon.
"Bakit kaya wala ng ibang applicants? Na kapag nag-oopen naman ang Cyrene ay dudumugin naman ito agad ng mga applicants," hindi makapaniwalang saad ng lalaki kaya tiningnan siya ni Achlys.
"Maybe nag-close na ang system ninyo," saad naman ni Achlys at napatingin naman ang lalaki sa kan'ya.
"Kahapon pa open ang system namin, pero simula pa kahapon ay ikaw pa lang ang nag-apply," tugon naman ng lalaki.
"Just check the website, Mister, para masagot ang tanong mo," naka-ismid na tugon ni Achlys kaya kinuha agad ng lalaki ang cellphone niya at nagtungo siya agad sa website ng Cyrene at pagtingin niya ay kahapon pa naka-close ang applications for secretary at isa lang ang nakapag-apply rito, kundi ang babaeng kausap niya.
"Teka, papaanong..." Saad ng lalaki sabay angat ng tingin at napatigil na lang siya nang hindi na niya mahagilap ang babaeng kausap niya lang kanina.
"Nasaan na 'yun?" Nagtatakang tanong niya at napalingon-lingon sa paligid. Dali-dali siyang pumasok sa interview room.
"May susunod pa ba, Mr. Guerrero?" Tanong ng Head.
"Sir, 'yung babae lang po ang nakapag-apply, wala ng ibang makakapag-apply sa Cyrene," tugon ng lalaki kaya napakunot naman ng noo ng Head.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ng Head.
"Kahapon pa po nagsara ang system at 'yung in-interview kanina ang nakapag-appointment lang," tugon ng lalaki.
"What? Kakabukas pa lang natin kahapon, ah? Bakit nagsara agad?" Naguguluhang tanong naman ng isa pang interviewer.
"Hindi ko po alam, Ma'am," tugon naman ng lalaki.
"Mr. Guerrero, kindly reach out the admin, and ask them bakit nagsara agad ang applications ng Cyrene," utos ng Head at tumango naman agad ang lalaki at lumabas na sa HR.
Ilang minuto ang lumipas at bumalik ulit ang lalaki. "Sir, hindi na po mabuksan ng admin ang applications, hindi po nila alam kung ano ang nangyayari sa system," balita ni Mr. Guerrero kaya napasapo na lang ang Head sa noo niya.
"Na-hack ba ang system? Imposibleng ma-hack ang system ng Cyrene, subrang higpit ng security nito. We need more applicants for this, naghahanap na si Mr. Galenzoga ng bagong secretary niya dahil kakamatay lang ni Ms. Krishan Cartier noong April 25 dahil pinatay ito ni Hurricane," na-stress na saad ng Head habang hinihilot ang sentido niya.
"But looks like Miss Ach—I mean Miss Winslet is qualified for the secretarial position, Sir," saad naman ng isang interviewer habang binabasa ang form ni Achlys.
"Yeah, I know, she's smart and qualified for this, pero kung wala ng ibang mag-aapply para rito until mamayang 7 PM, we'll call Miss Winslet right away para makapasok na siya rito bukas," saad ng Head at napatango naman ang mga interviewer na kasama niya.
|༺☬༻|
Stella's POV
Maaga akong dumating sa opisina dahil aagahan kong simulan ang trabaho ko, May 1 ngayon at dapat sana ay walang trabaho dahil Holiday, pero labor day, eh, may double pay kasi kapag holiday. Napa-aga ako ngayon dahil papaano ba naman kasi, niyaya ako ng magaling kong boyfriend na manood ng sine mamayang 5 PM, kaya kailangan kong tapusin ang trabaho ko rito.
Pagpasok ko sa opisina ay naabutan ko si Natalia na nagmamadali. "Nat, saan ka papunta?" Takang tanong ko habang nilapag ang dala kong bag sa lamesa.
"Papaano ba naman kasi, inutusan ako ni Mr. Galenzoga na i-tour ang bagong secretary niya rito sa buong building," tugon niya kaya napakunot ang noo ko.
"Bagong secretary? May na-hire na pala? Eh, 'di ba kakabukas pa lang ng applications noong Monday?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo nga, pero nag-close agad right after makapag-apply 'yung bagong secretary ni Mr. Galenzoga, at simula nung Lunes ay siya pa lang ang na-interview," sagot ni Natalia kaya napakamot ako sa batok ko.
"Papaanong nangyari 'yun? Hindi na ba nabuksan ang system ng Cyrene?" Tanong ko at umiling lang siya.
"Hindi na, kaya 'yung isang na-interview kahapon lang ang na-hire, kailangan na kasi ng bagong secretary si Sir, eh, bwesit kasi 'tong si Hurricane, pinatay ba naman si Krishan sa banyo tapos ginahasa pa," iling na tugon niya.
"Oo nga, eh, pero ba't ikaw 'yung mag-tour?" Kunot-noong tanong ko.
"Mas may alam kasi ako rito sa Cyrene, kasi 'yung mga secretary ng mga board sa kabila mga newbie pa, eh, 'di ba sila 'yung mga pinalit sa mga pinatay ni Hurricane?" Pagpapaalala niya sa akin kaya napatango ako.
"O sya, sige puntahan mo na 'yung bagong secretary, sisimulan ko na 'tong trabaho ko rito," taboy ko kay Natalia at umalis naman siya agad at ako naman ay dumiretso na sa trabaho ko.
|༺☬༻|
Lunch break na. Nag-text si Natalia sa akin na puntahan ko na lang daw sila sa cafeteria. Actually, excited na rin ako kasi gusto kong makilala ang kasama ni Natalia ngayon.
Bumaba na rin ako papuntang cafeteria at hinagilap ko agad kung saang table ngayon ang kaibigan ko.
"Stella, dito!" Tawag ng isang babae sa akin kaya napalingon ako sa kabilang direksyon at natuon agad ang tingin ko kay Natalia na ngayon ay may kasamang babae na kulay light brown ang buhok, malapit ng maging kagaya sa kulay ng buhok ko.
Nakatalikod sa akin ang babae at magkaharap sila ni Natalia. Napangiti naman ako nang magtama na ang tingin namin ni Natalia at naglakad na ako papunta sa kanilang dalawa.
"Nat," tawag ko sa kaibigan ko at natuon agad ang atensyon ko sa babaeng nakatalikod pa rin sa akin.
"Dito ka, Stella," anyaya ni Natalia sa akin sabay turo sa upuan na nasa gilid nilang dalawa at saka ay umupo ako sa tabi nila. Napatingin agad ako sa babaeng kasama ni Natalia at napangiti naman ako nang makita ko ang maganda at maamo niyang mukha pero mataray ang mga mata niya.
Bughaw ang mga mata niya katulad sa akin, maliit ang kan'yang mukha at matangos ang ilong. Nakatingin din siya sa akin pero fierce lang, ang maldita naman niya kung tumingin.
"Stella, ito si Achlys Winslet. Achlys, ito ang kaibigan ko, si Stella Levesque," pakilala ni Natalia at ngumiti ako kay Achlys at napawi agad ang ngiti ko nang siya na ang ngumiti pabalik sa akin at nakaramdam agad ako ng kaba nang masilayan ko ang kakaibang ngiti niya.
"Hello, you look like an angel, can I call you Little Angel?" Nakangiti ngunit malumanay na saad niya at napalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya.