Flashback.
"Run! Little angel! Run!" Sigaw niya at umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong parking lot.
-
"Run, little angel!" Sarkastikong sigaw niya kaya binitawan ko agad ang doorknob at tumakbo sa kabilang direksyon.
-
"Hi there, little angel! Nice to meet you!" Saad niya kaya napa-angat ang tingin ko sa gilid ko at naaninag ko ang puting maskara niya sa buong mukha.
-
"Stella! You little angel, hiding to save her life, poor little angel," saad ni Hurricane sa kalayuan.
-
"Hi there, little angel!" Natatawang saad niya kaya dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at agad na namang lumabas.
End of Flashback.
"Hey, are you okay? Namumutla ka yata?" Kunot-noong tanong ni Achlys kaya nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya.
"H-Huh? A-Ah, o-oo, ayos lang," nauutal na saad ko at awkward na ngumiti sa kan'ya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Mabuti naman, so, nasaan na nga tayo, Natalia?" Nakangiting tanong ni Achlys sa kaibigan ko.
"Ah, 'yung tungkol sa nangyari sa applications ng Cyrene," tugon ni Natalia.
"So, 'yun nga..."
Napatulala ako at natahimik habang nag-uusap sila. Hindi ko mawari pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon, ang weird, siguro dahil ito kay Achlys? Or 'yung paano niya ako tawagin?
"Little angel, are you fine? Parang wala ka yata sa sarili mo, hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo simula nung dumating ka rito," saad ni Achlys at napa-igtad naman ako nang bigla niyang hawakan ang likod ng palad ko at agad ko naman itong binawi dahil kakaiba ang lamig ng kamay niya, malamig ang kamay niya, hindi mainit.
"Ah, ano lang, marami lang akong iniisip, pasensya na," paumanhin ko at yumuko. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso sa mukha o sa mga mata niya dahil kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng ito.
"Pagpasensyahan mo na si Stella, kakamatay lang kasi ng nanay niya, eh," saad naman ni Natalia kaya tumingin ako sa kan'ya. Mas mabuti pang si Natalia na lang ang tingnan ko, hindi ko kasi kayang tingnan itong isang babae sa gilid ko.
"Namention pala ni Natalia sa akin, French-Filipino ka pala, Little angel?" Agaw ni Achlys ng atensyon sa akin kaya napalingon ako agad sa kan'ya at nag-iwas ng tingin sabay tango.
"Oo," tipid na tugon ko at saka ay itinuon ang atensyon sa plato ko at nagsimulang kumain.
"Oh great! So, you know how to speak French? Actually, I'm a French-Italian, pero nandito na ako sa Pilipinas since December 2023, pumunta ako rito para magbakasyon, at naghanap na rin ng trabaho kasi mukhang mawawalan na ako ng pera, thank goodness, Cyrene is available for new employees right now," pagkukwento niya. Ang daldal niya, pero kahit madaldal ako ay hindi ko talaga siya kayang kausapin o tingnan man lang.
"Hindi, hindi ako marunong magsalita ng French," tugon ko sa sinabi niya.
"Oh... My bad, I can teach you how, it's very simple..."
"H'wag na, hindi naman ako interesadong matuto ng French, aanhin ko pa ba 'yan kung nasa Pilipinas ako at lahat ng nakaka-usap ko ay marunong mag-Filipino," sabat ko at napatikom naman si Achlys sa bibig niya. Napalingon ako kay Natalia nang mapansin kong sinipa niya ng mahina ang paa ko sa ilalim at pinanlakihan niya pa ako ng tingin.
|༺☬༻|
"I have a great time with you, Natalia, and also with you, Stella. Thank you for accompanying me this morning, Nat, kita tayo mamaya? We can have a shot?" Nakangiting anyaya ni Achlys sa kaibigan ko.
"Oh, sure! That'll be great, isasama ko rin itong si Stella, mukhang na-awkward siya sa 'yo kanina, eh, kailangan niya na maging komportable sa 'yo," nakangiting saad naman ni Natalia sabay hawak sa braso ko.
"H-Huh? Ayaw ko, may date ako mamaya," tugon ko at napabagsak naman si Natalia sa balikat niya.
"Ay, ganoon ba? E 'di, bukas na lang, ayos lang ba, Achlys?" Suhestyon ni Natalia at malugod namang tumango ang babae.
"Yes, of course, we can have a shot anytime," nakangiting tugon ni Achlys. "So, I have to go muna sa loob, kailangan ko pang kilalanin ang mga kasama ko, we can continue my training tomorrow?"
Tumango naman si Natalia. "Sige, magkita na lang tayo ulit," saad niya at ngumiti naman ng malapad si Achlys. Pumasok na siya sa opisina kung saan nandoon ang mga secretary ng mga board of directors.
Nang mawala na si Achlys sa harapan namin, saka naman humarap si Natalia sa akin na nakakunot ang noo. "Ano bang problema mo kay Achlys? Kanina ka pa gan'yan sa kan'ya, ah? Napapansin kita, Stella," saad niya at nagkibit-balikat.
"Wala, marami lang akong iniisip," depensa ko naman natawa naman ng mahina si Natalia at napa-iling.
"Alam kong nagsisinungaling ka, kilala kita, Stella," bulgar niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Sa opisina na lang tayo mag-usap, maraming dumadaang mga tao rito," saad ko at saka ay hinatak na si Natalia papunta sa opisina namin. Medyo magkapit-bahay lang naman ang opisina ng mga secretary ng board at opisina namin dahil nasa iisang floor lang naman kami, pero distansya ang dalawa ng mga ilang metro pa.
Nang makarating na kami sa opisina namin ay sinarado ko kaagad ang pinto. "So, ano nga ang problema mo sa kan'ya?" Bungad na tanong ni Natalia matapos kong i-lock ang pinto.
"Kakaiba ang nararamdaman ko kay Achlys, hindi naman ako marunong mang-judge ng tao o kumilatis sa kanila pero nung una ko siyang makita parang iba na ang nararamdaman ko," pag-amin ko at tinapik ni Natalia ang balikat ko.
"Baka traumatized ka lang sa nangyari sa 'yo last week, mawawala rin 'yan, mabait naman si Achlys, madaldal, tapos subrang bubbly niya, palatawa rin siya. Hindi mo lang napansin kanina dahil palagi ka lang tulala at wala sa sarili," paliwanag niya at napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi, 'yung tinawag niya akong Little Angel, naalala ko si Hurricane dahil ganoon din ang tawag niya sa akin doon sa parking lot," amin ko at napakunot ang noo ni Natalia.
"Mukha ka naman kasing anghel sa ganda mo, Stella, subrang bait tapos subrang ganda," depensa naman niya.
"Baka sa trauma ko lang siguro... Baka mali lang ang akala ko kay Achlys," saad ko at tumango sa sinabi ko.
"Oh, ayan naman pala, alam kong magiging magkaibigan kayo ni Achlys, kausapin mo lang siya, h'wag mo siyang deadmahin kagaya kanina, hm?" Suhestyon niya at tumango ulit ako.
"Sige sige, gagawin ko, pero hindi talaga ako free mamaya, eh, niyaya ako ni Wild," saad ko naman at ngumiti lang si Natalia sa akin at tumango.
"Ayos lang, bukas naman tayo gagala kasama si Achlys, eh," nakangiting saad niya at tinapik ang balikat ko.
|༺☬༻|
Hapon na. Malapit na mag 5 PM. Tapos na rin naman ako sa trabaho ko rito. Napansin kong bumukas ang pinto at niluwa mula rito si Wild at saka ay pumasok na siya.
"Let's go?" Anyaya niya sa akin at tumango naman ako sabay tayo.
"Aayusin ko na muna ito sandali," paalam ko at tumango naman siya.
"Babalik tayo rito before 7 PM, baka magkakalat na naman si Hurricane dito mamaya," habilin niya at napatingin naman ako sa kan'ya.
"Si Sir Gideon, nasaan ba siya?" Tanong ko habang inaayos ang mga papeles na nasa table ko.
"He's on leave today, pumunta siyang Baguio City para puntahan ang kapatid niya roon," tugon naman niya at napatango ulit ako. "Where's Natalia, by the way?"
"Ah, nandoon sa kabilang office, tinulungan 'yung bagong secretary ni Mr. Galenzoga," tugon ko naman at napatango naman siya.
|༺☬༻|
Nandito na kami ngayon sa sine. Nanonood kami sa bagong labas ngayon na movie, well, cartoons kasi matagal ko na rin naman itong inaabangan na ilalabas sa sine. Alam kong hindi mahilig si Wild sa ganito pero sinamahan niya pa rin ako at bumili pa talaga siya ng ticket noong weekend para sa aming dalawa.
Buhat-buhat ko ang isang bucket ng popcorn at tuwang-tuwa naman ako habang nanonood ng sine. Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Ba't?" Natatawang saad ko.
"You're beautiful," puri niya sa akin kaya napangiti ako ng malapad sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang matinding pag-init ng magkabilang pisngi ko kahit na malamig dito sa sinehan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa malaking screen at saka ay patuloy na nanonood ng movie.
|༺☬༻|
Nakabalik kami sa Cyrene 10 minutes before mag 7 PM. Naabutan ko si Natalia sa opisina namin na subrang busy sa trabaho niya.
"Overtime ka ba ngayon?" Tanong ko sa kaibigan ko pagkatapos kong isarado ang pinto.
"Uy, Stella, bumalik ka," saad ni Natalia sabay lingon sa akin at ngumiti siya saglit at ibinalik ang tingin sa laptop niya.
"Ah, oo, sabi kasi ni Wild sa akin na baka magkalat na naman si Hurricane dito sa loob, walang maglilinis sa kalat niya, kaya bumalik na lang kami rito. OT ka ba ngayon?" Tanong ko ulit at tumango si Natalia bilang tugon.
"Oo, uuwi pa ako mamayang mga 9 PM," tugon niya at nanatili pa ring nakatitig ang mga mata sa screen ng laptop niya. Umupo na ako sa upuan ko malapit kay Natalia at humarap ako sa kan'ya.
"Nakapag-dinner kana? May dala akong pagkain nasa kotse ni Wild," saad ko.
"Mamaya na lang pagkatapos ko rito," tugon niya at tumango na lang ako. Bumuntong-hininga ako at saka ay iniharap ang katawan ko sa table at kinuha ang phone ko.
Nagtungo ako sa face book at napatingin ako sa aking friend request. Mayroon akong 99+ na friend request at hindi ko pa ito in-accept, nagkaroon ako ng ganito karaming friend request simula noong mag-viral ang video namin ni Wild, ginawa ko na lang silang followers kasi baka mapuno na ang mga friends ko at hindi ko pa naman kilala ang mga nag-add sa akin.
Pinindot ko ang button na friend request at ang una kong nakita ay ang babaeng kaka-add friend lang sa akin 1 hour ago, si Achlys! In-add niya ako. In-accept ko naman agad ang friend request niya at ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng chat mula sa kan'ya.
From Achlys:
"Hi, Little angel! Ang famous mo pala sa lahat ng social media accounts mo, akala ko gagawin mo akong isa sa mga followers mo rito. Follow back mo rin ako sa ibang mga social media accounts mo, salamat!"
Ano? Nag-follow siya sa akin sa lahat ng social media accounts ko?
To Achlys:
"Hi, Achlys, slr, ngayon lang ako nakapag-online. Follow back kita right away."
From Achlys:
"Umuwi kana ba, Little angel?"
To Achlys:
"Hindi, bumalik ako rito sa office, kasi may aayusin pa ako ritong kalat, ikaw ba, umuwi kana?"
From Achlys:
"Mamaya na, may tatapusin pa ako rito sa Cyrene, kita na lang tayo mamaya, bandang 7 PM sa parking lot."
To Achlys:
"Eh, may aayusin pa ako mamayang 7 PM, eh."
From Achlys:
"Oo nga, magkikita pa rin naman tayo mamayang 7 PM sa parking lot. Kitakits!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano? 7 PM? Ano naman ang gagawin ko sa parking lot sa oras na iyan?
Napatingin ako sa oras na nasa ibabaw ng screen ng phone ko. Isang minuto na lang bago mag alas siyete. Napa-angat ang tingin ko sa wall clock at 30 seconds na lang bago mag 7 PM.
Makalipas ang ilang segundo nagsimula na akong mag-count down. "5... 4... 3... 2... 1..." Pagbilang ko pero lumipas ang ilang segundo ay wala pa akong naririnig na kanta.
Nang pitong segundo na ang lumipas pagkatapos mag 7 ay may narinig akong mahinang kanta. Ibang kanta ito, at hindi ito ang Danse Macabre na palagi kong naririnig kapag may papatayin na naman si Hurricane. Unti-unti ay lumalakas ang kanta at pamilyar sa akin ito dahil pangatlong beses ko na itong narinig, at ngayon ang pangatlong beses na marinig ko ito.
"Ano itong kantang naririnig natin? Bakit hindi Danse Macabre?" Tanong ni Natalia at napalingon ako sa kan'ya.