Capítulo Cincuenta punto uno (50.1)

1598 Words
Flashback. "Ah. That's Marche Slave, it was composed by Pyotr Ilyich Tchaikovsky in 1876, one of his famous composition in his time. That song was related to the celebration of Russia's Intervention about the Serbia and Ottoman War. Gusto ko lang ang kanta dahil ang ganda niya pakinggan, parang villain song sa mga classical times, same with Danse Macabre of Camille Saint-Saëns of French in 1874, 'yung palaging pinapatugtog ni Hurricane kapag may mamamatay sa Cyrene," paliwanag niya kaya mas lalo akong namangha sa alam niya. - Saktong paglapag ko ay may narinig akong mahinang tugtugin dito sa loob. Mahina ito, subrang hina pero dahil sa subrang tahimik ng paligid ay naririnig ko ang tugtuging ito. Pinakinggan ko pa ang kanta at saka ko lang narealize na galing ito sa piano. Pamilyar sa akin ang kanta at parang narinig ko na ito noon. Sinundan ko kung saan galing ang mahinang kantang iyun at dinala ako ng mga paa ko papunta sa pinto na nandito sa loob ng opisina ni Ma'am V. Idinikit ko ang aking tainga sa pintong iyun at taimtim na pinakinggan ang kanta. Kaya pala familiar 'yung kanta! Ang Marche Slave pala ito na una kong narinig mula kay Wild! At ngayon, pinapatugtog ito ni Ma'am Victoria dito sa loob! Curious lang ako, bakit kaya fan na fan si Ma'am V at Wild sa classical music? Marunong si Wild sa pagpapatugtog sa Marche Slave, at ganoon din si Ma'am V! Mahina man ang kanta pero kahit mahina ay ramdam na ramdam ko ang matinding panggigigil ng nagpiano ngayon dahil nakita ko na ito dati kung paano pinipindot ni Wild ang mga piyesa ng instrumento. End of Flashback. "Marche Slave," mahinang saad ko at napakunot ang noo ni Natalia sa sinabi ko. "Ano?" "Marche Slave ang kantang ito, narinig ko na ito na pinapatugtog ni Wild, sunod narinig ko ulit ito na pinapatugtog ni Ma'am V, at ngayon pangatlong beses ko na itong narinig, ito ang pangatlong beses na marinig ko ang kantang ito," paliwanag ko at kitang-kita ko sa mukha ni Natalia na naguguluhan siya pero unti-unting nawawala ang pagkalito niya nang biglang lumakas nang lumakas ng husto ang kanta. Hindi lang piano ang maririnig sa kanta kung hindi ay buong orchestra! Iba't-ibang instrumento na ang ginamit! Kaya mas lalong naging intense pakinggan ang kanta. "Bagong kanta ni Hurricane, kakaibang kanta, nakakapanindig balahibo," saad ni Natalia at tumayo ako mula sa inuupuan ko. "Saan ka papunta, Stella?" "May pupuntahan ako," tipid na tugon ko at aalis na sana nang biglang hawakan ni Natalia ang kamay ko. "Sandali, sasamahan kita," saad niya at tumango ako at saka ay sabay na kaming lumabas sa opisina. Pagdating namin sa labas ay nandoon sa hallway ang mga tao at punong-puno ng pagtataka ang mukha nila habang nakikinig sa kanta. "Bagong kanta ba ito ni Hurricane? Bakit mas nakakatakot pa itong pakinggan kaysa sa unang kanta niya?" Tanong ng isang babaeng empleyado sa kaibigan niya. "Kaya nga, tapos pabago-bago ang mood ng kanta, una intense tapos nagiging joyful tapos nagiging intense na naman tapos ngayon tumahimik na naman," tugon naman nung isa. "Saan ba tayo pupunta, Stella?" Nagtatakang tanong ni Natalia habang hatak-hatak ko siya papuntang elevator. "Sa parking lot, mukhang alam ko na kung saan dinala ni Hurricane ang biktima niya," malakas na tugon ko para marinig ng mga nandito sa hallway. Hindi nga ako nagkamali dahil sumunod din sila sa amin. Nagtungo kami sa elevator at ang iba ay nandoon sa kabilang elevator at bumaba na kami papuntang ground floor kung saan nandoon ang parking lot. Pati rito sa elevator ay maririnig ang kanta dahil mayroong speaker dito. Natapos na ang kanta nang makarating kami sa ika-40th floor at nag-repeat ulit ang kanta, mukhang nag-loop ito. Ilang sandali pa lang ay nakarating na kami sa parking lot at pagdating namin doon ay subrang dilim ng paligid. "Saan ba ang switch ng ilaw dito, Natalia?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko na ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang kamay. "Nandito lang 'yun banda," saad ni Natalia sabay bukas niya ng flashlight sa phone niya. Nang itaas niya ang liwanag mula sa phone niya ay saka naman bumalik ang ilaw at patuloy pa rin ang kantang naririnig namin ngayon. Hinanap namin kung saan ang bangkay at nakarinig agad ako ng malakas na sigaw ng isang babae. "May deads dito!" Sigaw ng babaeng pamilyar ang boses. "Si Achlys 'yun, 'di ba? Boses niya 'yun!" Saad naman ni Natalia. "Nandito siya? Hindi ko siya napansin kaninang kasama natin," nagtatakang tanong ko. "Hindi ko namalayan, baka sa kabilang elevator siya sumakay, tara puntahan natin!" Tugon niya sa akin at hinatak na ako ng kaibigan ko. "Achlys! Nasaan ka?!" Sigaw ni Natalia. "I'm here! Nat! I'm here!" Sigaw naman ng isang babae at napatingin kami sa kabilang banda at nakita namin siyang nagkaway-kaway sa kan'yang mga kamay, nasa likod siya ng kotse ni Wild! Dali-dali namin siyang nilapitan at nang makarating kami sa pwesto niya ay tumambad sa amin ang babaeng nakahandusay sa sahig na malapit lang sa paanan ni Achlys. Hubo't-hubad ito at nilapitan namin ni Natalia ang babae at napasapo na lang si Natalia sa kan'yang bibig nang makita namin ang bugbog saradong mukha ng babae. "K-Kennethly..." Mahinang saad ni Natalia at napatingin ako sa buong katawan ng babae at subrang daming pasa at namumuong dugo sa kan'yang katawan. Mukhang binugbog siya ng husto at naging dahilan kaya namatay siya. Marami ring dugo sa kan'yang pagkab-bae at hanggang ngayon ay umaagos pa rin ang matinding dugo sa pribadong parte ng kan'yang katawan. Sa kan'yang dibdib naman ay mayroong nakasaksak na rosas at may isang piraso ng puting papel na nakadikit sa petals ng rosas. Yumuko ako at kinuha ang nakasaksak na bulaklak sa kan'yang dibdib at napatingin ako sa tangkay ng bulaklak at mayroong naka-ukit na mga numerong 7,756. Kinuha ko ang nakadikit na papel sa petals at tiningnan ko ito. "26..." Mahinang basa ko sa mga numerong nakasulat sa isang piraso ng maliit na papel. Napatingin ako kay Natalia na ngayon ay nakatingin sa screen ng phone niya at nag-type doon. "Ano'ng mayroon d'yan?" Kunot-noong tanong ni Achlys sabay silip sa papel na hawak-hawak ko. "26? Anong mayroon sa 26? At bakit may namatay rito? Tapos kanina lang may narinig din akong kanta, ano ba ang nangyayari dito sa Cyrene? Sino ba ang pumatay sa babaeng ito?" Sunod-sunod na tanong ni Achlys kaya napatingin ako sa kan'ya. "Kalma muna, masasagot din 'yang mga tanong mo maya-maya, kailangan na muna naming ayusin itong problemang ito," paliwanag ko kay Achlys at tumango naman siya at ibinalik ulit ang atensyon sa babaeng nasa paanan namin. "18, 26, 14, 8, 7, 22, 15, 15, at 26, mayroon na tayong nakolektang siyam na mga numerong sinusulat ni Hurricane sa papel," saad ni Natalia at napatingin naman ako sa kan'ya. "Anong mayroon sa mga numerong binanggit mo, Nat? Magsosolve ba tayo ng mathematical problem? Matalino ako sa math, baka makatulong ako," suhestyon ni Achlys. "Feel ko hindi math ito, Achlys, code ito, pero hindi namin alam kung anong code ito at saan namin ito gagamitin," saad naman ni Natalia kaya napabagsak na lang si Achlys sa balikat niya. "Ay code? Mahina ako sa gan'yan, hindi ko alam paano 'yan, eh," saad naman ni Achlys at natuon ang atensyon ko sa lalaking tumatakbo papunta sa amin. Si Wild! Nandito na siya! "Sir!" Tawag ko kay Wild at nakarating na siya sa pwesto namin. Umatras naman ng kaunti si Achlys at napalingon naman si Wild sa kan'ya, mukhang unang pagkikita pa nila ito. "Anong nangyari? Narinig ko ang Marche Slave na pinapatugtog kanina, hindi na Danse Macabre ang kantang pinapatugtog ni Hurricane," saad ni Wild sabay balik ng atensyon niya sa amin ni Natalia at palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng kaibigan ko. "Sir, mukhang binugbog ang babae kaya namatay ito," saad ko at napatingin naman si Wild sa paanan niya kung saan nakahandusay ang babae. Pinagmasdan niya ang hubo't-hubad na katawan ng babae. "Tama ka nga, tort-re ang ikinamatay niya," saad ni Wild at tumingin sa akin. "Paano niyo nalamang nandito ang biktima ni Hurricane? At sa likod pa talaga ng kotse ko?" Hindi makapaniwalang saad ni Wild at kumunot ang noo niya sabay tingin sa kotse niya na sinakyan namin kanina. "Si Achlys, Sir, siya ang nakakita sa bangkay," saad ni Natalia kaya kumunot ng husto ang noo ni Wild. "Achlys?" Hindi makapaniwalang saad ni Wild at ngumuso naman si Natalia at itinuro si Achlys na nasa likuran ni Wild. "Siya po," nakangusong saad ni Natalia kaya napalingon si Wild sa likuran niya. "Ikaw si Achlys? Achlys ang pangalan mo?" Pagkompirma ni Wild at tumango naman si Achlys. "Sino ang nagpangalan sa 'yo? Sino ang nagbigay ng gan'yang pangalan sa 'yo?" Naguguluhang tanong ni Wild kaya napakunot ang noo ko. Bakit parang big deal sa kan'ya ang pangalan ni Achlys? May ibig sabihin ba ang pangalan niya? Kaya gan'yan na lang ang reaksyon ni Wild nang marinig niya ang pangalang Achlys? "Yung lolo ko po, siya ang nagpangalan sa akin nito. Ano po ba ang problema niyo sa pangalan ko? Kahapon pa kayo hindi naniniwala na Achlys ang pangalan ko, ah, sa HR pa lang kakaiba na ang tingin ng mga interviewer sa akin nang mabasa nila ang pangalan ko," nalilitong saad ni Achlys kaya napabuga na lang si Wild ng hangin. "If you know its meaning, maiintindihan mo kung bakit. I need to clean this mess, excuse me," malamig na tugon ni Wild at saka ay binalik ang tingin sa babaeng nakahandusay sa paanan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD