|༺☬༻|
Pagod na pagod akong umuwi sa apartment ko. Alas onse na ng gabi nang makahiga na ako sa aking higaan. Kinuha ko ang phone ko at nagtungo ako sa conversation namin ni Achlys kanina.
From Achlys:
"Hi, Little angel! Ang famous mo pala sa lahat ng social media accounts mo, akala ko gagawin mo akong isa sa mga followers mo rito. Follow back mo rin ako sa ibang mga social media accounts mo, salamat!"
To Achlys:
"Hi, Achlys, slr, ngayon lang ako nakapag-online. Follow back kita right away."
From Achlys:
"Umuwi kana ba, Little angel?"
To Achlys:
"Hindi, bumalik ako rito sa office, kasi may aayusin pa ako ritong kalat, ikaw ba, umuwi kana?"
From Achlys:
"Mamaya na, may tatapusin pa ako rito sa Cyrene, kita na lang tayo mamaya, bandang 7 PM sa parking lot."
To Achlys:
"Eh, may aayusin pa ako mamayang 7 PM, eh."
From Achlys:
"Oo nga, magkikita pa rin naman tayo mamayang 7 PM sa parking lot. Kitakits!"
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang chat namin kanina. Paano niya nalamang magkikita kami sa parking lot bandang 7 PM?
Hindi ba kaya... Nandoon na siya sa parking lot kanina? Hindi ko siya napansin kanina nang bumaba kami sa elevator.
Agad akong napabalikwas ng bangon nang marealize ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ay alam niyang magkikita talaga kami sa parking lot. Kanina nung naguguluhan si Natalia kung saan ko siya dadalhin, pumasok na agad sa isip ko na sa parking lot nilagay ni Hurricane ang biktima niya dahil sa sinabi ni Achlys na magkikita kami sa parking lot sa oras na 'yun.
Flashback.
"If you know its meaning, maiintindihan mo kung bakit. I need to clean this mess, excuse me," malamig na tugon ni Wild at saka ay binalik ang tingin sa babaeng nakahandusay sa paanan namin.
End of Flashback.
Ano'ng ibig-sabihin ng pangalan ni Achlys? Nagtungo agad ako sa browser para mag-search.
"Ach... lys..." Saad ko habang nagtitipa at napatingin ako sa mga suggested searches or related searches. Ang mga suggested searches ay; "Achlys Name Meaning", "Goddess Achlys", "Greek Goddess Achlys", at "Achlys pronunciation".
Pinindot ko ang "Achlys Name Meaning" at tumambad agad sa akin ang ibig sabihin ng pangalan niya na ikinakunot ng noo ko.
"The name Achlys is a girl's name meaning "dark mists". The personified spirit of death mists, the clouding of the eyes preceding death—Achlys also may have been a goddess of deadly poisons," basa ko sa unang result na tumambad sa akin. Nagtungo pa ako sa iba't-ibang website para maghanap pa ng ibang result.
Kahit ano-ano na ang nababasa ko at ang lahat ng 'yun ay puro 'Goddess of Death', 'Demon of Death', 'Goddess of the Eternal Night', 'Spirit of Misery and Sorrow', at marami pang iba na related sa gan'yan. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Wild kanina nang marinig niya ang pangalang Achlys, so alam niya pala ang ibig sabihin sa pangalang ito?
So, kapag binabanggit ko ang name ng babaeng 'yun, para lang akong tumatawag ng dëmonyo, wow! Napa-iling na lang ako sa mga iniisip ko. Mabuti pang matulog na lang dahil maaga pa ako bukas.
|༺☬༻|
General POV
Kinabukasan. Kasalukuyang naglalakad si Danezza habang dala-dala ang isang brown envelope at saka ay huminto siya sa isang pinto at kumatok rito. Ilang sandali ay binuksan niya ito at pumasok sa loob.
Pagpasok niya ay naabutan niya ang boss niyang si Ace at ang mga kaibigan nito na nakatungo at nakapatong ang kani-kanilang nga siko sa kanilang mga tuhod. Mukhang problemadong-problemado ang mga mukha ng sampo habang nakatulala at naka-upo sa couch at walang imikan na nangyayari sa kanilang lahat.
"Ehem," tikhim ni Danezza kaya napalingon si Ace at Travis sa kan'ya. "Mister Hudson, nakuha ko na po ang autopsy ni Kennethly," saad ni Danezza sabay abot sa brown envelope kay Travis.
Tinanggap naman ito ng lalaki dahil autopsy ito ng right hand o assistant niyang si Kennethly. Binuksan niya ang envelope at saka ay kinuha ang mga papel na laman nito at binasa ang mga nakasulat.
"Can you read it, Travis? Gusto kong malaman kung ano ang findings ng doctor sa katawan ni Kennethly," panghihingi ng pabor ni Emmanuel kaya napatango naman si Travis at tumikhim.
"S-xual Ass-ult, Tort-re, Blood clots, skull fracture, tapos sabi rin dito na nilagyan din ng matulis na bagay ang pribadong parte ng katawan ni Kennethly, matigas na bagay ang mga pinapalo sa kan'yang katawan, matigas na bagay din ang ipinukpok sa kan'yang ulo. She was tort-red to death, Emmanuel," saad ni Travis kaya napahilamos na lang si Emmanuel sa kan'yang mukha.
"Bwesit! Bwesit! Hayop ka, Hurricane! Hayop!" Sigaw ni Emmanuel at hinampas niya ang kan'yang kamao sa lamesa kaya tinapik ni Matthew ang balikat niya.
Napakagat si Emmanuel sa ibabang labi niya at hindi niya maiwasang maluha sa narinig niya. "Kung makakaharap ko lang talaga ang hayop na 'yan, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya, hayop!" Sigaw niya at hinampas ulit ng kamao niya ang lamesa.
"Is this the p*****t of what we did to Cyrene? Hindi ba kaya ay naghihigante si Hurricane sa atin dahil sa nangyari sa Cyrene?" Saad naman ni Lorean.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Kingstone.
"Look, napapansin niyo ba? Alam kong napapansin niyo talaga na lahat ng biktima na pinatay ni Hurricane ay mga tauhan natin, simula pa noong January 1 sa taong ito. Pinapatay rin ni Hurricane ang lahat ng pamilya at kamag-anak ng mga espiya natin na pinapadala natin sa loob ng Cyrene, their families, our spies' families were innocent, pero dinadamay sila ni Hurricane, wala siyang tinitirang buhay sa kanila. Last night, after the death of Kennethly, nabalitaan din natin na may mass-cre na nangyari sa pamilya niya sa Zamboanga, at walang tinirang buhay si Hurricane kahit isa sa bahay ng family ni Kennethly. That is what happened to Cyrene Family, they were mass-cred," paliwanag ni Lorean kaya nagkatinginan naman silang lahat sa isa't-isa.
"So it means, binabalik ni Hurricane ang lahat sa atin, a karma, a bad karma," saad naman ni Yoshida at napatango si Lorean.
"Exactly, that is how Hurricane does. Kung ibabase natin sa totoong bagyo, hindi mabubuo ang isang Super Typhoon kung hindi mainit ang panahon, then the factors that affects the tremendous heat of the sun are the people in this planet, hindi naman makaka-experience ng matinding init ang mundo kung walang factory, walang deforestation, walang human-made na pagkasunog sa mga kagubatan. Pero dahil sa mga tao, dahil patuloy silang nagsusunog, nagpuputol ng puno, nagpapalabas ng mga usok sa kani-kanilang mga factories at vehicles, mas lalong tumindi ang init ng panahon, at dahil sa subrang init ng panahon ay nabubuo ang isang Super Typhoon, at ang Super Typhoon ang gumaganti sa lahat ng mga masasamang ginawa ng mga tao sa mundo, kaya pati ang mga inosenteng mga tao na gumagawa ng mabuti sa mundo ay nadadamay," paliwanag ni Lorean kaya napapitik si Ace sa mga daliri.
"Exactly! It makes sense now, kaya pala Hurricane ang pangalang ginamit niya, dahil kung ibabase natin ito sa totoong buhay, para siyang isang super typhoon. After what we did to Cyrene, this is the karma we received, binigyan tayo ng isang Super Typhoon na signal number 100," sang-ayon naman ni Ace.
"Then, mukhang tayo na siguro ang isusunod? Shall we generate a plan now? Kung paano natin kalabanin si Hurricane?" Suhestyon naman ni Eunice.
"You can't defeat a raging flame of Super Typhoon, Eunice, kung subrang lakas ng bugso nito at mabilis ang paggalaw niya, pero maraming unos na dala, hindi natin mapipigilan iyan, all we can do right now ay ang mahuli si Hurricane at tayo mismo ang pipigil sa takbo niya para hindi siya mag-landfall sa atin, that'll be the worst thing to happen, ang mag-landfall siya sa mismong harapan natin," saad naman ni Shane kaya napabuntong-hininga na lang si Eunice.
"Then, paano natin mahuhuli si Hurricane kung subrang dami namang mga Low Pressure Area na nakapaligid sa kan'ya?" Kunot-noong tanong ni Yoshida.
"Then, uunahin natin ang mga LPA bago natin pugsain ang Super Typhoon," saad naman ni Ace.
"As if kung matatalo talaga natin sila," nagdadalawang-isip na saad ni Eunice.
"We don't have to worry about that, we have the 'Ndrangheta, they can help us to defeat the Nebuchadnezzar, kung hindi natin kaya, then ipangbato natin ang 'Ndrangheta laban kay Hurricane," saad naman ni Ace.
"Then, let's call the 'Ndrangheta for additional men and call the Nebuchadnezzar for new encounter, iharap natin ang dalawang grupo at hayaan natin silang magpatayang dalawa. Muntik ng maubos ng Nebuchadnezzar ang mga tauhan natin sa huling encounter natin sa kanila, kaya manghingi tayo ng tulong sa 'Ndrangheta," suhestyon naman ni Kingstone.
"Exactly! Iyan din ang naisip ko!" Natutuwang saad ni Ace.
|༺☬༻|
"It looks like they were plotting something," natatawang saad ni Hurricane habang umiinom ng alak sa baso niya at prenteng naka-upo sa trono niya na gawa sa purong ginto.
Naka-cross pa ang mga hita niya sa isa't-isa at nakasandal ang likod sa sandalan ng upuan niya. Naka-spread naman ang mga braso niya habang ang isang braso ay bahagyang nakabaliko dahil may hawak itong baso ng alak na kasalukuyan niyang iniinom.
"Yes, Your Majesty, so ano ang plano mo ngayon laban sa kanila? Hindi naman p'wedeng ilaban ang 'Ndrangheta at Nebuchadnezzar dahil iisa lang naman ang grupong ito, we're just fooling these ten stupid idiots, at napaniwala natin silang magkaibang grupo ang 'Ndrangheta at Nebuchadnezzar," saad naman ni Heavens habang nakatayo siya malapit sa hagdanan paakyat sa trono ni Hurricane.
"Well, may plano na rin naman ako laban sa kanila. The power of money and technology against these ten minions," naka-ismid na saad ni Hurricane sabay inom sa alak niya.
"Heavens and Hellions, use your skills and ability in manipulating the technology, sisimulan na natin ang paglagay ng anay sa bahay nila at ito ang uubos sa kanila, para isang daan ko lang sa harapan nila ay tiklop agad sila," saad ni Hurricane sa dalawang lalaki.
"Yes, Your Majesty!" Sabay na sagot ng dalawang lalaki at sabay rin silang yumukod sa harapan ni Hurricane at tumalikod na sila at umalis.
"Susunod lang ako sa inyo mamaya para pag-usapan nating tatlo ang plano ko," huling saad ni Hurricane bago tuluyang nakalabas ang dalawang lalaki sa malaking bulwagan ng Casa de Sheol.
"Mukhang interesting 'yang plano mo ngayon, Your Majesty, I can't wait," natutuwang saad naman ni Heidi.
"Of course, my Consigliere, every plan I generate are exciting and intimidating," naka-ismid na tugon ni Hurricane sa babae.
Author's Important Note: Follow me on my Spótify Account, zt_cvx, and listen to the playlist of ACHLYS: “HUSH!” ['NDRANGHETA SERIES: UNO]. Do follow my Facéboók Account, Zetian Carvelaux to stay updated about this book. Have a nice day ahead!