Capítulo Trece punto dos (13.2)

1400 Words
"Now, leave," malamig niyang tugon nang matapos ko na basahin ang schedules niya at tinalikuran na niya ako at lumakad siya papunta sa table niya at umupo sa swivel chair niya. Tiningnan ko pa siya at matalim na tingin ang ibinato niya sa akin. "Now, LEAVE!" Malakas niyang sigaw kaya nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa gulat dahil parang kulog na umalingawngaw ang boses niya sa buong opisina niya. Hindi na ako umangal pa at mabilis akong lumabas ng opisina at napasandal agad ako sa pinto nang maisara ko na ito at hinihingal akong himas-himas ang dibdib ko dahil sa kaba. |༺☬༻| Ilang oras ang nakalipas. Madali ko lang natapos ang buong trabaho ko sa buong araw at nag-aantay na lang ako mag-alas siyete ng gabi para makapag-out na rin kami. Isang minuto na lang ang aantayin bago mag-7 pm. "10... 9... 8... 7..." pag-countdown ko at taka namang napatingin si Natalia sa akin. "4.. 3... 2... 1..." patuloy ko at nag-snap sa daliri ko at kasabay nu'n ang pagtunog ng kanta. Bumuntong-hininga na lang si Natalia. "Ayaw ko ng lumabas, bahala na sila riyan na magkagulo, pagod na pagod na ako sa ganitong sitwasyon," pagod na saad ni Natalia at humikab. Rinig na rinig mula rito sa loob ang pagkakagulo ng mga tao sa hallway. "Kaya nga, nakakasira na talaga ng beauty itong kabaliwang ginagawa ng Hurricane na 'yan, wala bang ibang twist d'yan, Hurricane? Masyado ng common 'yung ginagawa niya," naiinip na saad ko at sumandal na sa swivel chair ko. "Tama, tama, masyado ng common 'yung..." saad ni Natalia at hindi na natuloy ang sasabihin niya nang biglang may sumigaw ng subrang lakas sa labas ng opisina namin. Agad kaming napatayo ni Natalia dahil sa malakas na sigaw na 'yun. Dali-dali kaming lumabas ng opisina at tumingin sa nagkakagulong mga tao sa hallway. Bakit dito sila nagkakagulo? Nagmumukha ng giraffe ang leeg ko kakainat para makita ang kung ano man ang nakikita nila sa unahan at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong may pugot ng ulo ng isang babae ang nandoon sa hallway at nakabuka pa ang mga mata nito at parang nakatingin pa sa akin. Napaduwal na naman ako dahil sa nakikita ko. Nasaan ang katawan ng babaeng 'yun? Patuloy ang pagsuka ko sa pader ng hallway habang hinahagod naman ni Natalia ang likuran ko. Sa pagsuka ko ay may nahagip ang mga mata ko kaya dahan-dahan akong lumingon sa pinakadulo ng hallway kung saan ay walang tao dahil nasa pwesto namin ang lahat ng tao. May nakita akong matangkad na tao na nakatayo sa pinakadulo ng hallway at nakayuko ito at may suot na itim na hood at mahabang kapa sa likod at katabi niya ay ang hubo't-hubad na katawan ng babae na naliligo sa dugo at wala itong ulo. Nanlaki ang mga mata ko habang dahan-dahang itinaas ang kamay ko para ituro ang taong nakatayo sa kabilang dulo ng hallway. Agad sinunod ni Natalia ang turo ko at napasuka ulit ako. Isang malakas na sigaw mula kay Natalia ang kumuwala mula sa bibig niya kaya napatingin ulit ako sa tinuro ko ngunit wala na roon ang taong nakatayo at naiwan na lang doon ang hubo't-hubad na katawan ng isang babae na walang ulo. Agad natuon ang atensyon ng lahat sa kabilang dulo at lahat sila ay gulat na gulat dahil sa nasaksihan nila at ang iba naman ay nasusuka na sa nakikita nila. "Sino bang lapastangan ang gumagawa nito?" Hinihingal na saad ko at dumuwal ulit sa pader. Hindi ko talaga kaya ang ganitong mga eksena. Bakit ba ako napunta sa lugar na ito? Kakasabi ko lang na sana ay maiba naman itong si Hurricane, ayan, naiba nga at ito naman ang ginawa niya. Baliw na talaga ang taong ito, hindi, hindi siya tao, isa siyang halimaw, mas masahol pa sa halimaw, hindi, isa siyang demonyo. |༺☬༻| Ilang minuto ang nakalipas. Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kani-kanina lang. Lalo na 'yung taong nakatayo sa tabi ng pugot-ulong katawan ng babae. "Nakita ko si Hurricane," walang emosyong saad ko at napatingin si Natalia sa akin. "Nakita mo siya? Kailan? Saan?" Natatarantang tanong ng kaibigan ko sa akin. "Kanina, katabi siya nung katawan nung babae kanina, pero bigla lang siyang nawala," saad ko at muntik na namang masuka dahil pumasok sa isip ko ang katawan ng babae kanina. Bigla na lang may pumasok na hindi ko kilalang babae at umiiyak siya. Agad siyang lumuhod sa harapan namin ni Natalia kaya agad siyang nilapitan ng kaibigan ko at pinatayo. "Eloisa, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Natalia sa babae. "Si Chell, gusto ko ng i-report sa police ang lahat ng nangyayari rito, kaibigan ko si Chell," umiiyak na sabi nung Eloisa. Agad akong napatingin sa kan'ya nang sabihin niya 'yun at pilit na pinapatikom ni Natalia ang bibig ng babae. "Manahimik ka, baka marinig ka ni Ava," saad ni Natalia at napatingin naman ako sa isang kasamahan namin na nagce-cellphone lang sa hindi kalayuan. Kasi kung marinig ni Ava, baka magsumbong siya kay Ma'am Victoria. "Pero hindi ko na kaya, pati ang kaibigan ko ay dinamay na ng walang hiyang Hurricane na 'yun," naiiyak na saad ni Eloisa. Agad-agad tumayo ang babae. "Patayin man ako, pero magsusumbong ako, mahanapan ko lang ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko," matigas na saad ni Eloisa at umalis na agad sa opisina. "Eloisa! Eloisa! Bumalik ka rito!" Pagsisigaw ni Natalia. "Hayaan niyo na siya kung gusto niya mamatay," malamig na tugon ng isang babae kaya sabay kaming napalingon ni Natalia kay Ava na ngayon ay nakatitig pa rin sa cellphone niya. Padabog na nag-martsa si Natalia papunta kay Ava at agad niya itong sinabunutan. "Ano?! Ano?! Isusumbong mo si Eloisa sa magaling at bruha mong Boss, ganoon?" Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanilang dalawa. Tumayo naman si Ava at sinabunutan niya si Natalia. "Oo! Bakit?! Isa sa mga rule niya rito sa kompanya ay ang manatiling tahimik mula sa awtoridad sa lahat ng ganap dito! Lalo na kapag sa araw ng pagpatay ni Hurricane sa mga empleyado rito!" Pagsisigaw ni Ava kaya pinaghiwalay ko na silang dalawa. "Magsitigil na nga kayo?!" Galit na saad ko sa kanila kaya sabay na napatingin ang dalawa sa pagsigaw ko. "Hindi maaayos ang problemang ito kung pag-aawayan lang natin ito! Masyado ng malala ang nangyayari sa loob ng kompanya at hindi na kaya ng konsensya ng bawat tao, pati na rin ako sa mga nangyayari rito! Kung hindi lang ako kinakain ng takot mula kay Hurricane at kay Ma'am Victoria ay hindi na ako magdadalawang isip na magsumbong sa awtoridad!" Inis na sigaw ko sa kanilang dalawa. Marahas na pinahid ni Ava ang mga luha niya at binunggo niya ang balikat ni Natalia at mabilis na umalis sa opisina. "Hoy! Hoy! Saan ka pupunta!" Sigaw ni Natalia at sinundan si Ava palabas kaya sumunod na lang din ako sa kaibigan ko. Naabutan namin si Ava na pumasok na sa elevator kaya hindi na namin siya naabutan nang makarating na kami sa harap ng elevator. Mabilis na pinindot ni Natalia ang button para bumukas ang elevator pero hindi pa rin ito bumukas kaya malakas niyang tinadyakan ang elevator dahil sa inis. Napasabunot siya sa ulo niya at napaiyak na lang ng husto. Bigo kaming bumalik sa opisina namin. Hindi namin alam kung saan kami patutungo. Alas diyes na ng gabi at napagdesisyunan na namin ni Natalia na umuwi na lang dahil tahimik na ang buong paligid. Tumayo na ako at saka ay nagtungo sa pinto ng opisina at binuksan ito. Nasapid na lang ako sa kung ano man ang nakaharang sa daanan ko kaya napatingin ako rito at may isang maleta na nakatumba ang nandoon. Kulay itim ito kaya napakunot ang noo ko. "Nat, tingnan mo nga, may bag dito sa pinto, eh," tawag ko sa kaibigan ko kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko at tiningnan ang bag na nasa paanan namin. "Kanino 'to?" Takang tanong ni Natalia at binuksan ang bag. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang makita kong may babaeng nandoon sa loob ng bag na 'yun at parang pinilit talaga na ipasok ito rito, at alam kong bali-bali na ang buto nito sa katawan. Pero may isang bagay ang naka-agaw sa atensyon ko, ang Black Bacarra Rose ni Hurricane na nakatusok sa tagiliran ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD