Capítulo Trece punto uno (13.1)

1476 Words
Isa-isang lumilipad ang mga nasibak na kahoy sa bakuran ng bahay namin. Titig na titig ako sa lalaking pawisan at topless. Nanalaytay ang pawis sa magulo niyang buhok pababa sa balikat niya papunta sa malapad niyang dibdib pababa sa matitigas niyang abs. Kalami! Bawat taas at bawat pako niya sa palakol sa mga kahoy na sinisibak niya ay gumagalaw ang kan'yang mga biceps at naglalabasan at bumabakat ang mga ugat niya sa kan'yang balat. Isang sibak lang niya sa mga kahoy ay nahahati na agad ito at tinatapon niya ito sa mga nagkumpulang mga kahoy sa bakuran namin na sinibak niya kanina. Umayos siya ng tayo habang ang isang kamay niya ay may hawak na palakol at pinadulas niya ang kan'yang kabilang malapad na palad sa kan'yang magulo at basang buhok papunta sa likod niya at tumutulo ang pawis niya mula sa kan'yang buhok papunta sa makinis niyang likod. Naka-sideview siya mula sa akin at humaharap lang siya ng bahagya sa direksyon ko kapag tinatapon na niya ang mga nasibak na kahoy. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang kababaihan na dumadaan sa harap ng bahay namin dahil nasa tabing kalsada lang ang tinayuan ng bahay namin. Kinukuhanan nila ng picture si Sir Wild at wala lang paki-alam ang lalaki sa kanila at pinagpatuloy niya ang pagsisibak ng kahoy. Ewan ko ba sa lalaking 'yan, nagboluntaryo kasi siya na magsibak ng kahoy kaya ayan, napasibak tuloy. Masama kong tiningnan ang mga babaeng kinikilig habang pinapanood si Sir Wild. Sarap tirisin ng mga mata! Nakakainis! Agad natumba ang isang bike at ang sakay nitong babae sa kalsada nang lumingon siya sa kinatatayuan ni Sir Wild. Ayan, deserve! Gigabaan ang igat! Bakit kasi sa gilid tumitingin at hindi sa harap, ayan! Ayan! Tanga-tanga parang ako, ay mali. Ah basta! Deserve sa kan'ya 'yan! "Tutok na tutok, ah, matunaw 'yang Sir mo," natatawang saad ni Mama. Hindi ko na siya namalayan na umupo na pala rito sa tabi ko. "Pasikat kasi, Ma, pasagdan na lang nato, (hayaan na lang natin)" tugon ko at bumuntong-hininga habang masama pa ring tinitingnan ang mga babae. Nabaling ang atensyon ko ulit kay Sir Wild at namula na lang bigla ang pisngi ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin habang naka-ismid pa ang labi niya. Teka help! Masyado siyang hot sa ginagawa niya. Umiinit ang katawan ko kahit medyo malamig dito. Ilang sandali pa ay natapos na rin sa pagsisibak si Sir Wild at pawis na pawis siyang lumapit sa harapan namin ni Mama at inabot ni Sir ang palakol kay Mama at tinanggap naman niya ito. Tumayo si Mama mula sa tabi ko at saka ay umalis at pumasok ulit ng bahay. Iniabot ko rin kay Sir Wild ang isang towel pero hindi niya ito tinanggap at matalim lang ang tingin niya sa akin. "Pahiran mo ang katawan ko, madumi ang kamay ko, baka madumihan pa 'yang towel," nakangising saad niya kaya inirapan ko siya at tumayo mula sa inuupuan ko at una kong pinatuyo ang basa niyang buhok pababa sa pisngi niya at napatingin ako sa mukha niya na matamang nakatingin lang sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya unti-unti na naman akong nalulunod sa mesteryosong kulay karagatang mga mata niya. Gustong-gusto kong sisirin ang nakatago sa likod nitong bughaw na mga mata niya at kilalanin ang halimaw na naninirahan sa madilim at malalim na parte ng kulay karagatang mga mata niya. Pababa ang pagpahid ko ng towel papunta sa leeg niya pababa sa balikat pababa sa kan'yang malapad na dibdib pababa sa kan'yang matitigas na 8 packs na abs. Naiilang na ako sa malagkit niyang titig kaya binaling ko na lang ang tingin ko sa mga babae na nasa kalsada na naiinis ang pagmumukha nila. "Don't look at them, look at me, Blondie," pabulong na saad niya kaya napatingin agad ako sa kan'ya dahil sa malalim niyang boses. Nagulat na lang ako nang sakupin ng mapupula niyang labi ang labi ko at bahagya siyang dumikit ng kaunti sa akin kaya napakapit ako ng mahigpit sa dala-dala kong towel na nakadikit pa sa matigas niyang tiyan. Naghiwalay naman agad ang labi namin at agad siyang umismid sa akin. Bahagya ko siyang tinulak para lumayo sa akin at baka maabutan pa kami ni Mama. "Ang lagkit mo, maligo kana nga roon," kunot-noong saad ko at ngumuso sa kan'ya sabay bato ko sa towel na dala ko na agad naman niyang sinalo. |༺☬༻| Kinahapunan. Alas tres na ng hapon at naghanda na ako sa sarili ko kasi aalis na kami ni Sir Wild. Niyakap ko si Mama para makapagpaalam na. "Salamat sa pagbisita, 'nak," nakangiting saad ni Mama nang maghiwalay na kaming dalawa. "Dal-on ka nako sa Manila, Ma, next time, (Dadalhin kita sa Manila, Ma, next time)" nakangiting tugon ko. "Saka na, amping mo, ah! (mag-ingat kayo, ah!)" Saad ni Mama at hinalikan niya ako sa pisngi. "Here," malamig na saad ni Sir Wild kaya agad natuon ang atensyon ko sa kan'ya pababa sa kamay niya na may hawak na maliit na envelope na ini-abot niya kay Mama. "Ano ito, Sir?" Takang tanong ni Mama sa lalaki. "That's 1 Million pesos check, ayusin niyo ang bahay ninyo at magsimula kayo ng negosyo rito, at ang natira ay ilagay niyo lang sa bangko dahil ako na ang maghulug-hulugan doon buwan-buwan," diretsong tugon ni Sir Wild na ikinanganga ni Mama. "Po? Seryoso? Nakakahiya naman, Sir, pinagsibak ko kayo ng kahoy kanina tapos pumunta pa kayo rito kahit subrang layo," nahihiyang saad ni Mama. "Kukunin niyo o kukunin ninyo? Nagngangalay na po ang kamay ko," malamig na tugon ni Sir Wild kaya hindi na umangal pa si Mama at kinuha niya agad ang maliit na envelope at isinuksok agad ni Sir Wild ang kabilang kamay niya sa bulsa niya at tinalikuran na kami. Sinundan namin siya ng tingin ni Mama at nauna na siyang pumasok sa kotse niya. "Ma, molakaw nami, ha? Amping sad nganhi, (Ma, aalis na kami, ha? Mag-ingat ka rin dito)" habilin ko sa Mama ko at niyakap ko siya ng mahigpit ulit. Naalarma agad kami ni Mama sa busena ng kotse ni Sir Wild kaya agad kaming naghiwalay ng yakapan ni Mama sa isa't-isa at kinintilan ko siya ng halik sa noo niya at tinalikuran ko na siya. Pumasok na ako sa kotse ni Sir Wild at saka ay tumingin ako sa bintana at nakita ko si Mama roon na nakatayo sa bakuran ng bahay namin at kinawayan ko siya. Kumaway naman pabalik si Mama sa akin at umandar na ang kotse at umalis. Ala una ng madaling araw kami ni Sir Wild nakarating sa Quezon City at hinatid na niya ako sa apartment ko. Pagod na pagod ang katawan kong ibinagsak ito sa higaan at nakatulog na rin ako agad kahit hindi pa ako nagbihis ng pantulog dahil sa pagod na kumakain sa buong katawan ko. |༺☬༻| Inip na inip akong bumangon nang mag-alarm na ang alarm clock ko. Inaantok at pagod na pagod pa rin ako pero pilit ko pa ring bumangon para makapasok sa trabaho. March 1 na ngayon, at alam ko mamayang gabi ay magkakagulo na naman sa opisina, another stress at another patay na naman ang kahaharapin. Iwinaksi ko na agad ang antok at mga negatibong pumasok sa isip ko at saka ay naligo na para makapaghanda na ako ng sarili ko. Pagod na pagod akong dumating sa opisina at idinukdok ko ang ulo ko sa lamesa. Nakakapagod. Agad akong nagising dahil sa pagtapik ng kung sino man na nanggulo sa mahimbing kong tulog. Humikab ako at nag-inat ng katawan at inangat ang tingin ko sa kung sino man ang tumapik sa akin. "Bruha ka, inis na inis si Sir Wild nung makita ka niyang natutulog dito, hindi kana niya ginising, 'yung mga schedule at appointment niya raw ibigay mo na," saad ni Natalia sa akin kaya agad akong tumingin sa orasan ng cellphone ko at 8:36 na pala ng umaga! Agad-agad akong tumayo at dali-daling kinuha ang tablet na nasa table at mabilis na lumabas ng opisina. Nagtungo ako sa elevator at pinindot ang ika-109 na floor kung saan nandoon ang opisina ni Sir Wild. Ilang segundo lang ay nakarating na rin ako sa taas at patakbo kong tinungo ang opisina ni Sir Wild at kinatok ko muna ito bago ko binuksan ang malaking pinto. Bumungad agad sa harapan ko pagpasok ko ang matalim na tingin ni Sir Wild sa akin. Agad naging abnormal ang t***k ng puso ko nang magtama agad ang mga mata namin. Nang makita ko na ang bughaw niyang mga mata na handa na akong lunurin sa pinakamalalim na parte ng karagatan. "S-Sir," kinakabahang saad ko. "Give me my schedule! 36 Minutes akong nakatunganga rito at walang ginagawa!" Inis na saad ni Sir sa akin kaya dali-dali kong binuksan ang tablet ko at isa-isa kong binasa ang mga appointment niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD