Capítulo Catorce punto uno (14.1)

1223 Words
Agad kong tinawagan ang numero ni Sir Wild pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. Naiiyak na ako rito habang nakatingin sa bali-baling katawan ni Eloisa na nasa loob ng hindi masyadong malaki na maleta. "Teka, si Sir Gideon tatawagan ko, baka hindi pa siya umuwi ngayon," saad ni Natalia at saka ay kinuha na niya ang cellphone niya at nagtipa na ng numero at tinawagan ito. "Sir, may isa pa pong pinatay si Hurricane dito, nandito ang bangkay niya sa harapan ng pinto ng opisina namin," naiiyak na saad ni Natalia. "Sige po, sige po, maraming salamat, Sir," naluluhang patuloy niya at saka ay nagbabaan na sila ng tawag ng Boss niya. "Tama talaga ang kutob ko, alam kong si Ma'am Victoria at si Hurricane ay iisa," mariing saad ni Natalia. "Pero hindi pa tayo totally na nakakuha ng proof na iisa lang si Ma'am Victoria at si Hurricane hangga't sa hindi natin mahuhuli si Hurricane at alamin ang mukha niya," saad ko naman. "So ano ang gagawin natin para mahuli natin siya? Eh, hindi nga natin alam kung saan natin siya hahanapin sa kompanyang ito, eh," kunot-noong saad ni Natalia at napa-angat ang tingin niya sa akin. "Planuhin natin, magtulong-tulong tayo, alam kong marami ng tao rito sa Cyrene ang gusto ng mahuli si Hurricane, kaya mag-plano tayo ng p'wedeng gawin para mahuli natin siya," suhestyon ko at napa-isip naman siya. "Natalia, Stella," boses ni Sir Gideon ang umagaw sa atensyon naming dalawa ni Natalia sa isa't-isa at sabay kaming napalingon kay Sir Gideon na naglalakad papunta sa amin. Natuon ang berde niyang mga mata sa maletang nakabukas at tuluyan na siyang lumapit sa amin. "Sino 'yan?" Takang tanong ni Sir Gideon sa amin at tiningnan ang bangkay ng babae na nasa loob ng bag. "Si Eloisa Ramirez, Sir, kaibigan siya ni Chell Adler, 'yung pinatay kanina," tugon ni Natalia at naluluha siyang tumayo. "Bakit siya nadamay?" Kunot-noong tanong ni Sir Gideon sa amin. "Gusto niya kasi sanang magsumbong sa awtoridad tungkol sa nangyari sa kaibigan niya, at..." Saad ko at napatigil sabay tingin kay Natalia na puno ng takot ang mga mata niya. "At ano?" Takang tanong ni Sir Gideon at kumunot ang noo niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Natalia. "Kanina kasi, Sir, after sa incident, kompleto kasi kaming tatlo rito sa opisina namin, ako, si Stella, at Ava, at itong si Eloisa ay pumunta rito sa opisina at sinabi niya sa aming magsusumbong na talaga siya sa mga police dahil pati ang kaibigan niya ay nadamay na, tapos ito ang nangyari sa kan'ya, pinatay rin siya ni Hurricane," patuloy ni Natalia at mas lalong kumunot ang noo ni Sir Gideon sa sinabi ng sekretarya niya. "You mean nandito rin si Ava kanina habang sinasabi ng biktima na magsusumbong siya? Sinabi rin ba ni Ava kay Victoria ang sinabi ng biktima sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ni Sir Gideon sa amin. "Iyan ang hindi namin alam, Sir, kung nagsumbong ba talaga si Ava kay Ma'am, pero 'di ba po sabi ni Ma'am Victoria na walang maglalabas tungkol sa nangyayari rito sa loob?" Pagkaklaro ko at tumango naman si Sir Gideon. "Oo, nagbanta pa siya sa kahit sino mang empleyado na h'wag magtangkang magsumbong sa awtoridad, pero bakit ganito? Bakit pinatay ang biktimang ito?" Naguguluhang tugon ni Sir Gideon. "Nagdududa na talaga ako kay Ma'am Victoria, Sir, subrang daming posibilidad na siya talaga si Hurricane pero wala pa talaga kaming sapat na ebidensya na magtuturo at magpapatunay na siya si Hurricane," tugon naman ni Natalia. Bumuntong-hininga si Sir Gideon, "Hindi basta-bastang tao si Victoria, guys, masyado siyang makapangyarihan, kaya hindi niyo siya p'wedeng akusahan at kalabanin lalo na kung wala kayong sapat na ebidensya at patunay na magtuturo sa kan'ya na siya ang kalaban natin dito." "May plano nga po kami, Sir, eh," sabat ko at napatingin si Sir Gideon sa akin. "Ano?" Kunot-noong tanong niya. "Plano naming hulihin si Hurricane, at kailangan namin ang tulong ninyo, dahil sa lahat ng matataas na opisyal dito sa kompanya ay ikaw ang pinagkakatiwalaan namin dito, kaya Sir, kung maaari ay tulungan niyo kami," pagmamakaawa ko sa President. Bumuntong-hininga si Sir at tumango, "Sige, tutulungan ko kayo, pero sa isang kondisyon..." "Ano po 'yun, Sir?" Sabay na tanong namin ni Natalia. "Mag-iingat kayo, delikadong halimaw ang haharapin ninyo, hm?" Kondisyon niya sa aming dalawa ni Natalia at sabay-sabay kaming tumango sa sinabi niya. "Sige na, umuwi na kayong dalawa, ako na ang bahala rito, kailangan ninyong magpahinga dahil sa nangyayari ngayong araw," concerned na sabi ni Sir Gideon at sabay naman kaming tumango ni Natalia. |༺☬༻| Kinabukasan. Weekend na! Nag-email na rin sa amin ang kompanya na mayroon na kaming sweldo! Sa wakas! Matatanggap ko na ang sahod ko ngayong buwan! Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko sa sarili ay narinig kong may kumatok sa pinto. Binilisan ko ang pagbibihis dahil alam kong si Natalia na itong nag-aantay sa labas. "Madam? Tapos kana riyan?" Boses ni Natalia ang narinig ko sa labas ng pinto. "Malapit na! Teka, sandali lang!" Sigaw ko pabalik habang sinesentasan ko ang rubber shoes na suot ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at pinasok ko ito sa bag ko. Lumabas na ako ng apartment at bumungad sa harapan ko ang nakangiting si Natalia. "Naks naman! Blooming ang beshy ko! Pak na pak!" Masayang saad niya. "Tara na?" Tumango ako sa anyaya niya sa akin at saka ay umalis na rin kaming dalawa. Nagtungo kami sa banko kung saan ay iwi-withdraw ang sweldo namin, at sa Cyrene Bank kami pumunta dahil banko ito ng kompanyang pinagta-trabahuan namin. Kahapon lang din ako binigyan ni Sir ng cash card ko para sa sweldo ko. Sinuksok ko na ang card ko sa ATM Machine at may 200,000 na akong available to withdraw. Tinulungan naman ako ni Natalia kung paano ko makuha ang pera ko kasi hindi ko pa naman talaga alam paano 'to gagawin. "Ang init!" Mahanging saad ni Natalia at pinaypay niya ang libo-libong pera niya kahit malamig naman ang loob ng banko dahil naka-aircon naman ito. Agad ko siyang binatukan kaya napahipo siya agad sa batok niya. "Inaano ba kita?" Inis na saad niya. "Itago mo nga 'yang pera mo, baka ma-snatch pa 'yan, sige ka, wala kanang kakainin buong March," panakot ko sa kan'ya. "Chi! Paano naman ako magugutom kong nand'yan ka naman para i-libre ako ng pagkain araw-araw?" Nakataas na kilay na saad niya. "Sabi ko nga, tara na! Excited na akong mag-shopping," nae-excite na saad ko at hinatak ko na si Natalia palabas ng banko. Nagtungo kami sa mall at tinulungan niya akong mamili ng mga gamit ko para sa apartment. Tinulungan niya akong mamili ng mga furnitures and fixtures para sa apartment ko at kahit ano-ano pang binili namin na magagamit ko raw kahit hindi ko naman alam paano gagamitin. Tinulungan niya rin akong mang-grocery para ilagay sa refrigerator na binili rin namin ngayong araw. Kahit ano-ano na ang binili namin at natira na lang sa pera ko ay 95,000 pesos. "Ayan, tapos na tayo sa pamimili buong araw, ngayon, kumain na tayo kasi kanina pa kumukulog ang tiyan ko sa gutom," anyaya ni Natalia sa akin kaya hinatak niya ako papunta sa restaurant na nasa loob ng mall. Sa pangako ko ay ako ang nagbayad para sa makain namin ngayong hapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD