Capítulo Cincuenta y Uno punto dos (51.2)

1929 Words
"Bakit? Gan'yan din ba ang meaning ng Danse Macabre?" Curious na tanong ko at tumango siya. "Yes, it is a French term of Dance of Death. Nag-research na ako sa kantang 'yan before," tugon naman ni Natalia at napapitik ako dahil may realisasyon na namang pumasok sa isip ko. "French-Italian si Achlys, 'di ba?" Tumango si Natalia bilang tugon. "Exactly, French din ang Danse Macabre, ikaw na mismo ang nagsabi, so walang duda!" Dugtong ko pa matapos siyang tumango. "Still not enough, Stella, hangga't wala tayong evidence na si Achlys at Hurricane ay iisa ay hindi pa natin p'wedeng sabihing siya si Hurricane, bawal tayong magbintang kung wala tayong ebidensiya na magtuturo kay Achlys na siya si Hurricane, pero p'wede naman tayong mag-imbestiga para makakalap tayo ng impormasyon tungkol sa kan'ya," suhestyon niya at tumango naman agad ako. "Kaya nga, eh, nakakapagduda lang kasi talaga si Achlys simula pa lang noong una ko siyang nakita sa cafeteria," paliwanag ko. "Susuportahan kita riyan sa plano mo, pero please lang, h'wag na h'wag kang magpapahuli at lalong-lalo na h'wag na h'wag kang magpapahalatang ini-imbestigahan mo siya, okay?" Habilin ni Natalia sa akin kaya napanguso na lang ako. "Bakit? Wala ka bang planong tulungan ako rito?" Nakangusong saad ko. "Mas mabuti na lang na isa-isa muna, subrang hirap kung dalawa tayong mag-suspect kay Achlys at baka mahalata niya tayo, subrang talino pa naman nu'n, kasing talino ni Ma'am V!" Balita niya sa akin kaya napalaki na lang ang mga mata ko sa sinabi niya. "So makakapagsalita siya ng iba't-ibang lengguwahe?" Tanong ko at tumango naman siya. "Woah, sige sige, aalamin ko na muna siya, maghahanap pa ako ng tungkol sa kan'ya," saad ko. |༺☬༻| Napahikab na lang ako nang matapos na ako sa trabaho ko. Grabe! Antok na antok ako kahit maaga pa, mag-aalas siyete pa lang ng gabi. Maaga kasi akong gumising kanina dahil sinundo ako ni Wild tapos naka-inom pa ako kagabi, medyo masakit din ang ulo ko dahil hanggang ngayon ay may hang-over pa rin ako. "Tapos kana, Nat? Uwi na tayo, inaantok na ako, eh," anyaya ko sa kan'ya matapos kong humikab at kasabay nu'n ay pagkusot ng mga mata ko. "Malapit na 'to, saan mo gustong mag-dinner?" Saad niya habang patuloy na nagtitipa sa laptop niya kaya napalingon ako sa kan'ya. "Sa karenderya na lang, h'wag na muna tayo sa mga mamahaling restaurant, gusto ko muna mag-ipon ngayon dahil tutuparin ko pa 'yung pangarap ko para kay Mama na magtayo ng malaking bahay doon sa Sierra Madre, ihaharap ko sa itim na bahay na nandoon sa talampas," saad ko kaya napatawa naman ng mahina si Natalia at nilingon niya ako at binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Seryoso ka ba talaga riyan? Akala ko nagjo-joke time ka sa sinabi mo sa akin noon. Mhie, kailangan mo na muna ng trilyon-trilyong pera para ipanglaban sa itim na bahay na 'yun," natatawang saad ni Natalia kaya napanguso na lang ako. "Seryoso ako, uy, anong akala mo sa akin? Pinanganak na hindi sure sa buhay?" Nakataas na kilay na saad ko at inirapan ko siya. "Ge, support kita riyan, bestie," iling na saad ni Natalia at ibinaling ulit ang tingin sa laptop niya. "Nagwo-wonder pa rin ako hanggang ngayon kung kaninong bahay kaya 'yun, I mean, bakit itim? Sa dinami-raming p'wedeng ipangkulay sa bahay niya, itim talaga 'yung pinili. Siguro hindi makulay 'yung buhay niya, siguro puno ng kalungkutan ang buhay niya, 'di kaya ay puno ng kadiliman ang isip niya, or baka, pinagkaitan talaga siya ng liwanag sa buhay," saad ko habang nag-isip-isip. "Hm... Siguro lahat 'yan ang sagot sa tanong mo, sino ba naman kasing baliw na pagtripan ang isang malaking mansion na 'yun sa pamamagitan ng pagkulay ng itim sa buong bahay? Hindi naman din p'wedeng magbabase sa mood niya kasi paiba-iba naman ang mood ng tao, or baka... Favorite niya lang siguro ang black," tugon naman ni Natalia sabay patay sa laptop niya at sinarado na ito. Tumingin siya sa akin at may kaunting ismid sa kan'yang labi. Agad akong napa-iwas ng tingin sa kan'ya dahil ang unusual lang niya ngayon dahil sa munting ismid niya. "Tara na, Stella? Mukhang gutom kana yata, namumutla ka na, eh," anyaya ni Natalia kaya napatingin ako ulit sa kan'ya dahil sa gulat. Nang tingnan ko siya ulit ay sumalubong agad ang nakangising ngiti niya. "H-Huh? S-Sige," nauutal na tugon ko at mabilis na tumayo sabay kagat sa ibabang labi niya. "Ano ba 'yun?" Bulong ko sa sarili at huminga ng malalim. "Are you okay, Stella?" Malamig na tanong ni Natalia sa likuran ko. Nakatalikod na ako sa kan'ya ngayon. "Ah, oo, tara na," malamig na tugon ko rin at hindi ko na siya nilingon. Nagdiretso na ako papuntang pinto ng opisina at saka ay pinihit na ang doorknob nito. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bigla akong napatigil nang may marinig na naman akong kanta sa buong hallway. Mahina lang ito ngunit lumalakas siya kalaunan. "Marche Slave," bulong na saad ko at saka ay nilingon ko si Natalia na ngayon ay nakatayo na sa likuran ko, malapit sa akin. "Nat... Anong araw ngayon?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya at saka ay isinukbit niya sa balikat niya ang itim niyang shoulder bag. "May 3, bakit?" Kunot-noong tanong niya at napatingin ako sa oras na nasa phone ko. Alas siyete ng gabi. "Hindi ba, kada 1, 5, 6, 10, 18, at 25 ng buwan pumapatay si Hurricane ng empleyado rito sa Cyrene? Bakit nalipat na sa 3?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya at napa-angat na lang si Natalia sa dalawang balikat niya. "Ewan, nagbago yata ang schedule ng killing day niya? Kasabay ng pagbago ng kanta?" Tugon niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Tara na nga, hanapin na muna natin kung saan nilagay ni Hurricane 'yung biktima niya bago tayo umuwi," anyaya ko sa kan'ya at nauna na akong lumabas sa opisina, sumunod naman si Natalia sa akin agad. Naglabasan na rin ang ibang mga empleyado sa kani-kanilang opisina at namataan ko si Achlys na ngayon ay kakalabas lang din sa opisina nila. Dali-dali akong lumapit sa kan'ya. "Stella, ano na naman ba 'to? May na-deads na naman ba?" Naguguluhang tanong ni Achlys kaya hinawakan ko ang malamig niyang kamay. "Kalma lang. Pero bakit ang lamig ng kamay mo? Para ka namang patay dahil sa lamig nito?" Kunot-noong tanong ko sabay tingin sa kamay niya na hawak-hawak ko at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kan'ya. "Gan'yan lang talaga ang kamay ko, h'wag mo na pansinin," tugon niya at nabaling na lang ang atensyon ko sa phone ko na tumunog. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko at tiningnan kung sino ang tumawag. Handsome Wildfire is calling... Sinagot ko na agad ang tawag ni Wild at inilapit na ang phone ko sa aking tainga. "Hello, Sir Wild?" Bungad na tanong ko. "Stella, pumunta na kayo agad dito sa 3rd floor ng Cyrene, nandito ang biktima ni Hurricane, I need your help for this," saad ni Wild sa kabilang linya. "Sige, Sir, papunta na po," tugon ko at nagbabaan na kami ng tawag. "Anong sabi?" Tanong ni Natalia at napalingon ako sa kan'ya na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. "Nasa 3rd floor daw ng building ang biktima ni Hurricane, puntahan na natin," sagot ko at tumango naman ang dalawang babaeng kasama ko at saka ay nauna na akong umalis sa kanila at sumunod naman sila. Sumunod din sa amin ang ibang empleyado na nandito sa floor na ito at saka ay pumasok na kami sa elevator at bumaba na papuntang 3rd floor. Pagdating namin doon ay bumungad agad sa harapan namin ang nagkukumpulang mga tao sa hallway. Bakit ang dami na nila agad dito? "Padaan po," saad ni Natalia at saka ay gumilid naman ang mga empleyado kaya nakadaan kami sa gitna nila. Mabuti na lang talaga at kilala kami ng lahat ng empleyado rito kaya mabilis din namin silang mapasunod. Sa ilang sandaling paglalakad namin sa gitna ng maraming tao ay nakarating kami sa comfort room kung saan ay nandoon na rin si Wild at parang may tinatawagan siya. Agad-agad naman kaming pumasok ni Natalia at Achlys sa banyo ng mga babae at saka napatingin ako sa isang cubicle kung saan banda nakaharap si Wild. Napatakip na lang ako sa aking bibig nang makita ko kung ano ang nangyari sa biktima ni Hurricane. "Oh... My... God..." Napasinghap na saad ni Achlys at halata talaga sa boses niya ang pagkagulat. Nangitim ang buong katawan ng biktima at sunog na sunog ito. Hindi ko na mawari kung sino ito o babae o lalaki ba ang biktimang ito. Subrang itim na ng katawan niya at naka-upo siya ngayon sa bowl at nakasandal siya sa pader. "Sinunog? Grabe! Grabe!" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia. "First time pa lang ito sa Cyrene. Simula pa noon ay hindi kailanman nagsunog ng tao si Hurricane, at ngayon lang talaga 'to," saad ni Wild matapos niyang ibulsa ang phone niya. "Ngayon pa po ba kayo nakakita ng sunog na tao, Sir Wild?" Curious na tanong ni Achlys at napa-iling na lang si Wild. "Hindi, ikalawang beses ko na itong nasaksihan, una ay ang nangyari sa buong pamilyang Cyrene at ikalawa ito ngayon," tugon niya kaya napatango-tango naman si Achlys. Pumasok ako sa cubicle at saka ay kinuha ang nakatusok na rosas sa dibdib ng biktima. Preskong-presko pa ang rosas habang 'yung bangkay ay sunog na. Napatingin ako sa rosas at napakunot na lang ang noo ko nang wala akong makitang papel doon. Tanging nakikita ko lang ay ang malalaking pangalan ni Hurricane at ang mga numerong 7,762 na naka-ukit sa ibaba nito. "May clue pa rin ba, Stella?" Tanong ni Natalia kaya napalingon ako sa kan'ya at umiling. "Wala ng papel na nakadikit sa rosas, mukhang 'yung biktima ni Hurricane noong May 1 ang pinakahuling clue," tugon ko kaya napakuha si Natalia sa phone niya at may hinalughog siya roon. "Then, 18, 26, 14, 8, 7, 22, 15, 15, at ang panghuli ay ang 26," pag-recite ni Natalia sa mga numerong nakolekta namin. "Sir, may naisip na ba kayong p'wedeng ipang-solve sa mga numerong 'yan? May naisip na ba kayong p'wedeng paggamitan n'yan?" Tanong ko kay Wild kaya napatingin siya sa akin at napa-igting ang kan'yang panga, mukhang malalim ang kan'yang iniisip. |༺☬༻| General POV "Ms. Yoshida, Apple was calling," saad ng isang lalaking bodyguard ni Yoshida. Ibinigay naman ng lalaki ang phone sa babae at sinagot naman ito agad ni Yoshida. "Apple, napatawag ka?" Kunot-noong tanong ni Yoshida at tiningnan niya ang mga kasamahan niya na ngayon ay naka-upo sa kani-kanilang mga pwesto. "What?! Si Sofia?!" Pasigaw na saad ni Yoshida kasabay ng pagtayo niya. Nagulat naman ang lahat dahil sa biglaang pagsigaw ni Yoshida. "Oh my.. God..." Pabulong na saad ni Yoshida at napatakip siya sa kan'yang bibig at kasabay nu'n ay ang paghulog ng cellphone na dala-dala niya habang ang mga luha niya ay nagpapaunahan na sa pagtulo. "Why? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Shane at napa-upo na lang si Yoshida sa sofa at napasapo na lang siya sa buong mukha niya at umiyak na ng tuluyan. "Sofia..." Bulong ni Yoshida habang humihikbi. Naguguluhan namang tumingin sa isa't-isa ang mga kasamahan niya dahil hindi nila maintindihan kung ano ang nangyari sa right hand ni Yoshida na si Sofia. "She was... Burned to death..." Pabulong na sagot ni Yoshida kaya napatakip na lang si Eunice at Shane sa bibig nila kasabay ng pagsinghap nang marinig nila ang sinabi ni Yoshida. Naka-upo silang dalawa sa tabi ni Yoshida kaya narinig nila ang bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD