"Ano raw sabi?" Kunot-noong tanong ni Ace sa dalawang babaeng katabi ni Yoshida.
"Si Sofia, sinunog daw hanggang sa mamatay," sagot ni Eunice habang hinahaplos naman ni Shane ang likod ni Yoshida.
"Teka, tatawagan ko si Apple at Aira para ipadala rito ang katawan ni Sofia," suhestyon naman ni Thaddeus at kinuha ang cellphone niya at nagtipa ng numero at tinawagan si Apple na kan'yang right hand.
"Dalhin niyo siya agad dito, h'wag kayong magpapahuli, nakaka-intindihan ba tayo?" Habilin ni Thaddeus sa right hand niyang si Apple at saka ay binaba na ang tawag.
"What in the world?!" Gulat na saad ni Kingstone habang may tinitingnan sa phone niya. Napalingon naman ang mga kasamahan niya sa kan'ya.
"Bakit, Kingstone?" Kunot-noong tanong ni Travis na ngayon ay naka-upo sa harapan niya.
"Nag-notify sa akin ang lahat ng bangko na pinaghulugan ko ng mga pera ko na 'You successfully withdrawn your money', eh, hindi naman ako nag-withdraw ng pera, eh!" Saad ni Kingstone.
"Check mo nga ang bank account mo, baka may natira pa," suhestyon naman ni Matthew kaya napatango si Kingstone habang may hinahalughog sa cellphone niya.
"Oh..." Tanging saad ni Kingstone.
"Why?" Kunot-noong tanong naman ni Emmanuel.
"Zero balance lahat! Nawala ang bilyon-bilyong dolyar ko na inihulog ko sa iba't-ibang bangko sa buong mundo!" Nanginginig na tugon ni Kingstone at napalapag na lang siya sa cellphone niya sa maliit na mesa at napahilamos sa mukha niya.
"You are hacked, your bank account was hacked, all your assets are gone, Kingstone. Pati rin ba ang mga ari-arian mo?" Tanong naman ni Lorean at tumango naman si Kingstone.
"Lahat ng mga ari-arian ko, pati mga bahay ko at mga lupa na ngayon ay nakalagay sa bangko ay wala na, tanging ang Blue Blood Sky Airlines na lang ang nasa akin," naluluhang saad ni Kingstone.
"Secure it right away, baka pati 'yang kompanya mo ang mawala rin!" Saad naman ni Travis.
"It was secured..." Napatigil na lang si Kingstone nang may tumawag sa phone niya at napatingin siya rito. Kinuha niya agad ang cellphone niya nang makita niya ang pangalan ng secretary niya sa Blue Blood Sky Airlines.
"Riz..." Bungad na saad ni Kingstone.
"Sir, nagkakagulo po rito sa loob ng kompanya, totoo po bang isasanla niyo na ang kompanya? May magtutubos na po sa kompanya ninyo, nasa kanila na ang mga papel at dokumento, magpipirma na sila ngayon," balita ng sekretarya ni Kingstone.
"Ano?! Teka! Bakit ngayon ka lang tumawag?!" Galit na saad ni Kingstone.
"Ngayon pa lang po kasi dumating 'yung magtutubos sa kompanya, tumawag kasi kay Pres 'yung world bank na kukunin na raw po nila ang Blue Blood Sky Airlines dahil naubos na po ang mga ari-arian ninyo, sabi rin nila na lubog na kayo sa utang ngayon, kaya kukunin nila ang kompanya at ibebenta, may tutubos na nga agad ngayon," sagot naman ng sekretarya ni Kingstone kaya kumunot ang noo niya sa narinig.
"World bank?! May utang ako sa world bank?!" Hindi makapaniwalang saad ni Kingstone sabay sapo sa noo niya.
"Opo, isang trilyong piso po, kulang pa nga po 'yung halaga nong kompanya niyo po, eh, pero bibilhin po 'yung kompanya niyo po ng isang trilyong piso rin," sagot naman ni Riz sa kabilang linya.
"Sino... Sino ang magtutubos sa kompanya?" Stress na saad ni Kingstone sabay hilamos sa mukha niya at bumuntong-hininga.
"Babae po siya, Sir, pangalan niya ay Frey... Frey... Basta Frey po ang name niya, nahihirapan lang akong banggitin ang apelyido niya kasi Russian po kasi siya," sagot naman ni Riz sa kabilang linya.
"Pupunta ako, pupuntahan ko kayo," saad ni Kingstone at tumayo na mula sa inuupuan.
"Ay, Sir, tapos na ang deal nila, ngayon pa lang po natapos 'yung pagpirma ng kontrata," balita ni Riz kaya napatigil si Kingstone.
"Hindi niyo man lang ako inantay?!" Galit na saad niya sa kan'yang katawag.
"Nagmamadali po kasi si Ms. Frey, Sir, pati na rin 'yung banko, mukhang papaalisin na nga rin kami sa trabaho ngayon, Sir, bye na po," paalam ni Riz at una niyang binabaan ng tawag si Kingstone kaya napa-upo na lang ulit si Kingstone sa sofa na inuupuan niya.
"Hurricane, I know it's Hurricane, alam kong kagagawan ni Hurricane ito," paninisi ni Kingstone at napasabunot na lang siya sa kan'yang buhok.
"I think kailangan na natin ng tulong sa 'Ndrangheta, they can help us resolve this problem, and to defeat Hurricane as well," suhestyon naman ni Lorean kaya napatango naman ang iba sa kanila.
"Indeed, tatawagan ko na sila ngayon," boluntaryo ni Ace at saka ay nagtipa na sa phone niya.
|༺☬༻|
"Cheers for our success everyone! One down out of ten, grabeng lugmok ni Kingstone ngayon," natatawang saad ni Hurricane matapos silang mag-angat sa kani-kanilang baso na may lamang alak.
"So, who's next, Your Majesty?" Naka-ismid na tanong ni Bloodstone sabay inom sa baso niya.
"Pag-iisipan ko pa, natutuwa pa kasi ako ngayon sa ganap sa Cyrene at sa ganap ni Kingstone sa ngayon, saka ko na pag-iisipan kung sino ang isusunod ko," tugon ni Hurricane at saka ay isang beses na nilagok ang isang basong alak.
Napatahimik na lang ang lahat nang biglang tumunog ang phone ni Goldstone. "Oh, someone is calling, a call from our dearest enemy," natatawang saad ni Goldstone at nilagok ang isang basong alak sabay lapag nito sa lamesa at kinuha ang phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Hey, Ace, what's up?" Bungad na tanong ni Goldstone.
"Krypton, we need your help, the help of 'Ndrangheta," tugon ni Ace sa kabilang linya.
"Why? What happened?" Sincere na tanong ni Goldstone at umisimid habang nakatingin kay Hurricane na ngayon ay naka-ismid din habang nakamasid sa kanila.
"Loudspeaker mo, Krypt," bulong ni Amethyst kaya napatango naman si Goldstone at pinindot ang loud speaker ng phone niya at saka ay nilapag ulit ang phone sa lamesa.
"Kingstone, his bank account was hacked! Pati 'yung kompanya niya wala na," balita ni Ace kaya napatawa naman ng mahina si Hurricane sa narinig niya.
"Wait? What? Papaanong na-hack? Sinong nag-hack? Naubos ba ang lahat ng pera niya?" Sunod-sunod na tanong ni Goldstone sa katawag niya.
"Yes, zero balance na ang lahat sa kan'ya, then 'yung kompanya niya binili ng isang babae lang, bwesit! Alam naming kagagawan ni Hurricane ang lahat ng ito, alam naming siya ang nag-hack sa lahat ng bank account ni Kingstone," paliwanag ni Ace kaya napakagat na lang si Goldstone sa ibabang labi niya para pigilan ang nagbabadyang pagtawa niya.
"Baka si Hurricane talaga, so ano ang plano natin laban sa kan'ya?" Tanong ni Goldstone at natahimik naman ang kabilang linya.
"New encounter with the Nebuchadnezzar against the 'Ndrangheta, gusto naming kayo ang maglaban, we can't fight against them, masyadong malalakas ang mga pwersa ni Hurricane," suhestyon ni Ace matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan ng dalawang linya.
"Oh, maganda 'yan, pero... First things first, we need to do business here, money in exchange for the services and lives of our men, hindi p'wedeng basta-basta lang namin isasabak ang mga tauhan namin na walang return. We adore our men so much, and we need to fight for them as well, so deal?" Suhestyon ni Goldstone at tiningnan niya ang mga kasamahan niya na ngayon ay tuwang-tuwa habang nakikinig sa tawag nila.
"Deal. Pero magkano ba ang gusto ninyo at babayaran din namin?" Tanong ni Ace.
"It depends kung ilang tauhan ang mamamatay sa amin, you can pay us after the fight para mabilang namin kung magkano ang kailangan namin," suhestyon naman ni Goldstone.
"Okay. Deal," Ace agreed. Pinatay na agad ni Goldstone ang tawag bago siya maunahan ni Ace.
"Then, the fate is in our hands, Your Majesty, lahat ng pinaplano mo at mga predictions mo ay mukhang magkakatotoo," saad naman ni Heidi matapos ang tawag ni Goldstone at Ace.
"Yeah, the universe is not against us, karma is karma, and I'm the karma, they'll pay for what they did to me. Life in exchange of life, death in exchange for the death they gave me. They don't even know na nasa laro na pala kami na ako ang gumawa, ako ang game master, at ako rin ang naglalaro kasama sila, and for sure, ako na ang panalo kahit kaunti lang ang gagawin ko," naka-ismid na sagot naman ni Hurricane.
"Naks! Bagay na talaga sa 'yo isabak sa Theater, Your Majesty, p'wede mo na rin lamangan si Nora Aunor bilang Superstar, p'wede mo na siyang palitan," natutuwang saad naman ni Heliodor pero agad naman siyang tinutukan ni Hurricane ng baril.
"Kung ikaw kaya palitan ko? Gusto mo palitan ko ang buhay mo?" Pagbabanta ni Hurricane kaya napa-angat naman si Heliodor sa dalawang kamay niya.
"Surrender, Your Majesty, nagjo-joke time lang naman ako, seryoso mo naman," nakangiting saad ni Heliodor at nag-puppy eyes pa siya kay Hurricane.
"Gusto mo buhay mo ang gagawin kong joke time? Baka joke lang siguro na buhay ka sa mundong ito, baka ang totoong buhay mo ay nasa sperm pa ng Great-great-great-grandfather mo? What if naglu-lucid dreaming ka lang? Or astral projection? Gusto mo ibalik kita sa reyalidad na wala ka sa mundong ito?" Pagbabanta ni Hurricane.
"Sorry na, Kamahalan, love naman kita, eh, mwa!" Asar ni Heliodor.
"You are disgusting, hindi kita papatulan, may gusto na akong iba," tugon ni Hurricane at napa-iling.
"Ouch, pain, pighati, dalamhati, kirot, sakit, hurt, ache, ill," sunod-sunod na saad ni Heliodor at napahipo siya sa dibdib niya.
"Stop that, Heliodor, hindi mo ba alam na may anak kana?" Saad ni Hurricane kaya napatigil si Heliodor sa kadramahan niya at gulat na gulat na napatingin kay Hurricane.
"Ano?! May anak ako? Sino? Kailan? Papaano?! Wala akong inanakan!" Depensa naman ni Heliodor at napa-iling naman si Hurricane.
"Atarah... Atarah Carvelaux, naka-one night stand mo siya sa Cyrene Hotel, April 14, 2024 exactly at 10 PM, and she's now 2 weeks pregnant with your child. Atarah is a writer, and mostly, content sa bagong libro niya ngayon ay tungkol sa 'yong hayop ka," balita ni Hurricane kaya napakurap-kurap naman si Heliodor sa narinig niya.
"What the... Papaano mo nalaman, Kamahalan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Heliodor.
"Easy-peasy, walang nakakatakas sa paningin ko, Heliodor, walang tao sa paligid ko ang may sekretong hindi ko alam, all secrets I know and they are here inside my head," naka-ismid na tugon ni Hurricane sabay turo sa gilid ng ulo niya.