Capítulo Cincuenta y Uno punto uno (51.1)

1606 Words
Stella's POV Nandito kami ngayon sa bar. Tinupad ko 'yung usapan naming tatlo kahapon na pupunta kaming bar ngayon. Mabuti na lang at hindi na talaga bago sa akin ang bar kaya sanay na ako sa ingay. "I can't endure the noise here, sumunod na lang kayo sa akin!" Malakas na saad ni Achlys laban sa matinding ingay ng mga speakers at hiyawan ng mga taong nagsasayaw sa gitna. "Bakit? Saan mo ba kami dadalhin?!" Sigaw naman pabalik ni Natalia. "Basta, sumunod na lang kayo!" Sigaw naman pabalik ni Achlys at nauna na siyang lumakad at sumunod naman kami sa kan'ya. Sumisiksik kami sa mga taong nagsasayaw habang naglalakad sa gitna ng maraming tao. Napahinga naman kami ng maluwag nang maka-ahon kami mula sa dagat ng mga tao sa gitna. Para kaming ginawang toothpaste na papaubos na dahil parang pinipiga ang katawan namin sa gitna ng maraming taong nagsasayaw. Sumunod na lang kami kay Achlys kung saan siya pupunta. Nandito na kami sa isang tahimik na hallway pero naririnig pa rin namin ang musika at hiyawan ng mga tao mula sa labas. Kakaunti lang ang mga taong dumadaan dito at mostly ang mga nakakasalubong namin ay parang mayayaman. "We're here," saad ni Achlys at huminto siya sa harapan ng isang puting pinto at napa-angat ang tingin ko sa sign na nakalagay sa ibabaw ng pinto. "VIP Room," basa ko sa signage na nasa taas. "Sa VIP Room mo kami dadalhin, Achlys?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia at lumingon naman si Achlys sa amin na nakatayo sa likuran niya at ngumiti siya ng malapad. "Yes, hindi ko kaya ang subrang ingay ng mga tao, eh, gusto ko 'yung slow at classical music na medyo romantic, tapos masarap ang vibes, hindi 'yung sigawan ng mga tao," paliwanag niya at napatango naman ako. "Pasok na tayo." Pumasok na kami sa VIP Room kung saan kami dinala ni Achlys. Pagpasok namin ay tahimik lang ang lugar at ang ilaw nito ay kulay yellow. Kahit tahimik ay mayroon namang mahinang kanta na naririnig namin mula sa speaker na nasa kisame. "If bored kayo sa ganitong music, may karaoke naman dito," saad naman ni Achlys sabay turo sa isang nakapatay na malaking TV na nakadikit sa puting pader. "Wow! 'Yan ang gusto ko! Karaoke! Subrang tagal ko ng hindi nakapag-karaoke, eh," natutuwang saad ko at napa-palakpak. "Then, let's grab the opportunity! Gusto ko rin marinig ang boses mo kapag kumakanta, siguro mala-anghel din ang boses mo kagaya sa mala-anghel mong ganda," puri ni Achlys sa akin at ngumiti siya. "Bola ka pa, tara na nga, gusto kong kumanta!" Masayang saad ko at nauna ng lumapit sa TV. "Mag-antay ka lang, Little Angel, kailangan munang i-set up 'yang TV, tatawag muna ako ng waiter para puntahan tayo rito," pigil ni Achlys kaya napabagsak ang mga balikat kong nilingon siya. Nagtungo na lang ako sa sofa kung saan sila naka-upo ngayon. "Tumawag na ako ng waiter, papunta na rin siya rito," saad ni Achlys sabay patay sa phone na hawak-hawak niya. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto at ilang sandali pa ay bumukas ito at niluwa ang isang makisig na lalaki na mayroong kulay tsokolate na mga mata. Napalaki na lang ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya. "Oh, nandito na pala siya, Aeris, come here!" Tawag ni Achlys sa lalaki. Lumapit na ang lalaki sa amin at titig na titig ako sa kan'ya dahil nakita ko na siya ulit. Napatingin siya sa akin sabay ismid at ibinaling niya ang tingin kay Achlys at ngumiti siya sa kasama namin. "Ano po ang order ninyo, Achlys?" Casual na tanong ng lalaki kay Achlys na para bang magka-ibigan talaga sila. "Dalawang bote ng Italian Whiskey, and... Ikaw, Stella? Ano ang gusto mo?" Tanong ni Achlys pero hindi ako nakatingin sa kan'ya dahil nanatili pa ring nakapako ang tingin ko sa lalaking kausap niya. "Little Angel, what's your order?" Tanong ulit ni Achlys sabay yugyog sa akin kaya nabaling ang atensyon ko mula sa lalaki papunta sa katabi ko. "H-Huh? A-Ano lang... Uhm... Cocktail," nauutal na sagot ko kaya napakunot ang noo ni Achlys habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Are you okay?" Kunot-noong tanong niya sa akin kaya peke akong ngumiti at tumango. "Oo, ayos lang ako," tugon ko at umiwas na ng tingin sa bughaw niyang mga mata at saka ay tiningnan na lang ang kawalan. "Good to know, ikaw ba, Nat? Anong gusto mo?" Tanong ni Achlys pero hindi ko na inintindi pa kung ano ang pinag-uusapan nilang tatlo dahil iniisip ko pa rin ang lalaking nakatayo sa harapan namin. |༺☬༻| "Mag-banyo lang muna ako sandali, I'll be right back," paalam ni Achlys matapos niyang kantahin ang Middle of the Night sa karaoke. "Sige," tugon naman ni Natalia at sinundan namin ng tingin si Achlys na papunta na sa banyo na nandito sa loob ng VIP Room. "Nat, Nat, 'yung waiter ba," paninimula ko nang hindi na namin namataan si Achlys. "Oh, bakit? Ang pogi, 'di ba?" Nakangiting tugon ni Natalia. "Oo, pero hindi 'yan 'yung point ko, nakita ko na siya, nahuli namin siya ni Wild noong kakasimula pa lang ng April, isa siya sa mga prospect or proxy ni Hurricane," agad-agad na tugon ko kaya napakunot ang noo ni Natalia na para bang hindi niya nakuha ang punto ko. "Proxy ni Hurricane? Hinuhuli ninyo si Hurricane?" Naguguluhang tanong niya. "Oo, noong nakaraan 'yun, pero natigil matapos makalabas ni Wild sa kulungan, tapos 'yung lalaki isa 'yun sa anim na proxy ni Hurricane na nahuli namin that time, at..." Saad ko pero nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ang sasabihin ko. "At magkakilala sila ni Achlys, 'yan ba ang point mo?" Dugtong ni Natalia at napatango ako. Napabuntong-hininga siya, "Stella naman, itigil mo na 'yung pagdududa kay Achlys, wala naman siyang masamang ginagawa, eh," depensa naman ni Natalia. "Hindi naman sa nagdududa ako, pero... H'wag na nga lang," nakayukong saad ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Natalia at kasabay nu'n ay ang tunog ng pagbukas ng pinto ng CR. "Oh, Stella, bakit hindi ka pa pumili ng kanta?" Tanong ni Achlys sabay upo sa tabi ko. "Ah, teka, nakalimutan ko," saad ko sabay kuha sa song book at saka ay hinanap na ang kanta na kakantahin ko ngayon. "Ito, may nahanap na ako," saad ko at kinuha ang remote at nagpindot na sa mga numero roon at pagkatapos ay pinindot ko ang enter. Tumunog na ang kanta at napatingin ako kay Natalia na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin. "You're the Devil in disguise?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia nang mabasa niya ang title ng kanta pero nginitian ko na lang siya sabay baling sa atensyon ko sa malaking TV. "You look like an angel, Walk like an angel, Talk like an angel, But I got wise, You're the devil in disguise~" pagkanta ko. |༺☬༻| Maaga akong nakarating sa opisina ngayong araw, sabay kami ni Wild na pumunta rito dahil sinundo niya ako. Pagpasok ko sa opisina ay bumungad agad sa akin si Natalia na ngayon ay prenteng naka-upo sa swivel chair niya at naka-cross legs pa at naka-cross arm habang nakaharap sa akin. "Stella, let's talk," seryosong saad niya. "Ayaw kol, bata pa ko kol," mapang-asar na tugon ko at ginaya ang boses nung babae sa viral video na 'yan sa face book. Mas lalong kumunot ang noo ni Natalia at napabuntong-hininga sabay tayo at naka-cross arm pa habang naglakad papunta sa akin. "Ano ba ang problema mo kay Achlys?" Kunot-noong tanong niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Nat, kahit ano pang sasabihin ko pero ayaw mo rin naman makinig, eh," tugon ko naman at napabuntong-hininga siya at saka ay ibinaba ang dalawang kamay na naka-cross arm. "Wala namang ginagawang masama 'yung tao, Stella, kaya h'wag mo siyang pagdudahan dahil hindi ka naman niya ginagawan ng masama," depensa naman niya. "Gusto mo ba talagang masagot ko ang tanong mo o dedepensahan mo lang siya palagi?" Kunot-noong tanong ko at napabuntong-hininga naman siya ulit. "Sige, sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin tungkol sa kanya, makikinig ako," walang emosyong tugon niya. "Alam mo ba ano ang ibig sabihin ng pangalan niya? Si Aeris, close sila, tapos noong namatay si Kennethly noong nakaraang araw, nag-chat sa akin si Achlys before mangyari 'yun sabi niya na sa parking lot kami magkikita bandang 7 PM, kaya nga narealize ko sa gabing 'yun na sa parking lot dinala ni Hurricane si Kennethly dahil 'yun ang sinabi ni Achlys. Nagdududa ka rin ba kung papaanong na-hack ang system ng Cyrene at bakit si Achlys lang ang nakapag-apply sa website natin at nakapag-appointment?" Sunod-sunod na saad ko kaya natahimik si Natalia at napa-iwas ng tingin. "Hindi ba kaya ay may nagsabotahe at isa na si Achlys doon? Imposible namang wala siyang kinalaman dahil bakit siya lang ang nakapag-apply sa Cyrene na kapag magbubukas ang application ng Cyrene agad-agad naman 'yang dudumugin ng mga tao? Tapos kung paano ako tawaging Little Angel ni Achlys na unang beses akong tinawag ng gan'yan ay galing pa ni Hurricane? Isipin mo nga, Nat, isipin mo ang lahat ng sinabi ko," patuloy ko pa at sinubukan kong sundan ang tingin niya pero nanatili pa rin siyang naka-iwas. "Ano ba ang ibig sabihin ng pangalang Achlys at parang big deal sa inyo 'yan ni Sir Wild?" Tanong ni Natalia sabay baling ng tingin sa akin. "Goddess of Death, Demon of Death, Goddess of the Eternal Night, Spirit of Misery and Sorrow, iyan ang ibig sabihin ng pangalan niya," sagot ko at mas lalong kumunot ang noo niya. "Sounds familiar... Parang kaparehas lang ng Danse Macabre," saad niya at napa-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD